Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)
Lahat ng mga pasikat na bituin sa YouTube ay kailangan
ng isang propesyonal na banner na tumutugma sa kanilang magaling na channel.
Kaya naman siyasatin ang 41 na malikhaing premium templates para mahanap ang
isang akma para sa iyo!
41 YouTube Banner Templates
Gusto mo bang maging susunod na YouTube sensation?
Buuin ang iyong tatak gamit ang isang nakaka-excite na banner na tumutugma sa
iyong naiibang istilo. Palakasin ang iyong social media game gamit ang isang
banner template na nakakalibang at madaling gamitin!
Sa koleksyong ito ng mga premium assets, inihahandog
namin sa iyo ang 41 malikhaing YouTube banner templates na nakuha mula sa GraphicRiver at Envato Elements.
Baguhin ang mga templates na ito o kaya naman ay humingi ng tulong mula sa isang design professional mula Envato Studio para sa lahat ng iyong mga pangangailangan sa social media.
Youtube Malikhaing Cover V.1
Palakasin ang iyong presensya sa social media gamit
ang mga magagandang covers na nagpapakita ng iyong malikhaing sarili! Akma para
sa kahit na anong negosyong corporate, malikhain o musika, ang download na ito
ay naglalaman ng anim na kahanga-hangang mga layout na maaaring i-customize sa
Photoshop.

YouTube Channel Cover Art
Makisabay sa uso gamit ang mga eleganteng YouTube
cover designs na talagang katangi-tangi. Inihahandog sa iyo ang isang saklaw ng mga disenyong
babagay para sa iyong mga personal na pangangailangan, ang pack na ito ay
naglalaman ng apat na Photoshop files kasama ang mga elemento na madali mong
mai-a-update. Gamitin ang sarili mong larawan bilang background upang makapagiwan
ng magtatagal na impresyon.

Modernong YouTube Channel
Ilunsad ang iyong YouTube Channel ng may nakakasindak
na napapanahong disenyong na mamahalin ng lahat! Ang paketeng ito ay
itinatampok ang apat na kabigha-bighaning disenyo na may magaganda, at pustiryosong
mga elemento. Tamasahin ang malinis, minimalist na tema para mapagbuti lalo ang
iyong banner.

YouTube Music Channel Art
Gumawa ng nakakagulat na cover art na tumutugma sa
iyong malikhaing musika. Ang disenyong ito ay mainam para sa kahit na sinong musikero
o DJ na nangangarap na ilunsad ang kanilang tatak sa YouTube. I-download ang file na ito upang magkaroon ng access
sa tatlong hindi kapani-paniwalang mga layouts na may mga layers na talaga na
mang maaaring kalikutin at isang simpleng gabay na panuto.

Modernong Art YouTube
Gulatin ang iyong mga tagasubay-bay gamit ang mahusay
na YouTube cover art na ito. Ang disenyong ito ay nagtatampok ng limang
kahanga-hangang layout na pwedeng pagpilian, na may malaking saklaw ng kulay at
mga tema. Ang template na ito ay nilikha na may malaking
2120x1192 sukat ng document, kaya naman magkakaroon ka rin ng access sa
high-resolution na mga larawan at kakaibang mga detalye.

YouTube Channel Art - MAIA
Mahilig ka ba sa fashion? Kung gayon ay gugustuhin
mong makamit ang stylish YouTube cover art. Ang template na ito ay nagtatampok ng malinis, at
makabagong disenyo na may minimalist na mga elemento upang mas maipakita ang
iyong tatak. Kasama rin dito ang detalyadong panuto upang mas mapadali ang
iyong buhay!

Hoop - YouTube Channel Art
Nakatadhana ka nang magtagumpay dahil dito sa
kahanga-hangang pakete ng mga Youtube channel na covers. Ang paketeng ito ay nagtatampok ng
tatlong matinding disenyo na may mapangahas na backgrounds at geometric
elements. Palitan ang mga main na larawan para sa stocks na
mahal na mahal mo para sa isang mala-ibang-daigdig na cover design!

