Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Photo Manipulation

Paano Gumawa ng Romantikong Manipulasyon ng Larawan Sa Kasal sa Adobe Photoshop

by
Difficulty:IntermediateLength:LongLanguages:
This post is part of a series called Celebration Week!.
How to Create a Pastel Neon Club Flyer in Adobe InDesign
How to Draw an Ultra Violet Collection of Presents in Adobe Illustrator

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Final product image
What You'll Be Creating

Ang kasal ay tila mahikang panahon ng pag-ibig at romansa, kung kaya ipagdiwang ang iyong bagong paglalakbay sa malikhaing manipulasyon!

Sa pagtuturong ito, ipapakita ko kung paano gumawa ng magandang manipulasyon ng kasal sa Adobe Photoshop. Una, tatalakayin  natin ang scenic layout gamit ang karamihang free stocks, pagkatapos aayusin natin ang damit para mas umayon sa theme.

Maging inspirado! Maghanap ng mas maraming kamangha-manghang wedding assets para sa iyong manipulasyon sa Envato Market.

Ang mga Tutoryal na Asset

Ang mga sumusunod na assets ay ginamit sa produksyon ng pagtuturong ito:

Inspirasyon sa Kasal at Theme

Tatalakayin natin ang nakakatuwang manipulasyon na ito gamit ang free stocks na ipinakita sa ibaba.Malayang gamitin ang iyong sariling mga larawan kapag gagawa ka ng manipulasyon na ito para sa kalugud-lugod na proyekto o regalo.

Wedding Photo Manipulation Before and After

Dahil ang kasal ay isang espesyal na araw sa buhay ng kahit sino man, gusto kong panatilihin ang theme na ito bilang “picture perfect” hanggat maaari.Para gawin ito, aayusin ko ang mga kulay ng kasuotan para sa tradisyunal na dating ng kasal at gagawa ng mala-panaginip na mabundok na tanawin para sa kamangha-manghang effect.

Karamihan sa mga malikhaing pares ay nais gunitain ang malaking pagdiriwang na ito na may bago at kakaibang twist.Maghanap ng inspirasyon para sa theme na ito sa Pinterest o Google  sa pamamagitan ng paghahanap ng keywords katulad ng “malikhaing mga larawan ng engagement” o kakaibang mga ideya ng larawan ng kasal.

Magsimula na tayo!

1. Paano Gumawa ng Bundok na Tanawin               

Hakbang 1

Gumawa ng Bagong Dokumento. Ang aking huling manipulasyon ay nasa 1424 x 1920 pixels.

I-copy at Paste ang imahe ng Bundok na tanawin sa Bagong Layer. Ayusin ang sukat gamit ang Free Transform Tool (Control-T) para magkasya ito nang mas maliit. Makakatulong ito sa atin na mas makagawa ng may mas depth.

 Ilagay ang imahe nang mataas sa dokumento, katulad ng ipinakita ng imahe sa ibaba.

Add the mountain picture

Hakbang 2

Patuloy nating gawin ang tanawin!

Ngayon kailangan natin ng ibaba.I-Copy at Paste ang iba pang pagpipilian ng Bundok na tanawin sa pangalawang Bagong Layer sa ilalim ng unang layer. Malayang gumamit ng mabilis na pagpipilian na tool, katulad ng Polygonal Lasso Tool (L), para sa hakbang na ito.

Siguraduhin na piliin ang ibabang kaliwang bahagi dahil gagawa tayo ng banayad na daan patungo sa pares.

Add the second landscape layer

Hakbang 3

Gumawa ng iba pang pagpipilian ng orihinal na larawan.Piliin ang ibaba,mabuhanging bahagi para tulungan tayong makagawa ng daan patungo sa gitna.

I-Copy at Paste ito sa Bagong Layer sa ilalim ng bundok.

Add the second path

Ngayon ilagay ang Layer Mask sa bundok at path layers kung kinakailangan.Alisin ang magaspang,matalas na gilid mula sa bawat layer sa pamamagitan ng pagpinta ng itim sa mask gamit ang Soft Round Brush (0% Hardness, 100% Opacity).

