Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Fonts
Design

Ang mga Dapat Magkaroon na mga Font para sa mga Graphic Designer at Mahihilig sa Font

by
Length:LongLanguages:
This post is part of a series called Best Fonts to Download.
49 Epic Tattoo Fonts
100 Insanely Awesome Fonts From Envato Elements

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Kung mahilig ka sa paggamit ng masasaya at kawili-wiling mga font maging sa iyong trabaho, o sa simpleng pang-araw-araw na gamit, ang listahang ito ng dapat magkaroon ng lahat mula mga serif hanggang mga script at iba pa ay dapat na nasa iyong kalyehon. Salamat sa lumalagong pandayan ng Envato Market, makikita mo ang mga hindi kapani-paniwalang mga font sa ibaba upang iangkop sa lahat ng iyong pangangailangan sa pagdidisenyo! 

Ang Serif

Ang mga serif ay kahanga-hangang mga font para sa lahat ng iyong pangunahing uring propesyonal na pangangailangan. Nakagagawa sila nang hindi kapani-paniwala para sa pagbabrand ng korporasyon, paglilimbag ng media, at uri ng iba pang font na pangangailangan. Higit akong mahilig sa mga serif para sa pangunahing uring mga logotype.

Ang Gardener Font

Ang font na ito ay nagsasama ng organic na mga anyo na may tatag ng serif. Gusto ko ito sa pagdadagdag ng gawa sa bahay na katangian sa pagbabalot o sa disenyo ng limbag na kailangan ng organic, laki sa bahay na pakiramdam.  

Gardener Font

Ang Typewriter

Ang font na ito ay mahalaga kung kailangan mo ng mukhang makinilya na anyo noong unang panahon sa iyong disenyo. Gusto ko lalo ang pagbibigay pansin sa detalye ng magkakasalungat na anyo ng mga titik na siyang magagawa ng tunay na makinilya.

Typewriter

Ang Increment Font

Ang font na ito ay mayroong dalawang pangkat ng estilo: isa na mayroong bahagyang serif at isa na mayroong dramatikong mga kurba. Naghahalo ang mga ito ng kamangha-mangha upang magbigay sa iyong teksto ng pangunahing uri na matapang na anyo.

Increment Font

Ang Rocking Bones

Ang pinukaw mula sa antigong serif na ito ay mahalaga para sa mga logotype at disenyo ng limbag (lalo na ng damit). Dahil mayroong sulat-kamay na alternatibong estilo at ilang bonus na mga vector, ang font na ito ay magbibigay sa iyo ng lahat ng kailangan mo para sa pamatay na mga antigong disenyo.

Rocking Bones

Qumberland Slab – Malinis Malakas Matapang na Font

Ano ang koleksyon ng serif kung wala ang ilang matapang na piraso ng mga serif na font? Ang Qumberland ay matapang na karagdagan sa kahit na kaninong designer na koleksyon ng font nang hindi kailangang malakas katulad ng pangkaraniwang piraso ng serif. 

Ang Global

Ang pinukaw mula sa moda na serif na ito ay kamangha-manghang karagdagan sa kahit anong koleksyon ng font na nakapokus sa paglikha ng malikhaing mga header o mga disenyo ng limbag. Ang timpla sa pagitan ng makapal at manipis na mga linya ang siguradong nagpangyari upang magkaroon ng mahalagang pangkat ng mga glyphs.  

Global

Ang Violina Typeface

Ang serif na font na ito ay may masayang retro na pakiramdam habang pinapanatili ang sopistikadong estilo. Dahil mayroong madaming alternatibong mga glyph, ang Violina ay siguradong magbibigay sa iyong ginawa ng kakaibang lamang.

Violina typeface

Ang Quincy CF

Ang Quincy ay magandang pangunahing uri ng pamilya ng font na nagtatampok ng suporta sa madaming salita, italic at madami pa. Kapag nangangailangan ka ng alternatibong serif sa mga karaniwang pinaghihinalaan, ang pagkakaroon ng eleganteng font katulad ng Quincy sa iyong koleksyon ay siguradong tatamaan ng apoy.

