Paano Lumikha ng Epekto sa Larawan na Cool Glitch sa Adobe Photoshop
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Ang Epekto sa
larawan ay mahusay na paraan upang magsanay at gamitin para sa iyong husay sa
Photoshop. Sa leksiyon na
ito, matututunan kung paano lumikha ng isang fun photo glitch effect gamit ang
Marquee Tools, ang Wave filter, at iba pa!
Ang mga Tutoryal na Asset
Ang mga sumusunod na bagay na may halaga ay ginamit sa produksiyon ng pagtuturong ito.
Pangunahing
kaalaman sa Photo Glitch: Ano ang Dapat Mong Malaman
Para makuha mo ang posibleng pinakamahusay na resulta para makamtan ang epekto hango sa mga senaryo sa totoong buhay, makakatulong kung ikaw ay magsasaliksik. Kung kaya’t ating alamin kung ano ang glitch.
Ang uri ng
glitch na ating tatalakayin ay karaniwan sa telebisyon o mga laro sa video. Ang mga
glitches na ito ay mga software errors o bugs na madalas ay sanhi ng may
pinsalang signal. Ang pinakawakas
nito ay iiwan ang iyong screen ng hindi kapani-paniwalang pagkasira at mahirap
gawin.
Sa pagtuturong ito, kailangan natin tandaan ang ilang key visual characteristics upang makamit ang itsurang ito. Ito ay ang mga:
- Tulis-tulis na
mga linya o alon
- Hindi gumagalaw o estatik na itsura
- Baligtad na mga kulay
Gumawa ng ilang
pagsasaliksik sa Google para magbigay inspirasyon at sanggunian sa deck. Sumangguni sa kanila ng madalas para sa pag-eksperimento sa istilong ito
para sa sarili, o magpatala ng tulong sa mga propesyonal na nag-didisenyo mula
sa Envato Studio.

Kung ikaw ay
nakakaranas ng kaguluhan para makamit ang itsurang ito, huwag kalimutan na
maari mong lampasan ang prosesong ito sa pamamagitan ng pag-downlod ng isa sa
aming hindi kapani-paniwalang Epektong Glitch sa Larawan mula sa GraphicRiver at Envato Elements.
1. Paano iayos ang Epektong Glitch sa Larawan
Hakbang 1
Tayo na’t magsimula! Ako’y gagamit nitong Hipster Stock mula PhotoDune para sa pagtuturong ito. Para sa partikular na itsura na ito, makakatulong kung ang iyong pipiliin na stock kung saan ang modelo ay may kanto na makikita mo nang malinaw dahil kailangan natin itong tanggalin mula sa likuran. Ito rin ay dagdag na bonus kung ang likuran ay solidong kulay o hindi gaanong nakakagambala gaya nitong mga kahoy na panel.

I-klik ng doble
ang Likuran na layer para maging Bagong Layer. Lumikha ng
Bagong Layer (Control-Shift-N) na nakapwesto sa ilalim ng iyong sanggunian. I-set ang Foreground Color sa puti, at punan ang layer nang puti gamit ang Paint Bucket Tool (G).

Hakbang 2
Piliin ang
Magnetic Lasso Tool (L). Ito ay
makatutulong sa atin na tanggalin ang sanggunian sa pamamagitan ng madaliang
pag-snap sa gilid ng iyong modelo. Gamitin ang
Magnetic Lasso Tool (L) upang lumikha ng kumpletong pagpili sa paligid ng modelo. Kung ikaw ay
tapos na, mag klik sa kanan at piliin ang layer gamit ang Copy to create a
quick duplicate.

Hakbang 3
Piliin ang
orihinal na stock. Gamitin ang
Free Transform Tool (Control-T) para dalhin ang nasa gilid ng likuran para mailantad ang
ibang puti sa kanan at sa kaliwa.

Bilang
kahalili, kung ang iyong stock ay walang likuran, maari kang magdagdag ng
parihaba gamit ang Rectangle Tool (U) gaya ng halimbawa sa ilalim.

2. Paano mag-desaturate ng Larawan
Hakbang 1
Sa
pagpapatuloy, Ating i-desaturate ang
larawan na ito para sa mas monochromatic color palette. Piliin ang
layer para sa nagupit na modelo at pumunta sa Image > Adjustments > Hue &
Saturation. Babaan ang
Saturation sa -95 para matanggal ang karamihan sa kulay ng larawan.

