Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Infographics
Design

Paano Lumikha ng Maaring i-edit na Pie Tsart sa Adobe Illustrator

by
Difficulty:IntermediateLength:MediumLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Final product image
What You'll Be Creating

Sa mga susunod na hakbang, matututunan mo kung paano lumikha ng maaring i-edit na pie tsart sa Adobe Illustrator at kung paano mapadali na istiluhan ito.

Una, matutunan mo kung paano lumikha ng panimula na pie tsart gamit ang Pie Graph Tool. Gamit ang Direct Selection Tool at ang Appearance panel kasama ang ilan mga karaniwan mga kulay at mga epekto, matutunan mo kung paano istiluhan ang mga pangunahing bahagi ng iyong tsart. Sa wakas, matututunan mo kung paano lumikha ng isang simple legend at flat background.

Para sa mas marami pang inspirasyon kung paano ayusin o pabutihin ang iyong huling tsart, makakahanap ka ng maraming mga mapagkukunan sa GraphicRiver.

1. Paano lumikha ng Bagong Dokumento at Paglikha ng Panimulang Tsart

Hakbang 1

Pindutin ang Control-N upang lumikha ng bagong dokumento. Pumili ng Pixels mula sa Units drop-down menu, itala ang 850 sa width box at 980 sa height box, at pagkatapos ay i-click ang More Settings button. Piliin ang RGB para sa Color Mode, itakda ang Raster Effects sa Screen (72 ppi), at pagkatapos ay i-click ang Create Document.

Paganahin ang Grid (View>Show Grid) at i-snap ito sa Grid (View > Snap to Grid). Kakailanganin mo ang grid kada 10 px, kung kaya’t pumunta lamang sa Edit > Preferences > Guides & Grid, at itala ang 10 sa Gridline kada box at 1 sa Subdivisions box. Huwag madismaya nang dahilan lang sa lahat ng grid-mapapadali nito ang iyong trabaho, at laging tandaan na madali mong ma-pagana o hindi paganahin ito gamit ang Control-“ keyboard shortcut.

Marami ka pang matutunan tungkol sa grid system ng Illustrator sa maigsing pagtuturong ito mula kay Andrei Stefan: Understanding Adobe Illustrator’s Grid System.

Dapat mo rin buksan ang Info panel (Window>Info) para sa live preview ng sukat at posisyon ng iyong mga hugis. Huwag kalimutan itakda ang yunit ng pagsukat sa pixels mula Edit > Preferences > Units. Nangangahulugan na ang lahat ng mga pagpipilian na ito ay makakadagdag sa bilis ng iyong pagtrabaho.

set up grid

Hakbang 2

Mag-pokus sa iyong toolbar at mag-double click sa Pie Graph Tool para buksan ang Graph Type window. Itala ang mga katangian na ipinakita sa mga sumusunod na imahe at pagkatapos ay i- an click ang OK.

pie graph tool

Hakbang 3

Siguruhin na ang Pie Graph Tool ay napili at mag-click lamang sa iyong artboard upang mabuksan ang Graph window. Itakda ang Lapad at Taas sa 450 pt, at pagkatapos ay mag-click ng OK.

Itala ang datos na nakikita sa ilalim at pagkatapos ay i-click ang Check button. Ilagay ang iyong bagong graph na halos ipinapakita sa sumusunod na imahe.

graph

2. Paano Mag-edit ng mga Bahagi ng Pie Tsart

Hakbang 1

Piliin ang Direct Selection Tool (A), piliin lamang ang hugis na naka-highlight sa mga sumusunod na imahe, at mag-pokus sa Appearance panel (Window > Appearance).