Quincy CF

Ang MORVA Typeface

Ang Morva ay hindi lamang mayroong eleganteng mga anyo ng titik ngunit mayroon ding masasayang pag-unlad sa anyo ng alternatibo ng MORVA Typeface

Ang Goldsmith

Ang Goldsmith ay siguradong kawili-wiling serif. Dahil may alternatibong malaki at maliit na titik at maingat na ginawa sa kamay na mga anyo ng titik, ang font na ito ay mahalagang kasagutan sa naiipong kakaibang typographic na imagery para sa sari-saring klase ng mga trabaho sa pagdidisenyo.

The Goldsmith

Ang Script

Ang mga Script na font ay sumasaklaw mula sa sulat-kamay hanggang calligraphic na mga obra maestra. Ang mga ito ay hindi kapani-paniwala para sa malikhaing disenyo ng mga logotype, header at t-shirt. Tingnan ang seleksyon ng mga font sa ibaba para matikman ang ilan sa mga paborito ko.

Anastasya Confession

Makikita mo ang font na ito sa ilalim ng mga serif, ngunit ito ay maluwalhating brush-script na lubha kong inirerekomenda ko para sa pagbrand, laman ng social media at madami pa. 

Anastasya Confession

Ang Sectione Bright na Script

Gustong-gusto ko ang brush script na ito. Ang matapang at pantay na gilid na lumilikha ng bawat anyo ng titik para sa ipininta sa kamay at magaling na iginuhit na estilo na kaakunti lamang ang nakalilikha.

The sectione bright script

Ang Humble Script

Ang mga titik ng Humble Script ay sumasayaw sa kabila ng mga kahit na anong pahina, tabing o nilalaman na nilikha mo sa pamamagitan nito. Perpekto para sa mga gamit sa marketing o logotype, ang script na ito ay mayroong masaya at mabilis na guhit-kamay na pakiramdam.

Humble Script

Ang Moonface Script

Ang Moonface Script ay mahalagang sagot para sa palaro at istadyum na estilo ng mga script font. Perpekto para sa damit at ibang disenyong trabaho, ang font na ito ay nagtatampok ng ilang hindi kapani-paniwalang mga humahaginit na mga hugis sa loob ng anyo ng titik nito.

Moonface Script

Natasya (Logo Type)

Ang malaki, pabilog na script font ay kailangan para sa koleksyon ng designer. Ang mahilig sa kahit na anong estilo ay malulugod sa mga pagpipilian na mga estilo sa loob ng bukas na uri na font na ito.

Natasya Logo Type

Ang Akula - Dry Brush Font

Ang mga Dry-brushed font ay mahalagang karagdagan sa iyong koleksyon para sa mga gamit sa marketing at disenyo ng limbag. Ang Akula ay isang mahalagang halimbawa ng ganitong isitilo.  

Akula- Dry Brush Font

Ang Merno Script

Para sa mas sopistikadong sulat-kamay na isitilo, ang Merno Script ay ang font para sa iyo. Ang mga logotype, heading, at madami pa ay mabilis na pang-ayos sa ganitong eleganteng script.

Merno Script

Chasing Embers

Mahal ko ang magaling na ibinrush ng kamay na font. Ang font na katulad nito ay umaakma ng  kamangha-mangha sa watercolor o hinugas na tinta na mga tekstura, na nagpapangyari sa mga gumagamit na magaya ang totoong gawa ng kamay na estilo.

Chasing Embers

Ang Jailheart Hand Typeface

Ang anyo ng mga titik at glyph sa font na ito ay kamangha-mangha, ngunit kapag ipinareha sila sa tekstura, totoong kumikinang sila katulad ng mala-ribbon na font. Perpekto para sa mga nakalimbag na media at mga gamit sa marketing, ang font na ito ay naglalaman ng hindi kapani-paniwalang pang-angkot, alternatibong mga estilo at madami pa.

Jailheart hand typeface

Ang Seren Script

Ang matapang na retro na font na ito ay mahalagang alternatibo sa ilan sa madaming pangkaraniwang pinukaw mula sa retro na mga font na tila lumalabas sa bawat header ng blog sa mga nakaraan taon. May 430 glyph na kabilang, ang script na ito ang perpektong karagdagan sa iyong koleksyon.

