Paano Maglikha ng Sign Language Digital Painting in Adobe Phtoshop
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Pagmamahal ay… pangkalahatan.
Matutunan kung paano lumikha ng digital painting na ang inspirasyon ay hango sa mga American Sign Language alphabet na ituturo sa Photoshop na ito. Sakop nito kung paano gumuhit ng bawat kamay mula sa simula bago pa harapin ang digital painting na may Layer Blend Modes at iba pa.
Sa pagpintang ito ay gumagamit ng
pangkat ng Acrylic at Gouache Photoshop Brushes para sa karagdagang kayarian at
pagkamakatotohanan. Makakahanap pa ng ibang hindi kapani-paniwala sa Photoshop
Brushes sa Envato Elements.
Mga Bagay na mahalaga sa pagtuturong ito
Ang mga sumusunod na mahalagang bagay na ginamit sa paggawa ng pagtuturong ito:
Pagtitipon sa mga Sinanggunian
Akoý nahumaling sa pagguhit ng ASL
alphabet simula ng akoý bata pa. Ito’y mabuting paraan para sa pagsasanay ng
anyo ng tao habang natututunan din higit ang magandang paraan ng komunikasyon.
Nais naming ASL bigyang hustisya ang komunidad, syempre, kung kaya’t para makalikha ng pinta hango sa mga ASL alpabeto kailangan nmin ng mga sanggunian para sa bawat kamay. Mabilisang maghanap sa web search para sa ASL Alpabeto upang maging pamilyar dito.

Upang makaiwas sa problema sa karapatang
paglathala, kinunan ko ng larawan ang sarili kong kamay at ng aking kapareha sa
naaangkop na posisyon upang baybayin ang salitang “love.” Hindi lamang itoý
nakatulong sa pagpinta na pansarili, ito rin ay nagpapahintulot na makalikha ng
nakakabilib na mga detalye hango sa tunay na mga kamay.
Ang tema
Tandaan na ang pagpintang ito ay
nangangailangan ng graphics tablet upang mabigyang daan at gagamit ng pen
pressure settings. Para sa tema, tayo ay magpipinta ng bawat kamay ng may magkaibang
kulay ng balat upang mabigyang diin na ang pagmamahal ay sa pangkalahatan.
1. Paano iguhit ang mga kamay
Hakbang 1
Gumawa ng New document sa Photoshop. Ang natapos na pinta ay nasa sukat na 3000 x 1350 pixels at 300 dpi, ngunit maari namang iguhit ang mga kamay sa hiwalay na file muna.

Gamit ang Brush Tool (B), piliin ang Hard Round
Pressure Opacity Brush para simulant ang pagguhit ng unang kamay para sa
letrang ‘’L’’. Siguruhin na ang Pen Pressure para sa Opacity option ay nasuri. Pagkatapos ay lumikha ng isang New Layer at sundin ang mga hakbang sa ibaba.

- Simulan ng dalawang korteng kahon para sa palad ng kamay at daliri.
- Gumuhit ng linya upang paghiwalayin ang mga daliri, at pagkatapos ay gumuhit nang hintuturo.
- Iguhit ang hinlalaki, hatiin sa tatlong magkakahiwalay na korte.
- Tapusin ang kamay sa pagbura ng mga
gabay, dagdagan ng kuko, at isama ang lukot na linya sa balat.
Hakbang 2
Sunod, magpatuloy nmn sa letrang ‘’O.” Ang isang ito ay may konting kahirapan, kung kaya’t siguraduhin ang sinanggunian ay nakahanda. Lumikha ng New Layer.

- Gumuhit ng pahilis na linya para ipakita ang labas na anggulo para sa kamay at galanggalangan.
- Tukuyin ang palad ng kamay, at magdagdag ng pakurbang korte na makakatulong sa pagbuo ng “O.”
- Kumpletuhin ang hinlalaki nang may pakurbang linya bago gumuhit ng gabay para sa hintuturo, hinlalato, at ang palasingsingan.
- Burahin ang gabay ng bahagya bago
linisin ang guhit na may lukot na linya at kuko.
Hakbang 3
Ngayon ay iguhit ang kamay para sa letrang “V.” Lumikha ng New Layer.

