Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Promotion
Design

Gumamit ng Ilang Libreng Resources ng Disenyo mula sa Envato Elements

by
Length:ShortLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Free fonts logos and other items available from Envato Elements

Envato Elements ay malapit ng ipakilala, at upang ito ay ipagdiwang, inihahandog namin ang ilan sa magagandang freebies na makakatulong sa iyong mga malikhaing proyekto. Maaari kang gumamit ng ilang mga handcrafted fonts, isang propesyunal na brochure template, isang coffee branding mockup, isang grupo ng mga eleganteng logos at malaking klase ng watercolour brushes at textures.

Ang kailangan mo lang gawin ay bisitahin ang Envato Elements, ilagay ang iyong email address, at i-download ang mga libreng files. Ganyan lang kasimple.

Ano Ang Envato Elements?

Kami ay natutuwa sa Elements, isang bagong subskripsyon na nababagay sa pangangailangan ng mga ahensya, tagadisenyo, nagbebenta at iba pang propesyonal na nangangailangan ng madalas at malaking bilang ng digital na kagamitan.

Ito ay maghahandog ng isang library na puno ng mataas na kalidad, na nilikha ng mga malikhaing tao, at ito ay magbibigay sa iyo ng walang katapusang download mula sa lumalaking bilang ng 5,000+ na items para sa isang buwanang bayad.

Sa pagbibigay ng email mo, ikaw ang kauna-unahang makakaalam kung kailan magsisimula ang Elements, at ikaw din ay makakatanggap ng maagang access sa espesyal na halaga.

Ano ang meron sa Offer?

Heto ang ilan pa sa mga detalye ng mga libreng gamit:

Tallow Font

Tallow Font

Ipinapakilala ang Tallow font family, ang malaki (+ maliliit) na sulat-kamay na pamilya na maaaring gamitin sa iba’t-ibang mga sitwasyon ng disenyo. Hango sa mga nauuso, ang disenyo ng Tallow ay simple at epektibo, at ito ay makukuha sa sans at serif styles na magbubunga ng isang magandang kumbinasyon.

Multipurpose Square Brochure Template

Multipurpose Square Brochure Template

Itinatampok ng maestilong 16-na pahina ng Photoshop brochure template na ito ang:

  • CMYK color mode
  • 300 DPI resolution
  • Sukat 210 × 210 mm
  • 3 mm Bleed sa bawat gilid
  • Mga Libreng fonts
  • Kasama ang lahat ng ilustrasyon
  • Mga Smart Objects para sa pagpapalit ng mga larawan at logo
  • Ang infographic na elemento na maaaring i-edit

Past Neuer Font

Past Neuer Font

Ang Past Neuer ay isang typeface na gawa ng kamay na may kumbinasyon ng klasikong estilo at modernong paglilimbag, na may maraming features sa loob. Ito ay angkop sa mga karatula, damit o anumang bagay na nangangailangan ng disenyo. Ito ay may higit na 250 glyphs, kabilang na ang Stylistic Alternates, Ligatures, Fractions, at iba pa.

Ang Coffee Branding Mockup

Coffee Branding Mockup

Ang makatotohanang replika na ito ay angkop sa pagpapakilala ng iyong kape, restawran, kainan, café o catering branding na mga disenyo. Maaari mo din gamitin ang mga ito upang gumawa ng kamangha-manghang backgrounds o headers para sa mga website, presentasyon, e-cards, banner, karatula, imbitasyon, flyers, at iba pa.

Monogram. ABC Vintage Logos

Monogram. ABC Vintage Logos

Ibibigay ng item na ito ang lahat ng iyong kakailanganin para sa pagdidisenyo ng isang napakagandang, monogram logo na nakabatay sa pangalan. Ito ay naghahandog ng 26 na mga letra na gawa sa kamay at 26 na mga logo na nakabatay sa pangalan, na tiyak na magbibigay sa iyo ng inspirasyon at pupukaw ng iyong pagiging malikhain.

Ang mga Watercolor Brushes at Textures

Watercolor Brushes and Textures

Ito ay may malawak na grupo ng watercolour brushes na gawa ng kamay at textures na may vector format. Ikaw ay makakapagdownload ng folder na naglalaman ng mga .ai at .eps file. Ilagay lamang ang ninanais na brush sa brush panel at gumawa ng sariling disenyo.

I-download ang Iyong Libreng Files

Iyon ang lahat ng detalye. Kung makakatulong sa iyo ang lahat ng nabanggit, bumisita sa Envato Elements para i-download ang mga ito. Ang handog na ito ay magtatagal hanggang sa magsimula ang buong site, kaya huwag itong palalagpasin.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.