PaanoDisenyuhan ang mga Patag na Icon sa Affinity Designer: Shopping Basket at mga Dress Icon
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)
Ito ang ikatlong bahagi sa aming apat na bahaging serye Paano Disenyuhan ang mga Patag na Icon sa Affinity Designer
Kapag hindi pa, siguraduhing suriin ang Ikalawang Bahagi ng seryeng ito, kung saan matututunan mo kung paano gumawa ng badge sa diskwento at mga hanger icon mula sa pangkat na ito.
Maghanap ng marami pang nakamamanghang mga Kurso sa Design and Illustration sa Envato Tuts+. At kumuha ng kahanga-hangang vector resources para sa iyong mga proyekto sa Envato Market.
Paano Gumawa ng Shopping Basket Icon
Sa susunod na talakayang ito, ipapakita ni Yulia Sokolova kung paano gumawa ng nakakapang-akit na shopping basket icon. Matutunan kung paano gumuhit ng basket gamit ang iba't ibang mga kagamitan para sa pagsama at pagbago ng mga hugis.
Gamitin ang Rounded Rectangle Tool (M) para gumawa ng kulay rosas na base para sa basket. Tapos baguhin ang hugis. Piliin ang kaliwa sa itaas at kanan na mga node para itulak ang node sa kabilang direksyon gamit ang Node Tool.
Gumawa ng pangalawang pabilog na parihaba at ilagay ito sa itaas ng una. Gagawin nito ang pangunahing basket na hugis para sa ating icon. Siguraduhing ang pangalawang hugis na ito ay hindi masyadong kulay rosas.

Magdagdag ng ilang detalye sa basket. Gamiting ang Rounded Rectangle Tool (M) para gumawa ng bagong hugis. Doblehin ang hugis at ilipat ito paitaas at sa kanan. Gamitin ang operasyong Subtract para tanggalin ang nauulit na mga bahagi, at baguhin ang mga kulay para sa mas magandang 3D na epekto.
Gumawa ng maraming mga kopya ng resultang ito at ilagay sila kasama ng basket. Tutulungan nito sila sa pagrepresenta ng mga butas sa basket.

Kumpletuhin ang shopping basket icon sa pamamagitan ng pagdagdag ng handle. Gumamit ng kombinasyon ng Rounded Rectangle at Ellipse Tools para gumawa ng kulay rosas na mga hawakan na hugis.
Ngayon sundin mo ang mga hakbang mula sa nakaraang talakayan para sa paggawa ng usong mahabang aninong epekto. Ilapat ang basket sa dilaw na pabilog na base para matapos ang icon. Ito ang resulta.

Paano Gumawa ng Damit na Icon
Lipat tayo sa ikalimang icon, ang damit. Sa talakayan na ito, matututunan natin kung paano gumawa ng simpleng damit gamit ang mga pangkaraniwang hugis, ang Node Tool, at ang Arrange na panel.
Gawin ang inisyal na damit na hugis gamit ang Rectangle Tool (M). Kulayan ito ng magandang mala-langit na asul bago baguhin ang hugis. Tapos piliin ang kaliwa sa itaas at kanan na mga node at itulak sila palabas para sa flared na epekto.
Ngayon gumawa ng dilaw na tali para sa damit, gamit ang Rectangle Tool ulit.

Gamit ang mga kaparehong pamamaraan tulad ng dati, gumawa ng ibabang flared-out na bahagi ng damit gamit ang Rectangle Tool (M). Magdagdag ng ilang mga detalye sa ibaba sa pamamagitan ng pagdagdag ng maraming mga bilog gamit ang Ellipse Tool (L).
Gawin ang bahagi sa leeg ng damit sa pamamagitan ng paggamit ng bilog para makagawa ng simpleng cutout.

Ngayon baguhin ang hugis ng damit para mas seksi tignan gamit ang Node Tool.
Tapos magdagdag ng mahabang usong anino sa disenyo at kulay rosas na pabilog na base para makumpleto ang icon na ito. Ito ang resulta.

Gusto mo Pa?
Lahat tapos na! Ituloy natin ang huling icon mula sa pangkat na ito. Sa ating huling talakayan, tatapusin natin ang seryeng ito sa paraang matututunan natin kung paano gumawa ng kargo trak na icon mula sa mga pangkaraniwang hugis.
Maghanap ng mga malikhaing ari-arian para sa iyong mga disenyo sa Envato Elements.
At para sa mas nakakamanghang mga talakayan[], tignan ang mga tutoryan na ito:
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post