Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Kumilos sa watercolor textures sa Adobe Illustrator! Sa tutorial na ito kami ay gagawa tayo ng sariling watercolor texture na may isang simpleng watercolor set, i-edit ang aming mga larawan sa Adobe Photoshop, at i-aplay ang mga texture sa Adobe Illustrator na gumagamit ng dalawang magkaibang mga diskarte.
Maaari mo ring
tingnan ang mga texture o guhit kamay na mga font upang madagdagan ang ilan sa
mga disenyo na ginagamit sa tutorial na ito mula sa Envato Market.
1. Lumikha mga Watercolor Texture
Hakbang 1
Tayo'y magsimula sa ang mga supplies na kailangan mo o maaaring mo gamitin para sa paglikha ng watercolor texture:
- Waterkolor paints
- Waterkolor papel
- Malambot na brotsa
- Tubig cup
Sa personal, tingin ko mga proyekto tulad ng mga ito ay hindi nangangailangan ng mga pinaka-sopistikadong mga tool. Maaari kang lumikha ng masayang mga watercolor texture mula sa isang hanay ng mga pambatang art supplies lang pati na rin ang paggamit ng Winsor at Newton paints. Sa ibaba makikita mo ang suplay na meron ako gamit sa aking toolkit ng pagpipinta.

Hakbang 2
Kumuha ng tubig sa iyong brush, isawsaw ito sa isang waterkolor pan, at simulan ang painting. Paglaruan ang transparency at saturation. Gumawa ng malaking puddles o maliit na ulap ng mga kulay. Hindi ka talaga maaaring magkamali na may e-eksperimento sa watercolors tulad nito!

Hakbang 3
Kung mgpipinta gamit ang wet brush mgpunta sa isang basang bahaging ng papel, makikita mo ang iyong watercolor na magkakalat at liliikha ng masaya gradients sa iyong papel. Huwag mag-atubiling mag dab o pawiin ang iyong mga watercolors gamit ang papel na tuwalya o i-flick ang iyong brush sa ibabaw ng iyong papel upang makagawa ng isang splatter na texture.

Hakbang 4
I-layer up ang iba't ibang grado ng kulay saturation sa iyong papel, at maglaro ng iba pang mga kulay. Hayaan ang ilan sa iyong pintura na matuyo, at pagkatapos ay ipagpatuloy ang pagpipinta hanggang sa magkaroon ka ng kulay na gusto mo.

Hakbang 5
Lumikha ng maraming mga pahina ng watercolor texture hangga't gusto mo. Kapag kayo ay nasiyahan sa iyong kulay at napiling mga disenyo, pabayaan ang iyong papel na matuyo bago lumipat sa susunod na seksyon ng tutorial na ito.

2. I-edit ang mga texture
Hakbang 1
I-scan ang iyong mga texture at i-import ang mga ito sa Adobe Photoshop. Bilang kahalili, maaari mong kuhanan ng isang larawan. Dahil ang aking scanner ay luma na, ito ay hindi laging nagbibigay ng mga pinakamahusay na trabaho sa pagtiyak na ang papel ay kasing puti ng kailangan ko para sa proyektong ito. Tayo ay mgdagdag pa ng mga karagdagadng edit.

Hakbang 2
Upang labanan ang yellowing ng papel, pumunta sa Image > Adjustments > Mga Antas at maingat na ayusin ang mga antas ng yellowing sa paligid ng iyong watercolor splashes. Kadalasan inaayos ko ang mga kulay-abo na slider sa kaliwa at ang white slider sa kanan ng kaunti.

Hakbang 3
Ngayon na ang watercolor texture ay maliwanag at malinis, i-save ang iyong file bilang isang high-resolution JPG, at import ito sa Adobe Illustrator.

3. Gumawa Vectors Mula sa Textures
Hakbang 1
I-import ang iyong watercolor texture sa isang bagong Adobe Illustrator na dokumento at buksan ang Image Trace panel. Para sa Mode, piliin ang kulay, at para sa Palette, piliin ang Buong Tone. Pindutin ang I-preview at maghintay ng kaunti para sa iyong vector na mag-render.

Hakbang 2
Aking zinoom in sa aking tracing na resulta upang maaari mong makita ang vector ng mga bagay ng mas mahusay. Ito ay lubhang madali lamang na paraan ng pag-convert ng mga tunay na texture ng media sa vector ng hindi kailangan gawin ulit sa Adobe Illustrator sa pamamagitan ng kamay.