Tanggalin ang namamalagi na stroke color at pagkatapos at piliin ang fill. Itakda ang kulay sa R=255 G=190 B=123 at pumunta sa Effect > Distort & Transform > Transform. I-drag ang Move-Vertical slider sa -1 px at itala ang 15 sa Copies box, at pagkatapos ay i-click ang OK. Bumalik sa Appearance panel at magdagdag ng ikalawang fill gamit ang Add New Fill button. Piliin ito, itakda ang kulay sa R=255 G=223 B=153, at pumunta sa Effect > Distort & Transform > Transform. I-drag ang Move-Vertical slider sa -15 at i-click ang OK.

direct selection tool

Hakbang 2

Gamit ang Direct Selection Tool (A), piliin ang ibang hiwa ng pie tsart nang paisa-isa. Tanggalin ang stroke color at palitan ito ng existing fill colors na ipinakikita sa ibaba.

change color

Hakbang 3

Piliin ang Group Selection Tool at pumili ng isa sa mga piraso ng teksto mula sa pie tsart. Mag-click sa ikalawang pagkakataon sa parehas na piraso ng teksto para madaling halawin ang lahat ng teksto.

Buksan ang Character panel (Window > Type > Character) at piliin ang Alma Mono Heavy font. Itakda ang sukat sa 25 px at baguhin  ang kulay gawing puti (R=255 G=255 B=255).

edit text

3. Paano Istiluhan ang Iyong Pie Tsart

Hakbang 1

Piliin ang Move Tool (V), halawin ang iyong buong pie tsart, at mag-pokus sa Appearance panel.

Magdagdag ng bagong fill, piliin ito, at siguruhin na ito ay napapailalim sa “Contents” section. Itakda ang kulay sa R=255 G=242 B=236 at pumunta sa Effect > Convert to Shape > Ellipse. Itsek ang Absolute box, itakda parehas ang Lapad at Taas sa 500 px, i- click ang OK, at pagkatapos ay pumunta sa Effect > Distort & Transform > Transform. I-drag ang Move-Vertical slider sa 7 px, i-click OK, at pumunta sa Effect > Stylize > Drop Shadow. Itala ang mga katangian na nakikita sa ibaba at i-click ang OK.

add new fill

Hakbang 2

Siguruhin na ang iyong buong pie tsart ay nakapili pa rin at panatilihin ang pokus sa Appearance panel. Magdagdag ng ikalawang fill, i-drag ito sa ilalim ng namamalaging fill, at piliin ito.

Itakda ang kulay sa R=255 G=82 B=119, babaan ang Opacity sa 30%, at pumunta sa Effect > Convert to Shape > Ellipse. I-tsek ang Absolute box, itakda parehas ang Lapad at Taas sa 440 px, i-click ang OK, at pagkatapos ay pumunta sa Effect > Distort & Transform > Transform. I-drag ang Move-Vertical slider sa 45 px, i-click OK, at pumunta sa Effect > Blur > Gaussian Blur. Itala ang 15 px Radius at i-click ang OK.

gaussian blur

Hakbang 3

Siguruhin na ang iyong buong pie tsart ay nakapili pa rin at panatilihin ang pokus sa Appearance panel. Magdagdag ng ikalawang fill, i-drag ito sa ilalim ng namamalaging fill, at piliin ito.

Itakda ang kulay sa R=255 G=82 B=119, babaan ang Opacity sa 50%, at pumunta sa Effect > Convert to Shape > Ellipse. I-tsek ang Absolute box, itakda parehas ang Lapad at Taas sa 350 px, i-click ang OK, at pagkatapos ay pumunta sa Effect > Distort & Transform > Transform. I-drag ang Move-Vertical slider sa 35 px, i-click OK, at pumunta sa Effect > Blur > Gaussian Blur. Itala ang 15 px Radius at i-click ang OK.

chart shadow

4. Paano lumikha ng Simple Legend

Hakbang 1

Gamit ang Rectangle Tool (M), lumikha ng 510 x 80 px na hugis, at i-puwesto ito gaya ng ipinapakita sa sumusunod na imahe. Siguruhin na ang parisukat ay nananatiling naka-halaw at mag-pokus sa Appearance panel.