Hakbang 2
Maari mong ayusin ang pangunahing larawan nang higit pa sa pamamagitan ng paggamit ng Levels. Piliin ang natanggal na layer ng modelo ulit at pumunta sa Image > Ajustments > Levels. Ayusin ang Levels para sa RGB Channel na may mga sumusunod na settings:
- Shadow Input Level: 0
- Midtone Input Level: 0.92
- Highlight Input Level: 255
- Output Levels: 17, 255
Ang resulta ay banayad,
at napaaliwalas nito ng bahagya ang modelo.

3. Paano Lumikha ng Linear Glitch Distortion
Hakbang 1
Ang susunod na parte ng epekto ay para gawing muli ang jagged photo distortion na nagagawang magmukhang ang nakikita ay wala sa lugar. Para gawin ito, una ay piliin ang stock at model layers at Merge ang mga ito.

Hakbang 2
Ngayon ay
piliin ang Rectangular Marquee Tool (M). Lumikha ng
dalawang payat na pagpipilian sa photo layer. Una ay lumikha
ng isa sa ilalim, at pagkatapos ay diinan ang Shift key para magdagdag ng ibang
pagpipilian sa ibabaw.

Pindutin ang V
key sa iyong keyboard para lumipat sa Move Tool. Gamitin ang
Left Arrow key para ilipat ang mga napili sa kaliwa. Maaring
kailangan mong pindutin ito ng makailang beses o hawakan ito nang may katagalan
para makamit ang nais na resulta.

Hakbang 3
Maari mong
ipagpatuloy ang prosesong ito sa isang layer, ngunit sa huli ay maaring meron
pa din bakas na puting puwang na hindi magandang tignan. Kaya para
maiwasan ito, kopyahin ang Model Layer at gamitin ang kinopya para lumikha ng
distortion.
Muli, gamitin
ang Rectangular Marquee Tool (M) upang lumikha ng iba pang pagpipilian, igalaw sila
sa iba’t-ibang direksiyon sa pamamagitan ng Left Arrow at Right Arrow keys. Dito ay lumikha
ako ng dalawa pa at inilipat sila ng bahagya sa kanan.

Mapapansin na
dahil sa meron kopya ng larawan sa likod ng layer na ito, ang humantong na
itsura ay nagpapakita ng layer sa likod imbes na ang kulay puting likuran.
Hakbang 4
Ating bilisan
ito ng bahagya! Lumikha ng mas marami pang Rectangular Selections, gamit ang
Move Tool (V) para ilipat at tanggalin sa lugar ang iba’t-ibang bahagi . Iba-ibahin ang
mga sukat sa pagitan ng mapapayat na pagpipilian at mga makakapal para maging
mas natural ang epekto.
Mas makabubuti
kung meron kang plano bago mo harapin ang parteng ito. Dahil sa gusto
ko ang seriosong ekspresyon ng tao, Nais kong siguraduhin na ang nilikhang
glitches ay naka-pokus tungo sa gitna ng larawan.

Habang ika’y papalapit sa mukha, huwag mag-distort ng sobra sobra. Gawin
ang bawat glitch ng paisa-isa para makita kung alin ang gagana. Ang parteng ito
ay pawang eksperimento, kaya kung kinakailangan mong bumalik ng isa o dalawa,
pindutin lamang ang Control-Z para i-Undo.

Kapag ika’y
tapos na sa lahat ng iyong linear glitches, ang epekto ay dapat magmukhang
ganito:

4. Paano Lumikha ng Wavy Glitch Distortion
Hakbang 1
Ang susunod na parte ng epekto ng distortion ay ang lumikha ng wavy glitch. Maaring nakakita ka na nito dati kung ikaw ay nangahas na manuod sa mga may kapilyuhang tsanel nung bata ka pa, ngunit ang mga glitches na ito ay nagagawang magmukhang ito ay gumagalaw sa likido.
Para gawin ito
kailangan natin ng Wave Filter. Una, Pagsamahin
ang orihinal na stock layer sabay sa kopya na mayroon glitches. Pagkatapos ay Control–J para sa paglikha ng kopya at para makalikha ng
wavy distortion sa ibabaw.

Hakbang 2
Kasama ang napiling kopya, lumikha ng ilan pang mga malalaking pagpipilian na may Rectangular Marquee Tool (M) gaya ng sa nauna. Tandaan na sinusubukan kong balangkasin ang mukha ng paksa, kung kaya’t huwag pumili ng anong parte na direkta sa gitna.

Ngayon ay
pumunta sa Filter > Distort > Wave, iayos ang mga settings na alinsunod para
makalikha ng wavy effect sa napili lamang.

