Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Logo Design
Design

20+ na Pinakamahusay na Logo Para sa mga Kupunan sa Football (Para Makalamang Sa Inyong Liga)

by
Length:MediumLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Marami sa atin ang totoong sineseryoso ang fantasy football. Kagaya ng mga paborito nating kupunan sa tunay na mundo, ang branding ay magiging susi kapag bumubuo kayo ng perpektong grupo sa fantasy. Kapag iniimagine natin ang ating mga paboritong kupunan, isang malaking bahagi ng nakikita natin ay ang binubuo nilang presensya. Ang mga kulay, mga mascot, kahit na anong maisip mo—ang mga mahusay na kupunan ay mayroon nitong di malilimutang pakiramdam na pumupukaw sa atin taun-taon.

Walang dahilan para ibahin ang pagtrato sa inyong fantasy league. Gayunpaman, ang fantasy football ay dapat katuwaan lamang, kaya naman marahil ay ayaw ninyong masyado pagtuunan ng pansin ang branding nito. Dito papasok ang mga pre-built logo mula sa Placeit. May limpak-limpak na Envato na maaaring maidownload gamit ang inyong subscription sa Envato. Ang kailangan ninyong lamang gawin ay piliin ang inyong paborito, ilagay ang pangalan ng inyong kupunan, at i-download ang natapos na produkto! Mula roon, ang mga posibilidad ay talagang magiging walang hanggan-lahat mula sa mga tasa at mga pagawang damit ay maaaring maipakita ang inyong talagang kakaibang fantasy football logo.

20+ na Pinakamahusay na Logo Para sa mga Kupunan sa Football (Mula sa Placeit)

Ang Placeit ay isang design at mockup tool na binibigyan kayo ng kakayahang gumawa ng magandang brand mockups, mga disenyo, at mga logos ng mabilis at madali. Hindi kailangan ng mamahaling graphic design software. Maaari kang magcustomize ng mga disenyo para sa iba-bang mga industriya at mga organisasyon, kasama na ang mga sports organizations.

fantasy football logos
Makakahanap kayo ng dose-dosenang astig na mga logong pang-football sa Placeit na babagay para sa inyong fantasy football team.

Kung mayroong kang fantasy football team, Ang Placeit ang perpektong tool para gumawa ng isang astig na logo para sa inyong kupunan.

May ilang mga bagay na kailangang tandaan sa paggawa ng logo. Ang unang bagay ay tungkol sa paggamit ng salita—kailangan ninyong ng patok ng team name para mas matandaan ito ng mga tao. Sunod, siguruhing pipili ng isang mascot na aakma sa inyong fantasy team name. At panghuli, pumili ng mga kulay na matitingkad at malakas ang dating na kaagad maiuugnay sa inyong sariling fantasy team. Bawat isa sa mga logo templates na makikita ninyong ay kayang ibigay ang lahat ng mga customization options na, at iba pa. Nasasainyo ang pagpili ng panalong kombinasyon!

Ngayon, tumungo tayo sa pinakamahusay na Logo Para sa Football!

1. Knights Sport Logo Maker

Knights Sport Logo Maker

Wala nang iba pang mas panalo kaysa sa isang kabalyero sa makintab na baluti. Gawin itong mascot para sa inyong fantasy team gamit ang matalas na logo na ito. Marami pang ibang icons na kasama tampok ang lahat ng tungkol sa mano-manong labanan na may sari-saring kulay at estilo.

2. Reapers Sport Logo Maker

Reapers Sport Logo

Swak sa kompetisyon sa virtual field—yan ang binabalita ng matikas na logo apparations na ito sa ibang mga kupunan sa inyong liga. Anihin ang lahat ng on-field na tagumpay na makikita ninyong gamit ang isa sa maraming reaper icons na kasama sa masayang pakete na ito.

