Papaano Gumawa ng Watercolor Effects ng Mabilisan sa Photoshop Gamit ang Actions
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)



Sa pagtuturong ito, matututunan mo kung paano gumawa ng mayroong kahanga-hangang watercolor effect. Ipapaliwanag ko lahat nang sobrang detalyado kung saan lahat makakagawa nito,kahit sa mga kakabukas lang ng Photoshop sa unang pagkakataon.
Ang effect na ipinakita sa itaas ay ang ipapakita ko kung paano gawin sa pagtuturong ito. Kung gusto mong gawin ang mas advanced ay mayroong kahanga-hangang watercolor effect sa ibaba, sa paggamit ng isang pindot lang at ng ilang minuto lang, tingnan ang aking TechnicalArt 2 Photoshop Action.



Ang Iyong Kakailanganin
Para magawa uli ang disenyo sa itaas, kailangan mo ang mga sumusunod na resources:
1. Magsimula na tayo.
Una, buksan ang larawan na gusto mong gawan. Para mabuksan ang iyong larawan, pumunta sa File > Open,piliin ang iyong larawan, at pindutin ang Open. Ngayon, bago tayo magsimula, suriin lang ang ilang bagay:
- Ang iyong larawan ay dapat nasa RGB Color mode, 8 Bits/Channel. Para matingan ito, pumunta sa Image > Mode.
- Mara sa magandang resulta, ang sukat ng iyong larawan ay dapat 2000–4000 px ang lapad/taas. Para matingnan ito, pumunta sa Image > Image Size.
- Ang iyong larawan dapat ang Background layer. Kung hindi, pumunta sa Layer > New > Background mula sa Layer.



2. Papaano Gumawa ng Brushes
Hakbang
Sa
bahaging ito, gagawa tayo ng limang watercolor brushes na gagamitin natin.
Maaari kang magdownload ng textures mula sa attachment at sundan ang mga
hakbang, o kaya ay maaari kang tumungo sa pagtuturo ni Ivan upang matuto kung
papaano gumawa ng sarili mong watercolor textures, o maaari mong i-download ang TechnicalArt 2 Photoshop Action ko at makakakuha ka ng higit sa 60 na high-quality at resolution na
watercolor brushes (pero sa gagawin natin ay maaari mon a itong laktawan).
Hakbang 2
Kung sinundan mo ang unang pagpipilian at nagdownload ng mga textures, buksan mo ang unang texture scan sa Photoshop. Tumungo sa Edit > Define Brush upang i-define ang texture na ito bilang brush, at pangalanan itong Temp_Brush_1.



Hakbang 3
Buksan ang ikalawang texture scan, tumungo sa Edit > Define Brush upang i-define ang rexture na ito bilang brush at pangalanan itong Temp_Brush_2.



Hakbang 4
Buksan ang ikatlong texture scan, tumungo sa Edit > Define Brush upang i-define ang rexture na ito bilang brush at pangalanan itong Temp_Brush_3.



Hakbang 5
Buksan ang ika-apat na texture scan, tumungo sa Edit > Define Brush upang i-define ang rexture na ito bilang brush at pangalanan itong Temp_Brush_4.



Hakbang 6
At buksan ang huling texture scan, tumungo sa Edit > Define Brush upang i-define ang rexture na ito bilang brush at pangalanan itong Temp_Brush_5.



Hakbang 7
Ngayon na nai-define na natin ang ating mga brush, kailangan nating i-adjust ang mga settings nito at i-define muli bilang mga bagong brushes. Pinduting ang B sa iyong keyboard, magright-clikc kahit saan sa canvas, piliin ang Temp_Brush_1 na brush, at pindutin ang Enter. Tapos ay pumunta sa Window > Brush at, sa loob ng Brush window, ay gamitin ang mga settings sa ibaba:



Hakbang 8
Ipang mai-define ang brush gamit ang bagong settings bilang isang bagong brush, pindutin ang pinakakanang itaas na icon sa ibabang kanang sulok ng Brush panel, at pangalanan itong Watercolor_Brush_1.



Hakbang 9
Pinduting ang B sa iyong keyboard, magright-clikc kahit saan sa canvas, piliin ang Temp_Brush_2 na brush, at pindutin ang Enter. Tapos ay pumunta sa Window > Brush at, sa loob ng Brush window, ay gamitin ang mga settings sa ibaba:



Hakbang 10
Ipang mai-define ang brush gamit ang bagong settings bilang isang bagong brush, pindutin ang pinakakanang itaas na icon sa ibabang kanang sulok ng Brush panel, at pangalanan itong Watercolor_Brush_2.



