Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Product Mockup
Design

Lumikha ng Kamera Phone Mock-Up Gamit ang mga Smart Object at mga Smart Filter sa Photoshop

by
Difficulty:IntermediateLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Final product image
What You'll Be Creating

Ang Photoshop Smart Filters ay isa sa mga pinakakamangha manghang bagay tungkol sa mga Smart Object. Kapag gumamit ka ng filter na epekto sa isang Smart Object layer, awtomatiko kang lumikha ng Smart Filter.  Maaari mong baguhin ang (mga) filter ng maraming beses hangga't gusto mo, na hindi napipinsala ang orihinal na mga pixel.

Sa pagtuturo na ito, matututunan mo kung paano gumamit ng dalawang kopya ng parehong Smart Object upang lumikha ng mock-up na produkto, pagkatapos ay ilapat ang isang filter upang i-de-focus ang background.  Kapag ang lahat ay handa na, maaari mong madaling i-update ang larawan sa Smart Object upang baguhin ang eksena.

1. Ihanda ang Mock-Up

Magsisimula ako sa isang layered na Photoshop na file.  Maaari mong gamitin ang iyong sariling mga larawan, o maghanap ng mga nakahiwalay na mga larawan ng produkto sa GraphicRiver o PhotoDune.

Photoshop mockup

Hakbang 1

Tulad ng makikita mo sa Layers na panel, ang file na ito ay nakaayos sa mga bahagi nito.  Maaaring hindi mo kailangan ang lahat ng mga layer na ito, ngunit ang mas maraming mga layer ay nagbibigay sa iyo ng higit na kakayahang umangkop at higit na kontrol sa huling produkto.

layer panel

Hakbang 2

Para sa aming mga layunin, mahalaga na magkaroon ng isang layer bilang "screen" layer.  Ito ay dapat na isang transparent na layer, na naglalaman ng isang puno na parihaba na singlaki ng screen ng telepono.

transparent screen layer

Upang malikha ang layer na ito, maaari mong maingat na piliin ang lugar ng screen gamit ang Rectangular Marquee Tool (M), pagkatapos ay punan ang pinili sa isang panibagong layer sa ibabaw ng Phone na layer.  Upang pinuhin ang pinili, gamitin ang Transform Selection sa ilalim ng Select na menu upang makuha ito nang tamang tama.  Maaari mong punan ang pinili ng anumang kulay, dahil hindi ito makikita sa huling mock-up.

2. Ihanda ang Smart Object

Hakbang 1

I-drag ang isang larawan patungo sa mockup PSD.  Dapat ito ay isang larawan na may mataas na resolusyon, upang mapuno nito ang background na hindi ito pinapalaki.  I-drag ang layer sa ilalim ng mga layer stack.  Opsyonal: palitan ang pangalan ng layer na ito na "Scene".

background image

Hakbang 2

I-convert ang Scene na layer na maging isang Smart Object.  May tatlong paraan upang gawin ito:

  1. Pumunta sa Layer na menu sa mga Smart Object> Convert to Smart Object.
  2. I-click ang flyout na menu sa Layers na panel at piliin Convert to Smart Object.
  3. I-right-click ang layer sa Layers na panel at piliin Convert to Smart Object.
convert to smart object

Hakbang 3

Mapapansin mo na ang layer ay mayroon na ngayong isang maliit na icon sa kanang ibabang bahagi ng thumbnail nito, na nagpapahiwatig na ito ay isang Smart Object layer. Gumawa ng kopya ng Smart Object layer sa pamamagitan ng pag-drag nito patungo sa New Layer na icon sa ilalim ng Layers na panel.

copy smart object
I-drag ang Smart Object na layer patungo sa New na icon upang makagawa ng isang kopya.

Hakbang 4

I-drag ang kinopya sa itaas ng Screen na layer.  Gamitin ang Free Transform (Command-T) upang sukatin ang larawan upang ito ay humigit-kumulang na singlaki ng screen ng telepono.  Dapat itong lumagpas nang bahagya.

transform smart object

Hakbang 5

I-clip ang Scene copy na layer patungo sa Screen na layer.  Ito ay magtatago sa bahagi ng larawan na lumagpas sa mga gilid ng screen, ngunit hindi talaga nito pinutol ang larawan.  Una, piliin ang "Scene copy" na layer, at pagkatapos ay i-click ang flyout na menu sa Layers na panel at piliin ang Create Clipping Mask.  Maaari mo ring gamitin ang keyboard shortcut na Command-Option-G.

create clipping mask

Kung hindi, maaari mong mahabang pindutin ang Option (Alt) na key at mag-click sa pagitan ng dalawang layer.  Makikita mo na magbababago ang cursor at magiging dalawang mga bilog upang ipaalam sa iyo na nasa tamang lugar ka.

clipping mask icon
Mahabang pindutin ang Option / Alt na key at mag-click sa pagitan ng mga layer upang lumikha ng isang Clipping Mask.  Ang cursor ay magbabago sa isang dalawang-bilog na icon.

Sa sandaling nalikha na ang Clipping Mask, dapat na punan ng larawan ang buong sukat ng screen.  Makikita mo rin ang thumbnail ng layer na lumipat nang bahagya sa kanan, at may isang maliit na pababa na arrow.  Ipinapahiwatig nito ang "Scene copy" na Smart Object na layer ay "clipped" na sa layer sa ibaba.

