Paano Lumikha ng Tansong Palarang Epekto sa Teksto sa Adobe Photoshop
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)



Ang tutoryal na ito ay magpapakita sa inyo ng payak na paraan upang lumikha ng palarang epekto sa teksto, gamit ang mga filter, mga pag-aayos at mga layer na istilo. Magsimula na tayo!
Ang epektong ito sa teksto ay pinukaw ng madaming mga Layer na Istilo na mayroon GraphicRiver, kasama itong Gintong Epekto sa Teksto na pakete ng istilo.



Ang mga Tutoryal na Asset
Ang mga sumusunod na mahahalagang mga bagay ay ginamit sa panahon ng paggawa ng tutoryal na ito:
- Ang Hensa na font
- Itim na Papel na Tekstura ng abstraktpattern
- Libreng Pakete ng 6000 ng mga gradient ng photoshop ng Supertuts007 (I-load ang CHROMES.grd na file.)
1. Paano I-load ang Default na Tularan na Set
Hakbang 1
Pumunta sa Edit > Presets > Preset Manager, at Piliin ang Patterns mula sa Preset na tipo na drop-down na menu.
Pagkatapos, pindutin ang maliit na palaso sa kanan ng Preset na tipo na drop-down na menu, at pindutin ang Nature Patterns na set. Kapag lumabas ang dialog box pagkatapos nito, pindutin lamang ang Append.



Hakbang 2
Lumikha ng bagong 1000 x 1000 px na dokumento, at kopyahin ang Likurang layer.
Palitan ang pangalan ng kopya ng layer ng Texture, at pagkatapos pindutin sa kanan ito, at piliin ang Convert to Smart Object.



2. Paano Lumikha ng Palarang Tekstura Gamit ang mga Filter
Hakbang 1
I-set Harapang Kulay sa #f07d6d
at ang Likurang
Kulay sa #5e231b
, at pumunta sa Filter > Render > Clouds.
Ang mga kulay na ito ay makakatulong sa paglikha ng tansong tekstura, ngunit maaari din kayong pumili ng ibang mga kulay kung gusto din ninyong makakuha ng ibang mga resulta.



Hakbang 2
Pumunta sa Filter > Filter Gallery > Distort > Glass, at gamiting mga setting na ito:
- Distortion: 15
- Smoothness: 3
- Texture: Frosted
- Scaling: 100



Hakbang 3
Pinduting ang New effect layer na icon sa ibaba ng kanan sulok ng Filter Gallery na window.



Hakbang 4
Piliin ulit ang Glass filter, ngunit sa pagkakataong ito, gamitin ang mga setting na ito:
- Distortion: 20
- Smoothness: 3
- Texture: Canvas
- Scaling: 100



3. Paano Ayusin ang Pagkakakulay ng Tekstura
Hakbang 1
Kung sa mas lumang mga bersyon ng Photoshop kayo gumagawa, kakailanganin ninyong magdagdag ng mga layer sa pang-ayos, sa pamamagitang ng pagpindot sa Create new fill o sa adjustment layer na icon sa ibaba ng Layers na panel.



Hakbang 2
Para sa mas mga bagong bersyon, gayunman, maaari ninyong gamitin ang mga pang-ayos direkta sa smart object na layer.
Kaya pumunta sa Image > Adjustments > Hue/Saturation, at palitan ang Hue sa 15.



Hakbang 3
Pumunta sa Image > Adjustments > Levels, at palitan ang Highlights sa 13 at ang Shadows sa 201.
Maaari ninyong i-save ang file na ito upang panatilihin ang kopya ng orihinal na tekstura.



4. Paanong Gawing Tularan ang Tekstura
Hakbang 1
Pindutin sa kanan ang Texture na layer at piliin ang Rasterize Layer.



Hakbang 2
Piliin ang Rectangular Marquee Tool, at pagkatapos lumikha ng pagpili na sumasaklaw sa mga 1/3 hanggang 1/2 ng itaas na bahagi ng tekstura.



Hakbang 3
Pindutin ang Command-Shift-J na mga teklado upang gupitin at idikit ang piniling sukat sa bagong layer.



Hakbang 4
Gamitin ang Move Tool upang ilagay ang kinopyang bahagi sa mismong ilalim ng orihinal. Maaari ninyong pindutin ang Shift na teklado habang ginagawa ito upang maiwasang mailipat ang parihaba sa mga tabi.



Hakbang 5
Pumunta sa Image > Reveal All, at siguraduhing walang mga puwang sa pagitan ng parehong mga parihaba.



Hakbang 6
Pumunta sa Image > Trim, at pagkatapos piliin ang Top Left Pixel Color na opsiyonn sa ilalim ng Based On na tab, i-tsek lahat ng Trim Away na mga tab box, at pindutin ang OK.



Hakbang 7
Pindutin ang Command-E upang pagsamahin ang parehong mga layer.



5. Paano Lumikha at Magtakda ng Walang Dugtong ng Tularan
Hakbang 1
Piliin ang Healing Brush Tool, at pagkatapos pindutin ang Option na teklada upang subukan ang lugar na malapit sa linya kung saan nagtagpo ang parehong mga parihaba.
Pagkatapos gumamit ng pabilog na dulo ng brush, na may value ng Size at Hardness na depende sa resulta na gusto ninyo, at pinturahan ang ibabaw ng linya upang matanggal ito.
Mas mabuti na panatilihin ang pagsubok at pagpipintura sa maliliit na mga bahagi ng linya, upang masigurong makakakuha kayo ng mas malinis na resulta.



