Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. InDesign Templates
Design

25 na Template sa InDesign na Dapat Mayroon ang Bawat Designer

by
Length:LongLanguages:
This post is part of a series called Adobe InDesign Templates.
How to Make a Wedding Menu Template in InDesign
How to Make an InDesign Report Template
This post is part of a series called Learn Adobe InDesign.
10 Creative Ways to Design Your 'Save the Date' Cards
How to Create a Laser-Cut Wedding Invitation in Illustrator and InDesign

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

25 na Template sa InDesign na Dapat Mayroon ang Bawat Designer

Kung iyong pinaplanog bumuo ng magasin, libro, o pulyeto, panigurado na ang Adobe InDesign ang dapat na piliing instrumento. Ang software na ito ay perpekto para sa paglilkha ng komplikadong mga layout para sa limbag at digital, ngunit minsan ay kinakailangan din ng kaunting tulong. 

Ang 25 na template na ito, mula catalog hanggang letterhead at lahat ng nasa pagitan, ay magbibigay ng panimulang gabay sa paglikha ng perpektong disenyo. Huwag bubuksan ang InDesign nang wala ang mga template na ito. 

Huwag kalilimutang bisitahin ang GraphicRiver at Envato Elements para sa mas marami pang magagandang mga template para sa limbag at online.

portfolio
Malikhaing portfolio template para sa iba’t ibang layunin

Ang Magazine Templates

Ang paggamit ng nakahandang nang magasin template ay nangangahulugan nakalatag na para sa iyo ang mga detalyadong mga bagay gaya ng mga master, numero ng pahina at running header. Dagdag pa, malawag ang mapagpipiliang magagandang mga disenyo na aayon sa kahit anong genre ng magasin.

Marami pang matatagpuang magasin template sa GraphicRiver.

1. Ang Retro Magazine

retro magazine
Retro style magazine template

Matrabaho ang paglinang ng mga vintage na estilo ng limbag. Matagal ang maaaring abutin sa paggawa ng mga graient, lumang mga texture at pinalambot na mga kulay. Ang magasin template na ito ay mayroon nang kasamang awtentik na estilo ng mga texture at kulay para tulungan kang gumawa agad ng retro na layout. Aming gusto kung paano nito napagsasama ang vintage and modernong mga estilo sa iisang disenyo. 

2. eMagazine Template

emagazine
Stylish eMagazine Template

Ang InDesign ay hindi lamang para sa paglikha ng layout para sa paglimbag, ngunit pati rin para sa mga digital na disenyo. Ito eMagazine template maaari itong gamitin upang i-export ang iyong magasin bilang isang EPUB, para madaling buksan sa mga desktop at portable na mga device.

3. Malinis na magasin template

clean magazine
Malinis na magasin template

Ito ang minimal magasin template simple lamang at hindi kinakailangan maging magarbo upang maging agaw-pansin. Maaaring iayon sa iba’t ibang mga genre ng magasin gaya ng fashion, lifestyle o travel, ang template na ito ay pwedeng gamitin sa pagpapakita ng magaganda mga litrato, at malinis at kontemporaryong typography.

4. Travel magasin template

travel magazine
Travel magasin template

Naghahanap ng template na mas kapansin-pansin? Ito travel magasin template ay is ang magandang halimbawa ng pagtatagpo ng matingkad na kulay at disenyo na siguradong makukuha ang atensyon ng mambabasa. Ang template ay aayon din sa mga makukulay at agaw-atenyon na lapit tulad ng tsimis sa mga celebrity o pagluluto.

5. Magasin na may iba’t ibang laynin

multipurpose template
Magasin na may iba’t ibang laynin sa InDesign

Ang magasin na may iba’t ibang laynin ay uso na estilo na ipinaghahalo ang nakaaakit na mga imahe at sans serif tye. Ang mga layout para sa mga content page ay mahirap gawin kung magsisimula sa iyong magasin mula sa wala, at malaking tulong ang mabibigay ng mga template.

6. Lifestyle at Fashion Magasin

lifestyle
Lifestyle at Fashion Magasin template

Ang mga magasin sa lifestyle at fashion ay kinakailangan ng makabagong estilo sa pagdisenyo upang maakit ang ninanais na mga mambabasa. Ang template na ito ay gumagamit ng geometric na mga cut-out at lettering na estilo upang lumikha ng disenyo na parehong makabago at klasiko.

7. Usong magasin template

trend magazine
On-trend magazine template

Naghahanap ng template na makabago at katangi-tangi? Ang template na itong sumasakay sa uso ay mayroong simpleng vintage na estilo na perkpetong maaayon sa mga tatak sa fashion at lifestyle. Samahan ito ng masining na potograpiya at linalaman, at ika’y makalilikha ng perpektong kumbinasyon.