Mask away the edges

Hakbang 4

Napansin mo ang mga kabayo sa likuran? Ginawa nito itong abala, kaya alisin natin ang mga ito!

Para takpan ang mga kabayo, gagamitin natin ang malapit na bahagi ng tanawin para takpan ang mga ito ng damo at dumi. Para gawin ito,kailangan nating pumili ng bahagi muna gamit ang Lasso Tool (L) at i-Copy at Paste ito sa Bagong Layer sa itaas ng layer ng bundok.

I-posisyon ang mga damo sa itaas ng kabayo para matakpan ito. Gumamit ng Layer Mask para linisin ang magaspang na mga gilid.

Cover the horses

Takpan ang bawat kabayo hanggang sa makuha mo ang resulta ng katulad nitong nasa ibaba.

Paalam mga kabayo!

Landscape after removing horses

Kapag tapos ka na, piliin lahat ng layers ng tanawin at i-right-click para Pagsamahin ang  mga ito.

Merge the layers together

Hakbang 5

Gumawa tayo ng mas maraming depth of field. Sa paggawa nito ay makakatulong ito para matuon ang mga mata natin sa pares pag pinagsama natin ito mamaya.

Piliin ang layer ng bundok.Gumawa ng pagpipilian sa paligid lang ng langit gamit ang Magnetic at Polygonal Lasso Tools (L).

Pagkatapos ay pumunta sa Filter > Blur > Gaussian Blur, at magdagdag ng Radius ng 5 pixels para mapalabo ang langit.

Blur the sky with gaussian blur

Ituloy pa natin ng kaunti itong pagpapalabo.

Sunod, ilagay ang Tilt shift blur. Sa layer ng bundok pa din na napili,pumunta sa Filter > Blur Gallery > Tilt-Shift.

Ayusin ang Blur sa 15 pixels at pindutin ang OK.

Add a tilt shift blur

2. Paano Gawin ang Damit Pangkasal

Bago natin mas ayusin ang tanawin, kailangan nating ilagay ang pares at ang detalye ng kasal! 

Hakbang 1

Gumawa ng pagpipilian sa paligid ng Pares ng Mag-asawa gamit ang Polygonal Lasso Tool (L). Huwag mag-alala sa mga gilid- lilinisin natin ang mga ito sa susunod na hakbang.

I-Copy at Paste ang pares sa Bagong Layer sa itaas ng pinalabong layer ng bundok. Ayusin ang sukat gamit ang Free Transform Tool (Control-T) at  iposisyon ang mga ito sa gitna ng komposisyon.

Add the wedding couple

Hakbang 2

Ilagay ang Layer Mask sa layer ng pares.

Gumamit ng Hard Round Brush (100% Hardness, 100% Opacity) para ipinta ng itim sa mask para tanggalin ang anumang  hindi kailangang mga bahagi na lumalabas pa din.

Huwag ding kalimutang tanggalin ang kahit na anong bukas na espasyo sa pagitan ng kanilang mga braso at mga binti!

Mask away the couples edges

Ipagpatulo ang paglilinis ng mga gilid hanggang sa ang resulta ay katulad ng nasa ibaba.

Refine the edges of the mask

Hakbang 3

Ngayon sa kanilang kasuotan! Gusto ko ang pagi-istilo!

Ang mga kulay sa kasal ay may iba’t ibang palettes sa buong mundo, subalit para matulungan ang manipulasyon na ito na mabasa ng malinaw katulad ng tradisyunal na kasal, gagawa tayo ng itim na tux at puting damit pangkasal.

Color the dress white
  1. Gamitin ang Polygonal Lasso Tool (L) para makagawa ng pagpipilian sa paligid ng damit pangkasal. Pagkatapos ay i-hold ang Shift key para mailagay ang pangalawang pagpipilian sa paligid ng kulay lila na mga rosas.Kukulayan din natin uli ang mga ito!
  2. Ngayon ay pumunta sa Layer > New Adjustment Layer > Hue at Saturation. Ilagay ang values na makikita sa ibaba para maging puti ang damit. Pagkatapos ay i-Right click ito at i-set ito bilang Clipping Mask sa layer ng pares.

