7 days of PS Actions, graphics, templates & fonts - for free!* Unlimited asset downloads! Start 7-Day Free Trial
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Adobe Photoshop

Paano Lumikha ng Nakabukod na Bagay: Photoshop sa 60 Segundo

Scroll to top
Read Time: 2 mins

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Final product imageFinal product imageFinal product image
What You'll Be Creating

Maligayang pagdating sa aming Photoshop sa 60 Segundo na serye, kung saan matututunan mo ang kasanayan, tampok at pamamaraan sa Photoshop sa loob lamang ng isang minute!

Photoshop sa 60 Segundo: Nakabukod na Bagay 

Ang mga nakabukod na bagay ay mga bagay na kinuha mula sa larawan upang magamit sa kahit na anong disenyo.  Mula sa pagmamanipula ng mga larawan hanggang sa pagdidisenyo ng mga poster at higit pa, makakamit mo ang madaming kahanga-hangang mga likha sa mga nakabukod na bagay. Kulang sa oras? Subukan itong Photoshop Action sa halip, upang madaling matanggal ang mga background. 

Matuto kung paano lumikha ng nakabukod na bagay sa mabilis na video sa ibaba. At i-browsse ang hindi kapani-paniwalang mga seleksyon ng mga kayamanan mula Envato Market at Envato Elements para sa mas madaming kagulat-gulat na mga pagpipilian. 

Paano Lumikha ng Nakabukod na Bagay sa Photoshop 

Lumikya tayo ng nakabukod na bagay sa dalawang simpleng paraan. Una, buksan ang inyong larawan sa Photoshop; ditto gagamitin ko itong Ribbon Stock.

Ribbon Stock from PhotoDuneRibbon Stock from PhotoDuneRibbon Stock from PhotoDune
Ribbon Stock

Pumili ng layer ng background mula sa panel ng mga Layer at magdadagdag ng mabilis na Layer Mask. Ngayon piliin ang Brush Tool (B) at magpinta ng itim sa putting Layer Mask upang matanggal ang background.

Madali niyong maibabalik sa itima ang background sa pamamagitan ng pagpindot sa kanan sa Mask at piliin ang Disable Mask.

Remove the background with a layer maskRemove the background with a layer maskRemove the background with a layer mask

Para sa pangalawang paraan, tanggalin mula sa kahit na aling larawan sa pamamagitan ng isa sa mga pambunot na kagamitan ng Photoshop. Dito gagamitin ko ang Polygonal Lasso Tool (L), ngunit ang Magic Wand Tool (W) ay magaling ding gamitin sa ganitong senaryo.  Bakatin lamang sa paikot ang paksa upang makalikha ng seleksyon, pindutin sa kanan upang baliktarin ang seleksyon, at pagkatapos ay pindutin ang Delete upang tanggalin ang background. 

Polygonal Tool for Isolated ObjectsPolygonal Tool for Isolated ObjectsPolygonal Tool for Isolated Objects

Para sa pinakamabisang mga resulta,i-save ang inyong nakabukod na bagay bilang naaaninag na PNG o PSD na file. 

File Formats for Isolated ObjectsFile Formats for Isolated ObjectsFile Formats for Isolated Objects

Gusto mong makita ito sa aksyon? I-check ang mabilis na video sa ibaba upang Makita ang leksyon na ito sa aksyon! 

Higit pang Dagdag na Detalye 

Matuto ng higit pa tungkol sa mga kagamitan sa Photoshop mula sa aming mga dalubhasa! I-check ang sumusunod na mga tutoryal sa ibaba: 

60 Segundo?!

Bahagi ito ng serye ng mabilis na mga video na tutoryal sa Envato Tuts+ kung saan ipapakilala naming ang malawak na mga paksa, lahat sa loob lamang ng 60 segundo – sapat lamang upang mapasabik ang inyon gana. Ipaalam niyo sa amin sa mga komento kung ano ang iniisip niyo sa video na ito at kung ano pa ang gusto niyong makitang ipaliwanag sa lob ng 60 segundo!  

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Advertisement
Start your 7-day free trial*
Start free trial
*All Individual plans include a 7-day free trial for new customers; then chosen plan price applies. Cancel any time.