8. Makulay na Magasin

colorful magazine
Makulay na Magasin template

Bagaman ang template na ito ay para talaga sa mga interior desing na publikasyon, ang makulay at masiyahing disenyo na ito ay tamang tama lang para sa titulo ng lifestyle, paglakbay o disenyo. May katangiang pagiging propesyonal ang template dahil sa malinis na sans serif na typeface at mga magagandang page border sa bawat pahina. 

Mga Flyer at Brochure Template

Hindi kinakailangan ng matagal na panahon ang pagbuo ng materyales na para sa promosyon kagaya ng mga flyer at brochure, Ang mga template na itong magaganda ang pagkakadisenyo ay madaling patnugutan at maaaring ipadala agad sa paglilimbagan. 

Naghahanap ng iba sa mga flyer na ipinakita sa ibaba? Maaaring makahanap ng marami pang magagandang flyer template at brochure templates sa GraphicRiver.

9. 3 sa 1 na Corporate Flyer Bundle

corporate bundle
3 sa 1 na corporate flyer bundle

Mamili mula sa seleksyon ng mga kulay at estilo mula sa corporate flyer bundle. Maaaring iayon sa karamihan ng mga negosyo, ito ay nalinis at moderno na agarang mararamdaman bilang propesyonal at mapagkatitiwalaan.

10. Creative Corporate Flyer

creative flyer
Creative corporate flyer template

Nais bigyang promosyon ang masinig na negosyo kagaya ng isang studio ng potograpo o taal na limbagan? Ang corporate flyer ay maibibigay ang iyong kailangan habang mayroong malikhaing estilo na gumagamit ng geometric tile na mga imahe at mala-logo na type.

11. Charity o Community Event Flyer

charity flyer
Charity o community event flyer

Nag-oorganisa ng pagtitipon para sa komunidad o kaganapan para sa pagkawanggawa? Ang flyer na ito na binigyang inspirasyon ng collage ay gagawin mapag-anyaya ang pakiramdam ng iyong kaganapan. Lagyan ng sariling pamagat, petsa at iba pang mga detalye, at handa ka nang ipamahagi ito. 

12. Business Brochure para sa iba’t ibang layunin

business brochure
Business Brochure para sa iba’t ibang layunin

Ang mga brochure ay mas mahaba sa flyer, kung kaya’t kadalasan ay mas matagal buoin. Lagtapan ang mahirap na parte gamit ang nakahanda nang business brochure template. Ang kulay kahel at itim na palette ay sariwa at makabago, at ang paglagay ng detalye sa infographic ay makatutulog sa paglatag ng impormasyon sa magandang paraan. 

13. Multipurpose Trifold Brochure

trifold brochure
13. Multipurpose trifold brochure

Ang trifold ay klasikong format na ipinagtatagpo ang isang-pahinang flyer at maraming-pahinang brochure.  Kung nais makamura nang mayroon pa rin espasyo para sa laman, ang ekonomik na trifold ay ang dapat piliin. Ang template na ito ay tama para sa real estate, ngunit maaari ring gamitin sa ibang mga paksa. 

14. Simpleng Business Brochure

simple brochure
Simpleng business brochure template

Tumaliwas sa karaniwang mga portrait na brochure at gumamit ng magagandang landscape na disenyo.  Ang brochure template na ito ay simple lang kung kaya't maganda ito para sa mga negosyo na nais magpakita ng makabagong disenyo sa kanilang mga mamimili. Monokromang potograpiya na mayroong matingkad na dilaw na mga detalye ay lumilikha ng usong kumbinasyon na babagay sa kahit anong industriya o sektor.

15. Lookbook catalog na template

lookbook
Lookbook catalog na template

Ang mga fashion retailer ay gumagamit ng mga seasonal na lookbook bilang promosyon para sa mga bagong produkto sa konteksto na mas kontemporaryo kaysa sa mga tradisyonal na katalog. Ang lookbook template ay gumagamit ng mga simpleng monokromang detalye upang maging kapansin-pansin ang produkto. Nagiging fashionable ito dahil sa usong framing at makitid na estilo ng type.

16. Simpleng InDesign na Catalog

minimal catalog
Simpleng InDesign na Catalog Template

Ang katalog na disenyong ito na madaling bagayan ay perpekto para sa mga retailer ng furniture o fashion. Ang simpleng estilo ng colorblock ay nagdaragdag ng saya sa propesyonal at malinis na layout

Mga Template para sa libro

Nais maghanda ng libro para sa paglimbag o EPUB? Ang mga InDesign template na ito ay magbibigay ng gabay para masimulang lumikha ng mala-propesyonal na mga dokumento ng libro. Marami pang matatagpuang nakahanda nang mga book template dito. 