Hue at Saturation Values:

  • Hue: -19
  • Saturation: -61
  • Lightness: -18

Hakbang 4

Gayon din ang gawin sa tuxedo ng lalaki. Gawin itong itim.

Mag-set ng pangalawang New Adjustment Layer ng Hue at Saturation bilang Clipping Mask sa pares. Siguraduhin na pinili mo muna ang kaniyang tux bago nagdagdag ng adjustment layer para nabago ang tamang kulay.

Ayusin ang values sa mga sumusunod:

  • Hue: 0
  • Saturation: -100
  • Lightness: -27
Turn the tuxedo black

Narito ang resulta! Napakagandang pares!

Malayang mas linisin ang Layer Masks. Anumang importanteng bahagi katulad ng balat o buhok ay hindi dapat kulayan uli at maaaring i-mask out.

Wedding outfit result

Hakbang 5

Mas ayusin ang mga kulay ng pares — nagmumukha itong medyo walang buhay.  

Mag-set ng New Adjustment Layer ng Curves bilang Clippping Mask sa layer ng pares.

Ayusin ang curves para sa RGB at Blue Channels sa katulad ng nasa ibaba para mas mapaganda ang contrast  at kulay.

Mag-set ang curve Layer Blend Mode para Hard Light at pababain ang Opacity sa 50%.

Add a curves adjustment layer

Hakbang 6

Sunod, kukulayan uli natin ang pares nang bahagya para tumugma sa tanawin. Mag-set ng New Adjustment Layer ng Color Lookup bilang Clipping Mask sa layer ng pares.

I-set ang 3DLUT File sa FallColors.look.

Add a color lookup adjustment

Hakbang 7

Bago tayo pumunta sa belo, palakasin natin ang mga kulay ng ating larawan nang kaunti.

Ilagay ang New Adjustment Layer sa Color Lookup sa itaas ng iba.

I-set ang 3DLUT File sa Filmstock_50.3dl. Pagkatapos ay i-set ang Layer Blend Mode sa Mas Mapusyaw na Kulay at pababain ang Opacity sa 68%.

Add another color lookup adjustment

Hakbang 8

Oras na para sa belo!

Para magawa ang belo, gagamit tayo ng dalawang larawan, Belo #1 at Belo #2.

Add the first wedding veil
  1. Gumawa ng pagpipilian ng unang belo gamit ang Polygonal Lasso Tool (L). I-Copy at Paste ito sa New Layer sa itass ng huling Color Lookup adjustment. Baliktarin ang layer ng belo sa pamamagitan ng pagpunta sa Edit > Transform > Flip Horizontal.
  2. Ayusin ang sukat at lapad para magkasya sa bride na may Free Transform (Control-T), at pagkatapos ay ilagay ang Layer Mask para linisin ang mga gilid ng belo.

Hakbang 9

Para sa mas flowy na effect, magdagdag tayo ng pangalawang belo!

Gamit ang parehong methods dati, i-extract ang Belo#2, at pagkatapos ay Balikarin at Baguhin ang sukat nito para magtugma sa bride.

Extract and flip second veil

I-layer ang bagong belo sa ibabaw ng nauna. Pagkatapos ay I-Clip ang New Adjustment Layer ng Hue at Saturation sa layer ng belo para mabago ang kulay ng puti.

Ilagay ang mga sumusunod na values:

  • Hue: 0
  • Saturation: -97
  • Lightness: 0
Turn the veil white

Dagdagan natin ang contrast ng belo.

I-Clip ang New Adjustment Layer ng Curves sa layer ng belo.Ayusin ang curve para sa RGB Channel katulad ng nasa ibaba para sa mas maraming contrast.

Adjust the veil contrast

Narito na ang magandang pares!

Wedding manipulation result

3. Paano Ayusin ang Color Scheme

Halos lahat ng pangunahing bumubuo ng manipulasyon na ito ay handa na!

Kung kaya ngayon ay kailangan nating maglagay ng ilan pang Adjustment Layers para i-tweak ang color scheme para sa mas magandang palette.