3. Agresibong Palakasan para sa mga Hayop ng Logo Maker

Aggressive Animal Sports Logo Maker

Madalas ay kailangan mong humanap ng isang agresibong diskarte para umangat sa isang competitive na fantasy league. At isang malaking bahagi nito ay maaaring Makita sa inyong branding. Pumili ng isa sa mga agresibong animal logos dito para i-angil ang inyong layuning magtagumpay sa paligsahan.

4. Ang Sports Team Logo Maker — Mga Tauhan

Human Characters Sports Team Logo Maker

Mga pirata, mga Vikings at mga koboy—dinyos ko! Magdala ng mukha ng tao sa inyong kupunan gamit ang mga astig, patok na mga loco icons. Ibukod ang inyong sarili bilang nag-iisang koboy o isang tumatakas na pirata, naghahanap ng tagumpay sa virtual field na inyon. Dose-dosenang mahuhusay na pagpipilian dito.

5. Sports Logo Maker gamit ang Sumasabog na Bulkan

Erupting Volcano

Apoy mula sa lupa; apoy sa parang. Pareho lang, tama? Pagbagahin ang inyong fantasy season gamit ang logo ng bulkan. I-customize ang mga kulay ng nag-aapoy na tema at agad kang magkakaroon ng totoong kakaibang tatak para sa inyong fantasy team.

6. Paligsahan ng Matatalinong Hayop ng Logo Template

Clever Animals Sports Logo

Ang mga leon, tigre at mga oso ay madalas nang nagagamit sa sports na para bang nalalaos na ang dating. Ngunit paano naman ang mga dinosaur, mga kuneho at mga ibon? Sila’y malalaki, sila’y malalakas, sila’y mabibilis, at sila’y lumilipad pababa ng mabilis sa parang—bakit di kayo pumili ng isa sa kanila para sa inyong fantasy football logo?

7. Ang Paligsahan ng Liga ng Football Logo Maker

Football League Sports Logo Maker

Lahat ng bagay na pantubig ay harap-at-gitna sa template na ito. Ang default na astig na blue na istilo ay magandang simula, ngunit tandaan na maaari ninyong itong i-customize habang ginagawa ninyong na ito. Perpekto ang isang ito para sa kahit na anong kupunang nilalangoy ang daan nito tungo sa itaas ng liga.

8. Sports Logo Maker gamit ang Singbilis ng Kidlat na Graphic

Sports Logo Maker with Lightning Graphic

Ang bilis ay susi kapag nakikipagkarera sa tagumpay sa football. At wala nang iba pang mas katugma ng bilis kaysa sa isang kidlat. Ang mabilis na kidlat na graphic na ito ay ulitang biswal na pagpapakita ng matapang na konseptong ito. Sumugod sa tagumpay sa bilis ng liwanag gamit ang nakakatuwang logo na ito para sa inyong fantasy team.

9. Online Sports Logo Maker gamit ang Galit na Snowman na Graphic

Angry Snowman Fantasy

Natatandaan ninyong ba ang kupunan sa football na inyong na mayroong galit na snowman bilang logo? Maaring hindi pa, ngunit siguradong maaalala inyong ng iba kung sakaling makakita sila nito. Ang galit na snowman ay quirky at masaya, na handang higitan ang lahat ng inyong “karaniwang” football mascots. Dalhin ang frozen ferocity na ito sa inyong kupunan ngayon din.

10. Sports Logo Maker - Mga Kakatwang Bagay

Sports Logo Maker Peculiar Things

Ang Lady Liberty, isang stylized na nota sa musika, at isang nagsasalitang ice cream cone—anong mga pagkakatulad nila? Unang-una, lahat sila ay bahagi ng football logo megapack. Maaaring hindi ninyong pa sila Nakita dati, at maaari silang maging nakakaaliw at kakaibang mascots para sa inyong kupunan. Piliin lang ang paborito mo, ilagay ang pangalan ng kupunan, at go!

