Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Flyers
Design

Paano Lumikha ng Flyer para sa Kaganapan ng Estilo ng 90s sa Adobe InDesign

by
Difficulty:BeginnerLength:MediumLanguages:
This post is part of a series called Flyer Design & Templates.
How to Make a Club Flyer Template in InDesign
How to Create a Vintage Botanical Flyer in Adobe InDesign
This post is part of a series called Celebration Week!.
How to Draw an Ultra Violet Collection of Presents in Adobe Illustrator
How to Create Flat Bride & Groom Characters in Adobe Illustrator

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Final product image
What You'll Be Creating

Ang estilo noong nubenta ay nagbabalik muli sa uso at disenyo sa sandaling ito. Sumabay sa kalakaran sa pamamagitan ng disenyo ng flyer, Perpekto sa pag-aanunsiyo para sa mga club nights at mga kaganapan sa musika. Hango sa nostalgic branding ng Saved by the Bell at Clueless, ang kaayusan na ito ay madali lamang pagsamahin at nagbibigay ng kakaibang pihit na kapanahon sa estilo ng nubenta.

Gagamit tayo ng Adobe InDesign para ilagay ng magkakasama ang kaayusan at Adobe Photoshop para sa pag-edit ng imahe. Ito ay kahanga-hangang pagtuturo na nababagay sa mga baguhan sa software, sino pa ang gustong matuto ng marami pa tungkol sa paglikha ng promotional media para sa paglathala.

Nagmamadali? Maari kang makahanap ng madaling ma-edit na flyer templates para sa mga kaganapan sa GraphicRiver.

Handa na bang balikan ang panahon? Tayo na...

1. Kung Ano ang Kakailanganin para Lumikha ng iyong Flyer

Kailangan mong magkaroon ng daan sa InDesign at Photoshop para sa pagtuturong ito-kung wala ka nito, maari kang mag-download ng 30-araw na libreng pagsubok sa Adobe website.

Kailangan mo rin i-download ang sumusunod na mga imahe at font files:

I-install ang mga font sa iyong sistema, at ika’y handa nang makapagsimula!

2. Paano Ihanda ang Iyong Cassette Image

Hakbang 1

Buksan ang imahe ng cassette tape sa Photoshop.

cassette tape

Gusto nating tanggalin ang puting likuran ng tape bago natin gamitin sa ating disenyo sa flyer. Para gawin ito, kunin ang Magic Wand Tool (W) at i-klik sa puting lugar na pumapaligid sa tape.

Mag-klik sa Refine Edge button sa ibabaw ng workspace. Sa window na magbubukas, lagyan ng tsek Smart Radius kahon, at ayusin ang Radius, Smooth at Shift Edge sliders hanggang sa magkaroon ka ng lapat na paghalaw sa paligid ng gilid ng tape. Kung ika’y masaya na, i-klik ang OK.

refine edge

Sa layers panel, kopyahin ang Background layer at itago ang pagiging tanaw ng orihinal na Background layer. Kasama ang Background copy layer na nahalaw na, pindutin ang Delete sa iyong keyboard para tanggalin ang puting likuran.

delete white

Hakbang 2

Tumungo sa Select > ColorRange.

select color range

Mag-klik ng isa sa isang parte ng puting lugar na natitira sa loob ng mga puwang sa cassette. Hilahin ang slider sabay hanggang sa ang pinaka puting lugar ay nai-hiwalay sa pamamagitan ng color range selection.

Lumabas ng window, at mag-klik sa Refine Edge button. Gaya ng ginawa natin noong una, iayos ang sliders hanggang sa magkaroon ka ng lapat na paghalaw, bago i-klik ang OK.

refine edge again

Tapos ay pindutin ang Delete para matanggal ang natitirang puting likuran.

delete the background

Hakbang 3

Pumunta sa Select > ColorRange, gaya noong una, at sa pagkakataong ito i-klik ang isang parte ng pulang tatak sa cassette. Hilahin ang Fuzziness slider sabay hanggang sa lahat ng pink na lugar ng cassette ay nahalaw.

select color range

Mula sa Adjustment Layer talaan sa ilalim ng Layers panel, pumili Color Balance.

color balance adjustment layer

Hilahin ang Magenta slider pakaliwa hanggang ang pula ay napalitan ng matingkad na pink shade.

Pull the magenta slide

Tumungo sa File > Save As, at I-save ang iyong imahe bilang Photoshop (PSD) file, kung saan ay mapanatili ang malinaw na likuran.

3. Paano Lumikha ng Makulay na Backdrop para sa Iyong Flyer

Hakbang 1

I-minimize ang iyong Photoshop window at magbukas ng Adobe InDesign. Pumunta sa File > New > Document.

Tanggalin ang tsek sa Facing Pages kahon, at itakda ang Page Size sa Flyer 8.5x11. Itakda ang Margins sa 0.5 at magdagdag ng Bleed na 0.125 sa lahat ng gilid ng pahina.