Hakbang 1

Magsimula tayo sa bundok.

Gumawa ng New Layer at I-Right-click para i-set ito bilang Clipping Mask sa layer ng bundok. 

Gumamit ng Soft Round Brush (0% Hardness, 70-90% Opacity) para ipinta ng kulay berde #184d0e sa ibabang harapang bahagi ng damo.

I-set ang Layer Blend Mode sa Multiply at pababain ang Opacity ng 10%

Color the foreground grass green

I-Clip ang iba pang New Layer sa itaas ng iyang isa.

Sinusubakan kong paghiwalayin ang harapan at likurang bahagi ng damo sa pamamagitan ng paglaro sa ilaw.

Ngayon gumamit ng Hard Round Brush (100% Hardness, 100% Opacity) para pinturahan ng bahagyang kulay berde #b9b522 sa likurang bahagi ng damo. Pagkatapos ay i-set ang Layer Blend Mode sa Soft Light. 

Color the background light green

Hakbang 2

I-Clip natin ang dalawang New Adjustment Layers sa layer ng bundok.

Piliin ang bundok gamit ang Polygonal Lasso Tool (L). Pagkatapos ay pumunta sa Layer > New Adjustment Layer > Gradient Map.

Gumawa ng kulay berdeng #22847e papunta sa bahagyang kulay berdeng #82b5a6 gradient. Pagkatapos ay i-set ang Layer Blend Mode sa Multiply at ang Opacity sa 70%.

Add a gradient map

Ngayon I-Clip ang New Adjustment Layer para sa Color Balance.

Ayusin ang values para sa Midtones at Highlights katulad ng sa pinakita.

  • Midtones: +2, 0, -55
  • Highlights:+13, -16, -77
Add a color balance adjustment

Hakbang 3

Ikalat ang kalangitan ng may kaunting puti.

I-Clip ang New Layer sa layer ng bundok at gumamit ng Soft Round Brush (0% Hardness, 10-20% Opacity) para ipinta ng swubeng puti ang kalangitan. Ayusin ang Layer Opacity kung kinakailangan.

 Siguraduhing natatamaan ng brush ang mga gilid ng bangin para sa bahagyang kupas na effect.

Diffuse the sky with white

Ilagay ang New Adjustment Layer sai taas ng layer ng bundok. Siguraduhing hindi ito naka-clip.

Ayusin ang curve ng RGB Channel katulad ng ipinakita. Bahagya ang effect nito, subalit sobrang kailangan ito para suwabe ang intensity ng kasalukuyang mga kulay.

Add a curves adjustment

4. Paano Tapusin ang Manipulasyon

Halos tapos na tayo! Maghanda na masalo ang bouquet!

Hakbang 1

Ang huling hakbang na ito ay kakailanganin ang karamihang New Adjustment Layers at mga bahagyang detalye. Pasadahan natin ang mga ito nang mabilis. 

Gumawa ng New Adjustment Layer ng Color Balance sa itaas ng lahat ng iba pang layers.

Ayusin ang values para sa Midtones at Highlights sa mga sumusunod:

  • Midtones: +14, -3, +6
  • Highlights:-1, -19, -10

 Pagkatapos ay pababain ang Opacity ng 60%.

Add a color balance adjustment

Ngayon ilagay ang New Adjustment Layer ng Color Lookup.

I-set ang 3DLUT File para 3Strip.look.

Add a new color lookup layer

Hakbang 2

Magpatuloy!

Maglagay ng iba pang New Adjustment Layer ng Color Balance.

 Ayusin ang values para sa Shadows ng -50, 0 +1.

Add a color balance adjustment

Gamitin ang Paint Bucket Tool (G) para Punan ang New Layer ng pink #f2adaf sa itaas ng iba pa.

I-set ang Layer Blend  Mode sa Hue at pababain ang Opacity ng 25%.

Add a new layer of hue

Hakbang 3

Oras na para gawin ang tanawing ito na kumikislap gamit ang highlights!

Gumawa ng New Layer sa itaas ng iba and i-set ito sa Overlay.

