Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Photo Manipulation
Design

Gumawa ng Trendy Double Exposure Effect sa Adobe Photoshop

by
Difficulty:IntermediateLength:LongLanguages:
This post is part of a series called Photo Effects.
50 Amazing & Cool Photoshop Action Tutorials
How to Create a Colored Pencil Sketch Effect Action in Adobe Photoshop

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Final product image
What You'll Be Creating

Nakita mo na siguro itong kawili-wiling epekto ng dalawa o higit pang magkasanib na mga larawan sa mga takip ng mga mordernong magazines at sa mga advertisements. Sa tutorial na ito gagawa tayo ng nauusong double exposure effect sa Adobe Photoshop sa tulong ng Blending Modes at Clipping Masks sa loob ng ilang mga hakbang. Gawin na natin ito!

Sa potograpiya at sinematograpiya, ang multiple exposure ay kombinasyon ng dalawa o higit pang exposures upang lumikha ng isang imahe.  Sa simula pa, ito ay isang pamamaraan kung saan ang camera shutter ay nakabukas ng higit pa sa isa upang ilantad ang film ng maraming beses, karaniwan sa mga magkaibang imahe. Gayunman, sa ating modernong software, madali lang nating lumikha ng kahawig na epekto sa Adobe Photoshop.

1. Ihanda ang Pangunahing Larawan

Step 1

Para sa ating base ng imahe, gagamitin natin ang sumusunod na larawan ng isang batang lalaki galing sa Stockvault.net. Pwede kang gumamit ng larawan na iyong gusto, halimbawa, galing sa iyong sariling koleksyon. Gayunman, siguraduhin na ang background ng iyong larawan ay humigit-kumulang na neutral, walang kasamang noisy na mga elemento katulad ng damo o foliage, upang mas madali lang itong trabahuin.

initial photo

Gamitin natin ang Crop Tool (C) at gawing mas maliit ang lapad sa pagbura ng gilid na mga bahagi nito.

crop the photo with the crop tool

Step 2

Ngayon kailangan nating gawin itong mas maliwanag at magdagdag ng contrast. Pumunta sa Image > Adjustments > Levels o pindutin ang Control-L upang lumabas ang pop-up Levels na menu. Igalaw ang lightest slider sa kaliwa, ginagawang mas maliwanag ang ating larawan, at magdagdag ng contrast sa pamamagitan ng paggalaw ng kaliwang itim na slider papuntang kanan.  O kaya'y, maaari mo ring ilagay ang partikular na mga values sa mga patlang sa baba: 7 para sa shades ng itim, 1.15 para sa greys at 197 para sa mga puti. Pindutin ang OK button upang ma-iapply ang mga pag-aayos.

make the photo brighter with levels

Step 3

Ayusin natin ang tainga ng lalaki gamit ang Spot Healing Brush Tool (I). Pindutin at igalaw lamang ang iyong mouse, papunta sa ibabaw ng lugar ng gusto mong ayusin at-viola!-ang minarkahan na lugar ay malinis at makinis. Ito ay isang kapaki-pakinabang na tool para sa pag-retouch ng larawan, kung kailangan mong alisin ang konting maliliit na lamat at mga paga sa balat.

edit the ear with the Spot Healing Brush Tool

Step 4

Ngayon kailangan nating alisin ang background. Ito ay napakadali lamang, dahil tayo ay gumagamit ng larawan na may malinis na background. Kunin ang Magic Wand Tool (W) at pumindot kahit saan sa background upang piliin ito. Pagkatapos ay pumunta sa Select > Inverse upang magawang piliin ang lalaki.

select the background with the Magic Wand Tool

Step 5

Habang ikaw pa ay gumagamit ng Magic Wand Tool (W), hanapin ang Refine Edge button sa control panel sa itaas upang mailabas ang Refine Edge options na window. Dito ay maaari mong baguhin ang tanawin ng iyong larawan sa View Modes, pagpuwesto ng napiling elemento sa puti, itim, transparent at iba pang backgrounds, ginagawa itong mas klaro at mas madaling ma-edit.