YouTube Music Channel Art
Mula sa Justin Bieber tung osa Tori Kelly, maraming mahuhusay na musikero
ang nagsisimula sa YouTube. At maaari mong makamit ang itsura ng isang
propesyonal na musikero gamit ang napapanahong banner template. Ang template na ito ay nagtatampok ng high-resolution
na mga larawan na nilikha sa 300 dpi na may multi-purpose layours upang mas
ganahan ang inyong mga imahinasyon.

YouTube Banners Channel
Sumabay sa uso sa banner design! Magtampok ng YouTube
cover na magpapatingkad sa iyong channel sa isang malikhain at propesyonal na
paraan. Ang epikong template na ito, halimbawa, ay nagtataglay
ng walong Photoshop files na may tatlong fonts at isang pulidong layout.
Isaayos ang template na ito gamit ang sarili mong potograpiya ng mga tanawin
para sa isang astig na upgrade.

Minimalist na Disenyo YouTube Channel Art
Umupo lang at magrelax habang mayroon kang magaling na
pangkat ng mga YouTube covers na taglay ang mga kahanga-hangang cover schemes. Ang ideya sa likod ng template na ito ay i-sentro ang
iyong disenyo gamit ang isang magandang larawan na may simpleng mga elementong
nakadagdag para sa mga social media links at marami pang iba. Mag-subscribe sa
disenyong ito para sa naiibang-klaseng layout ngayon!

5 - Multipurpose YouTube Channel Art
Ang mga multipurpose na mga istilo ay tinutulungan ang
iyong tatak na lumago kasabay ng iyong channel. Kaya naman, alamin kung anong
mayroon sa mahusay na template na ito, na mayroong limang propesyonal na
disenyong ginawa sa Adobe Photoshop. I-plug in ang iyong mga detalye at mga larawan upang
masimulan na ang iyong bagong channel sa lalong madaling panahon!

Malikhaing YouTube Channel Banner
I-level up ang iyong kakayahan sa YouTube gamit ang
isang kahanga-hangang covver na nagpapakita ng iyong personalidad. Ang astig na
disenyong ito ay kumpleto sa taglay nitong dalawang magkaibang layout, smart
objects, at mga editable na mga text layers. Isa itong template na mataas ang kalidad na tunay na
magsa-stand out, kaya naman i-download na ang cover art na ito ngayon!

6 Eleganteng YouTube Banners
Maging isang eksperto sa industriya gamit ang
kaakit-akit na YouTube banner na tumutugma sa iyong kakayahan! Ang di kapani-paniwalang
bulto na ito ay mayroong anim na makulay na YouTube covers na punung-puno ng
kakaibang mga kulay at mga layouts. Nagsama rin sila ng mga disenyong tunay na responsive
at gumagana sa kahit na anong device, at mga libreng font na maaari mong
mai-download agad-agad

Pang-negosyong YouTube Channel Art na mga Covers
Iangat ang iyong marketing game gamit ang mga mahusay
na pakete ng mga banner na pang-negosyo ang tema. Ang paketeng ito ay
naglalaman ng tatlong high-quality YouTube banner designs na nilikha sa kanilang
magkakahiwalay na Photoshop files. Gamit ang mga maaasahang smart objects upang baguhin
ang iyong mga template, at malugod sa malinis, at totoong responsive na mga
disenyo.

YouTube Cover Art na Template
Gusto mo pa ng mga mas maraming mga templates? Kung
gayon ay tumutok sa susunod na nakaka-excite na disenyong ito. Ang cover art na
ito ay perpekto para sa mga masugid na litratista o kahit na sinong bihasang
manlilikha. Kasama sa template na ito ay tatlong matikas na mga
color schemes na may smart objects na madadaling gamiting para sa iyong mga
personal na litrato.

