Ang 12 Pinakamagandang Online Photo Editors para sa mga Filters at Effects (Libre + May Bayad)
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)
Nagsisimula ka pa lang ba sa pag-eedit ng mga larawan at naghahanap ng libreng photo editing software? Tingnan ang listahan ng pinakamagagandang photo editors na ito para sa mas kapana-panabik na effects at filters.
Ang 12 Pinakamagandang Online Photo Editors para sa mga Filters at Effects
Tanggalin ang nakakainis na dumi sa iyong damit. O pasiglahin ang iyong selfie sa pamamagitan ng isang mainit na tag-araw. Magreresulta sa malaking pagkakaiba ang paggamit ng mga maaasahan na online photo editors sa iyong potograpiya.
Ngayon ang tamang panahon para gamitin ang
mga propesyonal na photo editing apps, software at mga sites upang pagandahin
ang iyong mga larawan.
At ang listahan na ito ay makakatulong sa
iyo na makagawa nito! Tingnan ang mainam na pagpipilian ng pinakamagagandang
libreng photo editors pati na rin ang mga premium photo editing apps na pasok
sa budget. Gamitin ang iyong pagkamalikhain at
magbigay daan sa mga programang itinatampok ang madadaling mga aralin,
nakakatuwang filters, at magagandang effects.
Naghahanap ka ba ng mga simpleng templates
na maaari mong baguhin? Tingnan ang aming pagpipilian ng Lightroom at Photoshop
templates upang makatipid sa oras.
Tingnan natin ang pinakamabili at libreng photo editors na makikita online.
Ang Mga Nabibiling Photo Editors Online
1. Adobe Photoshop CC



Ang Opisyal na Websayt:
Adobe Photoshop CC
Mas mura sa Netflix, ngunit binibigyang katuparan nito ang iyong malikhaing pagpapahayag. Kaya nga kung ikaw ay may limitadong budget para dito, tiyak na matutuwa ka danhil makukuha mo ito. Mas mababa sa 10 dolyar kada buwan, ang Photoshop (pa rin) ang software na ginagamit para sa milyun-milyong malikhain at mga hobbyist sa buong mundo.
Ngayon, mas magkakaroon ka ng kontrol sa
iyong mga larawan. Habang tinitiyak na ang tools na ito ay magiging mas
madaling gamitin kada taon, ginawa ito ng Adobe upang ikaw ay maaaring
mag-view, mag-edit at mag-share ng mga larawan gamit ang mga may kalidad na
filters at effects.
Piliin ang mga paksa sa iyong larawan gamit ang isang click. O gumamit ng kahanga-hangang masks upang tanggalin ang background nang mabilis. Oo, ang Photoshop ay may “mataas na kalidad” na software sa listahang ito, pero kung kakayanin, bigyan ang iyong sarili ng walang limitasyon na potensyal.
Gusto mo ba itong makita? Hayaan mong
tulungan ka ng aming mga tutoryal:
- Adobe PhotoshopAng 99 na Pinaka-advanced na Tutoryal tungkol sa PhotoshopMelody Nieves
- BrushesAng 30+ Premium Adobe Photoshop Brushes at mga TutoryalKirk Nelson
2. Adobe Lightroom CC



Ang Opisyal na Websayt:
Adobe Lightroom CC
Hindi dapat malito sa Photoshop, ang Adobe Lightroom ay may sariling programa na puno ng makapangyarihan na larawan na may mga katangian na maaaring baguhin. Nilikha ito para sa mga photographers at sinumang mahilig lumikha ng mga kahanga-hangang kwentong larawan ng grupo.
Napabuti ng mga pinakabagong update ang
pangkalahatang resulta at nagbigay ng access sa malikhaing profile upang
magbigay tulong sa pagsisimula ng iyong workflow. Nais mo ba ng filter mula sa
iyong pro camera? Gamitin ito habang gamit ang smart camera profiles ng
Lightroom.
Ito ang ilan sa mga pinakapaboritong
Lightroom presets:
- Adobe LightroomAng 15 Pinakatanyag na Abobe Lightroom Presets sa Envato ElementsEnvato Elements
- Lightroom PresetsAng 25 Premium Lightroom Presets para sa mga KasalanHarry Guinness
3. Photoshop Elements