Hakbang 3
Maaari mo ring limitahan ang halaga ng mga detalye sa iyong tracing na resulta sa pamamagitan ng pagpili ng Limited (sa kaliwa sa ibaba) para sa iyong Palette sa halip ng Buong Tone (sa kanan sa ibaba). Ito ay magbibigay sa iyo ng isang mas vectored na hitsura at isang mas maliit na sukat ng file.
Palawakin ang iyong
watercolor texture at Huwag ipagpangkat ito nang sa gayon maaari mong gamitin
ang Lasso Tool (Q) upang piliin ang paligid ng isang seksyon ng iyong texture. Copy (Control-C) at
I-paste (Control-V) ang texture papunta sa isang Bagong Layer sa Layers panel.
Itago ang iba pang mga texture para naka focus ka lang sa iyong kinopya na
seksyon. Group (Control-G) ang texture na magkasama.

4. Gumawa ng isang Graphic na Estilo
Hakbang 1
Ang mga Graphic na Estilo ay kamangha-manghang. Pinapayagan ka na madaling mag-aplay ng lahat ng mga uri ng mga pattern, epekto, at mga katulad sa isang simpleng pag-click ng pindutan. Magkasama sila sa Actions para sa pagpapabilis ng iyong proseso sa Adobe Illustrator.
Piliin ang iyong mga texture na grupo at, sa panel ng Mga Pagpipilian ng Pattern, lumikha ng isang Bagong Pattern. Ayusin ang Lapad at Taas ng mga hangganan ng pattern tile sa gayon ang texture ay nakapatong mismo. Sa Hitsura na panel, i-set Blending Mode ng grupo sa Multiply. Kapag kayo ay nasisiyahan na sa kung paano ang iyong pattern ay nakapatong at inuulit, pindutin ang Tapos na.
Dahil ito ay isang komplikadong vector texture, maaari mong makita na ito ay matagal gumawa ng mga pattern. Madalas ay pinupuntahan ko ang aking knitting habang ang aking machine catches up sa kung ano ako ng paggawa. Ang mga safety saves din ay nakakatulong sa anumang pagkabalisa sa biglang pag-crash ng Adobe Illustrator.

Hakbang 2
Makikita mo ang iyong bagong yari na pattern sa panel Swatches. I-apply ito sa isang simpleng parihabang hugis. Buksan ang Graphic na Estilo na panel at, na may piniling rectangle, gumawa ng isang Bagong Graphic na Estilo. Ito ay nagpapahintulot sa iyo na panatilihin ang anumang bagay na sinet up mo sa Hitsura na panel at ilapat ang mga ito nang mabilis at madali sa anumang object nang hindi na kinakailangang muling mag-apply ng mga pattern at ang iba pang mga katangian. Tiyaking i-save ang iyong mga Graphic na Estilo upang ma-access ito mula sa anumang dokumento.

Hakbang 3
Subukan ang ilang teksto na may bagong Graphic na Estilo. Gamit ang isang masaya script font, ako ay ngsulat ng isa sa aking mga paboritong mga parirala galing sa drag entertainer na si Alyssa Edwards. Maaari mong mahanap ang mga katulad na typefaces sa seksyon ng font ng Envato Market.
I-type ang ilang teksto na may Type Tool (T) at Palawakin (Object> Palawakin) ang iyong outline na teksto. I-apply sa iyong nilikhang bagong Graphic na Estilo. Paki tandaan ang mga paraan upang mapabuti ang iyong pattern o estilo, kung mayroon man.

5. Gumawa ng isang Typographic Design
Hakbang 1
Gawin natin mas kagiliw-giliw kaysa sa paglalapat ng isang Graphic na Estilo sa isang simpleng font. Mag-sketch out ng isang typographic na komposisyon. Isaalang-alang ang paggamit ng script, serif, at sand-serif typefaces bilang mga halimbawa ng iyong mga guhit kamay na uri.
Bilang kahalili, maaari mong ayusin ang teksto kung paano mo nakikita mong akma sa halip na gumuhit ng isang hiwalay na disenyo. Gumuhit ako ng disenyo na makikita sa ibaba sa Adobe Photoshop at inimport ito sa aking Adobe Illustrator dokumento. Paglaruan ang iba't ibang mga komposisyon at lettering na mga estilo sa iyong mga gusting mga quote. Kung hindi ka gumagamit ng isang graphic na tablet, maaaring ka gumamit ng mga pre-made na font faces para tutorial na ito.

Hakbang 2
Sa isang bagong layer, gamitin ang blob Brush Tool (Shift-B) upang maayos na i-redraw ang iyong disenyo. Gawin ang iyong pinakamahusay upang higpitan ang iyong linya ng trabaho at panatilihin makinis ang mga curves at tuwid na mga linya na tuwid.

