Paano Disenyuhan ang mga Patag na Icon sa Affinity Designer: Ang Discount Badge at Hanger Icons

() translation by (you can also view the original English article)
Ito ang ikalawang bahagi ng apat na bahagi ng serye ng Paano Disenyuhan ang mga Patag na Icon sa Affinity Designer
Kung hindi mo pa nagagawa, tingnan ang Unang Bahagi ng seryeng ito, kung saan makikita mo ang introduksiyon sa kursong ito at ang unang aralin para sa paggawa ng flat shopping bag icon.
Maghanap ng marami pang nakamamanghang mga Kurso sa Design and Illustration sa Envato Tuts+. At kumuha ng kahanga-hangang vector resources para sa iyong mga proyekto sa Envato Market.
Paano gumawa ng isang Discount Badge Icon
Sa aralin na ito, ipapakita ni Yulia Sokolova kung paano lumikha ng mabilis na discount badge icon. Pag-aralan kung paano gawin ang ikalawang icon sa set na ito, gamit ang mahahalagang shape tools, operasyon at Artistic Text Tool.

Gumawa ng dilaw na hugis gamit ang Rounded Rectangle Tool (M). Baguhin ang hugis gamit ang Vector Crop Tool upang maigalaw papunta sa kanang bahagi.
Pagkatapos, gumawa ng dilaw na tatsulok at ilagay ito sa unang hugis, baguhin ang sukat gamit ang Transform panel. Pagpantay-pantayin ang mga hugis.



Ngayon, pagsamahin ang hugis upang hindi magkaroon ng puwang. Pagkatapos, baguhin ang tatsulok upang magmukhang isang badge.
Kumpletuhin ang disenyo ng badge gamit ang Rectangle Tool (M) upang makagawa ng tag at Ellipse Tool (L), kasama ang operasyon, upang makagawa ng butas ng badge.



Tapusin ang badge sa pamamagitan ng paglagay ng ilang text. Dito gagamitin natin ang Bowlby One Free Font para gumawa ng simbolo ng porsyento upang kumatawan sa diskwento.
Pagkatapos, gawin ang paraan na ginamit dati upang makagawa ng nauusong mahabang shadow effect at circular base para sa icon. Ito ang resulta pagkatapos.



Paano Gumawa ng isang Hanger Icon
Oras na para sa ikatlong icon. Sa susunod na aralin na ito, malalaman natin ang paggawa ng simpleng hanger icon gamit ang mahahalagang hugis at operasyon.

Gamitin ang Triangle Tool upang makagawa ng pangunang base shape para sa orange hanger. Kopyahin ang hugis na ito at gawing mas maliit, at gumawa ng bilog mula sa itaas ng hanger gamit ang Ellipse Tool (L).
Pagsamahin ang mas malaking tatsulok at bilog, at pagkatapos baguhin ang bagong hugis sa pamamagitan ng mas maliit na tatsulok. Ito ay magreresulta ng cutout effect para sa stylized hanger design.



Tapusin ang hanger gamit ang kinurbang metal rod. Gamitin ang Artistic Text Tool upang makagawa ng metal na hugis mula sa simpleng simbolo ng tandang pananong. Pagkatapos, ilagay ang kulay abo na hugis sa hanger.
Gumawa ng panghuling hanger icon sa pagsunod sa mga hakbang tulad ng dati. Gumawa ng mahabang shadow effect muna, at pagkatapos ilagay ito sa purple circular base. Heto ang resulta.



Gusto mo Pa?
Tapos na! Ipagpatuloy natin ang ikaapat at ikalimang icons sa susunod na aralin. Matutunan natin kung paano makagawa ng makulay na shopping basket at dress icons.
Humanap ng malikhaing kagamitan para sa iyong disenyo sa Envato Elements.
At para sa mas magagandang aral tungkol sa Affinity Designer, tingnan ang mga tutoryal:
