Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Fonts
Design

30 Pinakamahusay na Stylish Cursive Fonts

by
Length:LongLanguages:
This post is part of a series called Best Fonts to Download.
29 Best Handwritten Fonts
15 Best Graffiti Fonts

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang daan para sa magandang disenyo ay maging pamilyar sa iba’t ibang typefaces.At ang isa sa pinakamabilis na paraan para mas mapaganda ang iyong disenyo ay sa pamamagitan ng maistilo at cursive na font. Tingnan itong koleksyon ng 30 nakakabilib na script fonts na maaari mong gamitin sa susunod na malikhaing proyekto!

30 Stylish Cursive Fonts

Kahit mahilig ka sa sulat kamay na fonts, mala-vintage na scripts o squiggly na typefaces, mayroon kaming kakaibang cursive na mga istilo na para lang sa iyo!

Tuklasin ang nakamamanghang koleksyon ng 30 cursive na fonts na pilling-pili mula sa nakakagbigay siglang bahagi sa GraphicRiver at Envato Elements.

Gumawa ng sikat na mga disenyo sa mga fonts na ito o humingi ng tulong sa propesyonal na gumagawa ng disenyo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mabubuting tao sa Envato Studio para sa tradisyunal na typography na trabaho.

Bromello Typeface

Simulan natin sa masarap, curvy typeface.Ang maganda at modernong script ay itinatampok ang cool na yari sa kamay na disenyo na siguradong kahit anong poster ay mangingibabaw sa  lahat. Kabilang sa package na ito ay buong set ng characters, numero at walang hirap na maistilong alternatibo.

Bromello Typeface

Salma Script Font

Mamangha sa napakagandang bagong font na ito. Hango sa napapanahon, natural na disenyyo, ang font na ito ay maaaring gamitin para i-highlight ang anumang espesyal na araw sa iyong buhay. I-download ang font na ito para makakuha ng access sa ilang files ng font na gumagana ng lubos sa kahit na anong design software.

Salma Script Font

Martila Font

Tuklasin ang hindi mabilang na mga posibilidad  ng disensyo dito sa mala-panaginip Martila na font. Ang bahagyang  kulot na typeface na ito ay hango sa tradisyunal na calligraphy na mga istilo at itinatampok ang simple at modernong ganda na sadyang gagana sa iyong susunod na disenyo. Gamitin ang font na ito sa logos, print work, at marami pang iba!

Martila Font

Marchy Script Font

Pumunta tayo sa cursive spirit sa nakakatuwang script na ito. Ang modernong typeface na ito ay itinatampok ang gawa sa kamay na calligraphy na istilo na may madekorasyon na characters at sumasayaw na baseline. Kumpleto din ito na may mahigit 430 glyphs,alternatibong characters, at lahat ng normal na letra na iyong kailangan!

Marchy Script Font

Montic Font

Ang modernong disenyo ay dapat palaging may magandang  balance ng malinis, fluid aesthetics, at sa Montic font ay hindi ka nagkamali sa pagpili para sa iyong kailangan sa calligraphy. Gawa sa kamay, ang mala-kulot na font ay sakto para sa kahit na anong selebrasyon katulad ng mga kasal, engagement parties,at marami pang iba!

Montic Font

Brushgyo Typeface

Sakto para sa disenyo ng logo, o kahit na anong disenyo na sumusuporta sa typography, ang nakakamanghang typeface na ito ay itinatampok ang uppercase at lowercase na mga letra, numero, at lahat ng kailangan mong bantas. I-download ngayon para ma-enjoy ang alok ng kakaibang font na ito!

Brushgyo Typeface

Truvaway Script

Ang maselang font na ito ay may nakakawiling pinaghalong magandang cursive na strokes na may kasamang natural na sulat-kamay na dating.Idinesenyo na nasa isip ang malinis at classy na ganda, ang signature na script na ito ay puno ng napakagandang katangian at maraming iba-ibang pagpipilian para sa karagdagang customization.

Truvaway Script

Magandang Friends Font

Akala natin lahat ng kaibigan ay maganda dito sa Envato Tuts+! At sa swirly font na ito, makakagawa ka ng maganda at kapana-panabik na mga disenyo na puno ng masayang enerhiya. Gawing lahat ng mahawakan mo ay kaibig-ibig sa kakaibang istilo na puno ng magandang swirls at mahigit isang libong karagdagang glyphs!

Beautiful Friends Font

Leviafan Script Font

Ang handmade na fonts ay madalas ang natatanging paraan para makagawa ng kaakit-akit na mga disenyo! At ang magandang cursive na font na ito ay siguradong panalo! I-enjoy ang nakamamanghang gawa sa kamay na disenyo na hango sa makaluma na gawa sa kamay na lettering. Isama ang font na ito sa iyong susunod na malikhaing proyekto para sa kahanga-hangang resulta!