Ang Opisyal na Websayt:
Adobe Photoshop Elements
May nakikitang ka bang trend dito? Mahirap
balewalain na ang image editing suite ng Adobe ay magbibigay ng lahat ng
mahahalagang tools at setting para sa kahanga-hangang larawan. Ang Photoshop
Elements ay isang mainam na tool na nakatuon sa pag-aayos ng mga file at
mahusay na pag-edit.
Magdisenyo ng mga nakakatuwang collages ng
iyong pamilya at ibahagi ang mga ito sa lahat. Maging mas kahanga-hanga at
gawing regalo, likha ng sining at mga souvenir ang iyong mga alaala.
4. Affinity Photo



Ang
Opisyal na Websayt: Affinity Photo
Mas pinahirap ng mga modelo ng subskripsyon ang mga malikhaing nagsisimula pa lamang. Kaya nga kung ikaw ay naghahanap ng nababagay na alternatibo para sa Photoshop suite, subukan ang Affinity Photo software ng Microsoft.
Magbayad lamang ng isang beses ng US$50
para makapag-edit ng mga larawan gamit ang mga tools na may mataas na kalidad.
Madaling magamit ang mga malikhaing preset batches sa anumang serye ng mga
larawan at gawing mas madali ang mga mahihirap na gawain.
Ang
pinakamagandang bahagi? Sinisave pa nito ang iyong undo history para sa mas
mabilis na pag-eedit.
5. Snappa



Ang Opisyal na Websayt: Snappa
Ang mundo ng
online ay puno na ng grapika ngayon. Kaya ang Snappa ay makakatulong na lumikha
ng malikhaing grapika gamit ang kahanga-hangang koleksyon ng mga asset. Lagyan ng marka
ang iyong mga grapika nang mabilis para sa magkakaparehong timeline o mamili
mula sa mga pre-made templates na dinisenyo ng mga malikhain.
May kaunting pagkakaiba sa presyo ng modelo kaysa sa iba, ang Snappa ay nagbibigay ng libre na may limitadong opsyon upang makapagsimula. I-upgrade ang iyong subskripsyon ng 10 o 20 dolyar kada buwan upang magkaroon ng access sa iba pang mga templates at walang limitasyon na downloads.
6. Envato Studio



Ang Opisyal na Websayt: Envato Studio
Wala ka bang panahon para i-edit ang iyong sariling larawan? Hayaan ang iba na gawin ito, Ang Photo editors sa Envato Studio ay nagbibigay ng abot-kayang mga serbisyo para sa lahat ng iyong mga pangangailangan na may kaugnayan sa mga larawan. Matuwa sa mataas na kalidad ng photo retouching para sa mga korporasyong larawan, o gumawa ng mga simpleng gawain tulad ng pagtatanggal ng mga background para sa tumpak na paghihiwalay ng produkto.
Bayaran ang bawat taga-disenyo na batay sa
proyekto at bigyan ng marka ang mga ito pagkatapos. Makukuha ang iyong mga
pangangailangan sa loob lamang ng ilang araw para sa mas mabilis at may kalidad
na resulta. Kailanganin mo man ng isang simpleng photo
editing o mas malikhaing gawain, ang Envato Studio ay tiyak na opsyon.
Sinubukan namin ang Envato Studio! Tingnan ang feedback:
Mga Libreng Online Photo Editors
1. GIMP



Ang Opisyal na Websayt: GIMP
Nilikha ang GIMP upang maghatid ng mas magagandang larawan. Nakapaloob dito ang mga basics tulad ng cropping at pagbabago ng laki at may mga advanced na tools upang makatulong sa pagkontrol ng iyong mga proyekto.
Kahit na ito ay regular na binabago, maaari
ka din makilahok sa komunidad sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga bugs o
pagbibigay ng mga mungkahi para sa software. Subukan ito bilang libreng
alternatibo sa mga premium apps.
2. Aviary



Ang Opisyal na Websayt: Aviary
Nararapat lang sabihin na kinakailangan
natin na masanay na mag-edit gamit ang ating mga phones. Ngunit huwag mag-alala
– maaari mo pa din gamitin ang photo editors tulad ng Aviary sa iyong computer. Hindi nalalayo ang app mula sa karaniwang
pag-eedit ng larawan — binibigyan nito ang mga user ng maraming pagpipilian ng
mga filter, mga border, at retouching effects.
Magsign-in sa iyong Adobe account upang
magkaroon ng access sa mas maraming presets. Gamitin ang mood at estilo ng
iyong mga larawan para mapaganda ito.
3. Snapseed



