Paano Lumikha ng Magarbong Text Effect sa Adobe Photoshop
() translation by (you can also view the original English article)



Sa pagtuturong ito, matututunan mo kung paano lumikha ng napakarilag na test effect sa Adobe Photoshop. Ito ay isa sa mga serye ng 15 Elegant Text Styles, pati na rin ang maraming iba pang estilo na mabibili sa Envato Market.



Mga Ginamit sa Pagtuturo
Ang mga sumusunod ay ginamit sa produksyon nitong pagtuturo:
- Great Vibes font
- Damask pattern ni onethirtytwo
- Tileable Stone, Pavement, and Marble Textures by Webtreats
1. Lumikha ng Background
Step 1
I-install ang Damask pattern sa pamamagitan ng pag-click ng dalawang beses dito.
Step 2
Lumikha ng bagong dokumento (File > New) at itakda ang lapad sa 600 px, ang taas sa 300 px at ang Resolution sa 72.
Step 3
Select > All, pagkatapos ay Edit > Fill at piliin ang White mula sa drop-down na listahan. Saka Select > Deselect. Ating palitan ng pangalan ang layer (Layer > Rename Layer ) sa Background upang mapanatili itong maganda at malinis.
Step 4
Ngaun i-click ng dalawang beses ang Background layer para pumasok sa Layer Style. Ikaw ay magdadagdag ng Pattern Overlay. Mula sa drop-down na listahan, piliin ang dark gray na Damask pattern.



Step 5
Ngaun magdadag ng Color Overlay na may mga sumusunod na settings:
- Blend Mode: Vivid Light
- Opacity: 2%
- Gamitin ang kulay
#000000



Step 6
Pagkatapos, ikaw ay magdadagdag ng Gradient Overlay na may mga sumusunod na settings:
- Blend Mode: Overlay
- Siguraduhin na na-tick mo ang Reverse
- Estilo: Radial
- Anggulo: 0
- Iskala : 150%
I-click ang Gradient box upang
lumikha ng gradient. I-click ang bawat color stop upang
baguhin Color at gamitin ang mga kulay #060606
pa-kaliwa at #3c3c3c
pa-kanan.



Step 7
Habang ikaw ay nasa Gradient Overlay na bahagi, i-click ang canvas at wag bitawan habang nakadrag paitaas upang ilipat ang gradient. Makikita mo na nagbibigay ito sa Background ng maganda, malamlam na liwanag na kumakalat mula sa tukto.



2. Lumikha ng Teksto at Magdagdag ng Effects
Step 1
I-install ang Webtreats pattern sa pamamagitan ng pagclick ng dalawang beses ito.
Step 2
I-install ang font na Great Vibes. Sa Photoshop, lumikha ng texto sa pamamagitan ng pag-type ng Luxury o kahit anong pinili mo at piliin ang font na nainstall mo. ( ang tawag dito ay Great Vibes Regular sa listahan ng mga font ). Itakda ang sukat sa 200 pt. Hindi na mahalaga kung anong kulay ang pinili mo dahil tayo ay magdadagdag pa ng madaming epekto na makakapagtakip dito.
Step 3
Dobleng pag-click sa Luxury layer at simulan ang saya! Sa ilalim ng Pattern Overlay, idagdag ang black pattern mula sa Webtreats pack. Sa kasamaang-palad, wala itong kakaibang pangalan, pero sa kabutihang-palad lahat ng patterns ay may iba’t ibang kulay, at ang iyong gagamitin ay ang tanging itim na nag iisang mayroon. Ito’y magdadagdag ng dark stone pattern sa texto:



Step 4
Magdagdag ng Gradient Overlay sa halo, upang ang texto ay buhay:



Step 5
Para lumitaw and teksto, magdagdag ng Bevel & Emboss na may mga sumusunod na settings. Siguraduhing ang Gloss Contour ay ang siyang tinatawag na Ring - Double.



Step 6
Pagkatapos ay magdagdag ng Contour upang isaayos ang Bevel & Emboss. Siguraduhin na ang Contour ay tinawag na Gaussian.



Step 7
Ngaun kwadruhan ang buong teksto ng ginintuang gilid sa pamamagitan ng pagdagdag ng Outer Glow:



Step 8
Sa pagdagdag ng silver Stroke sa teksto, gagawin mo itong makinang at mas lalo pang nangingibabaw.



Step 9
Bilang wakas, dagdagan ng Drop Shadow upang maihiwalay ang teksto sa background.



Step 10
Pindutin ang OK at ikaw ay nakatapos na may makinang at bagong epekto sa teksto.
3. I-save ang Text Effect upang magamit sa hinaharap
Step 1
Ngunit siyempre gusto mong i-save ang epekto upang magamit mo ito ng paulit-ulit sa ibang teksto o bagay. Kung titignan mo sa Styles panel, Iyong mapapansin ang maliit na simbulo na mukhang kapirasong papel na may tiklop sa kanto. I-click ito upang idagdag ang estilo sa iyong aktibong estilo at bigyan ito ng hindi malilimutang pangalan.



Step 2
Kailanagn mo pa rin i-save ito sa library, kaya’t sige at i-click ang maliit na drop-down at pagkatapos ay Save Styles. I-save ito kahit saan mo gusto, ngunit nirerekomenda ko na i-save ito sa Photoshop folder:
- Lokasyon ng Styles Folder sa Windows: Program Files > Adobe > Adobe Photoshop (version mo) > Presets > Styles
- Lokasyon ng Styles Folder sa Mac: Programs > Adobe Photoshop (version mo) > Presets > Styles



Pagbati! Ikaý tapos na! Ikaý tapos na!
Sa pagtuturong ito, natuto tayo kung paano lumikha ng marangyang teksto sa Photoshop.
Tayo’y nagsimula sa pamamagitan ng paglikha ng pinong maitim na background gamit ang Damask pattern. Pagkatapos tayo ay lumikha ng text layer at nagdagdag ng maraming epekto nang sa gayon ay makalikha ng elegante at maluhong text effect na nakalitaw sa mga tagapanuod.
Pagkatapos niyan, sinigurado nating ma-save ang text style upang magamit natin sa iba pang proyekto.
Mangyaring huwag mag-atubiling mag-iwan ng mga komento, mungkahi, at mga kinalabasan sa ibaba.
