Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Social Media

40 Pinakamagagandang Template para sa mga Banner sa Social Media

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Sa panahon ngayon, ang tagumpay ay sinusukat gamit ng kung ilang taga-sunod ang mayroon ka sa social media. Kaya tignan ang napakagandang koleksyong ito ng mga kalidad na banner para sa social media upang iangat ang iyong presensya online.

40 mga Banner sa Social Media

Kailangan mo ba ng bagong panner para sa iyong mga YouTube, Facebook, o Twitter profile? Tiyak na hahanga ang iyong mga taga-sunod sa mga magagandang profile banner na ipinapakita sa mundo kung sino ka talaga.

Sa koleksyong ito ng mga kalidad na sangkap, aming idinadala ang GraphicRiver na mula sa Envato Elements.

Gamitin ang mga disenyong ito upang bigyang buhay ang iyong mga profile, o kaya ay magpatulong sa propesyonal na taga-disenyo mula Envato Studio para sa mga pasadya na disenyo ng banner.

10 Disenyo para sa YouTube Channel Art

Makakuha ng maraming mga taga-sunod gamit ng kapanapanabik na set ng YouTube channel banners. Ang set na ito ay mayroong sampung katangi-tanging mga estilong may apat na iba’t ibang background at skema ng mga kulay. I-download ang mga ito upang magamit na ngayon ang magandang disenyo ng banner!

10 Multipurpose YouTube Channel Art

Laro sa YouTube Channel Banner

Kung ikaw ay mahilig maglaro, tiyak na magugustuhan ang set ng ito ng YouTube banners. Ang set na ito ay mayroong mga modernong layout na may bagong perspektibao sa disenyo ng banner. Makakuha ng mga disenyo para sa retina na madaling i-edit, kasama ng mga libreng icon at font.

Gaming YouTube Channel banner

Stellar Social Media Banner Pack

Lumikha ng nakapupukaw na karanasan sa social media gamit ng magandang banner pack na ito. Mayroon itong 12 na maaaring i-edit na mga banner na inayos para sa paggamit sa Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa. Gamit ng higit sa 100 na kasamang litrato, maaaring lumikha ng bukod-tanging mga imahen na ikatutuwa ng iyong mga taga-sunod.

Stellar Social Media Banner Pack

Business Twitter Header

Ipakita sa lahat ang iyong pagka-seryoso gamit ng propesyonal na header para sa Twitter. Ang disenyong ito ay mayroong eleganteng dating, at may espasyo upang ilagay lahat ng mahahalagang impormasyon tungkol sa sarili. I-download na ang banner na ito upang makuha ang pinakamagandang resulta para sa iyong kampanya!

Business Twitter Header

Laro sa Channel YouTube Banner

Bumuo ng matagumpay na gaming channel gamit ng kahanga-hangang YouTube banner na ito. Ang banner na ito ay mayroong sopistikadong disenyo na mayroong apat na iba’t ibang mapagpipiliang kulay. Mayroon din itong kumpleto Photoshop file at mga vector na maaaring ibahin ang laki.

Gaming Channel Youtube Banner

10 Premium YouTube Banners

Buhayin ang iyong tatak gamit ang mga kahanga-hangang premium YouTube banners na ito. Mayroon itong mga disenyo na mataas ang resolusyon na nasa iba’t ibang nakatutuwang layout. I-download ito upang makakuha ng sampung disenyo na may kasamang libreng mga update at font. 

10 Premium Youtube Banners

Facebook + Instagram Banners Pack

Lumikha ng magkakaugnay na dating sa iba’t ibang mga profile sa social media gamit ang Facebook at Instagram na ito. Mayroon itong sampung napakagandang mga estilo na bagay sa mga Smart Object upang tuluyang gawing sarili. Ilagay lamang ang iyong mga litrato sa mga banner para sa mabilisang mga resulta!

Facebook Instagram Banners Pack

Instagram Banners Bundle

Ang Instagram ay itinatampok ang magagandang mga imahen. At maaari kang lumikha ng magagandang mga disenyo ng banner gamit ang napakaraming 120 banner para sa Instagram na ito. Ang pakete na ito ay mayroong malikhaing mga template na tama ang laki para sa mga post at madali lang i-edit. I-download na ito upang masimulan na ang kampanya sa Instagram!

Instagram Banners Bundle

10 Disenyo para sa YouTube Channel Banners

Kung hindi sigurado sa klase ng YouTube channel na nais buoin, i-download ang pakete ng multipurpose YouTube banners na ito. Mayroon itong sampung eleganteng disenyo na may iba’t ibang mga layout, at may kasama pang libreng mga badge at font.