I-klik ang OK para lumikha ng dokumento.

create a new document

Hakbang 2

Palawakin ang Swatches panel (Window > Color > Swatches), at mag-klik sa New Swatch button sa ilalim ng panel. Mag doble ng klik sa New Swatch para mabuksan ang Swatch Options window. I-edit ang iyong swatch, ipalit ang pangalan na Beige at iayos ang mga antas sa C=0 M=5 Y=10 K=0. I-klik ang OK.

add new swatches

Lumikha pa ng karagdagang apat na bagong swatches, na may mga sumusunod na mga pangalan at CMYK values:

  • Mint: C=55 M=0 Y=31 K=0
  • Baby Blue: C=65 M=16 Y=4 K=0
  • Candy Pink: C=0 M=59 Y=6 K=0
  • Bright Yellow: C=10 M=0 Y=79 K=0

Hakbang 3

Palawakin ang Layers panel (Window>Layers) at mag-doble ng klik sa default Layer1 pangalan. Pangalanan ng iba ang layer Background.

layer options

Kunin ang Rectangle Tool (M) at i-drag papunta sa pahina, nakalikha ng rektanggulo sa pinaka-ibabaw ng kaliwang kanto ng pahina. Mula sa Swatches panel, itakda yung punan ang hugis ng Mint at ang Stroke Color ng [None].

add mint shape

Hakbang 4

Magpatuloy sa paggawa ng hugis rektanggulo at parisukat sa ilalim sa bandang kaliwang bahagi ng kamay ng pahina, isinasaayos ang kulay sa iba’t-ibang swatches ng iyong paleta.

add yellow shape

Gumawa pa ng maraming hugis sa kabuuang pahina na may irregular na disenyo, pagtatakda sa Punan ng iba’t-ibang swatches, hanggang mapunan mong lahat ang buong pahina.

add beige shapes

Hakbang 5

Maari kang magdagdag ng 90s – style texture sa ilang mga hugis sa pamamagitan ng pagpili ng ilang mga hugis na magkaparehang kulay at magpatuloy sa Object > Effects > InnerGlow.

Itakda ang Mode sa Multiply at ang kulay sa parehas na klase ng kulay sa Punan (kaya dito, para sa Mint na rektanggulo pinili ko ang kulay Cyan), at dagdagan ang Choke at Noise sa 100%.

Dagdagan ang Sukat hanggang ang noise texture ay mapunan ang buong hugis.

add an inner glow
add a second inner glow

Hakbang 6

Lumikha ng NewLayer, at pangalanan itong Imahe. I-lock ang Background layer sa ilalim.

Gamitin ang Rectangle Frame Tool (F) para makalikha ng balangkas ng imahe sa gitna ng pahina, at pagkatapos ay magtungo sa File > Place. Piliin ang iyong nai-save na cassette tape PSD na imahe, at Buksan.

add the cassette tape image

Magdagdag ng pang-banayad Drop Shadow sa iyong tape sa pamamagitan ng paghalaw sa balangkas ng imahe at papunta sa Object > Effects > Drop shadow. Itakda ang Mode sa Multiply at Opacity sa halos 30%. I-klik ang OK.  

add a drop shadow

4. Paano Magdagdag ng Nostalgic Typography sa Iyong Disenyo

Hakbang 1

I-lock ang layer ng Imahe at lumikha ng New Layer, Typography.

Gumamit ng Type Tool (T) para makalikha ng balangkas ng text sa ibabaw ng pinaka-taas na kanto ng cassette. I-type ang ‘90’ at, mula sa kahit alin sa Controls panel na nasa itaas ng workspace o ang Character panel (Window > Type&Tables > Character), itakda ang Font sa Thunderstorm, Sukat 220 pt.

Mula sa Swatches panel, itakda ang Font Color sa Paper (white).

set the font color

Hakbang 2

Edit > Copy at Edit > Paste ang balangkas ng text, igalaw ito sa kanang-ilalim ng unang balangkas ng text, at i-type ang maliit na ‘s’, liitan ang Font Size.

Pagkatapos ay i-paste ulit, igalaw ang balangkas pababa sa kanang-ilalim ng cassette. I-edit ang text para mabasa ‘Rave’ at palakihin ang Font Size ng 260pt.

add the rave text

Hakbang 3

Sa Layers panel, mag right-klik sa Typography layer at piliin Duplicate Layer.

duplicate layer

I-drag ang Typography copy layer pababa upang maluklok sa ilalim ng Typography.

move the layer

Mag doble ng klik sa copied layer para mabuksan ang Options window. Pangalanan ng iba ang layer Typography-Pink shadow. I-klik ang OK at pagkatapos ay I-lock ang Typography layer sa itaas.

rename the layer

I-drag ang mouse sa kabilang pahina para halawin lahat ng balangkas ng text na nakahanay sa layer, at pindutin ang pababa at Right Arrow keys para mailipat ito sa kabilang bahagya. Ayusin ang Font Color para maging Candy Pink.

add a pink shadow

Hakbang 4

Lumikha ng New Swatch mula sa Swatches panel. Pangalanan itong Purple at itakda ang antas sa C=35 M=71 Y=10 K=0.

create a new swatch

Kopyahin ang Typography – Pink Shadow layer.

duplicate layer

Iurong ito sa ilalim ng orihinal Pink Shadow layer, at i-lock ang orihinal.

lock the original layer

Pangalanan ng iba ang bagong layer Typography-PurpleShadow.

rename layer

I-drag ang iyong mouse sa kabilang panig ng pahina para halawin ang lahat ng balangkas ng text sa layer na ito, at ilipat ito pababa at sa bahagyang kaliwa. Iayos ang Font Color sa Purple, nakapagbibigay ng impresyon ng isang epekto na anino.  

add a purple shadow

Hakbang 5

I-lock ang Typography – Purple Shadow layer at ibukas ang top layer Typography.