Bahagyang dagdagan ang Radius value sa Edge Detection, itakda ito sa 1.5, ginagawang hindi gaanong matigas ang mga gilid sa gayon ay mailantad ang maliliit na mga detalye, katulad ng magkabukod-bukod na mga buhok. Itakda ang Output To sa Output na sekyson sa options na window sa New Layer kasama ang Layer Mask. Ito ay awtomatikong maglilikha ng kopya ng iyong initial na imahe kasama ang background na nakatago sa pamamagitan ng Clipping Mask.

Maaari mong laruin din ang iba pang Refine Edge options, ginagawang mas makinis ang gilid o mas malabo. Ito ay kapaki-pakinabang kung iyong tinatanggal ang elemento na nakapalibot sa iba pang mga elemento, o ang imahe ay mayroong mas magulo na background at ang mga gilid ng pangunahing pakay ay magulo.  Sa kaso natin, itong mga kaunting mga pag-aayos ay sapat na upang ipagpatuloy ang paglikha ng ninanais na epekto.

use the refine edge to cut out the portrait

Step 6

Gumawa ng Bagong Layer sa baba ng ginupit na larawan at punuin ito ng neutral greyish na kulay (#dcdbd9) gamit ang Paint Bucket Tool (G).

fill the background with color with Paint Bucket Tool

2. Gumawa ng Double Exposure Effect sa pamamagitan ng Pagsasama-sama ng Dalawang Imahe

Step 1

Piliin natin ang pangalawang larawan para sa ating komposisyon. Maaari itong isang magandang larawan ng bulaklak o lungsod, o kahit anong abstract at masikot. Sa tutorial na ito, gagamitin natin itong monochromatic na uri na tanawin ng isang kagubatan na gawa ni Samuel Rohl, na maaari mong makita sa Unsplash.com.

select the second photo for our photomanipulation

Step 2

Ilagay ang imahe ng kagubatan sa ibabaw ng larawan ng lalaki. Pinapanatiling pinipili ang layer ng kagubatan, pindutin ang Control key at pindutin ang Layer Clipping Mask sa layer na nasa ibaba (ang isa na may larawan). Makikita mo ang mga tila'y nagmamartsang mga langgam sa piniling hugis ng lalaki sa layer ng kagubatan.

make a selection from the portrait

Step 3

Pindutin at idagdag ang vector mask button sa ilalim ng mga Layers panel upang maitago ang mga hindi kailangang mga parte ng imahe ng kagubatan. Kung pipindutin mo sa chain icon sa pagitan ng thumbnail ng imahe at ng mask thumbnail sa Layers panel, ito ay magtatanggal sa koneksyon ng layer at ang mask nito, sa gayon ay maaari mong magalaw at ipaikot ang imahe sa loob ng mask na hindi ginagalaw ang buong layer.

Sa kaso natin, ating ilagay ang imahe ng kagubatan ng patiwarik, upang ang mga madilim na repleksyon ng mga puno ay nakalagay sa ulunang bahagi ng silweta, katulad ng ipinapakita sa screenshot na nasa ibaba.

use Add vector mask and rotate the forest image

Step 4

Piliin ang layer kung saan may naglalaman ng ginupit na larawan na mayroong Clipping mask. Gumawa ng kopya (Control-J) at kaladkarin at ihulog ito sa itaas ng kagubatan na layer.

place the portrait above the forest

Gawin nating monochromatic ang larawan upang magkasya sa imahe ng kagubatan sa color palette. Pinapanatiling pinipili ang layer ng larawan, lumipat sa Image > Adjustments > Desaturate o pindutin lamang ang Shift-Control-U, pag-iibang anyo ng ating imahe at maging grayscale.

Desaturate the portrait

Step 5

Buksan ang Levels (Control-L) options na window at gawing mas madilim ang imahe sa pamamagitan ng paggalaw ng itim na slider papunta sa kanang bahagi o manu-manong itakda ang value nito sa 117.

