Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Illustration
Design

Lumikha ng isang Nakaka-inspire na Vector Political Poster

by
Difficulty:IntermediateLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang pagtuturong ito ay kumuha ng inspirasyon mula sa mga sikat na poster na pulitikal ni Shepperd Fairey para sa kampanya ni Obama sa US. Ipapakita namin sa inyo kung papaano gawin ang ganitong klase ng disenyo. Sisimulan natin mula sa simpleng techniques sa pageedit ng larawan sa Adobe Photoshop upang i-set up ang ating mga guide layers, tapos ay tutungo na agad tayo sa Adobe Illustrator. Hindi ninyo kailangan ng anumang magarbong kagamitan upang gawin ito. Gumamit pa nga ako ng lumang mouse na mayroon pang rubber ball.

Tala mula sa Patnugot: Ang Vectortuts+ ay hindi nang-hihikayat ng anumang paniniwalang pulitikal sa paglalathala ng pagtuturong ito. Sa halip, ang pagtuturong ito ay nakatutok sa pagpapakita ng mga hakbang para makagawa ng interesantang estetikong epekto.


1. I-crop at I-modify ang Iyong Stock Image

Hakbang 1

Para sa effect na ito, pinakamainam na gumamit ng larawan na nakaportrait style, mas mabuti kung ang subject ay mukhang nag-iisip, o nakatingin sa malayo. Ginamit ko ang larawang ito mula sa iStockphoto.

Political Poster Tutorial

Hakbang 2

Kapag mayroon na kayong larawan, kailangan ninyo iyong buksan sa Photoshop at i-crop ito ng maayos. Ang itaas ng imahe ay dapat putulin hanggang sa tuktok ng ulo ng iyong subject, at ang baba ay dapat mas mataas lang ng kaunti mula sa dibdib. Ang crop ay dapat may 2:1 na ratio.

Political Poster Tutorial

Hakbang 3

Ngayon ay kailangan nating i-posterize ang larawan. Tumungo sa Image > Adjustments > Posterize. Ang angkop na posterization level para sa gusto nating itsura ay 5.

Political Poster Tutorial

Hakbang 4

Ngayon naman ay bubuuin natin ang ating mga guide layers para magamit sa Illustrator. Magsimula tayo sa pamamagitan ng pag-duplicate ng iyong posterized layer, at papangalanan natin itong “Pattern Guide.” Ngayon ay tutungo tayo sa Image > Adjustments > Threshold.  Isa-slide natin ang ating Point hanggang makakuha tayo ng kapareho ng nasa ibaba. Gusto natin itong maging katamtaman ang pagka-dark, pero mayroon paring kakaunting mga detalye. Isa pa, kapag gumagamit ng Threshold, pinakamainam na gamitin ang Peaks na nakikita ninyo.

Political Poster Tutorial

Hakbang 5

I-save ang bagong gawang layer na ito bilang “patternguide.psd”, o kahit na anong kapareho nito, sapagkat kakailanganin natin ito para sa Illustrator.

Political Poster Tutorial

Hakbang 6

Kailangan nating ulitin ang Hakbang 4 at Hakbang 5 ng tatlo pang beses. Mag-apply ng mas mababang threshold sa bawat ulit, at i-save ang bawat isa sa mga bagong layer. Nasa ibaba ang mga setting na aking gamit, muli, pansinin ang mga peaks.

Political Poster Tutorial

2. I-setup ang Iyong Document at mga Palettes

Hakbang 1

Bago natin simulan na i-outline ang ating mga layers, kailangan nating gumawa ng pahalang na blue line pattern. Para magawa ito, lumikha ng bagong Illustrator document. Bigyan ito ng Taas at Lapad na 4px. Pagkatapos ay gumawa ng isang parisukat na pupunuan ng ating light blue na kulay (#4F919F), at takpan ang taas na kalahati ng canvas.

Political Poster Tutorial

Hakbang 2

Takpan ang ibabang kalahati ng parisukat na pupunuan ng beige. Pagkatapos ay Select All (Control + A), at i-drag ito sa aming Swatches panel. Congratulations! Nakagawa ka ng isang pattern!

