Papaano Gumawa ng Makulay na Kolahe sa Adobe Photoshop at Lightroom
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Sa pagtuturong ito, Ipapakita ko sa inyo kung papaano gamitin ang Adobe Photoshop upang makalikha ng makulay, at futuristic na kolahe tampok ang isang magandang babae. Ituturo ko rin sa inyo kung papaano magretouch ang artwork na ito sa Adobe Lightroom.
Una, ihihiwalay natin ang model mula sa background. Pagkatapos nito, idadagdag natin ang ating background at gagawa ng mga ilustrasyon. Mamaya, tatanggalin natin ang mga mata ng modelo, gagawa ng kunwaring sunglasses, at magdadagdag ng ilang mga bituin upang makagawa ng dreamy, futuristic na mood.
Pagkatapos, magdadagdag tayo ng karagdagang mga element gaya ng uwak, ang UFO, alahas, at ilang mga katutubong marka. Sa huli, i-aadjust natin ang contrast, vibration at saturation gamit ang Adobe Light room.
Ang mga Tutoryal na Asset
Ang mga sumusunod na assets ay ginamit habang ginagawa ang pagtuturong ito:
1. Papaano Ihiwalay ang Modelo at Ihanda ang Pangunahing Background
Hakbang 1
Gumawa ng 20” sa 20” na dokumento sa Photoshop na taglay ang sumusunod na settings:

Hakbang 2
Buksan ang larawan ng model sa Photoshop. I-cut out ang image gamit ang PenTool (P) Humanap ng spot sa pangunahing imahe, at magclick sa isang point upang simulang iguhit ang outline. Para tapusin ito, kakailanganin nating i-click ang huling point sa unang ginawa natin. Pindutin ang Control-Plus (+) upang mag zoom in at Control-Minus (-) upang mag zoom out habang ginagawa ito.

Hakbang 3
Pagkatapos mo i-guhit ang iyong outline, gugustuhin nating tanggalin ang background upang makapagdagdag ng bago. Magright-click at piliin ang MakeSelection. Siguruhing ang background ay naka-select, hind ang model. Kung hindi, piliin ang Marquee Tool (M) at piliin ang Inverse. Tapos ay pindutin ang delete sa iyong keyboard.

2. Papaano Dalhin ang Image sa Main Canvas
Hakbang 1
I-drag ang imahe tungo sa main canvas gamit ang Move Tool (V).
Hakbang 3
Pindutin ang Control-T upang ibahin ang sukat ng larawan. Hindi natin gugustuhing ma-deform ang imahe o mastretch ito, kaya pindutin ang shift habang nagreresize, at pindutin ang Enter. Gamitin ang Move Tool (V) upang maigitna ang imahe.

3. Papaano Gumawa ng Makulay na Background
Hakbang 1
Pindutin ang Control-Shift-N upang makagawa ng bagong layer. Pangalanan ang bagong layer na “Background”. Itakda ang layer na ito sa ilalim ng sa model.
Hakbang 2
I-activate ang Brush Tool (B) at piliin ang asul na kulay na #0000ff
upang mapinturahan ang background.

4. Papaano Gumawa ng mga Ilustrasyon sa Background
Hakbang 1
Ang Control-Shift-N ang magtatakda ng layer sa pagitan ng sa model at ng background. I-activate ang Pen Tool (P) at gumuhit ng hugis S.

Hakbang 2
Pagkasara natin ng hugis, gugustuhin nating punan ang
hugis ng ibang kulay. I-click ito upang i-angat ang option bar, at piliin ang FillPath. Piliin ang kulay #fff21a
at i-click ang OK. Kapag napunan na ang path, pindutin ang Delete at gamitin ang Move Tool (V) upang ilipat ang hugis pakaliwa.

Hakbang 3
Ngayon ay gusto nating kopyahin ang parehong path upang magdala ng mas maraming elements sa background. Pindutin ang Control-J upang makopya ang layer ng tatlong beses, at ilagay ang huling kopya ng layer ng pangatlong hugis sa ibabaw ng imahe ng model. Pagtapos nito ay gugustuhin nating ikalat ang ilustrasyon sa palibot ng background. Piliin ang kada isang layer, at piliin ang Move Tool (V), igalaw ang bawat ilustrasyon.

5. Kung Papaano I-import ang UFO at ang Uwak
Hakbang 1
I-drag ang larawang ng UFO sa Photoshop. Kailangan nating tanggalin ang background. I-cut out ang imahe gamit ang Pen Tool (P). Humanap ulit ng lugar sa pangunahing imahe, at magclick sa isang point upang masimulang iguhit ang outline. Para tapusin ito, kakailanganin nating i-click ang huling point tungo sa unang point na ginawa natin.


Hakbang 2
Ngayon ay gugustuhin nating i-import ang UFO sa
pangunahing file. Piliin ang UFO layer, gamitin ang Move Tool (V), at i-drag ang image
tungo sa pangunahing canvas, at i-resize ito upang magkasya sa ulo ng model.
Upang mag-resize, pindutin ang Control-T, at i-hold
ang Shift habang nireresize ang larawan ng UFO.
Hakbang 3
Ngayon ay kailangan na natin i-dagdag ang uwak. I-drag ang larawan sa Photoshop, at gamitin ang Pen Tool (P) at iguhit ang outline ng uwak. Matapos ito, i-click ang Marquee Tool (M), right-click, at piliin ang Inverse kung ang background ay hindi pa napili. Kung hindi naman, pindutin ang Make Selection, at pindutin ang Delete.
Hakbang 4
I-drag ang larawan ng uwak tungo sa pangunahing file. I-resize ang larawan. Pindutin ang Control-T, at i-hold ang Shift habang nagreresize. Gamitin ang Move Tool (V) at dalhin ang uwak tungo sa kanang balikat ng model.
6. Papaano Idagdag ang Alahas, mga Katutubong Marka, Gawa-gawang Sunglasses at mga Bituin
Hakbang 1
Buksan ang mirror picture sa Photoshop. Gamitin ang Pen Tool (P) para mai-cut ang crown at tanggalin ang background. I-drag ang alahas tungo sa main file, sa ibabaw ng leeg ng modelo. Pindutin ang Control-T, right-click, at piliin ang Flip Horizontal upang ikutin ang imahe. Pagkatapos nito, pindutin ang Control-T upang i-resize ang larawan, i-hold ang Shift habang nagreresize.
-min.jpg)
-min.jpg)