- Simulan ng hugis kahon para sa palad, at pagkatapos ay magdagdag ng mga gabay para sa palasingsingan at hinliliit.
- Idagdag ang hinlalaki, hatiin ito sa tatlong 3D na hugis.
- Iguhit ang hinlalato at hintuturo, hatiin ang bawat daliri sa tatlong cylinder-like na hugis.
- Burahin ang mga gabay at tapusin ang
ginuhit na mayroong kuko at lukot na linya.
Hakbang 4
Sa wakas, iguhit ang huling letra “E”. Lumikha ng New Layer.

- Simulan ng may korteng kahon para sa palad, ibabaw at nakaharap sa unahan sa mga gilid ng mga daliri.
- Idagdag ang hinlalaki, hatiin ito sa tatlong 3D na hugis.
- Gumuhit ng linya upang paghiwalayin ang mga daliri.
- Burahin ang mga gabay at tapusin ang
kamay na may kuko at lukot na linya.
Hakbang 5
Narito ang lahat ng mga iginuhit ng
iyong kamay. Isaalang-alang kung paano mo ihahatag ang iyong komposisyon.

Bagama’t nais ko ang ideya ng pagkakapatong ng mga kamay, Pinili
kong iayos na lang ito sa landscape orientation.

Bago tayo magpatuloy sa mga kulay,
Napaka halaga na isaayos ang ating Layers. Ang bawat letra ay nasa sarili
nitong Layer, ngayon ilagay sila sa kani-kanilang Grupo.

2. Paano ipinta ang kulay ng pundasyon
Hakbang 1
Halos ang digital painting ay tungkol sa
pagbuo ng mga kulay. Kung kaya’t simulan na nating ipinta ang kulay ng pundasyon.
Babaan ang Opacity para sa bawat sketch layer sa 50%.

- Lumikha ng New layer at pangngalanan
ng “base” para sa bawat grupo.
- Gumamit ng Hard Round Brush na may 100% Hardness para mapunan ang bawat kamay nang purong kulay.
- Gamitin
#623e36
para sa L,#693f39
at#bc7168
para sa O,#b0837d
para sa V, at#82554c
para sa E.
Hakbang 2
Para mag akma ang iba’t ibang kulay ng
balat, Pipinturahan ko ang background ng Dark na may warm center para sa
cinematic feel. Piliin ang backgound layer at gamitin ang Rectangular Marquee
Tool (M) at ang Paint Bucket Tool (G) para piliin at punan ang background ng brown #2f1b0d
at
black.

3. Paano mag-shade ng kamay
Para mag-shade ng bawat kamay, Akoý gagamit ng kumbinasyon ng Layer Blend Modes at Clipping Masks. Matutunan ang pamamaraan sa pagtuturong ito:
Hakbang 1
Ating sundin ang pagkakasunod-sunod para sa bawat kamay, simulant sa L.
Itakda ang sketch sa Overlay o Soft Light depende kung paano umakma ang timpla sa balat. Lumikha ng New layer at pagkatapos ay mag right-click upang i-set ito bilang Clipping Mask sa base layer. (kailangan mong gawin ito sa bawat grupo.) At i-set ang Layer Blend Mode sa Multiply.
Simulang pinturahan ang mga anino para
sa kamay gamit ang Soft Round Brush na may 0% Hardness at 40-60% Opacity.
Gamitin ang eksaktong kulay gaya ng
kamay #623e36
para aplyan ang anino, tipunin ang darker color sa pinaka-dulong gilid ng
mga palad at daliri.

Hakbang 2
Ulitin ang mga parehas na hakbang na ito
para sa bawat kamay. Para sa letrang O, kakailanganin mong gumamit ng parehas
at eksaktong kulay bilang base #693f39
para i-apply ang shadow. Ang dahilan kung bakit itoý gumagana ng mahusay ay sapagkat ang Mutiply
Blend Mode ay hinahayaan kang gumamit ng parehas na kulay upang makapag-pinta
ng shade darker sa hiwalay na layer.
Mapapansing mong ang O ay kakaiba ang
itsura kaysa sa ibang kamay. Ang kamay na ito ay hango sa inspirasyon ng Winnie Harlow,
at maraming tao gaya nya ang namumuhay na may vitiligo. Kung kaya’t tipunin ang
anino sa dulo ng mga kamay para sa agarang makatotohanang epekto.

Hakbang 3
Muli, ulitin ang parehas na hakbang para sa V at E.
Sa ngayon, gumamit ng kumbinasyon ng #693f39
at
bright yellow #c2a285
para sa V ( set to Multiply).Narito ang bago at pagkatapos na
itsura sa setting ng Blend Mode To Multiply. Tignan kung paano ito kaagad naging
itsurang makatotohanan sa pamamagitan lang ng isang layer ng anino?