17. eBook para sa kompanya

ebook
eBook template para sa kompanya 

Perpetko para sa digital na pamamahagi ng mga taunang ulat, ang stylish eBook template ay gumagamit ng matalas na color palette at geometric na mga detalye upang bumuo ng design na propesyonal at uso. Ang pagdisenyo ng ulat para sa malikhaing kompanya gaya ng ahensya para sa disenyo o arkitektura? Ang template na ito ay babagay doon.

18. Ang template para sa Cookbook

cookbook
InDesign template para sa Cookbook

Ang ilang mga libro ay kailangan ng mas komplikadong layout kaysa sa iba. Ang mga cookbook halimbawa nito - kailangang pagsamahin ang madaling mabasang mga instruksyon sa nakaaakit na mga litrato at magandang estiklo.  Ang cookbook template ay naibibigay lahat nang iyon, at nakatutulong sa paggawa ng cookbook na may simpleng dating

Template para sa Portfolio

Ang mga InDesign template ay mura at madaling paraan upang gawing bago ang iyong portfolio. Ang mga template na ito ay madaling maiaayon sa linalaman, maging isang graphic designer, potograpo o web designer. 

Mas marami pang magagandang template para sa Portfolio sa GraphicRiver.

19. Portfolio template para sa potograpiya

portfolio
Portfolio template para sa potograpiya

Ang simple photography portfolio ay magiging maganda frame para sa iyong pinakamagagandang mga litrato. Buong-pahinang mga imahe na may klasikong puting border ay tunay na maipapakita ang iyong trabaho.

20. Malikhain Portfolio 

creative portfolio
Malikhain portfolio template

Malilinisna sans saref na typface at magagandang pagkakaayos ng frame para sa mga imaheay ang rason kung bakit pinipili ang eleganteng template na ito ng mganagdidisenyo at potograpo. Ang malawak na puting espasyo ay makapagbibigay sa iyong gawa ng kinakailangan nitong espasyo para huminga.

21. Multipurpose Creative Portfolio

creative portfolio
Multipurpose Creative Portfolio

Ang landscape na anyo ng portfolio ay bagay sa mga nagdidisenyo ng graphic at produkto na nais ng espasyo para sa pagpapakita ng iba’t ibang aspeto ng isang proyekto. Ang maliit na librong ito ay magkakasya sa mga maliliit na sobre at makakagawa ng simple ngunit makapangyarihang pahayag sa kahit sinong potensyan na tagapag-empleyo.

Template para sa Business Card at Stationary

Walang aplikasyon para sa trabaho o lapit sa  kliyente ang magiging kumpleto nang wala ang magagandang pagkakadisenyo ng letterhead at business card. Wag magpapadala ng kahit anong aplikasyon nang wala ang mga esensyal sa stationery na ito.

Maaaring matagpuad ang mas magaganda pang stationery templates sa GraphicRiver.

22. Juniper Stationary Set

juniper set
Juniper Stationary Set

Ang kotemporary at nakakakalmang disenyo para sa stationery set ay gagana para sa mga nagdidisenyo at mga nag-uupisa pa lang na negosyo. Palitaan ang imahe ng gubat para sa sariling pili ng larawan o ilustrasyon para sa isang bagong lapit sa template.

23. Juniper Business Card

juniper card
Juniper business card template

Kumpletuhin ay iyong magandang stationery set na may kasamang business card. Ang estilo na ito ay napaka simple at elegante, at handa para sa imprenta. 

24. Corporate Stationery Set

corporate set
Corporate stationery set

Ang malinis na corporate stationery set na ito magandang basehan sa paglikha ng simple o mas malikhaing letterhead, sobre at card layout. Ang mga graphic ay mayroong makabagong dating na bagay para sa mga nagdidisenyo ng web o app. 

25. Block Color Stationery Set

block color
Block Color Stationery Set

Naghahanay ng mas kakaibang disenyo? Ang makulay na disenyo ay mayroong retro graphic na estilo na mayroong modernong lapit. Maganda ito para sa mga malikhain o seryoso mang mga negosyo.

Konklusyon

Nang mayroong magaganda at madaling bagayang mga template, mula magasin hanggang portfolio, laging mayroong makatutulong sa paglikha ng iyong sunod na proyekto. Ang mga InDesign template ay makatitipid ng oras at maganda pa - kaunting galaw lang at maaari nang gawin bago ang isang template.

Maraming makikitang kamangha-manghang InDesign templates basta alam kung saan maghahanap. Makahahanap ng libu-libong magagandang template GraphicRiver at Envato Elements.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.