Hakbang 3
Sa partikular na epektong ito, ang settings sa itaas ay maari o maaring hindi gumana sa iyong larawan. Kung kaya’t mahalaga na mag-eksperimento at maglapat ng settings na pansarili para makamit ang itsura na minimithi.
Ipagpatuloy ang
prosesong ito ng paggawa ng pagpipilian muna bago maglapat ng Wave Filter. Kakailanganin
mong palitan ang settings bawat oras para magkakaiba ang epekto sa larawan.

Narito ang ilan
pang progreso pagkatapos ng kaunting eksperimento.

Hakbang 4
Tapusin ang
epekto na ito sa pamamagitan ng pag-konsentrate sa ibabaw at sa ilalim na parte
ng larawan. Una, piliin ang
nasa ilalim ng larawan sa pamamagitan ng Rectangular Marquee Tool (M) at ilapat ang
Wave Filter ayon sa sumusunod na settings.

Ngayon para sa ibabaw na bahagi. Ulitin ang proseso, sa pagkakataon na ito ay palitan ang settings sa mga
sumusunod na nasa ilalim.

Narito ang imahe na kumpleto na ng lahat ng linear at wavy glitches. Atin nang lapatan ng pagtatapos!

5. Paano Lumikha ng Simpleng Epektong 3D
Hakbang 1
Ngayon para sa epektong kulay sa 3D! Gaya ng sa nakaraan, simulan sa pamamagitan ng Pag-iisa ng glitch layers
nang sabay, hindi kasama ang puting likuran kung kaya’t meron lamang dalawang
layers na naiwan. Pagkatapos ay pindutin ang Control–J para lumikha ng dalawa pang kopya ng
pinag-isang layer ng larawan.

Hakbang 2
Itago ang pagiging tanaw ng dalawang nasa ibabaw na layer. Pagkatapos ay mag pindot sa kanan sa unang layer ng larawan, “Merged,” at pumunta sa Blending Options. Tanggalin ang tsek sa G, o Green Channel na matatagpuan sa ilalim ng Advanced Blending.

Ngayon ay
i-unhide ang pagiging tanaw ng ibabaw na layer at ulitin ang proseso. Sa pagkakataon
ito tanggalin ang tsek sa Red Channel para sa “Merged Copy,” at ang kapwa Red
at Green Channels para "Merged Copy 2."

Hakbang 3
Sa ngayon ay maari na natin igalaw ang bawat layer para lumikha ng nakakalokong 3D effect. Piliin ang Move Tool (V) at pagkatapos ay piliin ang layer, “Merged Copy” gamit ang Left Arrow key para iurong ang layer sa kaliwa. Sunod, piliin ang ibabaw na layer, “Merged Copy 2,” gamit ang Left Arrow key para iurong ang layer sa kaliwa din.
Dito makikita
ang itsura ng proseso.

Hakbang 4
Halos tapos na! Para idagdag
ang paglitaw ng linya sa screen sa epektong ito, piliin ang layer sa ibabaw, “Merged Copy 2” at pindutin ang kanan para pumunta sa Blending Options. Magdagdag ng
mabilisang Pattern Overlay gamit ang default Horizontal Line Pattern, at iayos
ang natitira pang settings bilang:

Dahil ang layer
ay bughaw at ang Blend Mode ay naka-ayos sa Soft Light, ito ay magbibigay sa
iyong imahe ng magandang bughaw na kulay.

Hakbang 5
Para
kumpletuhin ang cool glitch effect, kailangan lang natin na gawin ang huling hakbang. Magdagdag ng
Bagong Layer at iayos ang Layer Blend Mode sa Palusaw. Sa hakbang na
ito, gagamit tayo ng Brush Tool (B) para makapintura ng pula #5e220a
patungo sa ilalim
ng imahe para makalikha ng maliliit na butil bilang parte ng final glitch
effect. Ayusin ang
kalabuan ng layer kung kinakailangan mo; dito ay ibinaba ko ang akin ng 8%.

Iyan
lan! Suriin ang
huling resulta sa ilalim.
Konklusyon
Ang epekto sa mga larawan ay isang magaling na paraan upang mahasa ang natatangi at kapanapanabik na mga teknik sa Adobe Photoshop. Makakaranas ka ng maraming kasayahan makamit ang senaryo ng totoong buhay gaya ng photo glitch at marami pang iba.
Sana ay nasiyahan kayo sa pagtuturong ito. Malaya kayong ipaalam sa akin kung meron kayong mga katanungan sa komento
sa ilalim. At siguruhin na
suriin ang aming malawak na saklaw ng Glitch Photo Effect Actions na mayroon sa GraphicRiver at Envato Elements.

Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post