Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Affinity Designer
Design

Paano Mag-disenyo ng mga Flat na Icon sa Affinity Designer: Trak na Pangkargamento na Icon

by
Length:ShortLanguages:
This post is part of a series called Design Flat Icons in Affinity Designer.
How to Design Flat Icons in Affinity Designer: Shopping Basket and Dress Icons

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Ito ang huling aralin sa aming apat na bahagi na serye sa Paano Magdisenyo ng mga Flat na Icon sa Affinity Designer.

Kung hindi mo pa nagawa, siguraduhin na tingnan ang Ikatlong Bahagi sa serye na ito, kung saan matututunan mo kung paano lumikha ng icon ng isang basket na pangshopping at isang icon ng damit. 

Maghanap pa ng mas maraming mga napakahusay na mga Kurso sa Pagdisenyo at Ilustrasyon sa Envato Tuts+. At makakuha ng mga kamangha-manghang mga vector na mapagkukunan para sa iyong mga proyekto Envato Market.

Paano Gumawa ng Icon ng Trak na Pangkargamento

Sa huling araling ito, ipapakita sa iyo ni Yulia Sokolova kung paano gumawa ng isang makulay na icon ng Trak na Pangkargamento Alamin kung paano gumuhit ng pinakamadetalye na disenyo gamit ang isang kumbinasyon ng mga payo na natutunan na namin.

Gamitin ang Rectangle Tool (M) upang lumikha ng dalawang kulay dalandan na mga hugis para sa trak. Ayusin ang laki gamit ang Transform na panel.

Pagkatapos ay baguhin ang kulay ng ikalawang parihaba sa berde. Baguhin ang hugis ng cabin ng trak para sa isang mas bilugan na kurba.

Create the truck base shapes

Kopyahin ang hugis para sa cabin ng trak at gawin itong mas maliit. Gamitin ang hugis na ito upang lumikha ng isang mapusyaw na bughaw na bintana bago ayusin ang laki gamit ang Vector Crop Tool.

Ngayon gamitin ang Rectangle Tool upang gawin ang ilalim ng trak. Gamitin ang parehong tool upang lumikha ng karagdagang mga detalye, tulad ng bumper ng trak at ang hawakan ng pinto.

Add the door handle and bumper

Magdagdag pa ng mga detalye sa trak. Gamitin ang Rectangle Tool upang lumikha ng isang hanay ng mga guhit sa may likuran. Pagkatapos ay gamitin ang Ellipse Tool upang lumikha ng isang hanay ng mga gulong sa ilalim.

Ipasadya ang disenyo na ito ng higit pa gamit ang isang simpleng palaso na disenyo. Lumikha muna ng isang mabilis na hugis-parihaba, at pagkatapos ay magdagdag ng isang naka-bold na pulang palaso sa tuktok gamit ang Arrow Tool. 

Add details to the truck

Tapusin ang icon na ito gamit ang estilo na nilikha natin noon. Ilapat ito sa isang mapusyaw na asul na bilugan na base bago idagdag ang isang magandang mahabang anino para sa isang naka-istilong epekto. 

Narito ang resulta sa ibaba.

Finish the truck icon design

Kahanga-hanga na Trabaho, Tapos na ang Lahat!

Sa kurso na ito, natutunan mo kung gaano kadali ang lumikha ng mga magandang flat na icon gamit ang mga simpleng hugis at mga tool sa Affinity Designer. Magpatuloy na matuto ng mas marami pa tungkol sa mga espesyal na mga operasyon at mga paggana nito upang gawing mas mahusay ang daloy ng iyong trabaho.

Umaasa ako na nasiyahan ka sa pagtuturo na ito. Narito ang isang pangwakas na pagbabalik tanaw mula sa magtuturong si Yulia Sokolova na sumasaklaw sa lahat ng natutunan natin mula sa seryeng ito.

Gusto Mo Pa?

Matuto nang higit pa tungkol sa Affinity Designer sa pamamagitan ng pagkuha ng isang maikling kurso mula sa aming mga aralin. Ibahagi ang iyong mga resulta sa amin, at ipaalam sa amin kung paano mo nagustuhan ang kursong ito sa mga komento sa ibaba.

Maghanap ng mga malikhaing mga yaman para sa iyong mga disenyo sa Envato Elements.

At para sa mas kapaki-pakinabang na mga aralin, tingnan ang mga pagtuturo na ito upang matuto nang higit pa mula sa aming mga eksperto!

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.