Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Color
Design

Paano Gumawa ng Limang Usong ASE Color Palettes sa Pamamagitan ng Adobe Software

by
Difficulty:BeginnerLength:MediumLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Final product image
What You'll Be Creating

Nang ideklara ng Vogue ang 2018 bilang ‘Taon ng Optimismo’,  tiyak na nagbabalik ang mga bold at magagandang kulay sa mundo ng fashion. Ang graphic design at ilustrasyon ay nababagay din, kabilang ang mga muted tones upang magbigay ng sigla, at makulay na liwanag na hindi mabibigong maghatid ng isang ngiti.

Upang pataasin ang iyong color game sa taong darating, tiningnan namin kung paano makalikha ng limang usong color palettes sa Adobe software. Maaari mo itong i-save bilang mga ASE (Adobe Swatch Exchange) files na pwedeng gamitin muli sa mga susunod na proyekto.

Maaari kang makahanap ng iba pang inspirasyon sa kulay para sa iyong mga disenyo sa Envato Elements, kung saan mo makikita ang napakalaking bilang ng mga nauusong print at graphic templates.

Ano ang mga Kailangan Mo Upang Makagawa ng Iyong mga Color Palettes

Maaari kang makagawa ng color palette sa kahit na anong design software, pero dito, tayo ay nakatuon kung paano makakagawa ng palettes sa Adobe InDesign, Illustrator, at Photoshop. Kailangan mo ng access sa kahit isang mga programang ito para makasunod sa mga hakbang na idinetalye sa ibaba.

Maaari mong i-save ang bawat palette bilang isang ASE (Adobe Swatch Exchange) file sa pinakakomportableng Adobe program para sa iyo. Ang ASE file na ito ay maaari mo ng buksan sa ibang Adobe programs, kaya madali mo itong mabubuksan at makakapaglagay ka ng palette sa vector illustration sa Illustrator, halimbawa, at ganon din sa paglilimbag sa InDesign.

Tumungo sa Seksyon 2, sa ibaba, upang makita ang direksiyon sa paggawa ng palettes sa InDesign, Illustrator, atPhotoshop.

Ipagpatuloy ang pagbabasa para malaman ang limang color palettes na tiyak na talagang lilikha ng ingay sa disenyo sa 2018.

1. Ang Limang Usong Palettes na Maaaring Gawin at Gamitin para sa 2018

Ang limang palettes na ito ay naglalarawan ng mga darating na color trends sa darating na taon. Ang bawat palette ay nilikha na may kasamang complementary swatches, na maaari mong gamitin upang makagawa ng malakas na anyo na kilala hanggang ngayon.

Sundin ang mga direksiyon sa Seksyon 2, sa ibaba, para i-save ang mga palettes sa napiling software.

Palette 1: Ang Botanic Pastels

botanic pastels

Ang pinakamahiwagang palette sa lima, ito ay ang nakakakalamang palette na hango sa kalikasan. Pagtugmain ang juicy orange at lime sa deeper teal at powder blue para sa isang maganda at sariwang palette na magandang tingnan sa stationery at packaging designs.

  • C=9 M=6 Y=7 K=0
  • C=0 M=57 Y=73 K=0
  • C=28 M=0 Y=9 K=0
  • C=0 M=23 Y=23 K=0
  • C=83 M=25 Y=50 K=9
  • C=29 M=19 Y=75 K=4
  • C=13 M=7 Y=83 K=0

Palette 2: Ang Eighties Neon

eighties neon

Ito ang natitirang, in-your-face palette na hango mula sa mga neon at makikintab na kulay na kinahiligan noong 1980s. Gamitin ang mga kulay na ito sa mga ilustrasyon at mga website upang magkaroon ng retrong anyo ang iyong mga disenyo.

