Tingnan ang Uso: Ice Cream and Pastel Design
() translation by (you can also view the original English article)
Ang Creatives kahit saan ay gusto ang pastel na disenyo! Alamin natin kung bakit sa artikulong ito!
Tingnan ang Uso: Ice Cream at Pastel Design
Sumisigaw ako, sumisigaw ka, lahat tayo sumisigaw para sa pastel na disenyo! Matamis at medyo makasalan, lahat ng nagdi-disenyo kahit saan ay mayroon nitong masarap na color scheme na may emoji na may puso sa mata.
Ang mga kulay na pastel ay nagmula sa tradisyunal na medium ng pastels. Madalas sila ay malambot at masarap sa pakiramdam ang hatid dahil sa mababang saturation at malamlam na kulay.
Gayundin hango sa ilan sa pinakamasarap na pagkain sa planeta, ang pastel na disenyo ay nanunukso sa mapaglarong dako ng ating sarili. Ilan sa atin paboritong kulay ay kulay rosas, malamlam na pagka-asul, at medyo mapusyaw na pagka-lila ang ilan lamang sa mga kulay.
Ngayon tatalakayin natin ang isa sa pinakamatamis na trends para magtagumpay sa industriya ng pagdidisenyo: disenyo ng ice cream at pastel. Tingnan natin kung ano ang nagustuhan natin sa trend na ito at pasadahan ang ilan sa ating paboritong resources.



Ano ang Nagustuhan Natin sa Trend Na Ito
Ano ang iyong paboritong flavors sa trend na ito? Tingnan natin ang ilang pangunahing features:
- Mala panaginip na mga kulay ng pastel. Ang mga kulay ng pastel ay may mas malamlam na kulay na may makintab at madulas na mala panaginip na itsura. Mag-eksperimento sa iyong ilang paboritong swatches para sa mahiwagang resulta!
- Katakam-takam na paksa. Gusto nating lahat ang pagkain. Masarap ito at masustansiya, at naglalabas ito ng maraming masiglang endorphins.Kung kaya bigyan ng pagkakataon itong puno ng saya na paksa na hango sa iyong paboritong treats!
- Masayang themes. Nabubuhay tayo sa nakakapagod na mundo.At ang pastel na disenyo ay nagpapaalala sa atin ng pagiging bata natin na may kislap ng pag-asa at maraming kendi na panaginip. Kung kaya panghawakan ang mumunting boses na iyon—lagi itong humahantong sa matagumpay na disenyo.
Masaya Ice Cream at Pastel na Aralin
Ang ating mga eksperto ay gumawa ng maraming masayang hango sa pastel na pagtuturo para mabigyan kasiyahan ang iyong taste buds! Tingnan ang mga araling ito para mas matutunan ang tungkol sa tradisyunal at digital art na techniques:
- Teorya ng PagghuhitPanimula sa Tradisyunal Na Media: Chalk PastelsTracy Butler
- Mga BulaklakPaano Gumuhit ng Orchid Gamit ang Pastel na LapisEugenia Hauss
- Digital na PagpipintaPaano Gumawa ng Pastel Painted na Landscape sa Adobe PhotoshopYulia Sokolova
- PagguhitPaano Gumuhit ng Ice Cream ng Pagkakasunud-sunodEugenia Hauss
- Affinity DesignerPaano Magdisenyo ng Set ng Retro Kitchen Items sa Affinity DesignerYulia Sokolova
- Text EffectsPaano Gumawa ng Rococo Text Effect sa Adobe IllustratorDiana Toma
- BrandingPaano Gumawa ng Millennial Pink Stationery Set sa Adobe InDesignGrace Fussell
- Icon DesignPaano Gumawa ng Set ng Flat Animal Icons sa Adobe IllustratorYulia Sokolova
- Disenyo ng CharacterPaano Gumawa ng Watercolor Mermaid Illustration sa Adobe IllustratorMaria Dimova
- BrushesPaano Gumawa ng Confetti Brush sa Adobe IllustratorSharon Milne
- Photo ManipulationPaano Gumawa ng Abstract, Psychedelic Portrait Photo Manipulation sa PhotoshopErnest Lim
- Photo ManipulationPaano Gumawa ng Surreal Animal Photo Manipulation ng 10 Larawan sa Adobe PhotoshopJenny Le
- Text EffectsPaano Gumawa ng Ice-Cream Scoop Text Effect sa Adobe PhotoshopRose
- IllustrationPaano Gumawa ng Makulay na Candied Illustration sa Adobe IllustratorAsher Benson
- PatternsPaano Gumawa ng Seamless Fantasy Floral Pattern sa Adobe PhotoshopLidija Paradinovic Nagulov
- Icon DesignPaano Gumawa ng Set ng Ice Cream Icons sa Adobe IllustratorAndrei Stefan
- IllustrationPaano Gumuhit ng Makulay, Masarap, Ice ream, Sundae sa Adobe IllustratorMary Winkler
- PortraitGumawa ng Summer Portrait Mula sa Stock Image sa Adobe IllustratorSharon Milne
- Fan ArtPaano Gumawa ng Hello Kitty Character sa Adobe IllustratorNataliya Dolotko
- Text EffectsPaano Gumawa ng Quick Soft Pastel Text Effect sa Adobe PhotoshopRose
20 Kahanga-hangang Ice Cream at Pastel Design Assets
Gustung- gusto ang pastel na disenyo? I-download ang mga premium resources na ito mula sa Envato Market at Envato Elements para makatulong sa iyong tasty creations.
Tuklasin ang magandang pagpipilian ng premium goodies, mula sa abstract graphics hanggang sa print templates at marami pang iba!
15 Pastel Blurred Backgrounds
Simula natin sa sobrang malapanaginip na malabong backgrounds set.Mayroon itong tatlong iba’t ibang resolutions, kung kaya maaari mong i-streamline ang mga pastel backgrounds na ito sa lahat ng iyong devices. Kasama sa pack na ito ay kabuuang 15 backgrounds, na may ilang nakamamanghang color schemes