Seren Script

Ang Helena

Ang Helena ay maganda at matamis na iginuhit ng kamay na font, perpekto para sa mga gawa sa kamay na mga gamit, logotype at madami pa.

Helena

Ang Morning Wishes

Ang Morning Wishes ay nagsasama ng kagandahan at kadakilaan sa guhit-kamay na font na pagkahumaling. Perpekto para sa nilalaman ng blog, mga gamit sa marketing at madami pa.

Morning Wishes

Ang Rissa Typeface

Gusto ko kung paano kachunky at kabilog ang mga anyo ng titik na mga ito sa Rissa Typeface. Ang marilag na typeface ay nagbibigay ng perpektong gawa sa kamay na pag-unlad sa kahit na anong tipo ng  pangangailangan ng iyong disenyo. 

Rissa Typeface

Ang Hollyn Script + Extras Font

Itong modernong kaligrapik na typeface ay kasing halaga ng malinis na hiwa na sagot sa paggamit ng guhit-kamay na tipo sa iyong mga proyektong disenyo. Kahit gumagawa ka sa pagbrand o sa paglimbag ng media o marketing ng materyales, ang eleganteng font na ito ay kahanga-hangang sagot upang mapanatiling sariwa ang iyong gawa.

Hollyn Script Extras Font

Ang Paltrow

Gusto ko ang mahaba na kaaya-ayang anyo ng titik ng Paltrow na nagsasama ng maayos sa tekstura ng watercolor upang makabuo ng masaya at magandang gawa sa kamay na typeface.

Paltrow

Ang Burnts Marker Typeface

Pinukaw mula ng sining sa kalye, ang Burnts Marker Typeface ay marilag na tipo na hindi nawawala ang hitsura ng inspirasyon nito. Ito ay mahalagang karagdagan sa koleksyon ng kahit sinong designer at gumagawa ito ng hindi kapani-paniwalang nilalaman para sa limbag at produktong disenyo.  

Burnts Marker Typeface

Ang Kaiven

Hinahangaan ko ang kapayakan ng mga anyo ng titik ng Kaiven. Ang iginuhit ng kamay na typeface na ito ay akma nang kamangha-mangha sa may payat na likha ng sining, lalo na ang mukhang ipinintang hitsura ng tinta at watercolor.

Kaiven

Ang Sans-Serif

Madalas ang mga sans-serif na font ang pinakapayak sa lahat (isipin ang Helvetica). Maaari itong sumaklaw mula geometriko hanggang pabilog na mga obra maestro, na nagpapangyari upang ang maipahayag ang mga kaalaman nang may kapayakan.

Ang Naive Line Sans na pamilya

Ang Naive Line Sans na pamilya ng font ay maganda at payak na sans na malugod na tatanggapin ng kahit na sinong designer sa kanilang koleksyon. Maging ang proyekto mo ay para sa paglimbag o web, ang font na ito ay magbibigay ng nilalaman na madaling mabasa sa eleganteng paraan.

Naive Line Sans Font Family

Ang ZELDA Typeface (Fill)

Ang matapang na geyometrikang mga linya ng Zelda ang ang nagpapa-interesante sa mga header at iba-ibang nilalaman. Ang modernong typeface na ito ay ipinagyayabang ang limang estilo at alternatibong mga karakter upang paikutin sa pinakamaliit na flavor.

ZELDA Typeface Fill

Ang DUBAI Typeface

Ang Dubai ay hindi kapani-paniwalang sans-serif na may makapal na pinait na hitsura na perpekto para sa mga disenyo ng poster at madami pa.  

DUBAI Typeface

Ang Diadema

Ang pixel-perfect na modernong font na ito ay may masayang pabilog na hitsura na nagmumukhang perpekto para sa logotype, disenyo ng poster at madami pa.

Diadema

Ang Lead True Type v1.0

Ang Lead ay masaya at futuristic na font. Kasama ang bahagyang pabilog na mga anyo ng titik at matalim na anggulo, ito ay perpekto para sa paglimbag o disenyol ng poster na may sci-fi na pakiramdam.