Ang Opisyal na Websayt: Snapseed
Inihahatid sa iyo ng Google, ang Snapseed
ay isang photo editing app na maraming magagandang katangian. Madaling gawin
ang mga pagbabago sa isang larawan para magawa ito sa iba, at maipakita ang mga
detalye ng iyong mga larawan gamit ang makapangyarihang kagamitan na
pang-istraktura.
Sumulat ng isang quote na nagbibigay
inspirasyon o gumawa ng susunod na kahanga-hangang meme gamit ang mga text
tools para sa mga kahanga-hangang grapika. Gumawa ng mga hindi nakakasirang
edits na hindi makakaapekto sa orihinal na larawan.
4. VSCO



Ang Opisyal na Websayt: VSCO
Ano nga ba ang ginagamit ng iyong mga
paboritong Instagrammers? Baka ang VSCO app. Isang app sa potograpiya para sa
mga iPhone at Android users, ibibigay ng VSCO ang lahat ng mahahalagang tools
para sa mga nababagay na Instagram selfies. Matuwa sa mga advanced presets na may
mala-pelikulang anyo o tanggalin ang hindi magagandang pagkakamali sa
pamamagitan ng ilang simpleng clicks.
Bagama’t ang VSCO ay isang libreng app, ito
ay may mga ilang kondisyon. Ang libreng bersyon ay may limitasyon , kaya
kinakailangan mong bumili ng bawat bagong preset sa kinalaunan.
Gusto mo ba ng iba pang effects? I-download
ang espesyal na preset bundles upang magamit nang lubusan ang app na ito.
Fotor



Ang Opisyal na Websayt: Fotor
Isang komprehensibong photo editing site na
nakapag-proseso ng bilyun-bilyong mga larawan, Ang Fotor ay makakatulong sa iyo
upang makagawa ng collages, pagandahin ang mga larawan, at gumawa ng
magagandang grapika.
Kailangan mo ba nang madaliang cover para sa YouTube, Twitter, o sa iba pang mga social accounts? Tingnan ang libu-libong mga pre-made templates na may daan-daang fonts, mga larawan, at patterns na nakahanda na.
Magkaroon ng access sa mas maraming design
tools at maging pro sa pagkuha ng simpleng buwanan o taunang plan.
6. Instagram



Ang Opisyal na Websayt: Instagram
Sundan ang iyong mga paboritong
photographers habang gumagawa ng iyong sariling tatak at estilo. Ang pagiging
popular ng Instagram ay dahan-dahang nagiging bahagi ng ating buhay, ngunit
minsan nakakalimutan natin na makakatulong din ang paggamit ng libreng photo
editing app.
Hindi gaya ng ilang software na tinampok
dito, ang photo editing ng Instagram ay mas limitado. Halimbawa na lang ang
kilalang pagpipilian ng Instagram ng makulay na preset. Maaari mong baguhin ang liwanag at
pagkakaiba ng kahit na anumang larawan o madaliang palitan ang mga kulay gamit
ang mga simpleng kulay. Gusto mo pa ba ng iba? Gamitin lamang ang bagong opsyon
ng Instagram Story upang makalikha ng nakakatuwang GIFs, stickers, at
nakakatuwang text effects.
Pagsamahin ang iyong kaalaman sa Photoshop at Instagram para sa kahanga-kahangang mga grapika! Tingnan ang mga tutoryal na ito:
- Adobe PhotoshopPaano Pagandahin ang mga Larawan para sa Instagram na may mga Drawings : Photoshop sa 60 SegundoMelody Nieves
- InstagramPaano Gumawa ng Animated Watercolor Photo Reveal para sa mga Instagram Stories sa PhotoshopIvan Gromov
Konklusyon
Ang
mga Photo editing apps ay nagbibigay ng kakayahan na magamit ang ating pagiging
malikhain. Hindi lamang ito nakakalikha ng mga larawang nagbibigay inspirasyon
kundi ito rin ang nagbibigay daan sa hinaharap ng potograpiya at disenyo.
Ano nga ba ang iyong app o software na
ginagamit para sa pag-eedit ng mga larawan? Ipaalam niyo sa amin!
Ito ang listahan ng mga resources para sa
mga masugid na photographer at taga-disenyo. Makakakita pa ng mas magagandang
photo editing templates na nababagay sa iba’t-ibang platforms sa Envato Market and Envato Elements.
Unlimited Downloads.