Gawin din ito para sa E.
Gamitin ang eksaktong kulay bilang base #82554
cupang ipinta ang anino gamit ang Soft Round Brush.

Hakbang 4
Ang pag -shade sa kamay sa kabuuan ay
ang pagbubuo ng kulay, kung kaya’t magpatuloy na magdagdag ng bagong Clipped
Layers set para maparami ng higit pang mga anino. Palitan ang brush ng may
Harder edges, gaya ng original Hard Pressure Opacity Brush nang may 100%
Hardness for crisp lines.

Hakbang 5
Isang paraan upang makamit ang
makatotohanang itsura ay ang mag layer ng reddish colors sa iyong painting
upang maipakita ang dugo na naaaninag sa balat. Gagawin natin ito sa tulong ng
Blend Modes.
Maglagay ng bagong layer sa itaas ng
iyong anino sa base ng unang kamay. Gamitin #a17f70
at #4a2c25
para magpinta ng soft, rich
colors sa palad at daliri. Set ang Layer Blend mode sa Soft light.

Sa Parehas na teorya na nasa isip, ulitin ang mga hakbang na ito para sa O, V, at E na mga kamay.
Una, palalimin ang O na kamay nang may
mas higit pang anino kung saan ang layers ay naka-set sa Multiply.

Pagkatapos ay mag set ng New Layer to
Screen para sa letrang V, gamit #b98b82
para mag-pinta ng soft highlights sa gitna ng
mga kamay.

At sa wakas, magdagdag ng New layer
ng Soft Light sa E, magpinta #a77d70
ng malumanay sa gitna ng kamay at mga daliri.

4. Paano itatama ang mga kulay sa kamay
para sa pagkamakatotohanan
Hakbang 1
Kaamin-amin, na ang pagpinta ng maling antas ng kulay ay nakakabigo rin. Kung kaya’t nais kong bawasan ang igting nang kulay pula na nangingibabaw ng kaunti lamang. Para gawin ito, tayoý mag-set ng New Adjustment Layers ng kulay Lookup as Clipping Masks para sa bawat Grupo ng letra.
I-set ang 3DLUT File sa Futuristic Bleak.3.DL.
Palitan ang Blend Mode ng Saturation at babaan ang Opacity ng 45%.
Simulan sa L.

Hakbang 2
Pagkatapos ay sa O. Gamitin ang parehas
na settings gaya ng dati.

Pagkatapos ay tapusin ang V at E.

5. Paano pintahan ang kamay ng mas makatotohanan
Hakbang 1
Para makalikha ng mas
pagkamakatotohanan, simulan natin ang pag kundisyon. Magdagdag ng anino sa
background sa ilang simpleng hakbang.
Simulan sa L.

- Piliin ang base color para sa L at pindutin ang Control-J para kopyahin ito. Mag papang-abot ang kopya ng isang layer sa itaas ng orihinal, kung kaya’t piliin ang original base layer at i-desaturate ito. Pumunta sa Image > Adjustments > Hue and Saturation, at babaan ang kapusyawan sa -85.
- Gamitin ang Free Transform (Control-T) para baguhin ang Size at Perspective ng anino at ilagay ito sa kaliwang kamay.
- Sa pagkakapili sa shadow layer, pumunta
sa Filter > Blur
> Gaussian Blur, at palabuin
ang anino gamit ang Radius na 20 pixels.
Gawin din ito sa O, V, at E.

Hakbang 2
(Paalala: ang background ay nabago na
sa darker brown #201209
)
Punan ang bawat kamay ng layer of warmth. Kailangan na nating pintahan ang ibabaw ng naunang layers, para makatulong kung magtitipon ng bagong mga Grupo.
Maglikha ng New layer sa ibabaw ng
Color Lookup adjustment sa labas ng bawat grupo. I-set ito sa Overlay at
gamitin ang Soft Round Brush sa 40-50% Opacity para magpinta #b69e91
sa kabuuan ng
palad.

Gawin din ito sa O, V, at E.

Hakbang 3
Gustong gusto ko na talaga ang kulay ngayon. Kung kaya’t ating linisin na!
Napaka halaga nito ngayon para maglaan
ng New layers para gumawa ng mas crisp na detalye. Ipinapayo ko ang brush na
may Higher Opacity (60-90%) para sa mga hakbang na ito.
Simulan sa L.