Hakbang 3
Ibahin ang lapad ng linya sa iyong lettering. Ito ay kung saan ang pagtingin sa mga halimbawa ng iba pang mga lettering at palalimbagan ay gawin magaling sa pagtulong sa iyo na magdesisyon kung aling mga bahagi ng bawat titik ang dapat na makapal at kung saan ay dapat na manipis. Parehong pageksperimentuhan at makita kung paano nito binabago ng iyong disenyo.

Hakbang 4
Magpatuloy sa
pagtatrabaho sa paligid ng iyong komposisyon. Kung matutuklasan mo na ang iyong
sketch ay hindi tama, maaari mong ayusin ang iyong nilalaman ngayon. Bilang
kahalili, maaari mo ring gamitin ang isang iba't ibang mga tool sa pagguhit,
gaya ng Pen Tool (P), upang i-trace ang iyong sketch.

Hakbang 5
Para sa mas malaking titik na section, i-outline muna ang contour at pagkatapos ay punan ang bawat hugis. Pabilisin ang iyong proseso sa pag gamit ang Shaper Tool (Shift-N) upang punan ang mga seksyon. Gumuhit ng simpleng scribble sa pagitan ng mga bagay at ito ay mapupunan gaya ng maari mong makita sa ibaba.

Hakbang 6
Kapag nakumpleto mo na ang iyong teksto, tanggalin ang iyong sketch layer at piliin ang iyong bagong mga hugis ng teksto. Pagsamahin ang mga hugis sa Pathfinder panel, siguraduhin palawakin ang mga ito sa isang Compound na hugis. Katulad ng ginawa naming dati, huwag mag-atubiling i-apply ang iyong Graphic na Estilo sa iyong nilikhang bagong disenyo.

6. Gumawa ng isang clipping mask
Hakbang 1
Bilang isang kahaliling pamamaraan sa Graphic na Estilo, maaari ka lumikha ng isang clipping mask (Control-7) upang ilapat ang iyong texture. Tulad ng ginawa natin sa paghahanda para sa paglikha ng pattern, piliin ang isang bahagi ng iyong Image Traced texture sa Lasso Tool at Kopyahin ito.
Ako ay nagpasya na panatilihin ang watercolor texture na hiwalay sa kanilang sariling mga dokumento para ang aking gumaganang dokumento ay hindi maging isang memory hog sa aking makina.

Hakbang 2
Ilagay ang iyong
texture sa iyong gumaganang dokumento. Sinet ko ang aking fill color ng aking
teksto sa isang light grey para madaling makita ang mga ito at ang mga
magkakapatong na texture. I-set ang texture sa Blending Mode na-multiply sa
Transparency panel.

Hakbang 3
Ulitin ang prosesong ito ng pag-paste ng watercolor seksyon texture sa ibabaw ng iyong teksto. Huwag mag-atubiling mag Scale, Paikutin, at ilagay ang mga ito sa kahit anong paraan mahanap mo na pinakamahusay.

Hakbang 4
Kapag kayo ay nasisiyahan sa iyong mga texture placement, i-Grupo ito nang magkakasama sa iyong mga disenyo. Gayundin siguraduhin na ang karamihan ng iyong mga text na disenyo ay saklaw sa ilang mga paraan na may isang texture. Hindi mo nais mawala ang mga buong letra kapag gumawa na ng Clipping mask.

Hakbang 5
Kopyahin at I-paste
ang iyong teksto ng disenyo sa ibabaw ng inyong watercolor texture group. Itago
ang iyong mga orihinal na disenyo ng teksto sa Layers panel. Piliin pareho at gumawa
ng isang clipping mask sa pamamagitan ng pagpindot Control-7. Kung nakita mo na
gusto mong baguhin o magdagdag ng nilalaman sa iyong Clipping mask, kailangan
lang buksan ang Layers panel at piliin ang mga bahagi ng iyong grupo sa loob ng
Clip Group upang muling ayusin ang mga ito sa iyong Artboard o magdagdag ng mga
bagong texture sa pamamagitan ng pagkaladkad sa mga ito sa grupo.

Magaling, tapos na kayo!
Paglaruan ang waterkolor texture sa kahit anong paraan na nakikita mong akma. Kung lumilikha ka ng isang Graphic Estilo o isang clipping mask, mayroon kang pagpipilian sa kung paano mo ilapat ang iyong mga texture pati na rin ang iba pang mga elemento tulad ng watercolor splatter o karagdagang wash texture.
Ibahagi ang iyong mga disenyo sa seksyon ng komento sa ibaba! Kung nakalikha ka na ng bawat elemento ng iyong sarili o gumamit ng asset mula sa Envato Market sa loob ng iyong poster komposisyon, nais naming makita ang mga ito!

Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post