Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Matuto kung paano gumawa ng graffiti na sining mula sa iyong mga litrato sa Adobe Photoshop, gamit ang mga filter at mga pagsasaayos.
Ang epektong graffiti ay bahagi ng Epektong Graffiti kasama ang Photoshop Action mula sa portpolyo sa Envato Market.

Mga Asset ng Tutoryal
Ang mga sumusunod na asset ay ginamit sa produksyon ng tutoryal na ito:
1. Paano Gumawa ng Ladrilyong Pader na Likuran
Gumawa ng 850 x 630 px Bagong Dokumento. Puwede kang, siyempre, gumamit ng ibang sukat para sa iyong PSD file, pero dapat isaayos lahat ng mga sukat nang proposyonal. Magdagdag ng Ladrilyong Pader sa Bagong Patong. Sukating muli ang imahe kapag kailangan ayon sa sukat ng iyong kambas.
Magdagdag ng Ladrilyong Pader sa Bagong Patong. Sukating muli ang imahe kapag kailangan ayon sa sukat ng iyong kambas.
2. Paano Idagdag ang Graffiti ng Sining
Hakbang 1
Sa Bagong Patong, idagdag ang Graffiti na Pader na kayarian. Sukating muli ang imahe kapag kailangan ayon sa sukat ng iyong kambas.
Hakbang 2
I-klik ang pangalawang icon sa ibaba ng mga Patong na panel para makapagdagdag ng Patong na Balatkayo sa Graffiti na Pader na patong.
Itakda ang Nauunang Kulay sa #000000
at piliin
ang Bras na Kagamitan. Gamitin ang Grunge na Bras para makapagpintura sa loob
ng balatkayo para itago ang ilan sa mga epektong graffiti at para maipakita ang
ladrilyong pader.

3. Paano Gumawa ng Epektong Graffiti na
Larawan
Hakbang 1
Idagdag ang Larawan ng Tao sa Bagong Patong. Gamitin ang Mahikang Wand na Kagamitan para piliin ang likuran ng imaheng ito. Itakda ang Pagpapaubaya sa 10 at tsekin ang Magkadikit. Panatilihing nakapindot ang Shift na pindutan para makagawa ng maraming pagpipilian. Pindutin ang Tanggalin para alisin ang napiling likuran.
Pindutin ang kontrol-D para huwag piliin.
Hakbang 2
Pindutin ang Kontrol-J para Doblehin ang Larawan ng Tao na Patong nang dalawang beses, at tawagin ang mga bagong patong na Larawan ng Tao 1 at Larawan ng Tao 2. Itago ang dalawang bagong nagawang mga patong. Ang pagklik sa icon na mata katabi ng kahit anong patong sa mga Patong na panel ang magtatago/magpapakita ng patong.

Hakbang 3
Bumalik sa Larawan ng Tao na patong at
magdagdag ng Guhit na patong na estilo na 4 px, Posisyon gitna, Kulay #000000
.
Hakbang 4
Pumunta sa Filter > Artistiko > Gupitin at piliin ang Numero ng mga Antas 8, Kasimplehan ng Gilid 0 at Katapatan ng Gilid 3.

Hakbang 5
Pumunta sa Patong > Bagong Pagsasaayos na Patong > I-posterize at itakda ang mga Antas sa 5. I-klik sa pangatlong pindutan mula sa kaliwa para maidagdag ang pagsasaayos na ito bilang Kliping na Balatkayo para sa patong sa ibaba.

