Mga Web Font sa 60 Segundo
() translation by (you can also view the original English article)
Ang mga font na ginagamit sa isang website
ay nangangailangan ng mga file na maaaring ilagay mula sa isa sa dalawang
lugar; ang sariling sistema ng bisita, o isang web server. Tingnan natin ang
mga web fonts sa animnapung Segundo!



Pag-unawa sa mga Web Font

Ang mga font na ginagamit sa website ay nangangailangan ng mga file na mailalagay mula sa isa sa dalawang lugar. Ang unang lugar ay ang personal na device ng bisita (kompyuter, smartphone etc). Ang mga font na ito ay tinatawag na “system fonts” at hindi mo magagamit ang karamihan dito dahil ilan lang ang naka-install sa lahat ng mga device at operating system.
Ang ikalawang lugar kung saan maaaring magmula ang mga font file ay ang web (“Mga Web font"). Maaari mong gamitin ang anumang font na nais mo sa paraang ito, dahil hindi mo na kailangang mag-alala kung ang bisita ay walang akses sa mga kinakailangang file.
Ang mga Web font ay maaaaring magamit sa
pamamagitan ng iyong sariling site hosting, o mula sa isang eksternal na
provider tulad ng Google Fonts. Upang gumamit ng sarili mong web font, una
kailangan mong tiyakin na may permisyon kang gamitin ang mga file, at
pagkatapos ilagay ang mga ito sa iyong host at gamitin ang @font-face
sa iyong
CSS upang ilagay ang mga ito.
Upang gumamit ng mga third party web font ikaw ay maaaring maglagay ng elemento ng link sa iyong head section o ilang Javascript code. At kung sakali, laging tukuyin ang mga system font sa iyong “font stack” upang magamit bilang fallback.
At iyan ang mga web font, sa animnapung Segundo!
Mga Web Font mula sa Envato Elements
Isang subskripsyon sa Envato Elements ang magbibigay sa iyo ng akses sa humigit 700 web font; bilang na patuloy na dumarami sa bawat buwan! Kung ikaw ay isang fan, kinakailangan mong tingnan ang:



