Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Gusto mo ba ng animo’y madumi, at magulong hitsura ng mga lumang VHS tape? Maraming iba’t-ibang paraan para maglagay ng ganitong resulta sa iyong mga larawan at maglikha ng animasyon mula sa larawang hindi gumagalaw gamit ang Animated VHS Creation Kit.
Ipapakita ng tutoryal na ito kung paano palitan ang iyong larawan sa isang VHS frame na sumusunod sa mga simpleng hakbang lamang gamit ang mga kilalang Photoshop tool.
Mga Tutorial Asset
- Kahit na anong larawan na nais mong gamitin para sa manipulasyon na ito. Maaari kang makahanap ng ilang mga libreng larawan sa Unsplash at Pixabay o makabili ng mga larawang may mataas na kalidad sa PhotoDune. Napili ko ang larawang ito mula sa Pixabay.
- Free font: VCR-OSD-Mono font.
1. Ihanda ang Dokumento
Hakbang 1
Gamitin ang Control-N upang makalikha ng bagong dokumento at gamitin ang mga sumusunod na setting: 1500 x 1000 px; 300 dpi.

Hakbang 2
Pumunta sa File > at Ilagay ang iyong larawan sa loob ng dokumento.

Hakbang 3
Palitan ang laki ng iyong larawan sa mga border ng dokumento at i-click ang Enter.
-min-min.jpg)
Hakbang 4
I-click ang T at gumawa ng bagong text layer sa kanang sulok na nasa may itaas na bahagi.

Hakbang 5
I-click ang U at piliin ang Polygon Tool, at gumawa ng tatsulok na hugis. Pagkatapos ilagay ito tulad ng nakikita sa larawan sa ibaba:
-min.jpg)
Hakbang 6
Piliin ang iyong mga layer sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa Shift at pagkatapos i-Right Click > Merge Layers.

Hakbang 7
Ngayon i-Right Click ang layer at pagkatapos i-Convert sa Smart Object.

Hakbang 8
Gumawa ng apat na kopya ng iyong smart object gamit ang i-Right Click > Duplicate.

2. Ang Paglikha ng mga Effect
Hakbang 1
Itago ang lahat ng mga layer maliban sa unang dalawa, at pagkatapos i-Double Click ang pangalawang layer at alisin ang tsek ng Berde at Asul na mga channel.
%202.jpg)
Hakbang 2
I-click ang V at ilipat ang ikalawang layer, habang pinipindot nang matagal ang Shift, 30 px papunta sa kanan.

Hakbang 3
Ipakita ang ikatlong layer at alisin ang tsek ng mga Pula at Berdeng channel sa paraang tulad ng nakasulat sa itaas. Pagkatapos ilipat ito, habang pinipindot nang matagal ang Shift, 20 px papunta sa kaliwa.

Hakbang 4
Ipakita ang ikaapat na layer, at pumunta sa Layer > New Adjustments Layer > Hue/Saturation.

Hakbang 5
I-double click ang adjustments layer at palitan ang Saturation setting sa +100.

Tulad ng nakikita mo, ang saturation effect
ay inilalagay sa buong larawan, ngunit kinakailangan nating i-crop ito sa ilang
mga lugar lamang.
Hakbang 6
I-right click ang layer ng “Hue/Saturation” at piliin ang Clipping Mask, upang ang epekto nito ay makikita lamang sa mga mahahalagang layer.

Hakbang 7
Ngayon ilagay ang Mask sa ikaapat na layer.

Hakbang 8
Pindutin ang Alt-Left Click para buksan ang mask layer. Punuin ito ng itim.

Hakbang 9
I-click ang M at pillin ang mga lugar sa mask kung saan mo nais makita ang effect, at punuin ito ng puti.

Ngayon ang saturation effect ay makikita sa ilang mga lugar lamang:

Hakbang 10
Ilagay ang Mask sa ikalimang layer at punuin ito ng itim. Pagkatapos, lumikha ng malaking puting espasyo sa medyo itaas ng sentro.

Hakbang 11
Ilipat ang layer na ito 600 px pababa, habang pinipindot ang Shift.

Hakbang 12
Pumunta sa Filter > Blur > Motion Blur at gamitin ang mga sumusunod na setting: Angle: 15°; Distance: 15.

Hakbang 13
Halika’t maglagay tayo ng ilan pang distortion sa larawan. Pumunta sa Filter > Distortion > Twirl at gamitin ang mga sumusunod na setting: Angle: 50°.

Hakbang 14
I-right click ang Hue/Saturation layer at piliin ang Duplicate. Pagkatapos ilagay ito sa itaas ng ikalimang layer at Gumawa ng Clipping Mask.

Heto ang kalalabasan ng ating larawan pagkatapos ng mga manipulasyon na nabanggit sa itaas:

3. Gumawa ng mga VHS Texture
Hakbang 1
Gumawa ng bagong layer gamit ang Shift-Control-N, at pagkatapos punuin ito ng puti.

Hakbang 2
Pumunta sa Filter > Filter Gallery > Sketch at piliin ang Halftone Pattern. Gamitin ang mga sumusunod na mga setting: Size: 2; Contrast: 2.

Hakbang 3
I-double click ang layer at gawin ang mga sumusunod na setting: Blending Mode: Overlay; Opacity: 25%. Alisin ang tsek ng mga Pula at Asul na channel.

Hakbang 4
Kopyahin ang texture layer at pagkatapos gamitin ang Control-T habang pinipindot nang matagal ang Shift upang mapaikot ito ng 90° at palitan ang laki nito sa mga border.
.jpg)
Hakbang 5
I-double click ang layer at gawin ang mga sumusunod na setting: Blending Mode: Normal; Opacity: 15%. Alisin ang mga kulay Berde at Asul na mga channel.

Hakbang 6
I-click ang U at piliin ang Rectangle Tool. Pagkatapos gumawa ng hugis gamit ang mga sumusunod na setting: Width: 1800 px; Height: 120.

Hakbang 7
I-right click ang rektanggulong layer at piliin ang Rasterize Layer.

Hakbang 8
Pumunta sa Filter > Noise > Add Noise at gamitin ang mga sumusunod na setting: Amount: 400%; Distribution: Uniform; Monochromatic.

Hakbang 9
Pumunta sa Filter > Blur > Motion Blur at gamitin ang mga sumusunod na setting: Angle: 0°; Distance: 20 px.

Hakbang 10
Pumunta sa Image > Adjustments > Brightness/Contrast at gamitin ang mga sumusunod na setting: Brightness: 150; Contrast: 100.

Hakbang 11
Gamitin ang Control-I sa rektanggular na layer para baliktarin ang mga kulay ng noise texture, at pagkatapos palitan ang Blending Mode ng Color Dodge.

Hakbang 12
Kopyahin ang iyong noise stripe layer ng ilang ulit at ilipat ito, habang pinipindot ang Shift, sa iba’t-ibang lugar.

Hakbang 13
Lumikha ng bagong layer gamit ang Shift-Control-N, at punuin ito ng itim.

Hakbang 14
Pumunta sa Filter > Noise > Add Noise at gamitin ang mga sumusunod na setting: Amount: 400%; Distribution: Uniform; Monochromatic.

Hakbang 15
Ngayon lagyan ng Patchwork effect gamit ang Filter > Filter Gallery > Patchwork at gamitin ang mga sumusunod na setting: Square Size: 0; Relief: 0.

Hakbang 16
Pumunta sa Image > Adjustments, piliin ang Threshold, at ilagay ito sa 240.

Hakbang 17
I-double click ang layer at gamitin ang mga sumusunod na mga setting: Blending Mode: Screen; Opacity: 100%. Alisin ang tsek ng mga Pula at Asul na channel.

Hakbang 18
Ngayon kinakailangan mong kopyahin ang layer, Suriin ang mga Pula at Asul na channel, at Alisin ang tsek ng Berdeng channel.

Hakbang 19
Ilipat ito sa bagong layer, habang pinipindot nang matagal ang Shift, 60 px papunta sa kanan.

Hakbang 20
Lumikha ng bagong layer gamit ang Shift-Control-N at punuin ito ng itim. Baguhin ang Fill option sa 0%.

Hakbang 21
I-double click ang layer at mamili ng Stroke parameter. Gamitin ang mga sumusunod na setting: Size: 25 px; Position: Inside; Color: Black.

Hakbang 22
Ngayon kailangan mong i-rasterize ang layer style: i-Right Click > Rasterize Layer Style.

Hakbang 23
Pumunta sa Filter > Blur > Gaussian Blur at gamitin ang mga sumusunod na mga setting: Radius: 4px.

Hakbang 24
Palitan ang laki ng frame mo upang mapuno ang kanbas gamit ang Control-T habang pinipindot nang matagal ang Shift.

4. Ang mga Color Correction
Hakbang 1
Ngayon kinakailangan mong gumawa ng mga layer ng color correction para makalikha ng larawan na katulad ng “VHS”. Pumunta sa Layer > New Adjustment Layer > Curves.

Hakbang 2
Kopyahin ang iyong mga curve layer at ilagay ito sa itaas ng unang layer.

Hakbang 1
I-double click ang unang curves layer icon at gamitin ang mga sumusunod na setting:

Hakbang 4
Ngayon i-Double Click ang curves layer at palitan ang Opacity ng mga curves sa 35%.

Hakbang 5
I-double click ang ikalawang curves layer at piliin ang kilalang Photoshop preset “Strong Contrast”.

Kahanga-hanga, ngayon natapos mo na!
Sa simpleng paraan na ito, maaari tayong makagawa ng mga likha ng sining na may VHS-style glitch mula sa kahit na anong larawan gamit lamang ang mga kilalang Photoshop tool.

Maaari mo ring suriin ang nilikhang
animasyon gamit ang Animated VHS Creation Kit mula sa parehas na larawan.
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post