Hakbang 11
Pinduting ang B sa iyong keyboard, magright-clikc kahit saan sa canvas, piliin ang Temp_Brush_3 na brush, at pindutin ang Enter. Tapos ay pumunta sa Window > Brush at, sa loob ng Brush window, ay gamitin ang mga settings sa ibaba:



Hakbang 12
Ipang mai-define ang brush gamit ang bagong settings bilang isang bagong brush, pindutin ang pinakakanang itaas na icon sa ibabang kanang sulok ng Brush panel, at pangalanan itong Watercolor_Brush_3.



Hakbang 13
Pinduting ang B sa iyong keyboard, magright-clikc kahit saan sa canvas, piliin ang Temp_Brush_4 na brush, at pindutin ang Enter. Tapos ay pumunta sa Window > Brush at, sa loob ng Brush window, ay gamitin ang mga settings sa ibaba:



Hakbang 14
Ipang mai-define ang brush gamit ang bagong settings bilang isang bagong brush, pindutin ang pinakakanang itaas na icon sa ibabang kanang sulok ng Brush panel, at pangalanan itong Watercolor_Brush_4.



Hakbang 15
Pinduting ang B sa iyong keyboard, magright-clikc kahit saan sa canvas, piliin ang Temp_Brush_5 na brush, at pindutin ang Enter. Tapos ay pumunta sa Window > Brush at, sa loob ng Brush window, ay gamitin ang mga settings sa ibaba:



Hakbang 16
Ipang mai-define ang brush gamit ang bagong settings bilang isang bagong brush, pindutin ang pinakakanang itaas na icon sa ibabang kanang sulok ng Brush panel, at pangalanan itong Watercolor_Brush_5.



3. Papaano Gawin ang Background
Hakbang 1
Sa
bahaging ito ay gagawin na natin ang background. Tumungo sa Layer > New Fill Layer > Solid Color para makagawa ng
bagong solid color fill layer, pangalanan itong Background color, at piliin ang
kulay #e5e5e5.



Hakbang 2
Sunod ay mag right-click sa layer na ito, piliin ang Blending Options, i-check ang Gradient Overlay, at gamitin ang mga settings sa ibaba:



4. Papaano Gawin ang Sketch
Hakbang 1
Sa hakbang na ito ay gagawin na natin ang sketch. Piliin ang Background laer at pindutin ang Control-J sa iyong keyboard, at i-duplicate ito. Pagkatapos ay i-drag ang layer na ito sa ibabaw ng mga layers sa Layers panel.



Hakbang 2
Ngayon
naman ay pindutin ang Control-Shift-U sa iyong keyboard at i-desaturate ang
layer na ito. Tumungo sa Filter > Filter Gallery > Stylize > Glowing Edges at itakda ang Edge Widht sa 1, Edge Brightness sa
20, at Smoothness sa 15.



Hakbang 3
Pindutin
ang Control-I sa iyong keyboard upang baliktarin ang layer na ito. Pagkatapos
ay tumungo sa Filter > Sharpen > Unsharp Mask at itakda ang Amount sa 500%, Radius sa 1 px, at ang Threshold
sa 0 levels.



Hakbang 4
Baguhin ang Blending Mode ng layer na ito sa Multiply at itakda ang Opacity sa 47%. Pangalanan ang layer na ito ng Sketch.



5. Paano
Gawin ang Watercolor Painting
Hakbang 1
Sa bahaging ito ay gagawin natin ang watercolor painting. Tumungo sa Layer > New > Layer upang makagawa ng bagong layer at pangalan itong Temp_1.



Hakbang 2
Matapos
ito ay itakda ang foreground color sa #000000
, piliin ang Brush Tool (B), at piliin ang
Watercolor_Brush_1 na brush. I-adjust ang Diameter ng brush sa kung anong gusto
mo, at gamitin ito gaya ng ipinapakita sa ibaba:



Hakbang 3
Magcontrol-click sa layer thumbnail upang mapili ang layer na ito. Pagkatapos ay itago ang layer na ito, piliin ang Background layer, at pindutin ang Control-J sa iyong keyboard upang makagawa ng bagong layer gamit ang selection. Pagkatapos nito ay i-drag ang bagong layer na ito sa ibaba lang ng Temp_1 na layer sa Layers panel.



Hakbang 4
Baguhin ang Opacity ng layer na ito sa 56% at pangalanan itong WP_1.



Hakbang 5
Tumungo sa Layer > New > Layer upang makagawa ng bagong layer at pangalan itong Temp_2.



Hakbang 6
Matapos
ito ay itakda ang foreground color sa #000000
, piliin ang Brush Tool (B), at piliin ang
Watercolor_Brush_2 na brush. I-adjust ang Diameter ng brush sa kung anong gusto
mo, at gamitin ito gaya ng ipinapakita sa ibaba:



Hakbang 7
Magcontrol-click sa layer thumbnail upang mapili ang layer na ito. Pagkatapos ay itago ang layer na ito, piliin ang Background layer, at pindutin ang Control-J sa iyong keyboard upang makagawa ng bagong layer gamit ang selection. Pagkatapos nito ay i-drag ang bagong layer na ito sa ibaba lang ng WP_1 na layer sa Layers panel.