Lead True Type v10

Ang Porter Font

Matapang na medyo nababasa na font, ang Porter ay perpekto para sa iba’t ibang klase ng typographic na pangangailangan. Ang font na katulad nito ay nagagawang kamangha-mangha ang setting ng disenyo sa korporasyon.

Porter Font

Ang Ascent Typeface

Ang Ascent ay masayang pag-ikot sa tipikal na sans-serif na may madayang sipa sa bawat anyo ng titik. Suportado ng madaming wika, ang fontface na ito ay nakagagawa ng mahalagang itinatanghal na font.

Ascent Typeface

Ang Raleigh Font

Ang Raleigh ay hindi kapani-paniwalang futuristic na font na perpekto para sa mga disenyo ng poster, logotype at madami pa. Mas lalo ko itong gusto sa konteksto ng aliwang media o palaro, kahit pa anong may pinukaw mula sa stencil na pag-ikot ang isama ay makikinabang mula sa ganitong fontface.

Raleigh Font

Ang Woodland Font

Ang Woodland ay mahalagang gawa sa kamay na font na perpekto para sa layuning pagtatanghal at paglilimba na media din.

Woodland Font

Ang Falco

Ang Falco na hindi kapani-paniwalang karagdagan sa matatapang na itinatanghal na mga font at pagbabrand ng nilalaman, ay talagang kumikinang kung saan ang inline an estilo ay ikinababahala. Tingnan sa ibaba na kahit isa lamang sa mga paraan ng Falco ay talagang nag-iiwan ng marka.

Falco

Ang SERENITY font

Ang Serenity ay malamang pinangalanan sa pagiging magandang sans-serif na may ilang marikit na alternatibong mga glyph ditto.

SERENITY font

Ang Kaiju

May makapal ang manipis na mga anyo sa loob ng font na ito, ang  Kaiju ay perpekto para sa sopistikadong ipinapahayag na font na kailangan din ng masayang deco na estilo ng sining.

Kaiju

Ang Pine Typeface

Ang kahanga-hangang alternatibo na karaniwang inaakalang streamlined sans-serifs, ang Pine ay may ilang masasayang pabilog na feature habang pinapanatilling monospaced. Ito ay kahanga-hangang typeface para sa pagbrand mg mga proyekto, mga poster at madami pa.

Pine Typeface

Decorative

Ang pinaghalong mga serif, script, at sans-serif, ang mg font na ito ay mahalaga para sa mga pangangailangan sa pagdidisplay at iba pang masasayang mga proyekto. Kahit ang mga titik na ito ay gawa mula sa magulong grunge na mga brush o maliliit na hugis, ang pandekorasyong font ay masayang karagdagan sa iyong koleksyon.

Marker Sketch

Ang masayang pangmarka na iginuhit na font na nagpifeature sa kakaibang malalaki at malilit na titik, mga bilang, at madami pa. Perpekto para sa signage, advertising, o kung ano mang iba na gusto mo ng mabilis na estilong marker na titik.  

Marker Sketch

Jessica Forever

Ang nakakatuwang iginuhit ng kamay na font. Kasama ang kakaibang unique na malalaki at maliliit na mga titk, mga numero, at marami pang ibang mga glyph. Perpekto para sa web o paglimbag para sa gawa sa kamay na katangian!

Jessica Forever

Stanley Typeface

Ang pangunahing uri ng antigong estilo na font ay perpektong karagdagan sa iyong kolesyon para sa mga logotype, disenyo ng damit at madami pa.

Stanley Typeface

Ang Headplane TrueType Font File

Para sa mga panahong na kailangan mo ng mas malinaw na futuristic na estilo na font, ang Headplane ay nandyan para sayo. Gusto ko ang hitsura ng font na ito para sa mga disenyo ng poster at libangang media.

Headplane TrueType Font File

Ang Vicasso Font

Ang Vicasso ay hindi kapani-paniwalang font para sa mga logotype at para sa layuning pangdisplay. Mas lalo kong gusto ang kakaibang mga detalye na medyo nagpapaalaala sa akin ng  mga aperture blade ng kamera.

