1. Design & Illustration
  2. Graphic Design
  3. Icon Design

Paano Disenyuhan ang mga Patag na Icon sa Affinity Designer: Panimula 

Scroll to top
Read Time: 2 min
This post is part of a series called Design Flat Icons in Affinity Designer.
How to Design Flat Icons in Affinity Designer: Discount Badge and Hanger Icons

() translation by (you can also view the original English article)

Maligayang Pagbati sa Paano Disenyuhan ang mga Patag na Icon sa Affinity Designer, isang seryeng may apat na bahagi para tulungan kang matututunan kung paano disenyuhan ang mga patag na icon sa Affinity Designer. 

Maghanap ng marami pang nakamamanghang mga Kurso sa Design at Illustration sa Envato Tuts+. At kumuha ng kahanga-hangang vector resources para sa iyong mga proyekto sa Envato Market.

Panimula sa Kurso

Ang icon na disenyo ay isang mahalagang bagay na dapat matutunan ng bawat designer. Gamit ang kaalamang ito, makakagawa ng nakakamanghang mga simbolo at mga karakter para sa anumang disenyo o proyekto na may pagguhit.   Ito ay seryeng akma para sa mga nagsisimula palang sa disenyo ng app, at pwede mong baguhin ang mga icon na ito sa kalaunan gamit ang mga espesyal na gawain.

Sa kursong ito, ipapakita ng tagapagturo na si Yulia Sokolova ang bawat hakbang sa paggawa ng pangkat ng makukulay na icon sa pamimili gamit ang software na Affinity Designer.

Create Flat Icons with Affinity DesignerCreate Flat Icons with Affinity DesignerCreate Flat Icons with Affinity Designer

Matututunan kung paano gawin ang mga icon na ito gamit ang mga karaniwang mga hugis at mga kagamitan, habang tinitignan ang iba't ibang mga pamamaraan para sa paghalo at pagbago ng mga hugis na ito. Magugustuhan ang kumpletong pangkat ng anim na mga icon na magagamit mo para sa maraming proyekto!

Paano Gumawa ng Icon na Bag para sa Pamimili 

Magsimula tayo sa unang icon, ang bag para sa pamimili. Sa talakayan na ito, gagamitin ni Yulia Sokolova ang Gumuhit ng Persona na gawain para gumawa ng mga vector na grapika sa Affinity Designer.

Gumawa ng bagong Web file sa 800x600 pixels.

Gamitin ang Rectangle Tool (M) para gumuhit ng kulay rosas na parihaba. Baguhin ang hugis ng parihaba sa pamamagitan ng pagpili ng kaliwa sa itaas at kanan na mga node at gamitin ang Transform panel para itulak sila papasok.

Create the shopping bag shapeCreate the shopping bag shapeCreate the shopping bag shape

Tapos gamitin ang Ellipse Tool (L) para gumawa ng mga butas para sa hawakan ng bag. 

Mag-follow up sa pabilog na hawakan, gamit ang Pen Tool (P) para gawin ang hugis. Gawin itong pabilog na hugis, at palitan ang mga node para sa mas matangkad na hawakan.  

Create the handleCreate the handleCreate the handle

Magdagdag ng mga detalye sa bag para sa pamimili gamit ang Rectangle Tool (M) ulit. Ilagay ito sa maliwanag, medyo kulay asul na bilog at gumawa ng usong mahabang aninong epekto para makumpleto ang unang icon. 

Finish the shopping iconFinish the shopping iconFinish the shopping icon

Gusto mo Pa?

Pagbati sa una mong icon! Itutuloy natin sa pangalawang disenyo sa susunod na talakayan. Doon matututunan natin kung paano gumawa ng makulay na badge icon para sa diskwento gamit at ilang mga karaniwang hugis. 

Humanap ng malikhaing kagamitan para sa iyong disenyo sa Envato Elements. 

At para sa mas marami pang nakakamanghang mga talakayan sa Affinity Designer, tignan ang mga tutoryal na ito:

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
One subscription. Unlimited Downloads.
Get unlimited downloads