Hakbang 8
Baguhin ang Opacity ng layer na ito sa 40% at pangalanan itong WP_2.



Hakbang 9
Piliin ang WP_1 layer, tumungo sa Layer > New > Layer upang makagawa ng bagong layer at pangalan itong Temp_3.



Hakbang 10
Matapos
ito ay itakda ang foreground color sa #000000
, piliin ang Brush Tool (B), at piliin ang
Watercolor_Brush_3 na brush. I-adjust ang Diameter ng brush sa kung anong gusto
mo, at gamitin ito gaya ng ipinapakita sa ibaba:



Hakbang 11
Magcontrol-click sa layer thumbnail upang mapili ang layer na ito. Pagkatapos ay itago ang layer na ito, piliin ang Background layer, at pindutin ang Control-J sa iyong keyboard upang makagawa ng bagong layer gamit ang selection. Pagkatapos nito ay i-drag ang bagong layer na ito sa ibaba lang ng WP_2 na layer sa Layers panel.



Hakbang 12
Baguhin ang Opacity ng layer na ito sa 62% at pangalanan itong WP_3.



Hakbang 13
Piliin ang WP_1 layer, tumungo sa Layer > New > Layer upang makagawa ng bagong layer at pangalan itong Temp_4.



Hakbang 14
Matapos
ito ay itakda ang foreground color sa #000000
, piliin ang Brush Tool (B), at piliin ang
Watercolor_Brush_4 na brush. I-adjust ang Diameter ng brush sa kung anong gusto
mo, at gamitin ito gaya ng ipinapakita sa ibaba:



Hakbang 15
Magcontrol-click sa layer thumbnail upang mapili ang layer na ito. Pagkatapos ay itago ang layer na ito, piliin ang Background layer, at pindutin ang Control-J sa iyong keyboard upang makagawa ng bagong layer gamit ang selection. Pagkatapos nito ay i-drag ang bagong layer na ito sa ibaba lang ng WP_3 na layer sa Layers panel.



Hakbang 16
Pangalanan ang layer na ito ng WP_4.



Hakbang 17
Piliin ang WP_1 layer, tumungo sa Layer > New > Layer upang makagawa ng bagong layer at pangalan itong Temp_5.



Hakbang 18
Matapos
ito ay itakda ang foreground color sa #000000
, piliin ang Brush Tool (B), at piliin ang
Watercolor_Brush_5 na brush. I-adjust ang Diameter ng brush sa kung anong gusto
mo, at gamitin ito gaya ng ipinapakita sa ibaba:



Hakbang 19
Magcontrol-click sa layer thumbnail upang mapili ang layer na ito. Pagkatapos ay itago ang layer na ito, piliin ang Background layer, at pindutin ang Control-J sa iyong keyboard upang makagawa ng bagong layer gamit ang selection. Pagkatapos nito ay i-drag ang bagong layer na ito sa ibaba lang ng WP_4 na layer sa Layers panel.



Hakbang 20
Pangalanan
ang layer na ito ng WP_5.



Hakbang 21
Piliin ang Temp_1 na layer at magShift-click sa Temp_5 layer upang mapili lahat ng layers sa pagitan nito. Pagkatapos ay magright-click sa kahit saan sa mga napiling layer at piliin ang Delete Layers.



Hakbang 22
Ngayon
naman ay piliin ang WP_1 na layer, tumungo sa Filter > Filter Gallery > Artistic > Watercolor, at itakda ang Brush Detail sa
14, Shadow Intensity sa 0, at Texture sa 1.



Hakbang 23
Ulitin ang mga nakaraang hakbang at gamitin ang parehong filter sa mga natitirang watercolor layers.



Hakbang 24
Piliin ang WP_1 na layer at magShift-click sa WP_5 na layer at piliin lahat ng mga layers sa pagitan nito. Pagkatapos, tumungo sa Layer > New > Group mula sa Layers upang makagawa ng bagong grupo sa mga piniling layers at pangalanan itong Watercolor Painting.



6. Papaano Gawin ang Texture
Hakbang 1
Sa hakbang na ito ay gagawin na natin ang texture. Tumungo sa Layer > New > Layer para makagawa ng bagong layer na Texture.