Hakbang 6
Pumunta sa Patong > Bagong Pagsasaayos na Patong > Liwanag/Kaibahan at itakda ang Liwanag sa 117 at ang Kaibahan sa -50. I-klik sa pangatlong pindutan mula sa kaliwa para maidagdag ang pagsasaayos na ito bilang Kliping na Balatkayo para sa patong sa ibaba.
Hakbang 7
Pumunta sa Patong > Bagong Pagsasaayos
na Patong > Kulay/Katigmakan at itakda ang Kulay sa 129 at ang Katigmakan sa
100. I-klik sa pangatlong
pindutan mula sa kaliwa para maidagdag ang pagsasaayos na ito bilang Kliping na
Balatkayo para sa patong sa ibaba.
Piliin ang Bras na Kagamitan at gamitin ang
Grunge na Bras para makapagpintura sa loob ng Kulay/Katigmakan na Balatkayo
gamit ang kulay #000000
para maipakita ang orihinal na kulay sa ibaba.
Hakbang 8
Gumawa ng Bagong Patong. Kopyahin at idikit sa Graffiti na Pader na imahe sa patong na ito. I-kanan-klik sa patong at piliin ang Gumawa ng Kliping na Balatkayo.
Palitan ang Timpla na Paraan ng Epektong Graffiti na patong sa Mas Maliwanag na Kulay.
I-klik ang pangalawang icon sa ibaba ng mga
Patong na panel para makapagdagdag ng Patong na Balatkayo sa Epektong Graffiti
na patong. Piliin ang Bras na Kagamitan at gamitin ang Grunge na Bras para
makapagpintura sa loob ng Patong na Balatkayo gamit ang kulay #000000
para maitago
ang ilang mga detalye.
Hakbang 9
I-klik ang icon na mata katabi ng Larawan
ng Tao 1 na patong para ipakita ang patong. Itakda ang Naunang Kulay #000000
at ang
Kulay sa Likuran sa
#ffffff
.

Hakbang 10
Pumunta sa Filter > Dibuho > Ipotokapi at itakda ang Detalye sa 3 at ang Kadiliman sa 50.

Hakbang 11
Pumunta sa Filter > Artistiko > Gupitin at itakda ang Numero ng mga Antas sa 3, Kasimplehan ng Gilid sa 3 at Katapatan ng Gilid sa 3.

Hakbang 12
Pumunta sa Imahe > Pagsasaayos > Mga Antas at itakda ang mga Antas ng Input.
Hakbang 13
Itakda ang Timpla na Paraan ng Larawan ng Tao 1 sa Dumami.

Kapag gusto mo, puwede mong ulitin ang parehong proseso pero gamit ang magkakaibang settings para sa Larawan ng Tao 2 na patong, pero ang hakbang na ito ay opsyonal.
4. Paano Gumawa ng Epektong Ladrilyo
Hakbang 1
Pindutin ang Shift-Kontrol-N para gumawa ng Bagong Patong sa ibabaw ng lahat ng mga ibang patong.
Pindutin ang Shift-Kontrol-Alt-E para Pagsamahin ang lahat ng mga nakikitang patong. Tawagin itong patong na ito na Epektong Ladrilyo.

Hakbang 2
Magdagdag ng Patong na Balatkayo sa Epektong Ladrilyo na patong.

Hakbang 3
Pumunta sa Imahe > Gupitin at pagpantayin ang kambas ayon sa naaaninag na mga pixel.

Hakbang 4
Pumunta sa Ladrilyong Pader na patong at gumawa ng pagpipilian gamit ang Hugis-Parihabang Marquee na Kagamitan. Pindutin ang Kontrol-C para makagawa ng Kopya ng pinagpilian.

Hakbang 5
Bumalik sa Epektong Ladrilyo na patong at sa nfa Channel na tab i-klik ang icon na mata sa tabi ng Epektong Ladrilyo na Balatkayo para gawin itong nakikita. Pindutin ang Kontrol-V para Idikit ang napili sa balatkayong ito.
Hakbang 6
Bumalik sa mga Patong na tab at pindutin ang Kontrol-D para Huwag Piliin. I-klik din ang Epektong Ladrilyo na Patong na Thumbnail.

Hakbang 7
Buksan ang Patong na Estilo na Bintana ng Epektong Ladrilyo na patong at magdagdag ng Tapyas at Palamuti.

Pagbati! Tapos Ka Na!
Sa tutoryal na ito, natutunan mo kung paano
gumawa ng epektong graffiti sa Photoshop mula sa wala gamit ang mga bras at
kayarian. Sana natuwa ka sa tutoryal na ito.
Para sa mas mabilis na mga resulta, huwag mag-atubiling i-download itong aksyong Epektong Graffiti sa Pop Up Photoshop na Aksyon mula sa aking portpolyo sa Envato Market.

At tingnan ang huling resulta sa ibaba!
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post