Gumamit ng Hard Round Brush (100% Hardness, 10-30% Opacity)  para maipinta ang highlights sa likurang damo na papunta sa harapan.

Sundan ang direksyon ng ilaw; nanggagaling ito sa bandang kaliwa.Make sure na pinturahan din ang mga bahagi ng damit pangkasal, bouquet, at ang tux ng lalaki ng may ilaw.

Paint highlights on the grass and dress

Hakbang 4

Ipagpatuloy ang pagsasagawa ng linaw ng tanawin.

Ngayon gumawa ng New layers na mas nakalaan sa ilaw at paglilinis. Gumamit ng Soft Round Brush para mapintahan ng puti sa itaas para mas maikalat ang ilaw.

Pagkatapos ay gumamit ng Hard Round Brush para punan ang palda ng bride ng purong puti, at gumawa ng crisp, malinis na gild sa paligid ng palda at belo.

Ayusin ang Layer Opacities kung kinakailangan. Narito ang bago at pagkatapos.

Paint more white highlights

Hakbang 5

Maglagay ng ilang bahagyang greenery!

I-Copy at Paste ang orihinal na larawan ng Pares ng Mag-asawa sa itaas ng iyong komposisyon.Ilagay ang Layer Mask at i-mask out lahat maliban sa ibabang bahagi ng damo katuld ng imahe sa ibaba.

Pagkatapos I-Clip ang New Adjustment Layer ng Levels para mas mapaganda ang contrast.

Add some greenery

Hakbang 6

Maaaring kailanganin mong pinturahan ng ilan pang mga damo para balansehin ang tanawin. Gawin ito gamit ang Hard Round Brush at ang medyo dilaw na kulay #f9f9da. Sa maiksi, squiggly na mga linya ay maaayos ito.

Ipagpatuloy ang pag balance ng damo gamit ang bahagyang layers ng mga kulay kung kinakailangan. Ipinta nang direkta sa mga bahaging ito ng may Soft Hard Brush sa napakababang Opacity (5–15%) at gamitin ang Eyedropper Tool (E) para piliin ang malapit na mga kulay para matukoy sa susunod.

Huwag kalimutang ilagay ang bahagyang anino sa ilalim ng bride at groom! Magpinta ng suwabe, matapang na berde sa ilalim nila para masundan ang lighting.  

Paint grass onto the ground

Hakbang 7

Ngayon pasiglahin ang liwanag gamit ang New Adjustment Layer ng Levels sa itaas ng iba pa.

Tapusin gamit ang New Adjustment Layer ng Gradient Map. I-set ang gradient sa Kulay-Rosas, Dilaw at Berdeng  preset.

Pagkatapos ay baguhin ang Layer Blend Mode ng Kulay at ang Opacity sa 17%.

Add the last adjustment

5. Paano Maglagay ng Text at Special Effects

Para gawing mas espesyal ang manipulasyong ito, ilagay lang ang text!

Hakbang 1

Dito ginamit ko itong Salbatora Script Font para magawa ang text para sa pares sa ibaba.

Add the text

Hakbang 2

Para sa maaaring alternatibong bersyon, subukan ang Shimmer Photoshop Action mula sa Envato Elements. I-save ang huling resulta bilang jpeg muna, at pagkatapos i-load at paganahin ang actionn para matuwa sa magandang bokeh effect.

Shimmer Photoshop Action Version

Tingna ang huling resulta sa ibaba!

Tapos na Lahat! Magaling!

Narito na ang bride…

May naririnig na akong wedding bells! Congratulations sa pagkakagawa ng magandang manipulasyon sa kasal na hango sa pagmamahalan at romansa. Huwag magmadali at matuwa sa paggawa ng naka-mamanghang moods mula sa wala.

Sana ay natuwa kayo sa pagtuturong ito! Anong masasabi mo? Ibahagi ang iyong mga komento at resulta sa ibaba.

Para sa mas  maraming pagtuturo sa manipulasyon ng larawan katulad nito, tingnan ang mga links na ito:

Creative Wedding Photo Manipulation Photoshop Tutorial
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.