- Gamit ang brushes mula sa Acrylic at
Gouache Brush Pack, magdagdag ng higit pang highlights at texture sa kamay.
Piliin ang brush na Gouache_Wet_Stroke_ArtistMef para ipinta ang matingkad na
highlights ng
#eecfbe
.
- Timplahin ang highlights sa paggamit ng
Eraser Tool (E) upang mabawasan ang tingkad ng kulay. Pagkatapos ay gumamit ng Hard
Round Brush para makapinta ng mas malinis na gilid at mga tupi.
Gawin din ito sa O, V, at E. Isaayos ang kulay ng highlights sa
klase ng kulay na angkop sa bawat kamay. Gawin ang mga kamay nang may kinang na
nagmumula sa bright source na nagbibigay diin sa mga tupi.

Hakbang 4
Mas maraming kulay na iyong ipipinta sa mga kamay, mas magiging makatotohanan ang itsura nito.
Isama ang shades ng blue, green, and yellow sa O, V, and E. i-bronze ang balat ng brown shades ayon sa kaukulang antas ng kulay ng balat. Mag-eksperimento ng iba’t ibang values para sa mas kawili-wiling aninag sa gilid ng bawat kamay. Palamlamin ang anumang matapang na kulay gamit ang Eraser Tool (E).

6. Paano magtapos nang may mahusay na
kundisyon at liwanag
Hakbang 1
Ating iangat nang mas may mahusay na pagtatapos!
Akoý patuloy na maglagay ng labis na
kalinawagan, makatotohanang digital painting na may kapanahunan ng romantikong
pakiramdam.
Maglikha ng New layers sa ibabaw ng
lahat at simulang magpinta ng itim sa
pinaka gilid gamit ang Soft Round Brush. Itoý para sa cinematic, vignette
effect.

Hakbang 3
Para sa kabuuan ng painting na ito,
Pinili kong mag pinta ng New layers sa ibabaw ng Layers panel. Huwag mag-atubiling
pagsamahin ang mga layers upang makatulong sa file space.
i-zoom ang iyong painting at gumamit ng heavy Round Brush (80-100% Opacity) upang maggawan ng karagdagang crisp. Piliting mai-detalyeng mabuti sa abot ng iyong makakaya sa pamamagitan ng pagguhit ng quick lines para sa tupi ng mga balat.
Narito ang malapitang itsura ng L at O.

At heto naman ang V at E.
Bigyang kintab ang painting gamit ang
halos white highlights. Pagkatapos ay ihawi ang Eraser Tool (E) (sa 30%
Opacity) sa ibabaw ng naka-highlight na area upang palamlamin ang mga gilid.

Hakbang 3
Timplahin ang kapaligirang kulay ng pinangyarihan hanggang sa humulas ito sa background.

Ang mga kamay ay mukhang sobrang bronze sa mga sandaling ito. Para sa karagdagang pagkakaiba-iba ng antas ng kulay ng balat, kailangan nating maipalabas ang kalamigan sa antas ng kulay para sa O at V na mga kamay. Pumunta sa Layer > New Adjustment Layer > Color Lookup. Palitan ang 3DLut File ng Crisp_Winter bago ibaba ang Opacity sa 42%.

Ito lan! Tignan ang natapos na painting
sa ilalim.
Konklusyon
Tignan sa malaking salin ang painting na ito upang makita ang detalye ng malapitan.
Inaasahan kong sanaý kayo ay nasiyahan
sa pagtuturong ito. Pag-aralan ang inyong mga sanggunian ng malapitan at pumili
ng hangganan na detalye para sa mas higit pang pagkamakatotohanan. Kahit na sa tingin moý nasobrahan ang
pagiging pagkamakatotohanan, magpatuloy lang sa pagdagdag ng mas banayad na
highlights para sa balat upang maipakita ang natural nitong itsura na malangis
na kintab.
Huwag mag-atubiling mag-iwan ng inyong mga tanong at resulta sa mga komento sa ibaba.
Para sa marami pang kamangha-manghang digital painting tutorials, Silipin lamang ang mga sumusunod na links:
- Digital PaintingPaano ipinta ang Tubig, Alon at ang karagatan sa Adobe PhotoshopMelody Nieves
- PortraitPaano ipinta ang Hubad, Makinang, at Makulay na larawan sa Adobe PhotoshopMelody Nieves

Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post