10 Multipurpose YouTube Channel Banners

Pulitikal na Eleksyon Social Media Banner

Maging pulitikal gamit ang propesyonal na template na ito para sa social media. Ang banner na ito ay mayroong limang disenyo na madaling i-edit, at malinis at modernong layout na tiyak na magugustuhan ng mga botante. Ilagay lamang ang iyong paboritong pulitiko upang mapakinabangan ang magandang disenyong ito!

Political Election Social Media Banner

Multipurpose Facebook Banners

Multipurpose banners hindi na kakailanganing magpakahirap sa paglikha ng mga disenyo para sa mga espesipikong mga genre. At gamit ng kamangha-manghang set na ito, magkakaroon ng sampung kalidad na disenyo para sa banner na magaganda at buhay ang kulay. Palitan lamang ng mga sariling litrato at gawing iyo ang mga disenyong ito.

Multipurpose Facebook Banners

Facebook Timeline Texture Covers

Dagdagan ng texture ang iyong timeline gamit ng kakaibang mga Facebook cover na ito. Dinesenyo upang magkaroon ng maangas na epekto, ang set na ito ay mayroong 11 na iba’t ibang mga cover sa facebook na may iba’t ibang mapagpipiliang mga layout. At nang may mga elemento na maaaring i-edit, pwedeng palitan ang kahit anong banner, ribbon, o logo nang mabilis at madali.

Facebook Timeline Texture Covers

Facebook Timeline Covers

Palutangin ang iyong Facebook gamit ng kahanga-hangang koleksyon ng mga timeline cover. Ang pakete na ito ay mayroong sampung modernong mga disenyo na nakatuon sa kakaibang mga paraan ng pagpakita ng collage ng mga litrato. Kasama sa file na ito ay sampung kumpletong mga file sa Photoshop at isang adisyonal na file para sa paggabay.

Facebook Timeline Covers

Collage Timeline Facebook Cover

Magtampok na ng collage sa iyong Facebook cover! Ang pakete na ito ay mayroong dalawang katangi-tanging dinesenyo na mga Photoshop file gamit ang Smart Object na maaaring pagpalit-palitin upang ilagay ang mga litrato na kailangan para sa iyong collage. I-download ang cover na ito upang ipakita ang koleksyon ng iyong pinaka magagandang mga litrato!

Collage Timeline Facebook Cover

Disenyo ng Twitter Background

Mag-upload ng Twitter banner na tumutugma sa iyong mga mapagpukaw na mga tweet. Ang bagong disenyo na ito ay mayroong malinis na layout at espasyo upang ipaskil ang mga paboritong litrato mula sa iyong mga pakikipagsapalaran. I-download upang magkaroon ng ikatlong pinaka mabentang Twitter background sa GraphicRiver.

Twitter Background Design

Facebook Timeline Cover Two

Lumikha ng kulay na tumutugma sa sikat na Facebook layout. Ang magandang timeline na ito ay mayroong modernong disenyo na mayroong mga elementong madadaling baguhin. Gawing sarili ang cover na ito gamit ang ilan sa iyong paboritong mga litrato upang dagdagan ng buhay ang iyong timeline.

Facebook Timeline Cover Two

Multipurpose YouTube Banner

Kung ikaw ay naghahanap ng disenyo ng banner na maaaring gamitin sa iba’t ibang mga midyum, iyong tignan ito YouTube banner. Ang pakete na ito ay mayroong kumpleto at maaaring i-edit na mga Photoshop file na mayroong tatlong iba’t ibang baryasyon sa kulay na maaaring pagpilian.

Multipurpose YouTube Banner

Palakasan at Kalusugan Facebook Timeline Cover

Bigyan ng tatak ang iyong bagong negosyo sa palakasan at kalusugan gamit ng mga buhay na mga cover sa Facebook timeline. Ang mga cover na ito ay mayroong malinis at simpleng disenyo na may tatlong kulay na maaaring pagpilian. Maglagay ng sariling litrato upang gawing sarili ang cover na ito o maghanap ng magandang alternatibo sa Envato Market gamit ang PhotoDune.

Gym Fitness Facebook Timeline Cover

Moderno Facebook Banners

Walang makatatalo sa bago at malinis na dating ng modernong disenyo. Ang set na ito ay mayroong apat na files sa Photoshop na mayroong simpleng mga disenyo na maaaring gamitin upang ipahayag ang mga interes. Pahangain ang iyong mga taga-sunod gamit ng mga propesyonal at dekalidad na mga disenyo ng banner.

