Paano Gumawa ng Architecture Sketch Effect sa Adobe Photoshop
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)



Sa tutoryal na ito, iyong matututunan kung paano lumikha ng architecture sketch effect. Ipaliliwanag ito gamit ng malilim na pagdedetalye upang maintindihan ng lahat, kahit iyong mga kabubukas lang ng Photoshop para sa unang pagkakataon.
Ang effect na nasa itaas ay ang ituturo sa tutoryal na ito. Kung nais gawin ang mas mataas na antas na sketch na mayroong mga watercolor effect gaya ng nasa ibaba, isang pindot lamang at iilang minuto ang kailangan, tignan ang aking TechnicalArt 2 Photoshop Action.



Mga Kakailanganin
Upang magawa ang disenyo sa itaas, kakailanganin ang sumusunod na rekurso:
1. Magsimula na tayo
Una, buksan ang larawan na nais gamitin. Upang buksan ang iyong larawan, pumunta sa File > Open, piliin ang larawan, at pindutin ang Open. Ngayon, bago mag-umpisa, tignan ang ilang mga bagay:
- Ang iyong larawan ay dapat nasa RGB Color mode, 8 Bits/Channel. Para matignan ito, pumunta sa Image > Mode.
- Para sa pinaka magandang resulta, ang laki ng iyong larawan dapat ay 2000-4000 px wide/high. Para tignan ito, pumunta sa Image > Image Size.
- 3. Ang iyong larawan dapat ang Background layer. Kung hindi, pumunta sa Layer > New > Background mula sa Layer.



2. Paano Gumawa ng Background
Hakbang 1
Sa bahagi na ito, gagawa tayo ng background. Pumunta sa Layer > New Fill Layer > Solid Color upang lumikha ng bagong solid color fill layer at pangalanang Background color, at piliin ang kulay #f0f0f0
tulad ng nasa ibaba.



Hakbang 2
I-Right-click ang layer na ito, pumunta sa Blending Options, pilliin ang Gradient Overlay, at gamitin ang mga setting sa ibaba:



3. Paano Gumawa ng Main Sketch
Hakbang 1
Sa bahagi na ito ay gagawin natin ang main sketch. Piliin ang Background layer at pindutin ang Control-J sa iyong keyboard upang madoble ang layer na ito. Pagkatapos ay dalhin ang layer na ito sa pinaka taas ng Layers panel.



Hakbang 2
Ngayon pindutin ang Control-Shift-U sa iyong keyboard upang ma-desaturate ang layer. Pagkatapos ay pumunta sa Image > Adjustments > Levels at ipasok ang mga setting sa ibaba:



Hakbang 3
Pangalanan ang layer na ito na Temp at pindutin ang Control-J sa iyong keyboard upang madoble ang layer na ito.



Hakbang 4
Ngayon pindutin ang Control-I sa iyong keyboard upang baliktarin ang layer na ito at palitan ang Blending Mode ng layer na ito sa Color Dodge. Matapos ay pumunta sa Filter > Other > Minimum at ilagay ang Radius sa 2 px at ang Preserve sa Squareness gaya ng nasa ibaba:



Hakbang 5
Control-click sa Temp layer upang makuha ang parehong layer nang sabay. Matapos ay pindutin ang Control-E sa keyboard upang mapagsama ang dalawang layer sa iisa.



Hakbang 6
Palitan ang Blending Mode ng layer na ito sa Multipy at pangalanang Main Sketch.



4. Paano Gumawa ng Perspective Sketch
Hakbang 1
Sa bahagi na ito, ating gagawin ang perspective Sketch. Piliin ang Background layer at pindutin ang Control-J sa iyong keyboard para madoble ito. Dalhin ang layer sa pinaka taas ng Layers panel.



Hakbang 3
Pumunta sa Filter > Stylize > Find Edges at pintudutin ang Control-Shift-U sa iyong keyboard upang ma-desaturate ang layer na ito.



Hakbang 3
Pumunta sa Filter > Blur > Motion Blur, at ilagay ang Angle sa 90° at ang Distance sa 1200 px gaya ng nasa ibaba:



Hakbang 4
Pumunta sa Filter > Sharpen > Smart Sharpen at ilagay ang mga settings na nasa ibaba:



Hakbang 5
Pumunta sa Filter > Filter Gallery > Sketch > Photocopy, at ilagay ang Detail sa 2 and Darkness sa 5.



Hakbang 6
Palitan ang Blending Mode ng layer na ito sa Multiply at palitan ang Opacity sa 40%. Pangalanan ang layer na itong Perspective_Sketch_1.



Hakbang 7
Pumunta sa Layer > Layer Mask > Hide All upang magdagdag ng layer mask na magtatago sa buong layer.



Hakbang 8
Gawing #ffffff
ang kulay ng background, piliin ang Brush Tool (B), gumamit ng malambot na brush, at mag-brush kung saan gustong ipakita ang patayo na mga perspective line.



Hakbang 9
Piliin ang Background layer at pindutin ang Control-J sa iyong keyboard upang doblehin ang layer na ito. Dalhin ang layer sa ibaba ng Perspective_Sketch_1 layer sa Layers panel.



Hakbang 10
Pumunta sa Filter > Stylize > Find Edges at pindutin ang Control-Shift-U sa iyong keyboard upang ma-desaturate ang layer.



Hakbang 11
Pumunta sa Filter > Blur > Motion Blur, at ilagay ang Angle sa 0° atang Distance sa 1200 px gaya ng nasa ibaba:



Hakbang 12
Pumunta sa Filter > Sharpen > Smart Sharpen at ilagay ang mga settings nanasa ibaba:



Hakbang 13
Pumunta sa Filter > Filter Gallery > Sketch > Photocopy, at ilagay ang Detail sa 2 at Darkness sa 5.



