7 days of PS Actions, graphics, templates & fonts - for free!* Unlimited asset downloads! Start 7-Day Free Trial
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Branding

25+ Logo at Branding Mockups

Scroll to top
Read Time: 10 mins
This post is part of a series called Awesome Logo Mockups.
How to Create a Photo-Realistic Wax Seal Mockup With Adobe Photoshop
How to Create a Leather Stamp Logo Mockup in Adobe Photoshop
This post is part of a series called Mockups (Resources, PSDs, Generators and More!).
10 Must-Have Product Mockup Templates
31 Premium iPhone and Smartphone Mockups

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Umangat sa iba sa kahit saang merkado sa pamamagitan ng propesyonal na branding mockups. Tamasahin ang napakagandang koleksiyon ng propesyonal na mockup templates na dinisenyo upang i-highlight ang iyong gawa sa kanyang pinakamahusay na tanglaw.

25+ Logo at Branding Mockups

Sa internet ang mga imahe ang naghahari. Napupunan nila ang maigsing saklaw ng atensyon sa pamamagitan ng pagpuno sa ating mga kaisipan ng mga naka-pupunang mga nakikita. At maari kang maka-kumbinsi pa sa kahit sinong kliente kung gagamitin ang mahalagang anggulo na ito sa merkado sa pamamagitan ng mockup ng produkto.

Ang mockup ng produkto ay isang template na nilikha nang may propesyonal na imahe upang ipakita ang iyong logo, tatak, o disenyo. At madali mong maipapasok ang iyong trabaho sa editable smart objects upang ma-prebiyu ang iyong mga disenyo sa kahit anong produkto.

Ngayon ay ipinepresenta naming sa iyo ang higit sa 25 hindi kapani-paniwalang mga tatak at logo mockups na hango sa GraphicRiver at Envato Elements.

Kailangan mo ba ng custom mockup para sa iyong negosyo? Magpatala ng tulong sa mga propesyonal mula sa Envato Studio para sa lahat ng iyong pangangailangan sa mga tatak. At ipaalam sa amin ang iyong mga paborito sa mga komento sa ilalim!

Stationery / Branding Mock-Up Bundle

Ating simulan sa pamamagitan nitong sobrang marangyang bungkos ng mga tatak. Kasama sa ma-downlod na ito ay ang mga 25 mataas na kaledad na mga bagay na madali mong mapapalitan para sa epektibong kampanya ng pangangalakal. Kasama ang walong premade na eksena, magkakahiwalay na patong ng mga bagay, at makabagong pag-iilaw, ang mabisang bungkos na ito ay tiyak na mapapahanga ang kahit sinong kliente.

Stationery Branding Mock-Up BundleStationery Branding Mock-Up BundleStationery Branding Mock-Up Bundle

50 na Signs Mockups

Isang napakagaling na dinisenyong palatandaan na kahit sinuman ay makakapansin sa iyo. Kung kaya’t samantalahin na ang mga napakagandang mga disenyo kalakip sa pangkat nang may 50 propesyonal na sign mockups. Kabilang dito ang sari-saring mga palatandaan na maaring pagpilian, na may mataas na kaledad ng kapaligiran at eleganteng mga gusali.

50 Signs Mockups50 Signs Mockups50 Signs Mockups

Logo Mockup

Ilako ang iyong serbisyo sa paggawa ng premyadong logo sa mga tapat na kustomer sa pamamagitan ng bungkos ng mga wicked mockups. Hango sa mga ilang tunay na buhay na uri ng mga senaryo, ang downlod na ito ay naglalaman ng walong Photoshop templates na nagpapahintulot para sa mabilisang pag-edit. At kasama ang isang detalyadong gabay para sa gumagamit na napasakamay, ikaw ay tiyak na magtatagumpay gamit ang kahanga-hangang template.

Logo MockupLogo MockupLogo Mockup

Alternatibong Logo Mockups Vol.01

Kailangan mo ba ng cool way upang ipakita ang iyong gawa na propesyonal logo? Kung gayon ay iyong tignan ang mga kahanga-hangang mockup set. Itinatampok ng pangkat na ito ang anim na makatotohanang logo mockups na may kasamang nakakaakit na mga background na maaring pagpilian. Isang karagdagang help file ang magagamit kung kailangan mo ng iba pang tagubilin.