Pastel Colors Lightroom Presets
Maglagay ng color-enhancing presets sa proseso ng pagi-edit ng iyong larawan! Ang pack ng pastel Lightroom presets na ito ay naglalaman ng 20 nakakatuwang pagpipilian para mabigyan buhay ang iyong mga larawan. Lagyan ng cotton candy color effect ang iyong ginagawa para sa matagumpay,mukhang propesyonal na mga larawan.



Watercolor Texture Soft Pastel
Mahaba ang mararating ng paglalagay ng kaunting kulay. At magugustuhan mo itong pack ng watercolor textures taglay ang iyong paboritong hango sa pastel na trend. Ang pack na ito ay naglalaman ng 39 na makatotohanang watercolor textures,lahat ay naka-PNG files. Matuwa na gamitin ang mga ito sa iyong susunod na magandang proyekto!



Goblin Multipurpose PowerPoint na Template
Gumawa ng panalong presentation dito sa maraming gamit na PowerPoint template! Gawa na may hindi pangkaraniwang pastel color scheme, ang template na ito ay magagamit sa kahit na anong negosyo o pang edukasyong kaganapan.Madaling nako-customize ang layout na may adjustable na placeholders at marami pang iba.



Eleganteng Pastel Business Card Template
Kailangan ng business card na sobrang malinis? Kung gayon ay subukan itong magandang set ng hango sa pastel business cards. Dinisenyo na kasimplehan ang nasa isip, ang template na ito ay may tradisyunal na sukat ng business card na may bleed lines at iba pa. Idownload ito ngayon para sa walang kahirap-hirap na card!



Eleganteng Fashion Poster na Template
Ang mapaglarong tula patungkol sa 90s, ang flyer template na ito ay hinahalo ang ibat ibang trends sa isa! Samantalahin ang eleganteng disenyo na puno ng lubos na customizable layers at walang limitasyon na pagpipilian ng mga kulay. May kasama ring makakatulong na instructional file para sa baguhan para sa pagdisenyo.



Ice Cream Menu na Template
Gawing totoo ang iyong panaginip dito sa masarap na ice cream menu template. Ginawa para sa mga may- ari ng negosyo at mga negosyante, ang template na ito ay simple at madaling gamitin. Buksan lang ito sa Photoshop o Illustrator para mai-customize ang menu ng iyong items. Ganyan lang kasimple!



Tribal Ethnic Seamless Stripe Pattern
Babaeng-babae at romantiko, ang pastel seamless pattern na ito ay ang mapaglarong twist sa tribal na disenyo. Gamitin itong background sa iyong ginawang print at web, o kahit na sa apparel na disenyo. Samantalahin ang mataas na kalidad, walang talong mga detalye na makikita sa 100% vector format.



Unicorn Na Imbitasyon Sa Kaarawan
Ipagdiwang ang iyong pagkababae dito sa nakamamanghang imbitasyon sa kaarawan.Ang kaibig-ibig na disenyo na tamang-tamang para sa kahit na sinong bata o mukhang bata pero may edad na, ang disenyo na ito ay parehong matamis at mahiwaga. Mayroong apat na magagandang kulay, ang template na ito ay may kulay rosas, asul, dilaw at mala pula na asul na bersyon.