Leviafan Script Font

Risthi Script Font

Ipakita ang iyong kahanga-hanga at kakaibang pananaw sa modernong calligraphy typeface na ito.Hango sa maistilong copperplate na calligraphy fonts, ang sulat kamay na typeface na ito ay sakto sa kahit na anong modernong disenyo. Kasama sa download na ito ang ilang font files at kahit na ang web font na bersyon para walang hirap.

Risthi Script Font

Qoobly Typeface

Kumuha ng may taglay na tunay na gawa sa kamay  sa kahanga-hangang script font na ito. Ito ay nakadisenyo ng makapal na nakakurba na linya na mas nabibigyan ng diin ng mas maninipis, at siguradong may mapag-gagamitan ka ng magandang typeface na ito. Kasama sa package na ito ang dalawang magkaibang font files na magagamit mo alinman sa Macs o PCs.

Qoobly Typeface

Afrile Script Font

Ang gentle font na may napakagandang fluid na kurba, ang Afrile script ay siguradong makakatawag pansin! Ang eleganteng typeface na ito ay itinatampok ang suwabeng disenyo ng calligraphy na may kasamang mga letra, numero, at bantas na kailangan para sa pinakamagandang logos at prints

Afrile Script Font

Evelyn Script Font

Maririnig natin ang wedding bells na tumutunog para sa nakamamanghang script font na ito. Ang Evelyn ay modernong calligraphy typeface na napapalabas ang kahit na anong disensyo na maganda. Kasama sa download na ito ay ang buong set ng mga letra, numero, kasama na ang mahigit sa 300 glyphs para sa mas malikhaing pagpipilian.

Evelyn Script Font

Northshire Script Family

Kung ikaw ay naghahanap ng font na mas kapansin-pansin ng kaunti, siguradong magugustuhan  mo ang Northshire script. Ang font na may dalawang gamit na hango sa magulong brush lettering, ang script na ito ay tampok ang buong set ng capital at lowercase na mga letra, numero, at karagdagang glyphs para mas umangat ang iyong mga disenyo.

Northshire Script Family

Morning Wishes na Font

Hango sa tradisyunal na sulat- kamay na mga istilo, ang cursive na font na ito ay itinatampok ang magandang istilo ng calligraphy na papangarapin mong sarili mong sulat-kamay. Kasama sa download na ito ang ilang font files at lahat ng mga letra na kailangan para sa iyong disenyo ng typography.

Morning Wishes Font

Olivia Sand at Flowers Set na Typeface

Kailangan mo ba ng kaakit-akit na typeface na may magandang disenyo? Kung ganun ay magugustuha  mo ang Olivia Sand na font. Ang nakakamanghang package na ito ay itinatampok ang lahat ng pangunahing characters at mga numero na iyong kailangan kasama na ang 21 na karagdagang PNG files ng magandang watercolor na bulaklak para sa nakakatawag pansing gawa sa kamay na mga disenyo.

Olivia Sand Typeface Flowers set

Ilana Bloom na Font

Ang napakagandang font na ito ay magbibigay sa iyo ng pakiramdam na para ka ng naglalakad sa napakagandang spring meadow. At ang package na ito ay may kasama ding kumpletong regular na font files, scripts at kahit na madekorasyong swashes para sa karagdagang mga malikhaing disenyo.

Ilana Bloom Font

DrusticDialy na Font

Walang tatalo sa dating ng lumang vintage na istilo para sa karagdagang rustic na kalidad sa iyong custom na disenyo. At sa kakaibang typeface na ito, maaari mong i-enjoy ang animo kupas na vintage na dating para sa lahat ng iyong logos or mga disenyo ng print. Ang package na ito ay itinatampok ang ilang mga maistilong alternatibo kabilang na ang serif, script halftone, at condensed italic na bersyon.

DrusticDialy Font

Brandine Font

Kung minsan ang kailangan mo lang para sa magandang disenyo ay kaunting feminine touch. At sa manipis na typeface na ito, makakakuha ka ng access sa kakaibang cursive na font na gawa mula sa maninipis na watercolor na brushes. I-download ang file na ito para ma-enjoy ang lahat ng pangunahing characters kasama na ang ligatures at accented glyphs.

Brandine Font

Novitha Script na Font

I-enjoy ang maganda, may mataas na kalidad na resolution ng kakaibang brush font na ito. Gawa ng kamay gamit ang brush pen,ang font na ito ay itinatampok ang buong set ng characters, mga numero at kahit na ang buong support para sa mahigit sa 30 na iba’t ibang wika!  