Gamitin ang effect at pumunta sa Image > Adjustments > Hue/Saturation. Guhitan ang Colorize na checkbox sa ibabang kanang bahagi ng options window upang palitan ang buong sakop ng kulay ng ating imahe. Itakda ang value ng Hue sa 212, galawin na papuntang kanan, nang gayon ay dinadagdagan ang tints ng asul. Itakda ang Saturation level sa 10, binabawasan ang katingkaran ng larawan, at pindutin ang OK upang magamit ang nilikhang epekto.

edit the hue and saturation of the photo

Step 6

I-right-click ang layer mask ng larawan at maaari nating magamit ang Layer Mask sa dropdown menu.  Baguhin ang Blending Mode ng layer ng larawan at gawing Screen sa Layers panel. Makikita na natin ang ninanais na double exposure effect na lumilitaw! Iilan na lamang na tweaks ang natitira, kaya tayo'y magpatuloy!

apply the mask the switch to screen blending mode

Step 7

Gawin natin ang imahe na mas surrealistic sa pamamagitan ng pag-edit ng ulo ng larawan. Kunin ang Brush Tool (B) at piliin ang Airbrush Soft Round 17 sa standard Round Brushes na may Size set (maaari mo itong makita sa drop down brushes menu kung pipindutin mo ang kanang bahagi ng mouse o sa Brushes (F5) panel).

Piliin ang Layer Mask ng layer ng kagubatan, itakda ang Fill color sa puti at mahinang pinturahan sa ibabaw ng itaas na parte ng ulo (nakamarka ng pula sa screenshot), sa gayon ay mabubura ang mga hindi kanais-nais na parte ng ulo at madadagdagan ng iilan na hangin sa itaas na bahagi ng imahe. Ginagawa nito ang imahe na kung titignan ang mga puno ay parang tumutubo ng deretso galing sa ulo ng lalaki.

edit the top of the head with the brush tool

Step 8

Ang iilan na bahagi ng imahe ay masyadong noisy kung tignan sa step na ito—halimbawa, sa bandang mata, kung saan ang mga puno sa kagubatan ay lumilikha ng distracting effect. Alisin natin ito at gawing mas malinaw at contrast ang mga bahaging ito.

Gumawa ng Bagong Layer sa ilalim ng desaturated na layer ng larawan, kunin ang Brush Tool (B) muli at palitan ang Fill color sa dark blue (#2f2c35), na maaari mong piliin deretso galing sa buhok ng larawan gamit ang Eyedropper Tool (I).

Simulang pinturahan ang mata, ginagawa itong mas namumukod tangi.  Para mas mapadali, maaari mong i-Control-click ang layer mask ang layer ng larawan upang lumikha ng tila'y nagmamartsang mga langgam na seleksyon, na magpapahintulot sa iyo na gumuhit sa loob ng piniling bahagi, na hindi tumatawid sa mga hangganan nito.

make the eyes area more clear and contrast

Step 9

Dagdagan natin ng finishing touch ang ating imahe. Piliin ang desaturated na layer ng larawan at dagdagan ang Layer Mask sa pamamagitan ng pagpindot sa mask icon sa ibabang bahagi ng Layers panel. Kunin ang Brush Tool (B) at palitan ang Fill color sa itim. Dahil sa ating Layer mask ay orihinal na naka-set sa puti, ang itim na kulay ay tutulong sa atin na burahin ang mga di kanais-nais na mga bahagi ng imahe. Pinturahan ang ibabaw na bahagi ng leeg ng lalaki, lumilikha ng ilusyon ng kanyang mukha na lumalabas galing sa mga puno.

edit the neck of the portrait with the layer mask

Mahusay na Trabaho! Ang ating Trendy na Larawan ay tapos na!

Congratulations! Ang mga simple na mga hakbang na ito ay tinulungan tayong lumikha ng stylish double exposure na larawan sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng dalawang imahe at lumikha ng kawili-wiling surrealistic effect. Sana ay nakahanap ka ng iilan na mga magagamit na tips at tricks, na tutulong sa iyo na gumawa ng mas maraming kawili-wiling kombinasyon at photo manipulations. Good luck!

finale double exposure result
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.