Hakbang 14
Palitan ang Blending Mode ng layer na ito sa Multiply at palitan ang Opacity sa 55%. Pangalanan ang layer na itong Perspective_Sketch_2.



Hakbang 15
Pumunta sa Layer > Layer Mask > Hide All upang magdagdag ng layer mask namagtatago sa buong layer.



Hakbang 16
Gawing #ffffff
ang kulay ng background, piliin ang Brush Tool (B), gumamit ng malambot na brush,at mag-brush kung saan gustong ipakita ang patayo na mga perspective line.



5. Paano Gumawa ng Text
Hakbang 1
Sa bahagi na ito, ating gagawin ang text. Piliin ang Horizontal Type Tool (T) at gawing Hijrnotes ang font, laki ng font ay 80 px, alyado sa Kaliwa, at kulay sa #000000
. Pumindot kahit saan sa loob ng canvas at pumunta sa Type > Paste Lorem Ipsum para magdikit ng kahit anong teksto. Maaaring gamitin ang sariling mga text at font setting.



Hakbang 2
Mag-double-click sa layer thumbnail upang gawign pwedeng i-edit ang teksto at magtanggal ng parte ng teksto. Piliin ang Move Tool (V) at dalhin kahit saan sa loob ng canvas upang ipusisyon ang teksto gaya ng nasa ibaba:



Hakbang 3
Pangalanan ang layer na ito na Text_1. Pindutin ang Control-J sa keyboard upang doblehin ang layer na ito.



Hakbang 4
Mag-double-click sa layer thumbnail upang gawign pwedeng i-edit, pindutin ang Control-A para mapili ang buong teksto, at pumunta sa Type > Paste Lorem Ipsum upang magdikit ng kahit anong teksto. Piliin ang Move Tool (V) at dalhin kahit saan sa loob ng canvas upang ipusisyon ang teksto gaya ng nasa ibaba:



Hakbang 5
Pangalanan ang layer na itong Text_2 at dalhin sa ibaba ng Text_1 layer sa Layers panel. Pindutin ang Control-J sa keyboard upang doblehin ang layer na ito.



Hakbang 6
Mag-double-click sa layer thumbnail upanggawign pwedeng i-edit, pindutin ang Control-A para mapili ang buong teksto, at pumunta sa Type > Paste Lorem Ipsum upang magdikit ng kahit anong teksto. Piliin ang Move Tool (V) at dalhin kahit saan sa loob ng canvas upang ipusisyon ang teksto gaya ng nasa ibaba:



Hakbang 7
Pindutin ang Control-T sa keyboard upang i-transform and layer at ilagay sa 15° ang Rotate.



Hakbang 8
Pangalanan ang layer na Text_3 at dalhin ito sa ilalim ng Tex_2 layer sa Layers panel.



6. Paano Gawin ang mga Pinal na Pagsasaayos
Hakbang 1
Sa bahagi na ito, gagawin natin ang pinal na mga pagsasaayos sa disenyo. Pindutin ang D sa keyboard upang maibalik sa orihinal ang mga swatch at piliin ang Text_1 na layer. Matapos ay pumunta sa Layer > New Adjustment Layer > Gradient Map upang gumawa ng bagong gradient map adjustment na layer at pangalanang Overall Contrast.



Hakbang 2
Ngayon ay baguhin ang Blending Mode ng layer na ito sa Soft Light at gawing 35% ang Opacity.



Hakbang 3
Pumunta sa Layer > New Adjustment Layer > Levels upang gumawa ng bagong adjustment layer at pangalanang Overall Brightness.



Hakbang 4
I-double-click ang layer thumbnail at sa Properties na panel, gamitin ang mga setting na nasa ibaba:



Hakbang 5
Ngayon pindutin ang Control-Shift-E sa iyong keyboard upangma-desaturate ang screenshot. Pagkatapos ay pumunta sa Filter > Other > High Pass at ilagay ang Radius sa 2 px at gaya ng nasa ibaba:



Hakbang 6
Palitan ang Blending Mode ng layer na ito sa Hard Light at pangalanang Overall Sharpening.



Nagtagumpay Ka Na!
Pagpupugay at ikaw ay nagtagumpay! Ito ang ating pinal na resulta:



Kung nais gumawa ng mas mataas na antas na sketch gamit ang mga watercolor effect gaya ng nasa ibaba, isang pindot lamang at ilang minuto ang kailangan, tapos ay tignan ang TechnicalArt 2 Photoshop Action.
Gumagana ito sa simpleng pag-brush over sa iyong larawan gamit ng isang kulay at paglaruan lang ang action. Ang action ay gagawin na lahat para sa iyo, at bibigyan ka ng naka-layer na at maaaring gawing sariling mga resulta. Mayroon ding higit sa 60 na mataas ang kalidad na watercolor brush na maaaring gamitin upang dagdagan pa ang disenyo. Ang action ay gagawa rin ng apat na texture (watercolor, canvas, paper, at halftone) at may 25 na kulay na maaaring pagpilian.
Ang action na ito ay may kasamang detalyadong video tutorial na ipinapakita paano gamitin ang action at gawing sarili ang resulta upang makuha ang pinaka magandang resulta mula sa effect.



Maaari rin itong makuha nang maramihan at makatipid ng 50% - tignan ang aking Artistic 4in1 Photoshop Actions Bundle.