Modern Facebook Banners

Designer Twitter Banner

Ipakita ang iyong pagmamahal sa disenyo gamit ng nakatutuwang Twitter banner na ito. Ang banner na ito ay mayroong disenyo na mala-collage kung saan maaaring ipakita ang iyong mga paboritong mga gawa. Ipaskil lamang ang iyong mga gawa sa Smart Objects upang magamit na ang banner sa loob lamang ng ilang minuto.

Designer Twitter Banner

YouTube Creative Cover V.1

Ipakita ang iyong estilo gamit ang mga YouTube banner disenyong ito. Ang pakete na ito ang mayroong anim na malikhaing mga layout na maaaring gamitin sa kahit anong genre. Gamit ang mga cover na may matataas na resolusyon at libreng mga font, magiging masaya ka sa pag-download nito.

Youtube Creative Cover V1

Social Media Banners - Vol2

Lumikha ng magagandang mga disenyo para sa Instagram na siguradong makapupukaw ng atensyon gamit ang set na ito ng social media banners. Ito ay mayroong limang promosyonal na banner na inayon upang magkasya sa mga dimensyon ng Instagram, at pati na rin mga magagandang disensyo.

Social Media Banners - Vol2

Gym Facebook Cover

Maghanda na para sa pagensayo gamit ang Facebook timeline cover. Ang cover na ito ay mayroong simpleng disenyo na maaaring ipagsama sa kahit anong litrato. Idagdag lamang ang paboritong atletiko na larawan upang magamit ang mabangis na cover.

Gym Facebook Cover

Dortoretto Restaurant – Facebook Rustic Cover

Pagandahin ang iyong kampanya gamit ang simpleng Facebook cover na ito. Ito ay mayroong nakatatakam na mga disenyong perpekto para sa mga lokal na kainan. I-download ito upang makakuha ng tatlong iba’t ibang mga layout na mataas ang resolusyon.

Dortoretto Restaurant Facebook Rustic Cover

Facebook Social Media Banners Pack

Makakuha ng walang katapusang bilang ng mga banner para sa social media upang bigyang buhay ang mga timeline! Ang malaking set na ito ay mayroong 250 larawan para sa Facebook na maaaring gamitin upang ipagmalaki ang iyong interes sa blog, fashion o pagdisenyo. Gamit ang mga file, ang pack na ito ay maaaring lagyan lamang mga kasabihan o teksto na kailangan upang gawin sarili ang mga larawan.

Facebook Social Media Banners Pack

Twitter Social Media Banners Pack

Magdagdag ng bago at modernong mga imahen sa iyong profile sa Twitter gamit ang malawak na banner pack na ito. Ang pack na ito ay mayroong mga 250 Twitter na maaaring gamitin upang buhayin ang iyong mga hilig. Maganda para sa mga nagsisimula pa lamang, ang pack na ito ay mayroong HD na video tutorial para sa karagdagang tulong.

Twitter Social Media Banners Pack

80 Banners - Edisyon para sa mga Kwento

Kung mas maganda ang mga larawan na pinapaskil sa social media, mas mataas ang posibilidad na maaabot ang iyong mga taga-sunod. At gamit ng magandang social media pack na ito, makakakuha ng 80 na kaakit-akit na mga banner na maaaring gamitin para sa iyong mga profile, blog, o website.

80 Banners - Stories Edition

Dj/Music Facebook Cover

Ang iyong Facebook cover ay dapat kasing kakaiba mo. Ang cover na ito ay mayroong disenyo na binigyang inspirasyon ng DJ, na mayroong makatutuwang mga hugis upang magkaroon ng modernong disenyo. Isang malinis at eleganteng template, ang disenyo na ito ay perpekto para sa iba’t ibang malikhain propesyon.

Dj Music Facebook Cover

10-Facebook Post Banners-DJ Event

Simulan ang iyong susunod na event nang may dating gamit ang mga banner para sa mga Facebook post na ito. Ang mga banner na ito ay mayroong disenyo na pangmusika at mayroong buhay na mga kulay at iba’t ibang mga estilo. Gawing sarili ang mga banner na ito gamit ng paboritong mga DJ stock mula sa PhotoDune.

10-Facebook Post banners-DJ Event

Pasko na may Estilo Banners

Ipagdiwang ang mga holiday gamit ang masiyahing set ng mga Christmas banner na ito. Ang set na ito ay mayroong limang vector file na may mga layer na maaaring i-edit upang umayon sa mga vector element. Madali lang gamitin ang banner set na ito at handa nang ilimbag. Maaari rin itong gamitin sa lahat ng mga account sa social media.

Stylized Christmas banners

Dortoretto Twitter Backgrounds Circle

Lumikha ng magandang background para sa iyong profilesa Twitter gamit ang banner set na ito. Ang set na ito ay mayroong tatlong disenyo para sa mga kainan na perpekto para sa iyong negosyo na may kinalaman sa pagkain. Sulitin ang mga katangi-tanging disenyo na mayroong modernong dating.