Hakbang 2
Tumungo sa Edit > Fill at itakda ang Contents sa 50% Gray, Mode sa Normal, at Opacity sa 100%



Hakbang 3
Tumungo
sa Filter > Filter Gallery > Texture > Texturizer at itakda ang Texture sa Canvas, Scaling sa 200%, Relief sa 4 at Light to
Top gaya ng ipinapakita sa ibaba:



Hakbang 4
Baguhin ang Blending Mode ng layer na ito sa Soft Light.



7. Papaano Gawin ang mga Panghuling Pagsasaayos
Hakbang 1
Sa bahaging ito, gagawin natin ang mga panghuling pagsasaayos sa disenyo. Tumungo sa Layer > New Adjustment Layer > Curves upang makagawa ng bagong curves adjustment layer Color_Look_1.



Hakbang 2
Magdouble-click sa layer thumbnail at sa loob ng Properties Panel, ilagay ang mga settings sa ibaba:



Hakbang 3
Baguhin ang Opacity ng layer na ito sa 46%.



Hakbang 4
Piliin ang Texture layer, tumungo sa Layer > New Adjustment Layer > Gradient Map upang makagawa ng bagong gradient map adjustment layer, at pangalan itong Color_Look_2.



Hakbang 5
Magdouble-click sa layer thumbnail at sa loob ng Properties Panel, pindutin ang gradient upang buksan ang Gradient Editor panel at ilagay ang mga settings na ito:



Hakbang 6
Pagkatapos
nito ay baguhin ang Blending Mode ng layer na ito sa Soft Light at itakda ang
Opacity sa 33%.



Hakbang 7
Piliin ang Color_Look_1 layer at pindutin ang D sa iyong keyboard upang mai-reset ang swatches. Pagkatapos, pumunta sa Layer > New Adjustment Layer > Gradient Map upang makalikha ng bagong gradient map adjustment layer at tawagin itong Overall Contrast.



Hakbang 8
Pagkatapos nito ay baguhin ang Blending Mode ng layer na ito sa Soft Light at itakda ang Opacity sa 37%.



Hakbang 9
Tumungo sa Layer > New Adjustment Layer > Vibrance upang gumawa ng bagong vibrance adjustment layer at pangalanan itong Overall Vibrance/Saturation.



Hakbang 10
Magdouble-click
sa layer thumbnail at sa loob Properties Panel at itakda ang Vibrance sa 33+ at ang Saturation sa +19.



Hakbang 11
Pindutin ang Control-Alt-Shift-E sa iyong keyboard upang makagawa ng screenshot, tapos ay pindutin ang Control-Shift-U upang i-desaturate ang layer na ito. Tumungo sa Filter > Other > High Pass at itakda ang Radius sa 2 px pagkatapos.



Hakbang 12
Baguhin ang Blending Mode ng layer na ito sa Hard Light at pangalanan itong Overall Sharpening.



Nagawa Mo Ito!
Congratulations, naging matagumpay ka! Narito ang huling resulta:



Kung gusto mong gawin ang mas advanced magic dust effects sa ibaba, gamit ang isang pindot lang at nang ilang minuto lang, tingnan ang aking TechnicalArt 2 Photoshop Action.
Gumagana ang action kaya naman pipintahan mo lang ang ibabaw ng iyong larawan ng isang kulay at papaganahin ang action. Gagawin ng action ang lahat para sa iyo, na nagdudulot ng fully layered at customizable na resulta. Meron ding higit sa 60 na high-quality watercolor brushes na kasama sa action na maaari mong gamitin upang mas mabuo pa ang mga disenyo. Ang action ay gagawa din ng apat na textures (watercolor, canvas, paper, at halftone) at 25 na preset color looks na maaari mong pagpilian.
Ang action na ito ay may detalyadong pagtuturo sa video na ipinapakita kung paano gamitin ang action at i-customize ang mga resulta para magamit nang husto ang effect.



Kung
gusto mo ng watercolor photo effects, wag kaligtaang tignan ang aking Aquarelle Photoshop Action.
Gamit ang action na ito, maaari mong baguhin ang iyong mga larawan na maging mukhang disenteng mga artworks ng hindi masyadong napapagod! Magbrush lang sa iyong larawan at pindutin ang action. Gagawin ng action ang lahat ng kailangan mo gawin sa loob lang ng ilang minute, na nagbibigay sayo ng fully layered at customizable na mga resulta.
Ang action ay ginawa rin para sa tuwing papaandarin mo ang action ay makakakuha ka ng naiibang resulta, kahit na gumamit ka ng parehong brushed area. Ang action ay lagging gagawa ng naiibang bersyon sa mga watercolor textures, kaya naman napakarami ng possibleng maging resulta! Ang action ay gumagawa rin ng 50 na preset color looks na maaari mong pagpilian.
Ang action ay may kasamang detalyadong pagtuturong video na pinapakita kung papaano gamitin ang action at i-customize ang results upang makuha ang pinakamahusay na magagawa ng effect.