Alternative Logo Mockups Vol01Alternative Logo Mockups Vol01Alternative Logo Mockups Vol01

Craft Beer Package at Branding Mock-up - Vintage

Hustuhan ang isang magandang craft beer sa pamamagitan ng napakagandang marka na etiketa. Ang Mockup ng produktong ito ay nagtatampok ng sampung orihinal na Photoshop files na may kasamang walong branding mockups at tatlong magkakaibang mga botelya.   Gamitin ang anim na background textures na kasama, o palitan ito ng isang pasadya na purong kulay.

Craft Beer Package Branding Mock-up - VintageCraft Beer Package Branding Mock-up - VintageCraft Beer Package Branding Mock-up - Vintage

Cafe Branding Mockup

Samantalahin ang propesyonal na mockup template upang ipakita ang iyong tatak sa iba’t-ibang bagay. Ang template na ito, isang halimabawa, itinatampok ang isang kagiliw-giliw na tema ng kapihan na mayroon 14 na Photoshop files. Magsaliksik pa ng iba’t-ibang anggulo na mayroon at madaling i-customize na eksena na higit pa ulit sa Photoshop.

Cafe Branding MockupCafe Branding MockupCafe Branding Mockup

Branding / Identity Mockup

Na may higit pa sa 1,700 na benta, hindi kataka-taka kung bakit ang identity mockup ay pangunahing mabenta! Isang mahusay na disenyo ang nagtatampok ng malinis na kulay na paleta, ang template na ito ay may kasamang 12 presentasyon na nakalatag sa kanilang Photoshop files. I-downlod ngayon upang ipresenta ang iyong trabaho sa eleganteng paraan!       

Branding Identity Mockup Branding Identity Mockup Branding Identity Mockup

Coffee Branding Mockup

Dalhin ang magpapanariwang init ng kape sa umaga sa iyong negosyo. Ang mockup ng produktong ito ay nagtatampok ng 12 eksena ng propesyonal na potograpiya na may malinis na tema ng kape. Bawat eksena ay maaring gamitin agad, at madali itong ilipat  sa iyong tatak na imahe sa pamamagitan ng fleixible smart objects.  

Coffee Branding Mockup Coffee Branding Mockup Coffee Branding Mockup

Branding Mockups para sa Panloob ng Opisina

Palakasin ang iyong susunod na presentasyon sa pamamagitan ng kahanga-hangang panloob na mockup. Idinisenyo ito partikular para ipresenta ang iyong gawa sa loob ng isang malugod na panloob ng opisina, ang template na ito ay nagtatampok ng siyam na premade na eksena para sa namumukod tanging komposisyon. Kasama rin dito ay isang kahanga-hangang logo simulator para makagawa ng iyong 3D logos!

Office Interior Branding Mockups Office Interior Branding Mockups Office Interior Branding Mockups

Branding Mockup para sa Kahon ng Pagkain

Hapunan, sinuman? Ipakita ang iyong pagkmalikhain para sa kakaibang disenyo ng lalagyan sa pamamagitan ng mockup ng magandang kahon ng pagkain. Nilikha sa pamamagitan ng tunay na potograpiya, ang template na ito ay nagtatampok ng walong makatotohanang eksena kasama ang Asian takeout theme. Ilakip lamang ang iyong disenyo sa markadong layer para tamasahin ang iyong trabaho sa loob lamang ng ilang segundo!

Food Box Branding Mockup Food Box Branding Mockup Food Box Branding Mockup

Ang Corporate Logo Mockups V1

Ang banayad ng detalye ang nakapag-inspire sa mga kliente para kunin ka bilang kanilang taga-disenyo. At ang corporate mockup na ito ay lumilikha ng isang malinaw na bisyon na ang logo bilang sentro. Lumikha ng isang nakakapukaw na elevator detail na may limang premade mockup files sa mataas na resolusyon. Ilakip ang kakaibang epekto na pag-iilaw at iba pa para sa isang mahusay na pinagsamang presentasyon.

Corporate Logo Mockups V1Corporate Logo Mockups V1Corporate Logo Mockups V1

3D Signage Mockups

Tulungan ang iyong kliente na maisalarawan ang kanilang negosyo na may magandang 3D sign. Ang kahanga-hangang template na ito ay maglilinang sa kanilang logo upang maging isang marilag na 3D sign na labis ang detalye. Tamasahin ang sampung Photoshop files na kumpleto kasama ang organisadong mga layers, imaheng may mataas na resolusyon, at iba pa!  

