Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Photoshop Actions
Design

Paano Lumikha ng isang Instagram na Filter sa Photoshop na Action sa loob ng 60 na segundo

by
Length:LongLanguages:
This post is part of a series called How to: Instagram .
13 Instant Instagram Promo Video Templates for Adobe After Effects
How to Create a Short How-to Video Tutorial for Instagram
This post is part of a series called Learn Photoshop Actions.
How to Create a Typography Photo Effect Action in Adobe Photoshop
How to Make a Photoshop Action to Create a Stitched Jeans Text Effect

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Final product image
What You'll Be Creating

Maligayang pagdating sa aming Photoshop sa 60 Segundo na serye, kung saan matututunan mo ang kasanayan, tampok at pamamaraan sa Photoshop sa loob lamang ng isang minute!

Photoshop sa 60 Segundo: Ang Instagram Filter

Nagtataka ka ba kung paano gumawa ng iyong sariling Instagram na filter? Kasama ng ilang mga simpleng pag-aayos maaari mong makuha ang isang astig na epekto sa larawan tulad ng iyong paboritong app sa Adobe Photoshop.  At sa mabilisang pagtuturo na ito, ipapakita ko sa iyo kung paano gumawa ng isang aksyon sa Photoshop na ginagaya ang sikat na Hudson na filter para sa anumang proyekto sa hinaharap.

Paano Lumikha ng isang Instagram na Filter sa Photoshop 

Buksan ang iyong larawan sa Photoshop. Gagamitin ko ang Woman Stock na ito.

Woman Stock From Pixabay
Woman Stock 

Magsimula sa action. Pumunta sa Window > Action upang lumabas ang Action na palette. Mag-click sa icon ng folder upang lumikha ng isang Bagong Set. Pangalanan ang set ng "Instagram," at pagkatapos ay piliin ang New Action at pangalanan itong "Hudson." Sa sandaling pindutin mo ang Record, ang action ay awtomatikong irerekord ang iyong mga hakbang.

Create an Instagram Photoshop Action

Pagkatapos ay pumunta sa Layer > New Adjustment Layer > Color Lookup. Itakda ang mga setting para sa 3D LUT na File sa Fuji F125 Kodak 2395, at pagkatapos ay itakda ang Layer Blend Mode sa Luminosity.

Color Lookup Adjustment

Ngayon ay lumikha ng isang New Layer at Punan ito sa isang maputla dilaw na kulay #fef3d5 gamit ang Paint Bucket Tool (G). Itakda ang layer na ito sa Divide.

Yellow Fill Layer Set to Divide

Tapusin ito sa isang vignette. Punan ang isang New Layer ng itim. Gamitin ang Elliptical Marquee na Tool (M) upang lumikha ng isang malaking bilog, at pagkatapos ay pindutin ang Delete upang alisin ang gitna.  Pumunta ngayon sa Filter > Blur > Gaussian Blur at palabuin ang mga gilid gamit ang Radius na 65 px. Ipababa ang huling Opacity sa 40%.

Kapag tapos ka na, pindutin ang Stop sa Action na palette upang magamit ang bagong aksyon para sa iba pang mga larawan.

Create a Vignette

Narito ang pangwakas na epekto.

Hudson Instagram Filter Photoshop Action Tutorial

Gusto mong makita ang paggawa nito? Tingnan ang mabilisang video sa itaas upang makita ang paggawa sa araling ito!

5 Inspirado mula sa Instagram na Photoshop na mga Action

Gusto mo bang mabilis na lumikha ng mga kahanga-hangang epekto na Inspirado mula sa Instagram? Tingnan ang mga mataas na kalidad na mga Photoshop action mula sa GraphicRiver at Envato Elements.

Instagram Filter - Photoshop Action

Makamit ang hitsura ng iyong mga paboritong filter gamit ang mga kahanga-hangang mga action na ito! Kasama sa pag-download na ito ay mga 47 na inspirado mula sa Instagram na mga Photoshop na action na napakadaling baguhin.  Maglagay lamang ng anumang filter sa iyong larawan at gamitin ang mga karagdagang workflow na mga action para mas marami pang mga pagpipilian. 

Instagram Filter - Photoshop Action

22 na Sikat na mga Instagram na Filter Photoshop Actions

Ang kahanga-hangang na pakete ng aksyon na ito sa Photoshop ay may kasama na 22 sa pinakasikat na mga filter na inaalok ng Instagram. Magkaroon ng pahintulot na makuha ang mga astig na epekto tulad ng Mayfair, Clarendon at marami pa para sa madali, hindi mapanirang pag-bago ng larawan. 

22 Popular Instagram Filter Photoshop Actions

Buong Sukat para sa Instagram Photoshop Action

Ang pagbabago sa laki ng iyong mga larawan para sa Instagram ay maaaring nakakalito. Gawing mas madali ang proseso gamit ang Photoshop na aksyon na ito. Ang pag-download na ito ay may kasamang isang aksyon na file na may limang hakbang na pagtuturo na madaling sundin. Madaling ilipat ang iyong mga larawan sa Instagram gamit ang kahanga-hangang aksyon na ito. 

Full Size for Instagram Photoshop Action

Ash Photoshop na Action

Lumikha ng magagandang epekto sa larawan na inspirado mula sa isang eleganteng uri ng kulay ng carbon na ash. Nagtatampok ang Photoshop na aksyon na ito ng dalawang hiwalay na mga aksyon na may maraming mga pagkakaiba-iba para sa lakas at kulay.  Magkaroon ng pahintulot na makuha ang libreng pagputol at mga pag-ingay na mga aksyon kasama sa pag-download na ito!

Ash Photoshop Action

Tsokolate na Photoshop na Action

O subukan ang iba't ibang mga lasa ng mga pinasarap na mga tsokolate na epekto sa larawan sa pamamagitan ng set na ito ng matataas na kalidad na mga aksyon. Kasama sa set na ito ang walong eleganteng makaluma na mga epekto na gumagana sa isang malawak na hanay ng mga larawan. 

Chocolate Photoshop Action

60 Segundo?!

Bahagi ito ng serye ng mabilis na mga video na tutoryal sa Envato Tuts+ kung saan ipapakilala naming ang malawak na mga paksa, lahat sa loob lamang ng 60 segundo – sapat lamang upang mapasabik ang inyon gana. Ipaalam niyo sa amin sa mga komento kung ano ang iniisip niyo sa video na ito at kung ano pa ang gusto niyong makitang ipaliwanag sa lob ng 60 segundo! 

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.