Bulaklaking Minimal Business Card
Matagumpay na makakuha ng mga kliyente o recruiter sa makinis at makintab at sopistikadang business card set na ito. Dinisenyo na may magandang bulaklaking color scheme, ang card na ito ay ginawa na handa sa mabilis na turnaround. I-download ito ngayon at kumuha ng isang high-resolution na Photoshop file na may kasamang libreng fonts.



Summer Party Flyer
Planuhin ang iyong susunod na ice cream o summer party na may masarap na flyer katulad nito! Tampok ang nakakatakam na ice crea at hango sa pastel na disenyo, ang flyer na ito ay sobrang madaling gamitin. Baguhin lang ang print-ready na template sa Adobe Photoshop ng detalye ng iyong party. Subukan ito!



Bulaklaking Set ng Imbitasyon Sa Kasal
Tanggalin ang pagod sa iyong kasal dito sa makatawag-pansing bulaklaking imbitasyon. Puno ng lahat ng importanteng kailangan sa iyong kasal, ang template na ito ay may mga imbitado, RSVP at name cards, at marami pang iba! Magugustuhan mo ang simpleng bulaklaking disenyo na babagay sa maraming themes ng pangkasal!



Pastel Passport na Imbitasyon Sa Kasal
Simulan ang pagpaplano sa iyong kasal dito sa kakaibang imbitasyon sa kasal.Ang template na ito ay mayroong nakakatuwang passport invite para sa bagong twist sa pisikal na imbitasyon. Samantalahin ang dalawang alternatibong color schemes kasama ang ready-to-use files na madali mong maia-adjust. Ipagbigay alam sa amin kung ito ay iyong nagustuhan!



Color Fades Lite Backgrounds
Samantalahin ang anim na kulay-kupas na mga disenyo para idagdag sa iyong buhay na buhay na posters na may nakamamanghang set ng kulay-kupas na backgrounds. Tampok ang sobrang pinong textures at napapanahong ombre gradients, ang pack na ito ay elegante at sunod sa uso! Gamitin ang mga ito sa stationery, online content, at wallpaper.



Ice Cream Game Set sa UI
Mag disenyo ng iyong unang app dito sa eleganteng ice cream game kit. Tampok ang isang Photoshop file na puno ng lahat ng kakailanganin mo, ang template na ito ay may mga makulay na icons at marami pang iba! Kumuha ng access sa karagdagang features para alisin ang sakit sa ulo mula sa app design. Magugustuhan mo ang pack na ito!



Packaging Mock Up Ice Cream
Gusto mong magbukas ng bagong ice cream shop? O ipakita sa iyong mga kliyente ang iyong ginawa sa kanilang mga produkto? Ngayon ay posible ito dito sa masarap na ice cream packaging mockup. Ang set na ito ay may kasamang iba’t ibang nakakahangang eksena na may makatotohanang objects at minimalist backgrounds. Subukan ito!



50 Bakery Icons
Kunin ang lahat ng matamis na icons na kailangan mo sa iyong mga web at app na disenyo! Ang malaking pack na ito ay may 50 na mahahalagang icons kasama lahat mula sa mga baked goods hanggang sa ice cream at kahit na mga items pag holiday! Mabilis na i-customize ang mga ito sa iba’t ibang programa para sa mas maraming pagpipilian sa kulay.



Seamless Candy Background Para Sa Laro
Sa Game kits ay masusubukan mo ang iyong nakakatuwang ideya para sa nakakabilib na resulta! Tingnan ang seamless candy background na ito na kumpleto ng vector shapes at mga elemento. Ang 3D text ay sadyang nai-edit, kung kaya maaari mo itong baguhin ng mabilis!



Ang Simpleng Sunod Sa Uso Na Digital Art Pack
Kailangan ng ilang simpleng backgrounds ng walang abala? Kung gayon ay i-download ang napapanahong digital art pack! Puno ng mahigit sa 60 na hindi pangkaraniwang mga disenyo, ang pack na ito ay may kasamang high-resolution files na may magandang kalidad at simple. I-drag at drop lang ang mga ito sa iyong mga proyekto para sa nakamamanghang resulta!



Ipakita Sa Amin ang Iyong Mga Disenyo!
Kung ikaw ay natutuwa sa ice cream at sa napapanahong pastel katulad namin, ipakita sa amin ang iyong gawa! Mag-post ng resulta at ipakita sa amin paano ka gumawa gamit ang pastels at ipaalam sa amin ang iyong paboritong istilo sa mga komento sa ibaba.
Ito ang koleksyon ng mga pagtuturo at premium resources na tamang-tama para sa masugid na nagdi-disenyo. Para sa iba pang napapanahong mga disenyo ng pastel, tingnan ang Envato Market and Envato Elements. Masayang Pagdi-disenyo!