11. Sports Logo Maker - Mga Prutas at Gulay

Sports Logo Maker Fruits and Vegetables

Bumuo ng isang fantasy team logo na maaaring kainin. Mga karot, milokoton, labanos, at strawberries—ang bawat isa ay pinalitan ang anyo para maging kapansin-pansin, maangas na pigurin sa logo pack na ito. Ang mga di-karaniwang logo icons ay siguradong magiging tatak ng inyong kupunan.

12. Ang Tagagawa ng Football Logo

Football Logo Maker

Ito ay balik tanaw sa mga payak na paraan gamit ang fantasy logo builder na ito. Magsimula sa default na rhino template, pagkatapos ay subukan ang iba pa tampok ang mga helmet, mga uniporme, mga lumilipad na bola ng football, at iba pa. Idagdag ang mga sarili mong kulay at di magtatagal ay magkakaroon kayo ng isang nakakagulat na custom look para sa inyong fantasy football team.

13. Sports Logo Maker para sa Football pang-Amerikano

Sports Logo Maker for AMerican Football

Ang pakete na ito ay nagtataglay ng malawak na pagpipiliang mga icons, at ang isa rito ay siguradong magiging perpektong mascot para sa inyong liga. Mahahanap ninyong lahat mula sa mga pangarerang kabayo hanggang sa mga boksingero hanffang sa mga dinosaur dito. Mayroong porma at tindig para sa istilo ng lahat dito. I-check na ang mga ito!

14. Sports Logo Maker gamit ang Football Mascots

Sports Logo Maker with Football Mascots

Dalhin sa himpapawid ang inyong estilo gamit ang maraming hango sa paglipad na logo na mahahanap dito. Magsimula sa raven at pagkatapos ay subukan ang ibang kasama sa mascot fantasy logo na paketeng ito. Isa sa mga paborito ay isang cardinal na paparating na may taglay na football sa likod nito—diretso tungo sa end-zone!

15. Sports Logo Template gamit ang Fireball Icon

Sports Logo Template Fireball Icon

Naghahangad para sa kislap ng tagumpay? Ang mga icons na halaw sa apoy sa logo package na ito ay perpektong gawing simula. Sindihan ang mga apoy ng luwalhati ng fantasy football sa pamamagitan ng paggamit sa isa bilang inyong mascot.

16. Sports Logo Maker gamit ang Ahas na Sining

Sports Logo Maker with Snake Art

Ang mga ahas ay pumupukaw ng malakas na reaksyon sa maraming tao. At iyan ang mismong gusto mong gawin ng branding mo. Pumili ng isang ahas bilanginyong mascot at agad kang makikilala. Dito, makakakita kayo ng ilang mga agresibong ahas na pagpipilian para sa inyong fantasy logo.

17. Sports Logo Template Tampok ang Buhawing Clipart

Sports Logo Template Tornado Clipart

Anihin ang ipo-ipo ng parilyang luwalhati sa pamamagitan ng pagbuo ng isang buhawing logo. Maraming mga estilo at pagpipilian dito para tulungan kang i-ayon ito sa itsurang gusto mo. Ang bawat isa ay isang kakaiba at nakakatuwang pagpipilian para sa inyong team.

18. Hayop Logo Maker para sa mga Kupunan sa Sports

Animal Logo Maker Sports teams

Ang mga gagamba, mga sloths, mga chipmunks, at mga road runners—lahat ng mga iyan ay narito. At ang bawat isa ay maaaring maging susunod mong logo para sa inyong fantasy team. Iba sa nakasanayan, siguro; di-malilimutan at astig, talaga naman! Sa pagitan ng sari-saring mga hayop at halos walang katapusang pagpipilian sa kulay, ang mga posibilidad ay tunay na walang hanggan.

19. Sports Logo Maker gamit ang Nakakatawang mga Graphics

Sports Logo Maker Funny Graphics

Isang nakangiting tostado. Ang inyong computer na nirorolyo ang mata nito. Isang piraso ng pizza na nakatitig sa inyo. Walang makakalimot ng mga malinaw na imaheng ganito—kaya bakit hindi gumamit nito para sa inyong fantasy football logo? Mahahanap ninyong ang lahat ng mga kakaibang pagpipilian na ito dito.

