Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Adobe Photoshop
Design

Ang 30 Pinakamagagandang Photoshop Collage Templates

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang mga photo collage ay isang mainam na paraan para ipakita ang iyong potograpiya, likha ng sining, at mga disenyo. At madali kang makakagawa ng sarili mong collage sa pamamagitan ng pagdownload ng mabilis na template. Tingnan natin itong koleksyon ng 30 premium na mga Photoshop template para ipakita ang iyong mga alaala na may estilo.

Ang 30 Priemium na mga Photoshop Collage Templates

Kung gusto mo na maging malikhain sa iyong potograpiya o makahanap ng ibang paraan para ibahagi ang iyong mga alaala, magugustuhan mo ang walang katapusang posibilidad na estilo ng pagdodownload ng isang magandang photo collage template.

Kami ang bahala sa iyo, sagot na namin ang lahat ng kailangan mo mula sa social media hanggang sa mga effects ng retro photo collage, at marami pang iba. Matutuwa ka sa koleksyong ito ng 30 kahanga-hangang mga bagay na nagmula sa mga pambihirang GraphicRiver bahagi ng Envato Market.

Gamitin ang mga elementong ito sa iyong mga susunod na disenyo, humingi ng tulong para sa isang propesyonal na disenyo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga mabubuting tao sa Envato Studio.

Ang Polaroid Collage Photo Template

Simulan natin sa napakagandang Polaroid template na ito. Gumawa ng abstrak na disenyo gamit ang isang collage ng mga Polaroids para magbigay ng buhay sa iyong potograpiya. I-drag and i-drop lamang ang iyong larawan para sa mabilis na resulta!

Polaroid Collage Photo Template

Google+ Photo Collage Photoshop Template

Kailangan mo ba ng isang magandang cover para sa iyong profile sa Google Plus? Isaalang-alang ang paggamit ng kahanga-kahangang photo collage template na ito. Kasama dito ang dalawang files na may itim at puti at mga vintage photo effect para magbigay ng karagdagang personalidad sa iyong profile.

Google Photo Collage Photoshop Template

Ang Collage Photo Frame Template Vol 1

Kung naghahanap ka ng isang magandang template na may iba’t-ibang estilo na pagpipilian, huwag ka ng tumingin pa sa malayo. Ang photo frame template na ito ay may kasamang walong iba’t-ibang mga estilo na madaling i-edit at may komprehensibong help file para sa karagdagang impormasyon.

Collage Photo Frame Template Vol 1

Ang Collaga Photo Template Vol 4

Sa pagpapatuloy ng napakagandang serye ng photo collage, itinatampok ng template na ito ang anim na iba’t-ibang estilo na nababagay sa anumang okasyon. Mamili mula sa pabilog at rektanggulong mga Smart Object para ipakita ang iyong mga larawan sa pamamagitan ng naiiba at nakakatuwang paraan!

Collaga Photo Template Vol 4

Ang Instagram Promotional Template

Itaguyod ang iyong nalalapit na sale ng mga produkto at serbisyo gamit ang mga magagandang Instagram promotional template na ito. Mamili mula sa 18 iba’t-ibang mga layout na nagpapakita ng madadaling i-customize na Smart Object, naiibang mga text title at marami pang iba!

Instagram Promotional Template

Ang Collage Photo Templates

Kasama ng anim na kakaibang mga layout na pagpipilian, ang template na ito ay puno ng mga kahanga-hangang mga katangian. Mula sa madadaling i-edit na mga Smart Object hanggang sa two-color effects at iba pa, ikaw ay matutuwang i-download ang napakagandang photo collage template na ito.

Collage Photo Templates

Ang Facebook Cover Seamless Blended Collages

Kung hindi ka mahilig sa mga frame, isaalang-alang ang anyo nitong mga blended collage. Ang mga template na ito ay nababagay para sa isang naiibang Facebook cover na maaaring lagyan ng hanggang pitong larawan.

Facebook Cover Seamless Blended Collages

Ang Picture Art Collage Mockup

Ipagmalaki ang iyong digital artwork o maghanap ng pambihirang paraan para ipakita ang iyong potograpiya gamit ang photo collage mockup na ito. Iba’t-ibang mga makatotohanang setup ng estudyo na nagtatampok ng mga kamangha-manghang ilaw at malikhaing mga layout ang nakapaloob sa paketeng ito. May kasama din itong help file at mga instruksiyon para sa karagdagang kaginhawaan.

Picture Art Collage Mockup

Ang 30 Collage Photo Frames

Hindi ka na kailanman mangangailangan ng isa pang template pagkatapos mong i-download ito! Sa malaking paketeng ito, makakakuha ka ng access sa 30 na magagandang mga photo collage frame na nababagay sa iba’t-ibang estilo at ayos ng mga layout. Ang mga ito ay handa na para i-print at kasama dito ang mga Smart Object para sa mabilisang pag-eedit.