Political Poster Tutorial

Hakbang 3

Ngayon ay kailangan na nating i-save ang Swatch set na ito upang magamit natin ito sa gagawin nating poster. Sa ibabang kaliwang sulok ng ating Swatches panel pipiliin natin ang Save Swatches mula sa Swatches Library Menu. Bahala na kayo sa pangalang gusto nyong gamitin, ang ginamit ko ay “pattern”. Maari mo nang isara ang document na ito dail hindi na natin ito kakailanganin.

Political Poster Tutorial

Hakbang 4

Ito ang color palette na gagamitin natin para sa pagtuturong ito. Mayroong apat na kulay at isang pattern. Gagamit tayo ng kombinasyon ng beige at light blue na mga kulay.

Political Poster Tutorial

3. Gawin ang Iyong Portrait

Hakbang 1

Ngayon na mayroon na tayong mga reference images at pattern na nagawa, oras na gumawa tayo ng bagong document sa Illustrator. Gumamit ako ng canvas na may sukat na 700 x 850px.

Political Poster Tutorial

Hakbang 2

Magsisimula tayo sa ating pinakadark na guide layer, ito ang magiging pattern layer natin. Ia-outline natin ang layer gamit ang Pen Tool (P). Kaya sisimulan natin ito sa pamamagitan ng pagtungo sa File > Place at piliin ang una nating reference layer sa Illustrator. Kung natatandaan ninyo, ang pangalan ng file na kailangn nating ilagay ay “patternguide.psd”.

Political Poster Tutorial

Hakbang 3

Tumigil muna tayo saglit at pagusapan ang tamang paggamit ng Pen Tool (P) sa Illustrator. Sa katangiang ito mas lamang ang Illustrator kaysa sa Photoshop, ngunit kung magagamit lamang ito ng tama.

Para sa kahit na anong curve, mayroon kang tatlong clicks; ang dalawa ay anchor point, at ang isa pa ay ang iyong curve point. Ilagay ang iyong curve point sa pinakamataas na point ng iyong curve. Ilagay ang iyong mga anchors kung saan nagsisimula at natatapos ang curve

Isang click lang ang kailangan kapag gumagawa ng curve. Maaari mong baguhin ang curve points na maging curve matapos mong magawa ang buong hugis. Para mabago ang mga ito gamitin ang Direct Selection Tool (A) at i-click ang Convert Selected Anchor Points to Smooth na icon.

Political Poster Tutorial

Hakbang 4

Bago natin maaoutline ang ating unang layer, kailangan nating i-load ang ating pattern sa atubg Swatches Library. Upang magawa ito, piliin ang Other Library mula sa Swatches Library menu sa Swatches panel.

Political Poster Tutorial

Hakbang 5

Ngayon, balik sa paga-outline ng ating unang layer. Gumawa ng bagong layer sa ibaba ng file na inilagay mo sa Illustrator. Ang layer na ito ang kakapit ng ating outline. Ilalagay natin ito sa ibaba para mas madali nating makita ang ina-outline natin.

Ngayon ay gagamitin na natin ang ating Pen Tool (P), gagawa ng null na stroke, at pupunuin nito ang atin pattern. Pagkatapos ay simulan nating i-outline lahat ng black areas gamit ang Pen Tool (P). Ang susi dito ay tantsahin ito ng maayos, huwag masyadong sinsinin ang pagsunod sa guide layer. Magoutline lang ng magaan, at wag masyadong isipin ang mga curve, aayusin natin ‘yan matapos nating gawin ang ating outline.

Tala: Ito ang pinakanakakapagod na bahagi ng proseso.

Political Poster Tutorial

Hakbang 6

Maaaring napansin mo na na mayroong mga bahagi sa gitna na mas light na nadaanan natin sa outline. Aayusin natin iyan sa pamamagitan ng paga-outline nito gamit ang parehong proseso. Punang ang mga ito ng kulay na beige, gaya ng pinapakita sa ibaba. Gagawin natin ito sa isang bagong layer na nasa itaas lamang ng pattern layer. Matapos ninyong gawin ito, dapat ay magiging halos kaparehas ng nasa ibaba ang iyong gawa.

