Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Text Effects
Design

Gumawa ng "Magma Hot Text" na lahid sa Photoshop

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Sa pagtuturong ito, ipapaliwanag namin kung paano gumawa ng "Magma Hot Text" na lahid gamit ang "layer styles" at "textures" sa Photoshop. Simulan na natin!

Mga Gamit sa Pagtuturo

Ang mga sumusunod ay ginamit sa paglikha ng pagtuturo na ito.

Hakbang 1

Una sa lahat, buksan ang "Background Texture" sa Photoshop, pagkatapos gamit ang Type Tool (T) isulat ang iyong teksto. Para sa pagtuturong ito ginamit ko ang font na Helvetica LT Std, pero maaari pa mo pa ring gamitin ang mga pamamaraang ito gamit ang ibang font at hugis. Para makamit ang kaparehong resulta gaya ng sa akin, lumikha ng teksto gamit ang font Helvetica LT Std. Sa Character panel Window > Character, palitan ang sukat (size) sa 425 pt at ang espasyo sa pagitan ng mga letra(kerning) sa -25.

Hakbang 2

Mapapansin na ang titik "D" ay malapit pa rin ng kaunti sa titik "S".  Para ayusin iyon, i-pwesto ang panturo sa Type Tool sa pagitan ng mga titik "D" at "S", pagkatapos ay palitan ang espasyo sa pagitan ng mga letra (kerning) sa -305. Ang layo sa pagitan ng mga letra ay pare-pareho dapat.

Hakbang 3

Mag-dobol-klik sa thumbnail ng Layer "PSD" para mabuksan ang panel ng Layer Style. Gamitin ang mga lahid na ito.

Hakbang 4

Kopyahin ang Layer na ito gamit ang Command, mag-right-click sa thumbnail ng Layer at piliin ang "Clear Layer Style". Sa ganitong paraan, ang teksto sa baba ay kaparehas na kaparehas na ng nasa itaas, at ngayon ay makakapagdagdag pa tayo na tayo ng iba pang lahid.

Hakbang 5

I-pwesto ang "Magma Texture" sa dokumento, sa likod ng teksto, at baguhin ito gamit ang mga sumusunod na Gradient Map. Ito ay Adjusment Layer na matatagpuan sa Window > Adjustments. Gamitin lang ang greydyent na ito sa tekstura.

Hakbang 6

Siguraduhing ang tekstura ay nakapatong lang sa likurang bahagi ng Layers Panel, pagkatapos ay palitan ang Blending Mode ng Layer sa Linear Dodge (Add) at ang Opacity neto sa 36%. Papatindihin nito ang mga kulay at detalye sa likuran. Burahin ang mga gilid gamit ang malaki at malambot na Brush na may tigas na 0% para magkaroon ng mas maliwanag na lugar sa may bandang ilalim ng teksto.

Hakbang 7

Piliin ang dalawang "PSD" Text Layers, mag-right-click at piliin ang "Convert into Smart Object". Gumawa ng bagong Layer "Shadows" at gamit ang Brush Tool, magdagdag ng anino sa ibaba ng teksto:  gumamit ng itim na Brush Tool na may tigas na 0% at sukat na mga 280px.

Hakbang 8

Ngayon naman ay magdagdag ng matingkad na orange na batik gamit uli ang Brush Tool.  Gumamit ng Gaussian blur, palitan ang Blend Mode sa Linear Dodge" at ang Opacity sa malapit sa 45%

Hakbang 9

Piliin ang "PSD" Smart Object, kopyahin ito, tawagin itong "Smudged Layer" at sa huli ay i-Rasterize ito (right-click > Rasterize). Palalabuin natin ang mga gilid ng teksto, kung saan ito ay mainit at nagliliyab. Gagamit tayo ng Smudge Tool (R), 30% ang lakas, na may pabilog na bras na may tigas na 0%. Dumihan ang mga gilid na para bang ang mga ito ay natutunaw/lumalabo.

Hakbang 10

Ipagpatuloy ang pagdumi sa Layer na ito, sundan ang hugis ng tekstura, huwag gawin ito ng paliban-liban. Gumamit ng mas malaking "Smudge" (R) para sa mga orange na lugar. Magdagdag ng kaunting kaibahan gamit ang "Curves" Adjustment Layer.

Hakbang 11

Gumawa ng New Layer at gamit ang itim na Brush (B), may tigas na 0%, gumuhit ng ilang anino sa ibabaw ng teksto. Sa huli ay bawasan ang Opacity ng Layer na ito sa 40%.

Hakbang 12

Magdagdag ng kaunting orange na liwanag, sa parehong paraan na gumawa tayo ng mga anino. Sa pagkakataong ito itakda ang Blending Options sa "Color Dodge" at gagamit tayo ng matingkad na kulay orange. Gamitin ang Gaussian Blur sa Filter > Blur > Gaussian Blur para makuha ang mga banayad na paunang antas ng kulay.

Hakbang 13

Magdagdag ng kaunting matingkad na bahagi sa tuktok, pintahan gamit ang malambot na puting Brush, pagkatapos ay itakda ang Blending Options sa Overlay

Hakbang 14

Ngayon ay i-pwesto ang Smoke na tekstura, alisin ang kulay sa pamamagitan ng pagpunta sa Image > Adjustments > Desaturate (Shift + Command/Ctrl + U). Iangkop ito sa teksto sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga di kinakailangang parte gamit ang Eraser Tool, at baluktutin ito gamit ang Warp Tool (Command/Ctrl + T). Napakaimportante na itakda ang Blending Mode sa "Screen" sa bawat Smoke Image, para maitago ang kanilang kulay. Gumamit din ng Levels (Command/Ctrl + L) para dagdagan at bawasan ang pagkakasalangsang at ang Smudge Tool para sa mga pangwakas na bahid.

Hakbang 15

Ipagpatuloy ang pagdagdag ng mga larawan ng Smoke sa kabuuan:  pilipitin at padumihin, ang parteng ito ay karaniwang eksperimental lamang. Ipagpatuloy ang pag-eksperimento hanggang makuha mo ang nais na resulta. Ilagay ang larawang ito ng mga kislap sa dokumento.

Hakbang 16

Palitan ang Blending Mode ng mga Sparkles Layer sa "Color Dodge", pagkatapos ay burahin ang ilang lugar gamit ang Layer Mask, lalo na yung mga nasa labas ng letra dahil hindi naman natin kailangan ng ganoon kadami.

Hakbang 17

Makikita sa ibaba ang Layer Mask (sa kaliwa) at ang huling lahid (sa kanan), kasama ang Sparkles Layer sa Color Dodge Mode na may nakalagay na Layer Mask. Para makita ang Layer Mask, pindutin ang Alt + Click sa thumbnail nito.

Huling Imahe

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.