3. Magdagdag at Mag-edit ng Smart Filter

Hakbang 1

Piliin ang background na "Scene" Smart Object layer.  Pumunta sa Filter> Blur> Gaussian Blur.  Magpasok ng isang halaga para sa Blur na Radius upang bigyan ang background ng isang hindi-nakatuon na hitsura, tulad ng sa larawan sa ibaba.

blur filter

Hakbang 2

Kapag iyong inilapat  ang isang filter sa isang Smart Object layer, isang Smart Filter ang awtomatikong nalikha sa ibaba ng Smart Object, na may isang Layer Mask built in.

smart filter layer

Hakbang 3

Maaari kang magpinta sa Smart Filter Mask o kung hindi man ay mai-edit ito, upang itago ang mga bahagi ng filter na epekto.  Sa kasong ito, nais naming dalhin ang harapan sa pinangyarihan sa isang mas ganap na pokus, sapagkat mas malapit ito sa nanonood.

Piliin ang Smart Filters na mask sa Layers na panel.  Ito ay magkakaroon ng manipis na dobleng linya sa paligid ng thumbnail upang ipahiwatig na aktibo ito.  Piliin ang Gradient Tool (G) at tiyakin na linear black-to-white gradient ang pinili sa Control Panel.  I-drag ang Gradient Tool ng patayo sa loob ng larawan upang ang itim na bahagi ng gradient ay magsisimula sa ibaba ng mask.  Tulad ng anumang uri ng layer na mask, tandaan: "ang itim ay nagtatago, ang puti ay nagbubunyag."

apply gradient to mask
I-drag ang black-to-white na gradient sa pamamagitan ng Smart Filters na mask.

Sa sandaling nailapat na ang gradient, makikita mo ito sa Smart Filters na thumbnail sa loob ng Layers na panel:

filter mask

Maaari mong i-click ang Option (Alt) sa thumbnail ng mask upang makita ang buong mask sa PSD.  I-click ang Option muli upang bumalik sa normal na pagtanaw.

layer mask

Hakbang 4

Narito na ang natapos na mock-up.  Iyong makikita na ang dagat at ang tubig sa harapan (ibig sabihin sa ibaba ng larawan) ay higit na mas nakapokus kaysa sa tulay at sa kalangitan.  Ang itim na bahagi ng gradient ay nagtatago sa filter na epekto, at mga pagbabago tungo sa buong paglabo sa itaas na kalahati ng larawan.  Maaari mong palaging pag-eksperimentuhan ang paglalagay ng gradient upang maging tamang tama.

finished

Hakbang 5

Ang pinakakamangha manghang bagay tungkol sa Smart Filters ay na ang mga ito ay hindi mapanira.  Maaari mong i-edit ang mga ito nang walang hangganang na hindi nagsasanhi ng permanenteng pinsala sa mga pixel sa larawan.  Sabihin nating gusto mo ang epekto ng Blur na maging mas malakas.  I-double-click ang pangalan ng epekto sa ibaba ng Smart Filters na mask sa Layers na panel upang makita ang settings nito ulit.  Ayusin ang radius at i-click ang OK.

Kung inilapat mo ang Blur na filter sa isang regular na pixel na layer, hindi mo magagawang bumalik sa ibang pagkakataon at baguhin ang mga setting.  Ito ang kalamangan ng paggamit ng Smart Objects na may Smart Filters.

edit effect
Kung i-double-click mo ang epekto sa Layers na panel, maaari mong ayusin ang epekto nang maraming beses hangga't gusto mo, nang walang anumang pagkasira sa larawan.

Hakbang 6

Maaari mo ring baguhin ang Blending Mode ng isang Smart Filter, ginagawa itong mas naaangkop.  May isang maliit na icon sa kanan ng pangalan ng epekto sa Layers na panel. Ito ay nagmumukha na dalawang slider.  I-double-click ang icon na ito upang ilabas ang Blending na Options

blending mode icon

Pumili ng Mode mula sa drop-down na menu.  Maaari mo ring baguhin ang Opacity. Ang karamihan sa Blend na mga Mode ay hindi magiging praktikal para sa isang mock-up tulad nito, ngunit maaari itong maging masaya na eksperimentuhan.

blending options

4. I-edit ang Smart Object

Ngayon na ang mockup ay naka-set up na sa isang Smart Object at isang Smart Filter, maaari mong baguhin ang parehong larawan sa screen ng telepono at ang background sa parehong pagkakataon, sa pamamagitan ng pag-edit ng orihinal na Smart Object.

Hakbang 1

Mag-double-click sa Smart Object na thumbnail upang i-edit.  Makikita mo ang sumusunod na mensahe.  Sa sandaling ikaw ay bihasa na sa paggawa ng mga Smart Object, maaari mong piliin ng isara ang babala na ito.

edit smart object
Mag-double-click sa Smart Object na thumbnail upang i-edit. 

Hakbang 2

Ang Smart Object ay bubukas bilang isang hiwalay, espesyal na file.  Ang file extension ay .psb.

psb file

Hakbang 3

Ako ay mag-dadrag ng ibang larawan na landscape sa ibabaw ng umiiral na na isa.  Hindi na kailangang patagin ang larawan, dahil ang mga Smart Objects ay maaaring magkaroon ng maraming mga layer.

new layer

Hakbang 4

Isara at i-save ang .psb na file.  Ngayon ang bagong landscape ay makikita sa parehong screen ng telepono at sa background.  Ang epekto na ito ay gumagana dahil ang Smart Object sa screen ng telepono ay isang kopya ng orihinal.

final

Hakbang 5

Depende sa larawang ginagamit mo, maaaring gusto mong i-edit ang blur effect, o ayusin ang gradient sa Smart Filters mask.

Konklusyon

Ang Smart Filters ay magbibigay sa iyo ng walang katapusang mga paraan upang baguhin ang hitsura ng iyong mga Smart Object na layer.  Ang pinakamagandang bahagi nito ay maaari mong gawin ito na hindi napipinsala ang orihinal na mga pixel ng Smart Object. Mag-eksperimento hangga't sa gusto mo!

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.