  • C=6 M=0 Y=88 K=0
  • C=74 M=8 Y=17 K=0
  • C=1 M=99 Y=100 K=0
  • C=88 M=91 Y=0 K=0
  • C=12 M=84 Y=0 K=0
  • C=10 M=8 Y=13 K=0

Palette 3: Ang New Mid-Century

new mid century

Ang love affair ng mga taga-disenyo kabilang ang lahat ng may kaugnayan sa modernong kalagitnaan ng siglo ay hindi mawawala, pero magiging mas makulay at mas masaya ang mga kulay ng Fifties kaysa sa dati. Pagtugmain ang deep black at blues sa pure greens at pinks para sa mataas na paghahambing ng palette na magbibigay ng eleganteng epekto sa mga karatula at flyers.

  • C=0 M=82 Y=92 K=0
  • C=87 M=71 Y=19 K=4
  • C=0 M=55 Y=19 K=0
  • C=67 M=0 Y=83 K=0
  • C=0 M=0 Y=3 K=0
  • C=2 M=9 Y=81 K=0
  • C=91 M=79 Y=62 K=97

Palette 4: Ang Crayola Brights

crayola brights

Ang palette na ito ay nababagay sa pangkalahatang pagbabago tungo sa kulay na may optimismo at makapangyarihan sa 2018. Ang pagtutugma ng mga cool at warm swatches ay maaaring makalikha ng ingay, na isang takaw-atensyon na palette. Ito ay nababagay partikular sa mga trabahong editoryal.

  • C=0 M=92 Y=92 K=0
  • C=62 M=0 Y=19 K=0
  • C=4 M=33 Y=0 K=0
  • C=2 M=9 Y=94 K=0
  • C=55 M=93 Y=0 K=0

Palette 5: Ang Child’s Play

childs play palette

Nais mo bang bigyan ng pagbabago ang estilo mo na puno ng paglalarawan ngayong taon? Ang palette na ito ay gumagamit ng matingkad at kulay na hango sa vintage na may optimismo, magiliw at parang inosente ang epekto. Ito ay nababagay sa estilong  simple ang ilustrasyon o paglilimbag na hango sa retro.

  • C=0 M=22 Y=81 K=0
  • C=23 M=0 Y=6 K=0
  • C=76 M=49 Y=0 K=0
  • C=81 M=8 Y=79 K=0
  • C=4 M=20 Y=6 K=0
  • C=5 M=80 Y=82 K=0
  • C=78 M=57 Y=46 K=42

2. Paano Gumawa ng Palette sa Adobe InDesign

Hakbang 1

Buksan ang Adobe InDesign, at pumunta sa File > New > Document, at gumawa ng document anuman ang sukat.

Palakihin ang Swatches panel (Window > Color > Swatches) at piliin ang New Color Swatch mula sa drop-down menu ng panel (na maaaring makita sa mataas na kanang sulok)

new color swatch

Hakbang 2

Para sa bersyon ng iyong swatch na madaling i-print, itakda ang Color Type sa Process at ang Color Mode sa CMYK*.

I-type ang percentage levels para sa Cyan (C), Magenta (M), Yellow (Y), at Black (K), bago i-click ang Add at OK.

new color swatch

Ulitin ang proseso sa lahat ng swatches sa palette, upang makagawa ng buong saklaw ng mga kulay sa Swatches panel.

swatch options

*Kung nais mong gamitin ang iyong mga swatches para sa digital work lamang, unahing itakda ang CMYK levels ng iyong swatch bago magpalit ng Color Mode sa RGB. Ang values ay awtomatikong magpapalit sa RGB equivalents.

Hakbang 3

Upang i-save ang iyong palette bilang ASE file, kailangan mo munang burahin ang lahat ng default color swatches na nakalagay sa Swatches panel. I-highlight ang mga ito, at i-Right-Click > Delete Swatch.

delete swatch

Hakbang 4

I-highlight ang lahat ng iyong bagong swatches, at piliin ang Save Swatches mula sa menu ng panel.

save swatches

Bigyan ang iyong palette ng isang di-malilimutang pangalan, at i-Save.

save palette

Ang iyong ASE palette ay maaari ng buksan sa bagong InDesign document, sa Photoshop o Illustrator!

