Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Maligayang pagdating sa aming Photoshop sa 60 Segundo na serye, kung saan matututunan mo ang kasanayan, tampok at pamamaraan sa Photoshop sa loob lamang ng isang minute!
Illustrator sa loob ng 60 Segundos: Ang Perspektibong Grid
Madalas ay nais na gamitin ang Perspektibong Grid ngunit hindi alam kung paano? Kung yan ang kaso ay dapat mong tignan ang video at ang madaling mga hakbang na makakatulong sa iyo na maintindihan ang mga tampok nitong batayan.
Sa default, ang kasangkapan na ito ay maaring mabuksan sa kaliwang toolbar o sa pamamagitan ng Shift-P keyboard shortcut. Ito ay naka-preset sa two-point na perspektibo, kung saan ay madali itong mababago sa pamamagitan ng pagpunta sa View > Perspective Grid at maaring makapili sa tatlong mga opsyon.

Depende sa kung ano ang gusto mong makamit, madali mong mababago ang grid gamit ang ibang puntos at pangasiwaan.
Halimbawa, maari mong baguhin ang posisyon ng dalawang naglalahong puntos sa pamamagitan ng pagpili sa panlabas na sirkulo at igalaw ang mga ito ng mas malapit o palayuin sa gitna ng grid.

Maari mong kontrolin ang Vertical Grid Extent at ang posisyon ng Horizon Level gamit ang panlabas na diamond – shaped handles.

Ang center diamond ay napapahintulutan baguhin mo ang sukat ng Grid Cells, samantalang ang panloob na panig ay nagpapahintulot na baguhin mo ang lawak ng grid sa planes.

Anuman ang kasangkapan na iyong gamit, ang mga hugis na iyong nalikha ay awtomatikong sasaklot sa Grid Plane, kung saan ay kasalukuyang nakatakda bilang aktibo sa Plane Switching Widget. Maari mo itong baguhin sa pamamagitan ng pag-klik sa iba’t-ibang gilid ng maliit na cube.

Ayan yun! Hanggang nilalaro mo ang mga takdang ito, maari kang makalikha ng mga nakakawiling komposisyon gamit ang alinman sa tatlong mga perspektibo.
Kaunti pang mga Detalye
Mas matutunan pang higit ang tungkol sa Adobe Illustrator sa Envato Tuts+:
Illustrator sa loob ng 60 Segundos: Mga Grids
10 kasangkapan sa Illustrator na Bawat taga-Disenyo ay Dapat Gumagamit
Paano Lumikha ng Pixel-Perfect Artwork Gamit ang Adobe Illustrator
60 Segundo?!
Bahagi ito ng serye ng mabilis na mga video na tutoryal sa Envato Tuts+ kung saan ipapakilala naming ang malawak na mga paksa, lahat sa loob lamang ng 60 segundo – sapat lamang upang mapasabik ang inyon gana. Ipaalam niyo sa amin sa mga komento kung ano ang iniisip niyo sa video na ito at kung ano pa ang gusto niyong makitang ipaliwanag sa lob ng 60 segundo!
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post