Hakbang 2
Maaari kayong gumamit ng kahit anong ibang mga healing tool na gusto ninyo. Basta siguruhin lamang na manatiling pinakamalapit sa linya hangga’t maaari, at huwag palitan ang tekstura hanggang sa punto kung saan ito ay maging malabo at pixelated.



Hakbang 3
Ulit ang parehong mga hakbang para sa patayong bahagi ng tekstura.
Kung gayon lumikha ng pagpili na sumasaklaw sa mga 1/3 hanggang 1/2 ng kaliwang bahagi ng tekstura, pindutin ang Command-Shift-J, ilipat ang kinopyang bahagi hanggang sa tumagpo ito sa gilid ng kanang bahagi, at pagkatapos Reveal All, Trim, at pagsamahin.



Hakbang 4
Gamitin ang mga healing tool upang gawing walang dugtong ang mga gilid.



Hakbang 5
Pumunta sa Edit > Define Pattern, at itipa ang Foil para sa Pangalan.



6. Paano Lumikha ng Teksto
Hakbang 1
Lumikha ng bagong 1000 x 1000 px na dokumento, at pagkatapos ilagay ang Itim na Papel na Tekstura na larawan sa itaas ng Likurang layer, at palitan ang sukat kung kailangan.



Hakbang 2
Lumikha ng teksto gamit ang font na Hensa, at i-set ang Size sa 150 pt.



Hakbang 3
Kung mayroon kayong higit sa isang linya ng teksto, maaaring kailanganin ninyong ayusin ang mga Leading value para maging pantay ang puwang ng bawat mga linya.



Hakbang 4
Kopyahin ang layer ng teksto, at palitan ang kinoyang Fill value sa 0.



7. Paano Lumikha ng Mga Hugis ng Balangkas
Hakbang 1
Piliin ang Rectangle Tool, at pagkatapos lumikha ng parihaba o parisukat paikot sa teksto na mayroon kayo.



Hakbang 2
Sa Options bar, i-set ang Fill sa None at ang Stroke Size sa 7. Pagkatapos, pindutin ang Set shape stroke type na icon, at palitan ng Align to Center.



Hakbang 3
Kopyahin ang parihabang hugis na layer, at pagkatapos pindutin ang Command-T upang ipasok ang Free Transform Mode, at i-scale ang kinopyang parihaba upang lumikha ng panglabas na balangkas.
Kapag tapos na, pindutin ang Return na teklado upang tanggapin ang mga pagbabago.



Hakbang 4
Palitan ang pangalan ng orihinal na parihabang layer ng Inner, at ang kopya ng Outer.



Hakbang 5
Kopyahin ang parehong mga hugis na layer, at palitan ang kopya ng Fill value na 20.



8. Paano Mag-Istilo ng Palarang Epekto
i-Double-click ang orihinal na layer ng teksto upang gamitin ang sumusunod na istilo ng layer:
Hakbang 1
Magdagdag ng Bevel and Emboss gamit ang mga setting na ito:
- Style: Emboss
- Size: 0
- i-Check ang Anti-aliased box
-
Highlight Mode: Linear Light
- Opacity: 20%
-
Shadow Mode:
- Opacity: 0%



Hakbang 2
Magdagdag ng Contour gamit ang mga setting na ito:
- Contour: Cone
- i-Check ang Anti-aliased box.
- Range: 100%



Hakbang 3
Magdagdag ng Texture gamit ang mga setting na ito:
- Pattern: Spiky Bush
- Depth: 50%



Hakbang 4
Magdagdag ng Gradient Overlay gamit ang mga setting na ito:
- i-Check ang Dither box
- Blend Mode: Multiply
- Opacity: 20%
- Angle: 22
- Gamitin ang aluminum 130 sa gradient fill



Hakbang 5
Magdagdag ng Pattern Overlay gamit ang mga setting na ito:
- Pattern: Foil
- Scale: 50%



Hakbang 6
Ito ang mag-iistilo sa pangunahing palarang epekto.
Pindutin sa kanan ang ini-istilong layer ng teksto, piliin Copy Layer Style, at pagkatapos piliin ang Inner and Outer na hugis na mga layer, pindutin sa kanan ang kahit alin sa mga ito, at piliin ang Paste Layer Style.



9. Paano Lumikha ng Pinong Pinaumbok na Epekto
Hakbang 1
I-Double-click ang copy text layer upang gamitin ang Bevel at Emboss na epekto a pamamagitan ng mga setting na ito:
- Size: 1
- i-Check ang Anti-aliased box
-
Highlight Mode: Overlay
- Opacity: 50%
-
Shadow Mode:
- Opacity: 30%



Hakbang 2
Gupitin at idikit ang istilo ng layer sa koya ng Inner at Outer na mga layer.



Pagbati! Tapos ka na
Sa tutoryal na ito, gumamit tayo ng ilang mga filter at pag-aayos upang makalikha ng palarang tekstura. Pagkatapos, ginawa natin ang tekstura na maging walang dugtong na tularan, gamit ang mga healing tool. Panghuli, lumikha tayo ng teksto at balangkas na mga layer, at ini-istilo ang mga ito upang makamtan ang palarang epekto.
Huwag kayong mag-atubiling mag-iwan ng inyong mga komento, mga mungkahi at mga kinalabasan sa ibaba.