3D Signage Mockups3D Signage Mockups3D Signage Mockups

Van at Delivery Cars Branding Mockup

Ang propesyonal decals para sa sasakyan ay isang nakapupukaw na paraan upang itaas ang kasalukuyang stratehiyang pang-merkado. At sa pangkat na ito ay magkakaroon ka nang daan para sa limang mataas na kaledad para sa van at sasakyan panghatid na maaring i-print sa karaniwang A4 sheet. Palitan ang background sa isa na iyong napili o panatilihin ang orihinal para sa walang dugtong na disenyo.

Van Delivery Cars Branding Mockup Van Delivery Cars Branding Mockup Van Delivery Cars Branding Mockup

Corporate Identity - Branding Mockups

Patunayan ang agarang diwa na propesyonalismo sa pamamagitan ng dakilang corporate identity mockup. Kasama sa downlod ay ang 19 na Photoshop files kasama ang lahat ng iyong kailangan upang mapabilib ang iyong mga kliente. Tamasahin ang mga kahanga-hangang mga letterhead, palatandaan ng kumanya, at iba pa, para sa  propesyonal na package na hindi kapani-paniwala.

Corporate Identity - Branding MockupsCorporate Identity - Branding MockupsCorporate Identity - Branding Mockups

Cupcake Mockup

Mahilig ka ba sa matamis? Saliksikin ang iyong ibig sa cupcakeries sa pamamagitan ng napaka-cute na cupcake mockup. Tamang-tama para sa mga nagmamay-ari ng panaderya, ang template na ito ay may kasamang mataas na kaledad ng potograpiya na may mga business card, cupcake toppers, at kasama rin ang karton. Pag-aralang mabuti ang 11 makatotohanang mockups para makita mo ang angkop sa iyong marka.

Cupcake MockupCupcake MockupCupcake Mockup

Mockup Logo para sa mga Baso

Isang mabilis na paraan upang mapalakas ang isang restawran o negosyo na bar ay ang pagdagdag ng lagda na logo sa iyong mga kagamitang krystal. At sa pamamagitan ng mockup template na ito ay maari mo itong magawa! Kasama nitong mataas na kaledad ng Photoshop file na nagpapahintulot sa iyo na ma-kontrol ang anino, madali mong makikita ang iyong mga disenyo sa mga mapanariwang inuming kaswal.

Glasses Logo MockupGlasses Logo MockupGlasses Logo Mockup

Tagalikha ng Mockup para sa Bilihan ng Burger

O bigyan ang napakasarap na burger mockup na ito ng pagkakataon! Nilikha upang maipakita ang iyong marka sa pangkalahatang pakete na pang fast food, ang template na ito ay itinatampok ang siyam na kahanga-hangang eksena na may iba’t-ibang pagkakayari ng papel.   Ito’y gumagana nang perpekto at sa maramihang anggulo at mukhang mahusay sa parehas na perpektibo maging sa isometric o tanaw sa ibabaw.

Burger Store Mockup CreatorBurger Store Mockup CreatorBurger Store Mockup Creator

Kape na may kakaw Logo Mockup

Ang mga barista ng kape ay sobrang sanay sa espresso at gatas. At maari mong makamit ang kilalang art effect sa kape sa pamamagitan ng kaaya-ayang logo mockup. Ang template na ito ay nagtatampok ng apat na Photoshop files na may apat na natatanging anggulo na maaring pagpilian.

Coffee With Cocoa Logo MockupCoffee With Cocoa Logo MockupCoffee With Cocoa Logo Mockup

Wax Seal Logo Mockup

Ang mga selyo na waks ay nagpapa-alala sa atin ng kasaysayan ng romatikong panahon kung saan ang lahat ay sulat kamay. At maari mong parisan ang itsura ng selyo ng waks para sa iyong negosyo sa pamamagitan ng kahanga-hangang logo mockup na ito. Kasama sa template na ito ay isang Photoshop file na madali mong mababago. Madaling palitan ang mga kulay sa pamamagitan ng pag-eeksperimento ng Hue slider para sa marami pang pagpipilian.

Wax Seal Logo Mockup Wax Seal Logo Mockup Wax Seal Logo Mockup

3D Logo Mockup - 5 Istilo

3D effects ay may paraan upang magawang ang iyong mga logo ay magmukhang ayon sa moda at propesyonal. At sa pamamagitan ng logo mockup na ito, iyong tatamasahin ang limang kahanga-hangang istilo na organisado at lubos na na-eedit na mga layers. Pa-simpleng i-double klik lamang ang smart object layer upang ipasok ang iyong logo bago i-save! Ito’y ganun ka-simple lamang!