Potograpiya at Paglalaro YouTube na mga Covers
Turuan ang iyong mga manonood ng pinakahuling mga
panuto at pamamaraan sa potograpiya at gaming! Ang mabagsik na bulto na ito ay
mayroong 27 na na kahanga-hangang tema para sa dalawang malikhaing industriyang
nabanggit. Maging hilig mo man ay ang kumuha ng larawan o
pagtungo sa isang pakikipagsapalaran, maaari kang malibang sa pagpili sa mga
templates na ito na mayroong mga fully editable na mga layers at mga kulay.

Maharlikang YouTube Banner
Gumawa ng maharlikang banner design na naglalaman ng
iyong pansariling istilo. Ang katangi-tanging template na ito ay naglalaman ng
isang matingkad na pula at luntiang color scheme na may social media icons at
kung anu-ano pa! Mag-enjoy sa magaling na minimalist background at
i-customize ang center image gamit ang sarili mong larawan.

Colorart YouTube Channel
Mag-upload ng isang YouTube cover na may minimal at
mahinahong disenyo. Gamit ang simpleng template na ito, mayroon ka nang access
sa tatlong creative layouts na maaari mong i-customise para sa mas maraming
pang pagpipilian na disenyo. I-download ang malinis na disenyo at i-enjoy ang
malilinaw na mga kulay para sa iyong espesyal na channel.

5 YouTube Channel Arts
Ang mga banner bundles na ito ay ang pinakamabisang
paraan para makakuha ka ng mas maraming pagpipilian sa pagdidisenyo sa mababang
halaga! At ang paketeng ito ay nagtataglay ng limang eleganteng disenyong tiyak
na mamahalin mo! Ginawa ang mga ito bilang multi-purpose layouts na
maaaring gamitin maging sa kahit na anong industriya, kaya naman i-download na
ang paketeng ito upang makapagsimula na agad!

4 Kolaheng YouTube Banners
Hikayatin ang iyong mga manonood gamit ang isang
kolahe ng mga litrato tampok ang mga paborito mong mga sandali ng iyong buhay!
Ang koleksyong ito ng mga YouTube banners ay mayroong apat na makukulay na disenyo na
talagang mag-aangat ng itsura ng iyong channel. I-download ang bultong ito agad-agad upang magkaroon
ka ng access sa high-resolution na mga elemento at fully responsive na mga
disenyo.

Gym at Fitness YouTube Covers
Maging ang susunod na malaking pangalan sa fitness!
Mag-upload ng isang napapanahong disenyo na sing-tindi ng iyong mga workouts! Ang pangkat na ito ay naglalaman ng mga files na 100%
editable at tunay na responsive. Mag-enjoy sa magandang disenyo na kaakit-akit
tignan maing anong device man ang gamitin.

YouTube Channel Banner
Maging kakaiba gamit ang minimalist na disenyong ito
na halaw mula sa tradisyonal na brush strokes. Ang paketeng ito ay naglalaman
ng dalawang napapanahong istilo na may light at dark na bersyon na maaari mong
gamitin. Gumamit ng stock na tunay na pumupuri sa disenyo, o
gamitin ang sarili mong larawan para mas masaya!

Ultimate na YouTube Banner
Naghahanap ka pa rin ba ng cover na tamang-tama para
sa iyo? Kung ganong tignan itong ultimate YouTube banner. Ang banner na ito ay mayroong fully
responsive na disenyong may tatlong magkakaibang kulay na maaaring pagpilian.
I-enjoy ang mahusay na mga banner na magandang tignan maging sa TV, desktop o
mobile devices pa.

2 Kolaheng YouTube Banners
Punuin ang iyong banner ng malupit na photo collage
gamit ang mahusay na template na ito! Ang disenyong ito ay naglalaman ng
nakaayos na mga smart objects na nilikha sa isang madaling gamitin na file na
suportado ng RGB mode. Kahit na hindi nakasama ang mga preview images, maaari
mo itong baguhin gamit ang mga bagong stocks.

