Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Text Effects
Design

Paano Gumawa ng Cartoon Text Effect sa Adobe Photoshop

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Final product image
What You'll Be Creating

Sa pagtuturo na ito, aking ipapakita kung paano gumawa ng simpleng cartoon text effect gamit ng isang pattern at layer style.

Ang text effect na ating gagawin ay parte ng Cartoon at Comic Book Styles mula sa aking Cartoon and Comic Book Collection.

Cartoon and Comic Book Styles
Cartoon at Comic Book Styles

Laman ng Pagtuturo

Ang mga sumusunod ay ginamit sa pagtuturo na ito:

Bago simulan ang paggawa ng cartoon text effect, ilagay ang font at ang pattern sa iyong Photoshop, pati na rin ang background.

1. Paano mag-load ng background dokumento

Gagamitin natin ang background na Stars mula sa Tutorial Assets bilang background ng ating dokumento. Ito ay isang 850 x 600 px na JPG file. Pumunta sa File > Open at buksan ang star-background.jpg.

Star Background

2. Paano Gumawa at Mag-warp ng Teksto

Ang text effect ay mayroong iisang layer, kaya iyong maaaring i-save ito bilang bagong istilo sa iyong Styles na palette pagkatapos.

Hakbang 1

Piliin ang Type Tool and pindutin ang Brady Bunch Remastered na font. Gawing 212 pt ang Font Size. Isulat ang “SMASH!” gamit ng malalaking mga letra at gamit ng kahit anong kulay.

Type tool

Hakbang 2

Ngayon ay dapat palaparin ang mga espesyo sa pagitan ng mga letra. Piliin ang text layer, at pumunta sa Character na panel at gawing -20 ang Tracking. Kung hindi  makita ang character panel na icon, pumuntfa sa Type > Panels > Character Panel.

Font tracking

Hakbang 3

Ang huling hakbang bago simulan ang paggamit ng layer style ay ang pag-warp ng teksto. Pindutin ang kanang pindutan ng iyong mouse sa text layer at piliin ang Warp Text mula sa menu. Gawing Arc ang Style, piliin ang Horizontal, at gawing 30% ang Bend at -30% ang Horizontal Dsitortion. Pindutin ang OK upang gamitin ang mga pagbabago.

Warp text

3. Paano Gumawa ng Cartoon Text Effect

Hakbang 1

Piliin ang layer na SMASH! At pindutin nang dalawang beses ang layer upang gamitin ang sumusunod na layer style:

Magdagdag ng Stroke na ito ang mga setting:

  • Size: 10 px
  • Position: Outside
  • Blend Mode: Normal
  • Opacity: 100%
  • Fill Type: Gradient
  • Style: Shape Burst
  • Angle: 0°
  • Tignan and Dither box
  • Ayusin ang Gradient gamit ang 2 sumusunod na color stop:
  • Unang gradient stop Color #f80000 at Location sa 45%
  • Pangalawang gradient stop Color #000000 at Location sa 59%
Add a Stroke

Hakbang 2

Magdagdag ng Inner Shadow na ito ang mga setting:

  • Blend Mode: Normal kasama ang Color #fff000
  • Opacity: 100%
  • Taggalin ang tsek sa Use Global Light bago ang setting Angle: 180°
  • Distance: 3 px
  • Choke: 100%
  • Size: 0 px
  • Tignan ang Anti-aliased box
Add an Inner Shadow

Hakbang 3

Magdagdag ng Satin effect na ito ang setting:

  • Blend Mode: Normal with the Color #fff000
  • Opacity: 100%
  • Angle: 90°
  • Distance: 2 px
  • Size: 0 px
  • Tignan ang Anti-aliased box
  • Tanggaling ang tsek sa Invert box, kung naka-tsek
Add a Satin

Hakbang 4

Magdagdag ng Color Overlay na ito ang setting:

  • Blend Mode: Multiply
  • Pindutin ang Color box and pumili ng kulay #fff000
  • Opacity: 100%
Add a Color Overlay

Hakbang 5

Magdagdag ng Pattern Overlay na ito ang setting:

  • Pindutin ang Pattern box at piliin ang Red Dots pattern
  • Opacity: 100%
  • Scale: 100%

Ngayon ay maaari mo nang baguhin ang pusisyon ng pattern: pindutin ang kaliwang pindutan at dalhin ang mouse sa ibabaw ng teksto sa dokumento upang maigalaw pataas o pababa ang pattern. 

Add a Pattern Overlay

Hakbang 6

Magdagdag ng Outer Glow na ito ang setting:

  • Blend Mode: Normal
  • Opacity: 100%
  • Ilagay ang kulay ng glow #fff000
  • Technique: Softer
  • Spread: 94%
  • Size: 11 px
  • Tignan ang Anti-aliased box
Add an Outer Glow

Hakbang 7

Bilang huling hakbang, magdagdag ng Drop Shadow ng ito ang setting:

  • Blend Mode: Multiply at piliin ang kulay #000000
  • Opacity: 100%
  • Taggalin ang tsek sa Use Global Light bago ang setting Angle: 120°
  • Distance: 8 px
  • Spread: 100%
  • Size: 20 px
  • Tignan ang Anti-aliased box

Pindutin ang OK upang magamit ang layer style.

Add a Drop Shadow

Pagpupugay!  Tapos ka na!

Sa pagtuturo na ito, iyong natutunan kung paano gumawa ng cartoon text effect sa Adobe Photoshop.

Nagsimula tayo sa paggawa at pag-warp ng ating teksto, pagkatapos ay nagdagdag ng maraming iba’t ibang mga effect upang mabuo ang pinal na text effect.

Final Result

Sana ay nasiyahan ka sa pagtuturo na ito, at kung nagustuhan ang pinal na effect, huwag kalimutang i-save ang style sa iyong Layer Styles palatte para sa mga darating pang mga proyekto.

Ang text effect na ito na kakagawa lang natin ay parte ng Cartoon at Comic Book Styles.

Cartoon and Comic Book Styles
Cartoon at Comic Book Styles
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.