Piliin ang fill, itakda ang kulay sa R=255 G=242 B=236, at pumunta sa Effect > Stylize > Rounded Corners. Itala ang 40 px Radius, click OK, at pumunta sa Effect > Stylize > Drop Shadow. Itala ang mga katangian na nakikita sa ibaba at click OK.

rounded rectangle

Hakbang 2

Siguruhin na ang iyong parihaba ay nananatiling naka-halaw at panatilihing naka-pokus sa Appearance panel. Magdagdag ng ikalawang fill at i-drag ito sa ilalim ng isa pa.

Itakda ang kulay sa R=255 G=82 B=119, babaan ang Opacity sa 30%, at pumunta sa Effect > Stylize > Rounded Corners. Itala ang 10 px Radius, click OK, at pumunta sa Effect > Distort & Transform > Transform. Itala ang mga katangian na ipinapakita sa ibaba, click OK, at pumunta sa Effect > Blur > Gaussian Blur. Itakda ang Radius sa 15 px at click OK

legend shadow

Hakbang 3

Para sa hakbang na ito, mangangailangan ka nang grid kada 5 px. Pumunta lamang sa Edit > Preferences > Guides & Grid at itala ang 5 sa Gridline kada box.

Piliin ang Ellipse Tool (L) at lumikha ng 60 px na bilog, at pagkatapos ay piliin ang Rectangle Tool (M) at lumikha ng 30 px na parisukat. I-puwesto ang iyong parisukat gaya ng ipinapakita sa ikalawang imahe at i-fill ito ng R=255 G=190 B=123. Piliin ang dalawang hugis na ginawa sa hakbang na ito at i-click ang Intersect button mula sa Pathfinder panel (Window > Pathfinder).

pathfinder panel

Hakbang 4

Piliin ang iyong quarter circle at i-puwesto ito gaya ng ipinapakita sa imahe.

quarter circle

Hakbang 5

Gumawa ng tatlong kopya ng iyong quarter circle. Ilagay ang mga ito gaya ng ipinapakita sa ibaba at palitan ang dilaw ng mga kulay na ipinapakita sa ibaba.

change color

Hakbang 6

Pumunta sa iyong Toolbar at itakda ang fill sa kulay na R=178 G=70 B=116. Mag-pokus sa Character panel, piliin ang Auro font, at itakda ang sukat sa 16 px.

Piliin ang Type Tool (T), mag-click sa iyong artboard, magdagdag ng “Lemon” piraso ng teksto, at pagkatapos ay i-puwesto ito gaya ng ipinapakita sa ibaba. I-type ang iba pang tatlong piraso ng teksto at i-puwesto ang mga ito gaya ng ipinapakita sa ibaba.

type tool

Hakbang 7

Halawin lahat ang apat na pirasong teksto at pumunta sa Effect > Stylize > Drop Shadow. Itala ang mga katangian na nakikita sa ibaba at click OK.

drop shadow

5. Paano Lumikha ng Pangkaraniwan Background

Piliin ang Rectangle Tool (M) at lumikha ng 870x1000 px na hugis. I-fill ang bagong parihaba ng R=255 G=255 B=250, siguraduhin na nasasakop ang kabuuan ng iyong artboard, at ipadala ito pabalik sa (Shift-Control-[).

background

Binabati kita! Ika’y tapos na!

Narito kung ano dapat ang itsura nito. Sana ay nasiyahan ka sa pagtuturong ito at maari na rin magamit ang mga teknik na ito sa mga darating mong proyekto. Huwag mag atubiling ibahagi ang iyong huling resulta sa seksyon ng mga komento.

Huwag mag-atubiling baguhin ang huling disenyo at gawin mo itong iyo. Makakahanap ka ng mga kahanga-hangang mga mapagkukunan ng inspirasyon sa GraphicRiver, na may mga kawili-wiling solusyon upang mapabuti ang iyong disenyo.

final product
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.