20. Ang Dynamic na Logo Maker na may Hayop na Graphics

Dynamic Logo Maker Animal Graphics

Ang panghuli ngunit hindi pahuhuli, tuklasin ang mabangis na sari-saring hayop na logo graphics para sa inyong fantasy football logo. Mas madaling ilarawan ang hindi kasama—ang mga posibilidad na maaaring gawin ay talagang walang hanggan, at nakasalalay lamang sa inyong imahinasyon.

Papaano Gumawa ng Sarili Mong Fantasy Football na Logo sa Placeit

Gaya ng nakikita nyo, merong tone-toneladang custom fantasy football logo options na nakahanda na para sa inyo sa Placeit. Ang maganda sa Placeit ay hindi ninyong na kailangan pa ng magarbong editing software para magamit ang templates. Sa halip, ang lahat ng customization ay ginagawa online. Ang kailangan ninyong lang gawin ay gawin ang mga pagbabago sa web browser at pindutin ang Download. Ang tapos na produkto ay handa nang magamit bilang isang image file. Hindi na kailangang alalahanin ang kumplikado at ubos-oras na edits pagkatapos ng download.

Tignan natin itong halimbawa. Para dito, gamitin natin ang bagay bilang #12 mula sa itaas, ang Football Logo Maker.

1. Buksan ang Imahe

Sa bawat template, makakakita kayo ng isang default na icon at teksto. Ang bawat isa ay maaaring mai-customize gamit ang mga menu sa kaliwa at kanang bahagi ng image preview.

Placeit Logo Maker

2. Palitan ang Teksto

Para simulant ito, ilagay ang inyong sariling pangalan ng kupunan sa pamamagitan ng pag-type sa ibabaw ng teksto sa mga placeholders sa kaliwang bahagi, Maaari ninyong ring palitan ang fonts sa pamamagitan ng pagpindot sa mga dropdown menus.

Placeit dropdown font menu

3. Pagpapalit ng Kulay

Maaari mong palitan ang pangunahin at pangdiin na mga kulay. Ang mga options na ito ay makikita sa kanang bahagi ng image preview. Pindutin ang bawat isang dropwdown at pumili ng isa sa mga pre-made na color options sa pamamagitan ng pagpindot sa isang box.

Placeit change colors

O kaya naman, kung gusto ninyong ng malakihang customization, pindutin ang More. Doon, maaari kang makapamili ng custom color mula sa isang color wheel o kahit pa maglagay ng isang hex code para sa gusto mong kulay.

Placeit adapt color palette

Maganda ito kung mayroon kang nakatalagang kulay sa isang branding guide na kailangan mong pangalagaan.

4. I-download ang Inyong Custom na Fantasy Football Logo

Kapag tapos na, pindutin lang ang i-Download sa itaas lang ng image preview. Yan na yon! Ang inyong fantay football logo ay handa nang magamit.

Ang mga lamang ng online editing tool ng Placeit ay talagang nangingibabaw dito. Maraming mga sites na kakailanganin kang magdownload ng template at pagkatapos ay gawin ang mga pagbabago sa isang third-party editing software. Ayos lang ito sa mga seryosong creatives, ngunit ang mga kaswal na gagamit ay maaaring walang oras o kakayahan na kailangan para sa paggamit ng mga sopistikadong apps gaya ng Photoshop. Dito papasok ang Placeit. Kahi na sinong mayroong keyboard ay madaling makakalikha ng isang natatangi, at fully-custom na logo gamit lamang ang ilang pindot. Higit pa riyan, maaari itong gawin sa kahit na anong computer na may internet access. Hindi na kailangan pang mag-install ng kahit na ano pang ibang software applications para lang paganahin ang mga logo.