Hakbang 2
Ngayon naman ay gusto nating magdagdag ng mga katutubong marka. Gamit ang Ellipse Tool (U), siguruhing ang fill color ay puti, gumuhit ng maliit na bilog, at kopyahin ang layer ng pitong beses sa pamamagitan ng pagpindot sa Control-J. Matapos ito ay gamitin ang Move Tool (V) at ibahagi ang mga bilog sa pisngi, braso at noo.

Hakbang 3
Ngayon na nakapagdagdag na tayo ng mas marami pang elements, gusto na nating gawin ang futuristic/dreamy na mood. Gamitin ang Pen Tool (P) at iguhit ang outline ng mga sunglasses.

Hakbang 4
Sunod naman, gugustuhin nating tanggalin ang parte kung saan tayo nag-outline ng ating gawa-gawang sunglasses na may mga bituin. Magright-click at piliin ang Make Selection, matapos ito ay pindutin ang Delete. Pagtapos ay ilipat ang mga imahe ng bituin sa iyong pangunahng file. Ilagay ang layer ng mga bituin sa layer ng model at babaan ang Opacity sa 50%.

Hakbang 5
Sunod, gamitin ang Pen Tool (P) upang tanggalin ang sobrang
parte mula sa outline.
7. Papaano Baguhin ang mga Kulay ng mga Ilustrasyon
Hakbang 1
Gusto nating baguhin ang kulay ng mga ilustrasyon,
Magdouble-click sa unang layer ng ilustrasyon na “illustration copy1”. Piliin
ang Color Overlay, pindutin ang color option, at baguhin ito sa pamamagitan ng
pagpili ng kulay #27eef5
.

Hakbang 2
Gawin ang parehong proseso sa “illustration copy 2”. I-fill ito ng e916bf at i-fill ng “illustration copy 3” ito ng #27f5b9

8. Papaano Baguhin ang Modelo para Maging Black and White
Hakbang 1
Pagsamahin ang iyong UFO sa iyong model. Piliin ang parehong layers, magright-click, at Merge Layers. Susunod, piliin ang layer ng Model sa Layers panel at gawin itong black and white. Pindutin ang Image > Adjustments > Black and white, pagkatapos ay pindutin ang OK o Alt-Shift-Control-B.

Hakbang 3
Ngayon ay gusto nating hatiin ang ibabang bahagi ng model sa ilang hati upang bawasan ang pagkasolido nito, at piliin ang Rectangle Marquee Tool (M). Susunod, magclick malapit sa area ng braso at i-drag ang marquee mula sa isang side tungo sa isa pa. Sunod, magright-click, at piliin anf Layer via cut. Matapos ito, gamitin ang Move Tool (V) upang maigalaw ang bawat hati sa ilalim, na nagiiwan ng espasyo sa gitna nito.

9. Papaano Gawin ang Huling Pagreretouch sa Adobe Lightroom
Hakbang 1
Ngayon ay gusto nating gawing mas litaw ang larawan. I-export ang larawan bilang JPEG mula sa Photoshop. I-import ang larawan sa Lightroom. Pagkatapos ay i-click ang develop. I-boost ang Contrast sa +50, Highlights sa +29, Clarity sa +21, and Vibrance sa +55.

Hakbang 2
Gusto nating paglaruan pa lalo ang hue. Tumungo sa hue palette. Gawing +100 ang Green hue, -100 ang Aqua hue, at +100 Magenta hue. Pagkatapos nito ay pindutin ang Saturation panel. Gawing +100 ang Red hue, +29 ang Yellow hue, +36 ang Aqua hue, at +100 ang Magenta hue.

Hakbang 3
Gusto nating padilimin ang UFO at ang tank top ng modelo. Magclick sa Brush Adjustment (K), at itakda ang exposure sa -3.04. I-enable ang AutoMask option upang pinturahan ang loob ng gilid ng targeted area at kulayan ang damit at ang UFO. Kung nagkamali ka, pindutin lang ang Erase. Bawasan ang sukat ng brush kung kinakailangan.

Hakbang 4
Susunod, gusto nating padilimin ang kwintas. Pindutin ang Brush Adjustment (K), at itakda ang Exposure to − 2.78. I-enable ang Auto Mask option upang kulayan ang loob ng mga gilid ng targeted area at kulayan ang kwintas. Kung nagkamali ka, pindutin lang ang Erase. Bawasan ang sukat ng brush kung kinakailangan.
10. Papaano i-export ang Huling Artwork mula sa Adobe Lightroom
Ngayon na tapos na tayo, gugustuhin nating i-export an gating artwork bilang isang JPEG. I-click ang File, pagkatapos ay I-export. Piliin kung saan mo gusting i-save ang iyong larawan. Tapos ay i-click ang Export.

Mahusay, Tapos na!
Sana ay nalibang ka sa tutorial na ito at may natutunan kayong bago para sa inyong mga proyekto. I-share nyo lang ang inyong mga results o magiwan ng comments sa kahon sa ibaba. Manatiling maging malikhain!

Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post