Dito, maari kang magdagdag ng karagdagang detalye tungkol sa iyong kaganapan sa pinaka-ibaba na kanto ng flyer. Itakda ang mga ito sa balangkas ng teksto na nilikha sa pamamagitan ng TypeTool (T), at itakda ang Font sa Charlevoix Pro Bold.

text frame

Maari mo rin gamitin ang Stroke panel (Window > Stroke) para lumikha ng salungguhit para sa detatlye ng teksto.

stroke panel settings

Magtakda ng karagdagang impormasyon sa ilalim ng flyer, gumamit ng mga gitling at iba’t-ibang kulay upang makita ang pagkakaiba ng iba’t-ibang klase ng tala.

text at base

5. Paano Lumikha ng Karagdagang mga Detalye sa Iyong Flyer

Hakbang 1

Bumalik sa Layers panel at i-lock ang Typography layer.

Lumikha ng New Layer tawagin Hugis, at i-drag ito pababa para lumapat sa itaas ng Background layer at ilalim ng imahe.

shapes layer

Gamitin ang Pen Tool (P) upang lumikha ng maliit, hindi perpektong hugis triangggulo saanman sa flyer. Maari mo itong punan ng kulay na iyong nais.

use the pen tool

I-copy at i-paste ang trianggulo ng paulit-ulit, ikalat ang hugis sa kabuuan ng layout, at iba-ibahin ang pag-ikot at pagpuno ng kulay.

pasted triangle shapes

Hakbang 2

Lumipat sa blangkong pasteboard saanman na katabi ng flyer, at piliin ang Pencil Tool (N). Gumuhit ng hugis ‘kislap’ na maligasgas, na may kurbadong ibabaw at nagtatagpo sa isang punto sa ibaba nito.

pencil tool for spark shape

Gamitin ang Delete Anchor Point Tool para tanggalin ang sobrang puntos at gamitin ang Direct selection Tool (A) para piliin ang indibiduwal na puntos at ilipat ang kanilang posisyon, pakinisin ang banghay.

delete anchor point

Tanggalin ang anumang Stroke Color buhat sa hugis, at pagkatapos ay tumungo sa Object > Effects > Gradient Feather. Magdagdag ng banayad na Gradient palawakin mula sa base ng hugis. Kapag ikaw ay nasiyahan na sa epekto, i-klik ang OK para lumabas ng window.

add a gradient

Hakbang 3

Ilipat ang hugis kislap sa loob ng posisyon sa flyer, sa palibot ng gilid ng cassette. Copy, Paste, Rotate at Resize ang mga hugis para makalikha ng pagputok na epekto sa palibot ng buong gilid ng cassette.

create a shape burst

Ang likhang sining para sa iyong flyer at tapos na — kahanga-hangang trabaho! Ang natitira na lamang na dapat gawin ay ang i-export ang iyong disenyo para sa pag-imprenta.

final design

hakbang 4

Pumunta sa File > Export at piliin Adobe PDF (Print) mula sa Format menu. I-klik ang Save.

Sa Export Adobe PDF window na nagbukas, piliin Press Quality mula sa Preset menu sa ibabaw.

export press quality

Mag-klik sa Marks and Bleeds opsyon sa bandang kaliwang kamay na menu. Markahan All Printer’s Marks at Use Document Bleed Settings, bago pindutin ang OK.

marks and bleeds

Ang dokumentong PDF na nalikha ay handa na para ipadala diretso sa printers!

exported pdf

Konklusyon: Ang Iyong Yari nang Flyer

Malaking pagbati — ang iyong flyer na hango sa 90s ay handa nang iprenta at ipalaganap. Sana ang iyong kaganapan ay tagumpay!

Ating nasakop ang maraming kasanayan sa pagtuturong ito para ilagay na magkakasama sa promotional media para iprenta. Ngayon ay alam mo kung paano:

  • Magtakda ng isang makulay, textured background para sa iyong disenyo ng flyers.
  • i-edit ang imahe sa Photoshop, handa na para pagsamahin sa InDesign layout.
  • Format advanced typography, lumikha ng tipong angkop sa kondisyon ng iyong disenyo.
  • Lumikha at mag-edit ng hugis at grapiks para makadagdag interes sa iyong flyers.

Kung ikaw ay naghahanap para sa iyong susunod na disenyo ng flyer, maglaan ng ilang minuto para tignan ang napakalaking saklaw ng mga template para sa mga kaganapan at promosyon sa GraphicRiver.

90s Event Flyer in Adobe InDesign
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.