Papaano Lumikha ng Money Engraving Action Photoshop sa Loob ng 60 Segundo
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)



Maligayang pagdating sa aming Photoshop sa 60 Segundo na serye, kung saan matututunan mo ang kasanayan, tampok at pamamaraan sa Photoshop sa loob lamang ng isang minute!
Photoshop sa
Loob ng 60 Segundo: Engraving Action
Gawing totoong pera ang iyong mga litrato. Ibalik ang
itsura ng tradisyunal na pang-ukit ng perang sa Adobe Photoshop. Sa maikling video na ito, ipapakita ko sa inyo kung
papaano lumikha ng simpleng wave pattern gamit ang Line Tool (L) at sundan ito
ng paggawa ng Photoshop Action upang mai-apply ang mga pattern na ito sa iyong
paksa.
I-browse ang kahanga-hangang pilian ng mga Engraving Photoshop Actions mula sa GraphicRiver at Envato Elements upang mai-apply ang mga effect na ito sa iyong mga larawan sa ilang saglit lang!

Papaano Lumikha ng Money Engraving Action
Simulan natin sa pattern. Magbukas ng isang malaking New Document na 2000x2000 pixels. Gamitin ang Line Tool (U) upang makagawa ng isang linya sa taas ng canvas na may taas na 1 pixel. Matapos ito, tumungo sa Filter > Distort > Wave at gamitin ang sumusunod na mga settings upang makagawa ng quick wave.
- Bilang ng Generators: 10
- Wavelength Min/Max: 199, 200
- Amplitude Min/Max: 5,6
- Scale:
100%
Pagkatapos nito ay pindutin ang Alt-Shift-Down Arrow key upang makalikha ng maraming wave layers na kumikilos paibaba. Pagsamahin ang mga wave layers. Gamitin ang Crop Tool (C) upang makalikha ng parisukat na kahon na may magkapares na wave peaks sa parehong gilid.



I-duplicate ang wave layer ng limang ulit. Sa bawat layer, magdagdag ng mas makapal na Stroke line (1 pixel na mas makapal) gamit ang Blending Options, bago i-Rasterize ang lahat ng layer styles. Pagkatapos nito ay pumunta sa Edit > Define Pattern upang i-save ang bawat isang wave bilang sarili nitong pattern.



Buksan ang iyong larawan. Dito, gagamit ako ng litrato
ng Isang Babae. Gumawa ng isang mabilis na Action Group at Action Set para sa
iyong effect. Pindutin ang Record button kapag handa ka nang gawin ang susunod
na mga hakbang. I-hold ang Control-J upang mai-duplicate ang iyong larawan ng
limang ulit. Para sa bawat layer, tumungo sa Image > Adjustments
> Threshold. Magsimula sa mababang lebel para sa unang layer, matapos ay
taasan ang Threshold para sa bawat duplicate ng di bababa sa 20 pixels na mas
madami kaysa sa nauna.



Mag-apply ng Fill sa bawat wave pattern na ginawa
kanina sa bago nitong Layer. Ikutin ang ilan sa mga layers para magkaroon ng
sari-saring mga wave. Sa huli, piliin ang iyong unang threshold layer at tumungo
sa Select > Color Range, at palitan ang main option sa Shadows. Ngayong napili na ang mga shadows, I-unhide and
Visibility ng isa sa mga wave layers at pindutin ang Layer Mask button upang
makagawa ng perpektong Mask. Gawin ito sa bawat layer bago burahin ang mga
threshold.
Tandaang pindutin ang Stop button sa Actions palette
upang maulit ang mga hakbang na ito sa ibang larawan sa hinaharap.



Ito na ang huling effect.



Bahala ka nang magdagdag ng kaunting kulay berde para
sa mas maraming pagkakaiba-iba ng kulay.



5 Photoshop Engraving Actions
Wala ka bang masyadong oras? Mag-apply ng mabilis na money engraving effect sa iyong mga larawan sa pamamagitan ng pagpili sa mga astig na Photoshop Actions na makukuha sa GraphicRiver.
Engrave Photoshop Actions Kit
Gumawa ng isang kahanga-hangang money engraved effect
sa kakaunting panahon sa pamamagitan nitong pakete ng mga actions. Ang paketeng
ito ay mayroong pitong mahuhusay na actions na naglalagay ng ibang antas ng
detalye sa iyong mga larawan. Magdagdag ng iba pang astig na color effects at
marami pa sa download na ito.



Money Engraving Photoshop Action
Magandang gamitin ito sa kahit na anong cover design o
eksperimental na larawan, ang action na ito ay tutulong sa’yong makagawa ng
wavy engraving effect ng mabilis! Pindutin lang ang Play button sa Actions
palette upang ma-enjoy ang effect na ito sa ilang click lang.



Engraving Lines Photoshop Action
Para sa mas marami pang uri ng linya na gusto mong
makamit, tignan itong kahanga-hangang Photoshop action na ito. Ang action na
ito ay binuo para sa maraming bersyon ng Photoshop, kaya naman subukan na ito
sa iyong mga larawan maski ano pang gamit mong software version.



Engraver Photoshop Action
Baguhin ang kahit na anong larawan sa isang click
lang! Magdagdag ng magagandang tints sa iyong effect o kaya naman ay
panatilihin ang orihinal na kulay ng larawan para sa mas marami pang
pagpipiliian. Ang action pack na ito ay naglalaman ng tatlong propesyonal na
actions na may sari-saring antay ng line weight. Mamili mula sa light, medium at
heavy weights upang tumugma sa iyong kakaibang istilo.



Engraving Lines Action
Bumalik sa oras gamit ang eleganteng Photoshop action
na ito. Ang action na ito ay gumagawa ng nakakabaliw na money engraving effect
na pwedeng mailaban sa totoo! Enjoyin ang action na may tatlong antas ng lalim
upang makuha ang antas ng detalye na gusto mo.



60 Segundo?!
Bahagi ito ng serye ng mabilis na mga video na tutoryal sa Envato Tuts+ kung saan ipapakilala naming ang malawak na mga paksa, lahat sa loob lamang ng 60 segundo – sapat lamang upang mapasabik ang inyon gana. Ipaalam niyo sa amin sa mga komento kung ano ang iniisip niyo sa video na ito at kung ano pa ang gusto niyong makitang ipaliwanag sa lob ng 60 segundo!