Novitha Script Font

Start Today na Script

Maging inspirado sa nakakatuwang script na ito para makagawa ng bagay na kahanga-hanga ngayon! Ang hand brush font duo ay itinatampok ang kaswal na disenyo na may nakamamanghang texture. I-download ang package na ito ngayon para makakuha ng access sa buong set ng mga letra, alternatibong characters, at international support.

Start Today Script

Margot at Margery Typeface

Ang handmade fonts ay palaging may sariling karakter at istilo, at ang nakakatuwang typeface na ito ay hindi naiiba! Kasama sa package ay ang kakaibang brush typeface na matatagpuan sa ilang font files, na may karagdagang ligatures at gyphs para walang hirap.

Margot Margery Typeface

Shellahera Font Pack

Orihinal na gawa ng kamay gamit ang brush pen, ang font na ito ay pagkaraan ay ini-scan sa mataas na resolution at naging kapansin-pansin na digital font. Dahil sa sobrang karakter at magandang sumasayaw na baseline, ang font na ito ay nag-aalok ng script na bersyon para sa download, kasama ang kakaibang sans na bersyon at karagdagang malikhaing palamuti.

Shellahera Font Pack

Honeycomb na Font

Isa sa kahanga-hangang benepisyo sa font packages ay ang lahat ng nakamamanghang goodies na makukuha mo sa bawat download. At sa Honeycomb typeface, magugustuhan mo ang flirty script na font na makikita sa ibaba, at pati na rin ang kahanga-hangang gold foil na patterns na kasama sa package na ito.

Honeycomb Font

Destiny Font

Maaaring iyong tadhana na i-download ang eleganteng font na ito. Ang modernong typeface na ito ay itinatampok ang makurbang istilo ng calligraphy na nabuo mula sa tradisyunal na cursive na sulat-kamay. Mas pagandahin ang imbitasyon sa iyong kasal at marami pang iba sa maraming gamit ng typeface na ito.

Destiny Font

Aaron Script Font

Ang calligraphy font ay itinatampok ang napapanahong disenyo, ang Aaron script ay gumagana ng naaayon sa eleganteng paglikha. Gamitin ito para sa stationery sa kasal o letterheads, o kaya palamutian ang iyong t-shirts ng kakaibang disenyong ito. May mahigit sa 400 na glyphs at 190 na alternatibong characters na mapagpipilian, siguradong gusto mong idagdag ang isang ito sa iyong graphic design kit!

Aaron Script Font

Florence Brush na Font

Ang masarap na sulat-kamay na font ay itinatampok ang kahanga-hangang brush na istilo na may mga makapal at makurbang letra. Ito ay sakto para sa  letterheads, disenyo sa apparel at marami pang iba! I-download ang package na ito ngayon para makakuha ng access sa alternatibong mga letra, ligatures, at kahanga-hangang splashes!

Florence Brush Font

Adorabelle Font

Akala natin ang malandi, magandang font na ito ay simpleng kaakit-akit lamang! Ang modernong script typeface na may kakaibang bagong disenyo, ang font na ito ay gagana ng maayos sa materyales sa branding, greeting cards,at iba pa! Kasama sa package na ito ang madekorasyong characters na may mahigit 500 na glyphs para sa  mga nakakatawag-pansing malikhaing mga disenyo.

Adorabelle Font

La Venice Font

Malalaktawan mo ang mga tanawin at senaryo ng LA boardwalk sa ala-vintage na font na ito. Dinisenyo hango sa nakamamanghang detalye ng vintage LA na tanda, ang font na ito ay itinatampok ang ilang font files na may bonus pack ng watercolor na bulaklak.

La Venice Font

Keyline Script Font

Sundin ang nakakatawang pansing Keyline script. Ang kakaibang typeface na may makapal, marker pen na istilo, ang package na ito ay kabilang an mga letra na iyong kailangan pati ang glyphs at multilingual support. I-download ng font ngayon at dalhin ang iyong mga disenyo sa mas mataas na antas!

Keyline Script Font

Konklusyon

Ang listahang ito ay punung-puno ng kapana-panabik na resources para sa mga masugid na mga nagdi-disenyo na pamilyar sa iba’t ibang format ng typeface. Para sa karagdagang tulong sa iyong kailangan sa font, kumuha ng kasananayan ng  mga may talentong propesyonal sa pamamagitan ng pagpili ng isa sa mga kahanga-hangang mga nagdidisenyo mula sa Envato Studio.

At sa daang cursive fonts na matatagpuan sa iyong mga kamay, maaaring may nakaligtaan tayo na idagdag sa iyong personal na koleksyon. Siguraduhing mag-browse GraphicRiver at Envato Elements para sa karagdagang resources, at ipaalam sa amin ang iyong paborito sa komento sa ibaba!

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.