30 Collage Photo Frames

Ang Collage Photo Template V3

Kahit na nakakatuwa ang mga disenyong may estilo, minsan mahalaga pa din ang maglagay ng makinis at pang-korporasyon na disenyo sa iyong mga likha. Ang eleganteng pakete ng collage na ito ay mayroong limang iba’t-ibang estilo na nababagay sa sinumang malikhaing propesyonal.

Collage Photo Template V3

Ang Instagram Promo Templates

Napakahalaga ng mga photo collage sa Instagram. At maaari mong gawing kapansin-pansin ang iyong mga collage sa pamamagitan ng premium promotional template na ito. Mamili mula sa 12 madaling i-customize na mga template, mga libreng font, at help file na magpapadali ng mga bagay para sa iyo.

Instagram Promo Templates

Ang Facebook Timeline Collage Covers

Gawing kapana-panabik ang iyong timeline cover sa Facebook gamit ang pambihirang cover design na ito. Mapapahanga mo ang iyong mga kaibigan sa naiibang timeline cover na ito na nagtatampok ng iba’t-ibang mga template na nababagay sa mga mahihilig sa potograpiya, mga personal na profile, at iba pa.

Facebook Timeline Collage Covers

Magaling na Instagram Promo Templates

Natutuwa ang lahat sa magaling na pagbebenta. At maaari mong ipakita ang mga susunod mong promosyon sa pamamagitan ng nakakamanghang promotional template na ito. Baguhin nang mabilis ang 15 na iba’t-ibang estilo at magkaroon ng access sa mga libreng font at iba pa gamit ang magandang pakete ng collage na ito.

Awesome Instagram Promo Templates

Ang Polaroid Frames Photo Template Vol 2

Ang Polaroid na larawan ay parang isang bagay mula sa nakaraan, pero ito ay nanatiling mahalagang elemento sa napakaraming modernong disenyo. Bigyan ang iyong mga larawan ng pambihirang vintage na anyo habang ipinapakita ang mga ito na may kasamang mga nakakatuwang estilo.

Polaroid Frames Photo Template v2

Ang Vintage Photo Collage Templates

Kilalanin pa ang iyong pagmamahal sa vintage na potograpiya at disenyo gamit ang kahanga-hangang photo collage template na ito. Itinatampok ng template na ito ang isang pambihirang disenyo na may anggulo at detalyadong patnubay.

Vintage Photo Collage Templates

Ang Simple Portfolio Photo Template

Ang photo template na ito ay may apat na madadaling i-edit na mga photo collage file na nababagay sa isang minimalist na taga-disenyo na mahilig sa simpleng disenyo. Kasama din dito ang apat na kahangang-hangang color effects na magdadala sa iyong potograpiya sa mas mataas na lebel!

Simple Portfolio Photo Template

Ang Collaga Photo Template Bundle 2

Sino ang hindi magugustuhan ang isang magandang bundle? Itinatampok ng kahanga-hangang pakete na ito ang sampung files na may sampung iba’t-ibang mga estilo. Mag-eksperimento gamit ang iba’t-ibang mga layout at mga pambihirang display na nagpapakita ng mga susunod mong portpolyo sa potograpiya.

Collaga Photo Template Bundle 2

Ang FB Collage Timeline Cov

Dapat ipinapakita ng timeline mo sa Facebook ang lahat ng mga bagay na nakakatuwa tungkol sa iyo! Kaya isaalang-alang ang paggamit ng magandang photo collage template na ito na may kumpletong isang pangunahing file para ayusin ang hanggang pitong larawan. Ito ay may karagdagang help file at mga instruksiyon na madaling sundin.

FB Collage Timeline Cover

Ang Photo Frame Collage Style

Kailangan mo ba ng mga nakakamanghang larawan para sa iyong portpolyo ng potograpiya? Isaalang-alang ang napakagandang photo frame template na ito. Kasama sa paketeng ito ang 12 na pambihirang mga estilo na may madaling i-customize na mga template para kumpletuhin ang iyong portpolyo na may estilo.

Photo Frame Collage Style

Ang Vintage Photo Collage Template

May paraan ang vintage na disenyo para gawin ang lahat na magmukhang opisyal. Itinatampok ng pambihirang photo collage template na ito ang isang vintage na disenyo na may kumpletong pabilog na mga frame na nagbibigay ng maganda at malinis na presentasyon. I-download ang file na ito at i-customize nang madali ang iyong sariling pambihirang mga larawan!