Kapag nadownload nyon na ang logo, magkakaroon kayo ng isang image file na maaring mabago gamit ang marami pang ibang applications. Maaari ninyo itong i-upload sa inyong fantasy league site bilang inyong bagong avatar. Pareho nito,maaari rin itong ibahagi sa mga social media platform. O kaya naman, maaari kang gumamit ng third-party graphics platforms para magkaroon ng mga custom na damit, sombrero at iba pang mga gamit, tampok ang sarili mong kupunan.

Ang mga Fantasy Football Logos mula sa Envato Elements

Kung mayroon kayo nang isang Envato subscription, mayroon kayo nang instant access sa Elements. Ang Elements ay isang all-you-can-download resource para sa sari-saring creative assets. Mga logos, mga imahe, mga project templates—mahahanap ninyong ang lahat ng ito dito. Kung naghahanap kayo ng karagdagan pang pagpipilian para sa fantasy football logos, ang Elements ay isang magandang lugar para magsimula. Tandaan, ang unlimited downloads ay maaaring makuha sa isang tapat na buwanang bayad.

envato fantasy football logos
Maaari kayo ring makakuha ng custom na mga fantasy football logos sa Envato Elements.

Gaya ng nakikita ninyo, ang Elements ay nagbibigay ng maraming mahuhusay na pagpipilian para sa inyong fantasy football logo na proyekto. Narito ang tatlo sa pinakamaganda:

1. Ang Retro na pang-Amerikanong Football logo/Ang USA Sports Badge

Retro American Football Logo

Ang retro fantasy football logo na ito ay nagbibigay ng pagiging elegante sa branding ng inyong kupunan. Ito ay pwede sa maraming image formats para palakasin ang inyong pagiging malikhain. I-download, i-customize sa paborito ninyong editor, at i-apply sa inyong fantasy team para sa isang swabeng porma na walang makakapantay sa inyong lga.

2. Ang King Lion Sports Logo

King Lion Sports Logo

Ang King Lion Sports Logo ay isang matapang na logo na perpekto para sa inyong fantasy football team. Nagtatampok ito ng fully editable na teksto para maidagdag ang pangalan ng inyong team. Ang isang konseptong larawan tampok ang logo sa isang helmet ay nagpapakita ng mga kahanga-hangang posibilidad ng template na ito. Maaaring magamit sa Adobe Illustrator.

3. Sharkas - Mascot & Sports Logo

Sharkas Logo

Ang Sharkas na mascot at logo pack ay isa pang magandang pagpipilian para sa isang fantasy football league logo. Ang asul-at-ginto na mga pangdiing kulay ay astig at napapanahon, habang ang nagliliwanag na mata ng nakangising pating na mascot ay magpapabalik-tingin sa sino man. Maaaring magamit sa Adobe Illustrator.

Panghuling Salita

Tandaan na ang isang disenyo ng logo ay ang pampublikong mukha ng inyong kupunan. Kahit sino pa ang nasa roster mo, o kahit na ilang oras pa ang ginugugol ninyong sa pagbuo ng perpektong stratehiya, ang unang makikita ng mga tao ay ang logo. Kaya naman pumili ng mahusay. At mas madali na ito ngayon dahil sa mga nakakagulat na mga custom logo ng Placeit. Kahit na anong mascot ang maisip mo—at maski pa ang di ninyong maiisip—ay makikita rito.

Ang kailangan lang ay kaunting patak ng pagiging malikhain, at kaunting pindot sa inyong mouse, para makagawa ng bagay na talaga naming kakaiba. Ang makapangyarihang online editing tools ng Placeit ay pinapadali ang trabaho ng graphic design. Maaari moa gad mapalitan ang teksto, mga kulay, mga icons, at kung anu-ano pa. Pagkatapos ay i-download lang ang tapos na produkto at gamitin ito.

Ano pang hinihintay ninyo? Tignan na ang 20+ na nakakagulat na mga halimbawang ipinakita sa itaas at simulan nang buuin ang inyong fantasy football team logo ngayon.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.