YouTube Gamer Channel Art
Gumawa ng isang minimalist na YouTube banner na ibinase mula sa
iyong mga paboritong video games! Ang download na ito ay naglalaman ng tatlong
di kapani-paniwalang mga pagpapalian na disenyo na may malabong background para
sa mas magandang epekto sa paningin. Kasama din dito ang libreng mga Google fonts at mga
libreng icon upang mas maging maganda ang karanasan mo sa pagdidisenyo!

Pang-gaming na YouTube Channel Banner
Simulan ang iyong gaming channel na may kapana-panabik
na background na tampok ang iyong paboritong video game art! Ang template na ito ay may limang magagandang disenyo
na may mga malikhain layouts na talaga namang magpapaangat sa iyo. I-download
na ang paketeng ito ngayon upang magkaroon ng access sa mga fully editable
files at mga libreng badges!

10 Multipurpose YouTube Channel Banners
O di kaya naman ay i-download ang sampung mahuhusay na Youtube banners sa abot-kayang halaga! Ang bultong ito ay siksik sa mga astig na disenyong
mayroong multipurpose layouts, mga libreng icons at marami pang iba! Sulitin ang iyong puhunan gamit ang banner bundle na
pwedeng-pwedeng gamitin sa kahit na anong industriya!

Dortoretto Youtube na Background
Atat na atat ka na ba sa mga resulta? I-angat ang
antas ng iyong husay sa kulinarya gamit ang YouTube channel banner na akmang akma para sa iyong
tatak. Ang patok na template na ito ay nagtatampok ng
dalawang kakaibang mga isilo na nilikha sa high-resolution upang wala kang
maiwan sa mga malinamnam na detalye. Mag-enjoy sa mga libreng font na kasama sa
madaling gamitin na file na ito.

10 Vintage YouTube Banners
Sulitin ang inyong salapi sa koleksyong ito ng sampung
vintage-themed na YouTube banners. Maligayahan sa mga matitingkad na kulay na mukhang
kaakit-akit maging sa kahit na anong devices at may fully editable na mga files
na madaling madaling gamitin. Pwedeng-pwede para sa kahit na anong negosyo o
personal na channel, ang paketeng ito ay maghahanda sa iyong opisyal na cover
art sa lalong madaling panahon!

Modernong YouTube Banner
Ang isang malikhaing YouTube banner ay maaari kang gawin agad na
isang propesyonal. Subukan ang kaibig-ibig na pulang remplate, halimbawa, na
nagtataglay ng modernong disentong maaari mong i-edit agad-agad. I-drag at drop lang ang iyong larawan sa tamang mga
smart objects at baguhin ang mga text layers gamit ang iyong information.

3 Malinis na YouTube Banners
Mahilig ka ba sa kulay pula? Kung gayon ay tignan mo
itong mga malupit na koleksyon ng tatlong YouTube banners. Ang paketeng ito ay nagtataglay
ng mga fully editable na mga layers kung saan maari mong pagandahin ang teksto
at mga kulay agad-agad. Kasama din nito ang social media icons na maaari mong
i-link sa iyong profile.

Corporate na YouTube Banner Template
Pagandahin ang iyong nakakabagot na corporate YouTube
covers gamit ang malinis at modernong disenyo. I-set up ang mga links para sa
direktang pagkontak sa iyong mga serbisyo gamit ang resourceful template nito.
Ang template na ito ay merong eleganteng asul na theme na mayroong mga cool
geometric lines para sa dagdag na disenyo.

YouTube Cover V-1
Siguruhing ang iyong banner ay gumagana ng maayos sa
lahat ng devices! Ang classic na template ay nagtatampok ng isang propesyonal
na disenyo na angkop sa maraming bersyon ng Photoshop. I-customize ang main
image gamit ang sarili mong larawan at pagandahin ang text agad-agad!

