Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Adobe Illustrator
Design

Illustrator sa 60 Segundo: Paano Gumawa ng Emoji Icon

by
Difficulty:BeginnerLength:ShortLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Final product image
What You'll Be Creating

Maligayang pagdating sa aming Illustrator sa 60 Segundo na serye, kung saan matututunan mo ang kasanayan, tampok at pamamaraan sa Illustrator sa loob lamang ng isang minute!

Illustrator sa 60 Segundo: Paano Gumawa ng Emoji Icon

Sa video ngayon, aaralin natin nang mabilis kung paano gumawa ng nakakatuwang maliliit na emoji icon, gamit ang walang iba kundi ilang pangunahing hugis na aayusin natin dito at doon.

Kung kaya, sabihin na nating may Illustrator ka na na gumagana sa background, mas pagandahin ito at magsimula na tayo!

Gayon din, huwag kalimutan na maaari mong padamihin ang iyong koleksyon kahit anong oras sa pamamagitan ng pagpunta sa Envato Elements, kung saan makikita mo ang magagandang pagpipilian ng emojis.

Paano Gumawa ng Emoji Icon

Magsimula sa pamamagitan ng pag setup ng bagong dokumento ng web, na aayusin natin sa pamamagitan ng pag set ng parehong Width at Height values sa 96 px.

setting up a new document

Gumawa ng pangunahing hugis para sa katawan sa pamamagitan ng paggamit ng 88 X 88 px na bilog (#FFDA64), na kukulayan natin ng dilaw at nakahanay sa gitna sa mas malaking Artboard.

creating the emojis main body

Ilagay ang bibig gamit ang mas maliit na 64 x 64 px na bilog (#8E735C), na kukulayan natin gamit ang kulay kayumanggi at aayusin sa pamamagitan ng pagpili ng top anchor point nito gamit ang Direct Selection Tool (A) at kaagad na alisin ito sa pamamagitan ng pagpindot ng Delete.

adding the main shape for the mouth

Gawin ang ngipin gamit ang puting (#FFFFFF) 56x8 px na parihaba, susundan ng dila gamit ang 40x20 px ellipse na kukulayan natin ng kulay dalandan na (#F9914B). Ilagay sa grupo at takpan ang dalawa gamit ang mas maliit na 56x56 px na bilog.

adding details to the mouth

Tapusin ang icon sa pamamagitan ng paglagay ng mga mata gamit ang dalawang 12x12 px na bilog na may 4 px thick Stroke (#8E735C), na ilalagay natin sa 20 px mula sa isa’t isa. Pagkatapos alisin ang kanilang bottom anchor points.

Ilagay ang resulta ng mga hugis sa distansya ng 14 px mula sa taas na gilid ng bibig, at siguraduhin na i-set ang kanilang Cap sa Round

finishing off the emoji

Mas Matutunan Ito Mula sa Aming Kahanga-hangang Pagtuturo!

Gusto mo bang mas mapalawak ang iyong kakayahan sa icon-building? Magsimula sa pamamagitan ng pagtingin sa mas malalim na mga pagtuturong ito na makakatulong sa iyo para dalhin ang iyong icon game sa mas mataas na antas!

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.