Dortoretto Twitter Backgrounds Circle

Aibe - Social Media Mega Pack

Iangat ang iyong paggamit ng social media gamit ng mga disenyo ng banner na may iba’t ibang mga gamit. Ang set na ito ay mayroong 100 na template na pwedeng gamitin para sa Facebook, Twitter, Instagram, at marami pang iba!

Aibe - Social Media Mega Pack

Pinterest Social Media Banners Pack

Lagi ka bang gumagamit ng Pinterest? Edi iyong magugustuhan ang pack ng mga social media banner na ito. Mayroon itong 250 larawan na may gabay na listahan para sa social media upang matulungan kang kasain ang iyong presensya online.

Pinterest Social Media Banners Pack

Promosyonal na mga Banner Para sa Instagram

Mabisang ibenta ang iyong mga produkto gamit ang propesyonal na set ng mga banner para sa e-commerce. Dinesenyo para talaga sa pagpaskil sa Instagram, ang set na ito ng 20 na disenyo ay mayroong mga elementong maaaring i-edit.

Instagram Promotional Banners

10 Instagram Post Banner - Coffee Shop

Dalhin ang mundo sa iyong lokal na kapihan gamit ang mga dekalidad na mga disenyo para sa banner na ito. Ang pakete na ito ay mayroong sampung magagandang banner para sa Instagram na mayroong nakapang-aakit na tema para sa kape na siguradong magbibigay init sa iyo. At dahil lahat ng mga vector object ay maaaring ibahin ang laki, hindi masisira ang kalidad ng mga larawan.

10 Instagram Post Banner - Coffee Shop

30 Twitter Covers - Pagkain at Kainan

Kahit ano pang uri ng negosyo ang mayroon ka, ang malakas na presensya sa social media ay mahalaga. Sulitin ang iyong mga online profile gamit ang pack ng 30 na iba’t ibang mga Twitter banner. Ang set na ito ay mayroong koleksyon ng mga banner na may kinalaman sa pagkain, na perpekto sa pagpukaw ng atensyon ng mga bagong mamimili.

30 Twitter Covers - Food Restaurant

ChefBistro Social Media Banner

Lumikha ng interesanteng mga banner na siguradong paglalawayan ng mga taga-sunod. Gamit ang social media banner set na ito, maaaring gumamit ng malinis at propesyonal na mga disenyo na nakatuon sa kahit anong negosyong may kinalaman sa pagkain. Kasama na ang parehong Photoshop at vector file para sa madaling paggamit.

ChefBistro Social Media Banner

Social Media Booster Kit

Pagandahin ang iyong presensya online gamit ang social media booster kit na ito. Mayroon itong 15 na malikhaing template para sa social media na maaaring gamitin para sa Facebook, Instagram, at iba pa. Gamitin ang mga disenyo na ito upang lumikha ng nakapupukaw atensyong laman na magugustuhan ng iyong mga taga-sunod!

Social Media Booster Kit

Malikhaing Facebook cover

Ipagmalaki ang iyong katangi-tangi na estilo gamit ang malikhaing Facebook cover na ito. Ang cover na ito ay mayroong disenyo na puro bilog na maaaring magdagdag ng personalidad sa iyong profile. Ang template na ito ay may iba’t ibang mga gamit na maaaring gamitin sa mga proyekto, kung kaya’t i-download na ito nang masimulan na agad!

Creative Facebook Cover

Alium - Social Media Pack

Mag-upload ng magagandang mga imahen sa iyong mga account sa social media gamit ang banner pack na ito. Ito ay mayroong 25 na malilikhaing mga template na maaaring gamitin para sa Facebook, Instagram, at marami pang iba. Kasama rito ay kwadrado, pahaba, at patayo na mga format upang umayon sa kahit anong dimensyon ng profile.

ALIUM - Social Media Pack

Konklusyon

Ang listahan na ito ay puno ng mga batis para sa social media na maaaring pamilyar para sa mga nagdidisenyo gamit ang Adobe Photoshop ay Illustrator. Ngunit nang mayroong libo-libong social media banners na maaaring gamitin, maaaring mayroong nakaligtaan na pwedeng idagdag sa iyong personal na koleksyon.

Siguraduhing tumingin GraphicRiver at Envato Elements  pa sa ibang mga batis at ilagay sa mga komento ang iyong mga paborito. O kung kailangan ng mas malapitang pamamaraan, humingi ng tulong sa mga prosesyonal na taga-disenyo mula sa Envato Studio.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.