Vicasso Font

Ang Brave Typeface

Ang pamilya ng Brave na font ay masayang futuristic na font na may pabilog na mga gilid at pinakamaliliit na mga detalye. Madalas, ang kapayakan ang makapagsasabi ng marami pagdating sa  iyong mga pangangailangan sa font na katulad ng Brave.

Brave Typeface

Ang Equilibrium Font

Ang Geometric na mga font ay kailangan pagdating sa pagkumpleto ng iyong koleksyon ng font. Ang Equilibrium ay masaya para sa hindi nito kapani-paniwalang pinakamaliit na estilo ng disenyo at sa parisukat na disenyo.

Equilibrium Font

Ang Vintage Fonts Bundle 2

Sa pamamagitan ng bigkis na ito, makukuha ang ganun nga: tatlong hindi kapani-paniwalang mga font ang handa para sa pagbabalot, mga t-shirt at madami pa! Ang font na ito ay maaaring pasimulang punto pa lamang para sa iyo at sa iyong mga pangangailan sa pagdidisenyo.

Vintage Fonts Bundle 2

Ang Brawls Typeface

Ang Brawls ay pukaw mula sa retro na font na may kakaibang mga hugis at hindi kapani-paniwalang tekstura. Gusto ko ang font na ito para sa pagbabrand ng malikhaing mga negosyo o para sa mga gamit sa marketing.

Brawls Typeface

Ang Sledge Typeface

Totoo sa pangalan nito, ang Sledge ay matapang at magaspang na font na may matitigas na mga gilid at grungy na tekstura. Ang font na ito ay perpekto para sa mga disenyo ng poster at iba’t ibang klase ng mga limbag na media.

Sledge Typeface

Ang Antique Typeface

Ano pang mas malikhain kaysa sa mga yumayabong na mga anyo ng mga titik? Ang Antique ay kamangha-manghang eleganteng font na medyo totoo sa pangalan nito. Gusto ko ang font na ito para sa pagiging angkop sa stationery na disenyo at sa payak at mabilis na sagot sa mga kaligrapiya sa kasal.

Antique Typeface

Nouvele Louisela

Para sa marilag na font sa kaligrapiya, huwag ng tumingin ng iba pa kaysa sa Nouvele Louisela. May katakot-takot na dami ng mga glyph at alternatibong mga anyo, ang font na ito ay hindi kapani-pwaniwala sa pagdaragdag ng haplos ng pagiging elegante sa iyong ginawang disenyo.

Nouvele Louisela

Ang Adele Cute Typeface

Ang Adele ay marilag na ginawang guhit-kamay na font face nagagawang kamangha-mangha ang mga gamit sa marketing, stationery, kaligrapiya sa kasal, at madami pa. Dahil sa katakot-takot na alternatibong mga estilo na kasama, gagayahin mo ang gawa sa kamay na estilo sa napakabilis na oras!

Adele Cute Typeface

Ang Mermaid Typeface

Ang Mermaid ay lumang moda, pukaw mula sa Victorian na typeface na perpekto para sa limbag na disenyo, stationery at madami pa. Mas gusto ko lalo ang font na ito para sa antigong mga kumpanya ng damit, card na pagbati, at madami pa.

Mermaid Typeface

Game Over

Ang perpektong katapusan sa listahan ko ng koleksyon ng font, ang Game Over ay mahalagang font na pukaw sa retro para sa lahat ng iyong pangangailangan sa 8-bit na disenyo.

Game Over

Konklusyon

Ang listahan ng mga font na ito ay naglalayon na – highlight ang kapaki-pakinabang at kailangang magkaroon na nilalaman para sa mga graphic designer at maging sa mahihilig sa font. May mga pagkakataon na nakakaligtaan natin ang mga bagay sa Envato Market na iniisip mo na magaling na asset sa toolbox ng kahit na sinong designer.   Ibahagi ang mga link na ito sa seksiyon ng comment sa ibaba, at hayaang ang listahang ito ang maging pasimulang punto ng pagtalon sa paggawa ng iyong ultimatong koleksyon ng font!

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.