Hakbang 5

Para mabuksan ang palette sa InDesign, piliin ang Load Swatches mula sa menu ng Swatches panel.

load swatches

Pumunta sa sinave na ASE file, at i-click ang Open.

navigate to ASE file

Ang mga swatches ay makikita sa Swatches panel at maaari ng gamitin ang mga ito.

swatches panel

3. Paano Gumawa ng Palette sa Adobe Illustrator

Hakbang 1

Buksan ang Illustrator at pumunta sa File > New. Gumawa ng bagong document na anuman ang sukat.

Palakihin ang Swatches panel (Window > Swatches), at piliin ang New Swatch mula sa drop-down menu ng panel.

new swatch

Hakbang 2

Itakda ang Color Type sa Process at ang Color Mode sa CMYK*.

Ayusin ang antas ng Cyan (C), Magenta (M), Yellow (Y), at Black (K), bago i-click ang OK.

Ulitin ang proseso para gumawa ng palette ng bagong swatches.

new swatch

*Kung nais mong gamitin ang iyong mga swatches para sa digital work lamang, unahing itakda ang CMYK levels ng iyong swatch bago magpalit ng Color Mode sa RGB. Ang values ay awtomatikong magpapalit sa RGB equivalents.

Hakbang 3

Para i-save ang color palette mo, i-highlight ang swatches sa Swatches panel, at piliin ang Save Swatch Library as ASE mula sa main menu ng panel.

save swatch library

Bigyan ang iyong palette ng pangalan na nababagay at i-click ang Save.

save swatches

Hakbang 4

Para buksan ang ASE palette sa Illustrator, pumunta sa Open Swatch Library mula sa Swatches menu ng panel at piliin ang Other Library.

open swatch library

Pumunta sa ASE file, i-click ang Open, at ang palette ay magbubukas sa bagong panel, handa na ang mga ito para ilagay sa iyong mga disenyo.

palette opened

4. Paano Gumawa ng Palette sa Adobe Photoshop

Hakbang 1

Buksan ang Photoshop.

I-click ang isa sa mga Color Picker squares sa ibaba ng Tools panel, na malapit sa kaliwang bahagi ng iyong workspace.

Itakda ang CMYK values para sa iyong swatch, bago i-click ang Add to Swatches.

color picker

Sa Color Swatch Name window na nagbukas, maaaring gamitin ang default numbered name o piliin ang mas di malilimutan na opsyon. I-click ang OK.

color swatch name

Ulitin ang proseso para makagawa ng iba’t-ibang bagong swatches.

Hakbang 2

Pagkatapos gawin ang lahat ng iyong swatches, gamitin ang Option-Click para mamili at burahin ang default swatches sa Swatches panel, iwanan lamang ang iyong bagong swatches.

Pagkatapos, piliin ang Save Swatches para sa Exchange mula sa main menu ng panel.

save swatches for exchange

Bigyan ang iyong swatch ng nababagay na pangalan, at i-click ang Save.

save swatches

Hakbang 3

Para mabuksan ang ASE palette sa Photoshop, piliin ang Load Swatches mula sa menu ng Swatches panel.

load swatches

Matapos i-click ang Open, ang iyong palette ay makikita sa Swatches panel.

swatches loaded

Konklusyon

Ang mga color palettes ay mabilis at simpleng paraan upang maglagay ng agarang pagbabago sa iyong mga disenyo. Ano ang pangkahalatang mensahe para sa taong ito? Mamili ng maliwanag at matingkad na kulay na maglalarawan ng optimismo. Higit sa lahat, magsaya sa kulay!

Maaari kang makahanap ng iba pang inspirasyon sa kulay ng iyong mga disenyo sa Envato Elements, na may iba’t-ibang nauuso na print at graphic templates.

Maaari mo din na iunat ang iyong mga color muscles sa pamamagitan ng mga sumusunod na tutoryal na puno ng kulay:

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.