Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Instagram
Design

Paano Gumawa ng isang Instagram Story Template: Photoshop sa 60 Segundo

by
Length:ShortLanguages:
This post is part of a series called How to: Instagram .
Using Instagram in the Professional World
How to Create an Instagram Story Cover: Photoshop in 60 Seconds

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Final product image
What You'll Be Creating

Magdala ng mas maraming traffic sa iyong profile gamit ang isang Instagram template. Panoorin ang video sa ibaba!

Photoshop sa 60 Segundo: Ang Neon Text Effect

Ang pagiging malikhain sa iyong Instagram profile ay isang mahusay na paraan upang makakuha ng mas maraming followers at mga likes. At ngayon, maaari ka nang makagawa ng mga masayang templates para sa mga facts at mga quizzes na gusto mong i-share sa iyong mga followers. Ang video na iyo ay ipapakita sa inyo kung papaano gumawa ng magandang Instagram template gamit ang mga astig na fonts at mga backgrounds na talaga namang napakadaling gamitin!

Subaybayan ang bawat hakbang at kunin ang lahat nd detalyeng kailangan mo mula sa proseso sa ibaba. Tignan ang iba pang mga malupit na fonts at mga resources sa Envato Elements.

Paano Gumawa ng isang Instagram Story Template

Magsimula sa pagpili ng mga tamang sulat. Para sa Instagram Stories, siguruhing magbukas ng bagong file sa 1080x1920 na pixels. Ito ang magiging perpektong sukat.

Create a new file

Ngayon ay kukuha naman tayo ng background. Gagamit ako ng isang abstract na pagsalin ng Alice in Wonderland na color scheme sa pamamagitang ng paggamit ng magandang watercolor pattern na ito mula sa Envato Elements.

I-copy at i-paste ang pattern, gamit ang Move Tool (V) para maiayos ito sa lugar. Ngayon naman ay kunin ang Rectangle Tool (U) at gumawa ng putting parisukat upang makagawa ng espasyo para sa iyong GIF-style na quiz. Babaan ang Layer Opacity sa 90% upang medyo makita ang background.

Add the background and rectangle

Iayos ang quiz gamit ang mga simpleng headers at titles gamit ang iba-ibang fonts.

Dito ay gagamit ako nitong mga Beast at Summer na sulat-kamay na mga fonts. Ngayon ay gumawa tayo ng simpleng tan na #d5cbb8 ma bilog gamit ang Ellipse Tool (U), matapos ito ay kopyahin (Control-J) ang layer ng maraming beses, habang nagdadagdag ng nakakatuwang tanong o titulo sa itaas ng bawat bilog.

Add the titles and circles

Siguruhin nakadagdag ang sarili mong Instagram tag sa ibaba bago ito i-upload! Matapos ay malibang sa feedback gamit ang iba-ibang animated na mga GIFs.

Narito ang resulta.

How to Create an Instagram Story Template in Photoshop

Matuto Lalo Sa Aming mga Pagtuturo!

Ganado ka bang matuto pa lalo ng mga astig na tips para sa Instagram? Simulan yan sa isa sa aming mga Photoshop tutorials! Gumawa ng masaya at inspiring na mga graphics para maipost sa lahat ng iyong social media profiles.

Kumuha ng mga Kahanga-hangang Design Resources

Gusto mo bang gumawa ng mga video na gaya nito? I-download ang mga ginamit naming resources sa dito:

Tignan itong iba pang mga pagtuturo mula sa aming mga eksperto:

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.