Vintage Photo Collage Template

Ang Vintage Photo Collage Template 2

Dinisenyo habang iniisip ang vintage lavender na anyo, ang natatanging photo collage na ito ay nagtatampok ng mga magagandang frame na may palamuting lumulutang sa maraming mga ulap. Kasama ng isang file na napakadaling gamitin, magiging mas maganda ang collage na ito bilang isang palamuti sa pader at nababagay sa napakaraming mga proyekto na gawa sa bahay.

Vintage Photo Collage Template 2

Ang Retro Photo Collage Template

Ang magandang photo collage na ito ay may naiiba at retro na estilo. At magiging madali para sa iyo ang paggamit ng file na ito dahil sa access sa iba’t-ibang mga tutoryal at mga link para sa mga magagamit na libreng font. I-download lamang ang template na ito at magiging handa ka na agad!

Retro Photo Collage Template

Ang Blackboard Photo Collage

Ipagdiwang ang iyong pagtatapos na may estilo! I-download ang photo collage template na ito para makakuha ng access sa isang kard ng anunsyo na handa ng i-print na may kasamang kahanga-hangang Polaroid photo collage, at marami pang iba!

Blackboard Photo Collage

Ang Polygons Photo Collage Templates

Kung mahilig ka sa mga hugis, magugustuhan mo ang polygonal photo collage template na ito. Itinatampok ang walong maayos na mga file at maraming background na pagpipilian, makakaya mong ipakita ang iyong mga larawan sa propesyonal at malikhaing paraan.

Polygons Photo Collage Templates

Ang Photo Collages Automated Templates

Kung ang hanap mo ay madaling solusyon para sa mga pangangailangan mo tungkol sa photo collage, huwag ka ng tumingin pa sa malayo. Ang paketeng ito ay may 23 template na may kasamang mga awtomatikong Photoshop action na magpapadali sa proseso. Ang template na ito ay puno ng kapaki-pakinabang na mga disenyo na may iba’t-ibang layout na maaaring pagpilian.

Photo Collages Automated Templates

Ang Automated Photo Collages Vol 2

Kasama sa napakagandang pakete na ito ay ang 47 na predefined collage templates. Nababagay ang mga template na ito sa pagsasama-sama ng 6 hanggang 13 mga larawan sa isang malawak na listahan ng mga layout. Kasama dito ang mga Bonus Layer Style para magbigay ng karagdagang dekorasyon sa iyong mga disenyo.

Automated Photo Collages Vol 2

Ang Automated Photo Collages Bundle

Kung hindi pa sapat para sa iyo ang mga photo collage template sa itaas, isaalang-alang na i-download ang pambihirang collage bundle na ito! Itinatampok ng paketeng ito ang mga template mula sa  mga pakete ng awtomatikong collage at ang bonus Layer Styles para sa iba pang mga dekorasyon sa iyong larawan.

Automated Photo Collages Bundle

Ang Photo Collage Holiday Greeting Card

Iparamdam ang kapaskuhan gamit ang nakakatuwang photo collage template na ito. Kasama sa paketeng ito ay isang holiday greeting card at mga file na madaling i-edit para ipakita ang iyong mga larawan sa pambihirang paraan. Para sa iyong kaginhawaan, ang mga link sa font file ay kasama din dito.

Photo Collage Holiday Greeting Card

Ang Google Plus Cover Template

Ipagmalaki ang mga paboritong mong larawan gamit ang simpleng photo collage template na ito. Nababagay sa mga Google+ profile at iba pa, ito ay nagbibigay ng access sa mga warming at cooling filter at apat na Photoshop file na madaling i-customize.

Google Plus Cover Template

Ang Google+ Photo Collage Photoshop Template

Pagandahin ang iyong Google+ profile gamit ang nakakatuwang photo collage template na ito. Ito ay nagbibigay sa iyo ng kakayahan na maglagay ng pambihirang mga photo effect at magpalit ng background para sa karagdagang personalidad kasama ang apat na madaling i-customize na file bilang mga pagpipilian.

Google Photo Collage Photoshop Template

Konklusyon

Puno ng magagandang photo collage resources ang listahan na ito para sa masugid na taga-disenyo na pamilyar sa Adobe Photoshop. Dahil sa daan-daang mga photo collage templates na madali mong makuha, malamang may ilan kaming hindi naidagdag sa iyong personal na koleksyon. Kung kailangan mo pa ng tulong, isaalang-alang ang paglapit sa isang propesyonal sa disenyo mula sa Envato Studio.

Siguraduhing tingnan ang Envato Market at Envato Elements para sa karagdagang resources at ipaalam sa amin ang mga paborito mo sa komento sa ibaba!

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.