Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Maligayang pagdating sa aming Photoshop sa 60 Segundo na serye, kung saan matututunan mo ang kasanayan, tampok at pamamaraan sa Photoshop sa loob lamang ng isang minute!
Photoshop sa 60 Segundo: Custom Jewelry
Sa Mixer Brush Tool sa Adobe Photoshop, ay makakagawa
ka ng nakakatuwang marka sa kahit na anong bagay. At sa maiksing pagtuturo na
ito, gagamit ako ng malinis na tool para ipakita kung paano gumawa ng magandang
pear necklace sa pamamagitan ng paggawa ng sarili mong necklace brush.
I-download lamang ang pearl at woman stocks na ginamit sa video na ito. At tuklasin ang kakaibang koleksyon ng stock photography sa PhotoDune para sa mas nakakatuwang pagkukunan ng impormasyon.
Paano Gumawa ng Custom Necklace sa Photoshop
Buksan ang iyong mga larawan sa Photoshop.
Dito gagamitin ko itong pearl at woman stocks.

Una, kunin ang pearl sa bracelet
gamit ang Elliptical Marquee Tool (M). Pagkatapos, Control-J para gawan ito ng kapareho, baguhin ang sukat ng
nakopya na mas maliit gamit ang Free Transform Tool (Control-T). Ang pangalawang pearl ay
magsisilbing maliit na connector piece.

Pagisahin ang mga pearl layers.Piliin ang Mixer Brush Tool (B) at dagdagan ang sukat ng brush para magkasya sa parehong pearls, pagkatapos pindutin ang Alt key ng matagal para i-load ang pearls bilang bagong brush. Pindutin ang F5 para ayusin ang settings sa Brush panel katulad nitong mga sumusunod:
- Pagitan: 90-95%
- Shape Dynamics: Naka-check, Pag kontrol ng Anggulo: Inisyal na Direksyon

Sa Mixer Brush (B), simulang gumuhit ng pearl necklace sa iyong subject. Maaari mo itong ulit-ulitin hanggang sa makuha mo ng tama. Pagkatapos i-set ang Layer Mask sa pearl necklace at pinturahan ng itim sa mask para matakpan ang kahit na anong kakulangan o ang pearls gamit ang Brush Tool (B).

Halos tapos na! Ngayon pindutin sa
kanan ang layer para makapunta sa Blending Options. I-set ang Drop Shadow sa
necklace sa mga sumusunod na settings:

Ituloy lamang ang ang pagbago ng lighting o kulay gamit ang karagdagang Adjustment Layers. Narito ang huling resulta sa baba:

Gusto niyong makita ito sa totoong oras? I-check ang video sa ibaba upang makita ang leksiyong ito habang ginagawa!
Mas Detalyado
Pag-aralan ang mas maraming photo effects mula sa aming mga eksperto! I-check ang sumusunod na mga tutoryal sa ibaba:
- Photo Manipulation50 Nakakatuwang Photo Effect na PagtuturoGrant Friedman
- Photoshop ActionsPaano Gumawa ng Itim na Photo Effect Action Para sa Mga BaguhanMarko Kožokar
- Photoshop ActionsPaano Gumawa ng Wet Glass Action sa Adobe PhotoshopIndranil Saha
- Photoshop ActionsPaano Gumawa ng Nakakatuwang Dispersion Actions sa Adobe PhotoshopMarko Kožokar
60 Segundo?!
Bahagi ito ng serye ng mabilis na mga video na tutoryal sa Envato Tuts+ kung saan ipapakilala naming ang malawak na mga paksa, lahat sa loob lamang ng 60 segundo – sapat lamang upang mapasabik ang inyon gana. Ipaalam niyo sa amin sa mga komento kung ano ang iniisip niyo sa video na ito at kung ano pa ang gusto niyong makitang ipaliwanag sa lob ng 60 segundo!
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post