Pang-travel na YouTube Channel Art - 6 Designs
Ihanda ang iyong susunod na travel adventure na
inspirado ng mga banner design na ito. Ang template na ito ay may anim na
retina-ready na YouTube banner covers na may mga libreng fonts na nakalakip sa
loob ng mga fully editable files. Pagandahin agad-agad ang iyong cover sa Photoshop o
tumungo sa mga help files para sa mga karagdagang panuto.

YouTube Cover Template
Maging rakstar gamit ang ilan sa mga pinaka-astig na YouTube covers na maihahandog ng market! Ang download na ito ay naglalaman ng 10 na walang
katulad na layouts tampok ang magagandang mga kulay at mainam na mga elemento.
Palitan ang mga litrato sa isang click at magpakasaya sa iyong template
agad-agad!

Pang-negosyong YouTube Banner
Ang branding ay mahalaga, kaya naman siguruhing lahat
ng iyong social media profiles ay aangat sa pamamagitan ng isang malinis na
corporate layout. Ang propesyonal na template na ito ay naglalaman ng
fully editable na file na ginawa sa RGB mode sa Photoshop. I-update ang mga
layers ng mga facts tungkol sa iyong negosyo at matuwa sa template na ito sa
kakaunting clicks lamang!

YouTube Soccer Banner
Soccer, o football, ang pinakapopular na sport sa
buong mundo. At kung ikaw ay isang die-hard fan, gugustuhin mong ipagdiwang ang
iyong fandon gamit ang mahusay na YouTube cover art. Magkaroon ng access sa isang modernong disenyo na may
magaling na beehive design na halaw mula sa isang tipikal na bola ng soccer.

3 Multipurpose YouTube Channel Banners
Hindi ba umuubra ang pakulo ng iyong kasalukuyang
banner? I-upgrade ito gamit ang isang mahusay na template na naglalaman ng
tatlong multipurpose na mga layouts. Ang template na ito ay mayroon din set ng
mga vectorized elements at fully editable na mga layers para sa isang
abot-kayang package.

Pang-gaming na YouTube Banner V2
Tuklasin ang kahanga-hanga at malikhaing mga
posibilidad gamit ang pangkat ng YouTube banners na ito. Ang disenyong ito ay nakabase sa
isang astig na 3D city na may anim na magaling na color options na pwedeng
pagpilian. Gamitin ang orihinal na multi-colored version o di
kaya’y pumili ng isang mahusay na monochromatic palette.

Glitch - YouTube One Channel Design Banner
Isa sa mga nauusong istilo sa pagdidisenyo ngayon ay
ang paggamit ng glitch effect. At maaari kang makakuha ng isang astig na
tech-inspired na YouTube banner gamit ang download na ito. Ang template na ito ay naglalaman ng isang
high-resolution banner design na nagtataglay din ng geometric elements at
matitingkad na kulay. Gamitin ang libreng font o palitan ito ayon sa iyong
nais.

3 Retro YouTube Channel Art Banners
Magdownload ng makulay na banner design na magpapataob
sa iyong mga kalaban! Ang epic template na ito ay nagtatampok ng makulay na
retro theme na may tatlong kahanga-hangang mga disenyo na maaari mong
pagpilian. Kasama din nito ang mga libreng fonts at mga larawan kaya naman alam
mong sulit ang binayad mo!

Katapusan
Ang listahang ito ay nagtatampok ng mga kapana-panabik
na mga resources para sa masugid na designer na pamilyar sa Adobe Photoshop.
Para sa karagdagang tulong sa iyong mga pangangailangan sa social media,
humingi ng tulong sa isang talentadong propesyonal sa pamamagitang ng pagpili
ng isa sa mga mahuhusay na taga-disenyo mula sa Envato Studio.
At dahil mayroon kang daan-daang YouTube banners na abot kamay mo lamang, maaaring may mga nalimutan kaming idagdag para sa iyong personal na koleksyon. Siguruhing suyurin ang GraphicRiver at Envato Elements para sa mas marami pang resources, at ipaalam nyo sa amin ang mga paborito nyo sa comments sa ibaba!
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Design & Illustration tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post