Political Poster Tutorial

Hakbang 7

Ngayon naman ay isu-smooth out natin ang mga hugis na ating ginawa. Gusto nating smooth ang karamihan ng ating mga points, ngunit tingin ko ay mas maganda itong tignang kung may ilan tayong hahayaan na lang kung anong itsura nila. Tignan ang effect sa ibaba mula sa pagsu-smooth ng parehong pattern at ng beige na layer.

Tala: Ginawa ko ang larawan na ito ng sa ayos at ang pattern ay mali, wag masyadong alalahanin ang pagkakaiba sa kulay.

Political Poster Tutorial

Hakbang 8

Ngayon naman ay gagawin din natin ito sa bawat layer. Tantsa lang sa pag-outline, tapos ay i-outline ang highlights gamit ang mga kulay na nasa ibaba nito, at tapos ay i-smooth out ang mga outline. Ang susunod na layer ay dapat na solid na light blue, na susundan ng pula, at tapos ay ang dark blue.

Political Poster Tutorial

Hakbang 9

Ayos! Dapat ay kapareho nito ang magiging resulta. Tapos na ang nakakapagod na bahagi. Ngayon ay gagawin na natin itong mukhang poster. Una ay maglalagay tayo ng beige na parisukat sa ibaba ng lahat ng mga layers, ito ang magsisilbi nating background.

Political Poster Tutorial

Hakbang 10

Ngayon naman ay kailangan nating idagdag ang mga pula at light blue na mga kalahati. Gagawin natin ito sa ibabaw ng beige na parisukat na layer. Gamitin ang Rectangle Tool (M) upang ilagay ang dalawang rectangles.

Political Poster Tutorial

Hakbang 11

Mukhang maganda na ang ating poster. Gumawa tayo ng puwang na kailangan para makapagdagdag ng inspiring na mensahe sa ibaba. Malamang ay kailangan mong palakihin ang iyong canvas area. Upang magawa ito, tumungo sa File > Document Setup.  Nagdagdag ako ng 300px sa akin.

Political Poster Tutorial

Hakbang 12

Ngayon ay i-extend ang beige rectangle upang matakpan nito ang bagong haba ng ating canvas. Pagkatapos ay gumawa ng bagong parisukat na kulay dark blue. Dapat ay isang kapat ng subject ang sukat nito.

Political Poster Tutorial

Hakbang 13

Oras na upang idagdag ang ating inspiring na salita. Gagamit tayo ng light blue para sa kulay ng font, at gusto nating baguhin ang text settings upang ang salita ay magkasya sa kabuuan ng dark blue na parisukat. Upang baguhin ang spacing sa pagitan ng mga titik, gamitin ang Character panel. Ito ay makukuha natin kapag ginamit natin ang Text Tool (T). Ginamit ko ang font na “Myriad Pro”.

Political Poster Tutorial

Hakbang 14

Malapit nang matapos, kailangan na lang nating bahagyang linisin ang mga hangganan. Una, piliin ang bawat layer bukod sa iyong beige na layer. Tapos ay gumawa ng Group (Control + G). Pagkatapos ay i-hanay sila ng pahiga at patayo sa artboard.

Political Poster Tutorial

Hakbang 15

Ngayon naman ay lilinisin natin ang mga gilid ng ating poster. Takpan ang mga layers na ating iginroup sa rectangle na kahit ano ang kulay. Tapos ay gamitin ang Pathfinder panel, at piliin ang Subtract Shape from Area.

Political Poster Tutorial

Magaling! Tapos na!

Berigud! Nagawa natin! Nagawa nating lumikha ng totoong nakakahangang effect ng hindi masyadong nangangailangan ng sobrang lawak na talento sa sining. Natutunan din natin kung papaano gamitin ng maayos ang Pen Tool, at kung papaano gamitin ng sabay ng Photoshop at Illustrator ng sabay. Ito ang una kong pagtuturo, kaya naman sigurado akong maraming mga magiging tanong. Magtanong lamang kayo sa comments, at susubukan kong sagutin ang mga ito sa lalong madaling panahon. Salamat!

Political Poster Tutorial
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.