3D Logo Mockup - 5 Styles 3D Logo Mockup - 5 Styles 3D Logo Mockup - 5 Styles

Stationery / Branding Mockup

Ang sekreto sa pagbebenta ng iyong trabaho bilang graphic designer ay ang magpatala ng tulong ng isang stationery mockup. Ang partikular na template ay kabilang dito ang 14 na hindi kapani-paniwalang presentasyon na kasama na ang lahat sa iisang kombenyenteng Photoshop file. Madaling ma-eedit ang mga layers upang umakma sa iyong proyekto para sa kahanga-hangang makatotohanang yari ng larawan.

Stationery Branding Mockup Stationery Branding Mockup Stationery Branding Mockup

Store Logo Mockups

Bigyang buhay ang iyong disenyo sa pamamagitan ng nakakapukaw na store mockups. Itinatampok ng template na ito ang limang Photoshop files na awtomatikong magtatama ng anggulo ng iyong logo upang umangkop sa gilid ng iyong gusali. Lumikha ng waging kumbinasyon na siguradong makakukuha ka ng napakaraming rekomendasyon!

Store Logo Mockups Store Logo Mockups Store Logo Mockups

Packaging Mockup ng bar ng Tsokolate

Lumikha ng marka ng package na hindi nangangailangan ng sobrang mahabang oras! Ang kahanga-hangang package na ito ay nagtatampok nang dalawang klase ng packaging na may 18 propesyonal na presentasyon na pagpipilian.   Mag-eksperimento ng aninag at anino para sa pagkamakatotohanan, o palitan ang background ng iyong gusto.

Chocolate Bar Packaging MockupChocolate Bar Packaging MockupChocolate Bar Packaging Mockup

Logo Label Mock-Up Set

Ipakita ang detalye ng iyong mga kaganapan sa likod ng kamera ng iyong negosyo sa pamamagitan nitong glorious label mockup. Ang template na ito ay naglalagay ng iyong branding sa rustic label na disenyo at nagtatampok ng pitong mataas na kaledad na presentasyon na may maraming anggulo. Mayroon ito para sa Photoshop CS4 and after, kabilang din sa template na ito ang isang help file para sa mas marami pang tagubilin.

Logo Label Mock-Up SetLogo Label Mock-Up SetLogo Label Mock-Up Set

Apat na 3D logo Mockups

Lumikha ng nakamamanghang logo na nagkikislap sa lahat ng kabantugan ng 3D. Ang premyadong mockup template na ito ay nagtatampok ng apat na mataas na kaledad na eksena ng logo upang ipresenta ang iyong marka sa hindi kapani-paniwalang natatanging paraan. Ito’s mahusay para sa mga nagsisimula pa lamang mag-disenyo, at iyong tatamasahin ang propesyonal na resulta sa isang mababang presyo!

Four 3D Logo MockupsFour 3D Logo MockupsFour 3D Logo Mockups

Logo Mockup Set

At bago ka humayo, tignan mo itong magaling na bungkos ng logo mockups! Kinunan sa iba’t-ibang anggulo, kabilang sa template na ito 11 Photoshop files na napakadaling i-edit. Simple lamang na i-drag at i-drop ang iyong logo sa naayong smart object at presto! Mayroon ka na agad na magandang logo display sa sandaling oras!

Logo Mockup SetLogo Mockup SetLogo Mockup Set

Konklusyon

Ang listahan na ito ay punong-puno ng mga nakakapanabik na mga mapagkukunan para sa mga masugid na taga-disenyo na pamilyar sa Photoshop at iba pa. Kung kailangan mo ng karagagang tulong sa paglikha ng custom branding mockups, magpatala ng mga kasanayan ng mga talentadong propesyonal sa pamamagitan ng pagpili ng isa sa mga nakamamanghang taga-disenyo mula Envato Studio.

At sa libo-libong mga logo at branding mockups na pagpipilian, sa malamang ay napalampas natin ang ilan na idadagdag sa iyong personal na koleksiyon. Siguruhin na humanap Envato Market at Envato Elements para sa mas marami pang mapagkukunan, at ipaalam sa amin ang iyong mga paborito sa komento sa ilalim!

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Start your 7-day free trial*
Start free trial
*All Individual plans include a 7-day free trial for new customers; then chosen plan price applies. Cancel any time.