Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Templates
Design

25 na Malikhaing Photo Collage Template Para sa Adobe Photoshop

by
Length:ShortLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ilagay ang paboritong mga alaala sa isang photo collage at gumawa ng  isang nakatutuwang proyekto o regalo! Tignan ang listahan sa ilalim para sa mga magagandang rekursong pang-Photoshop.

25 na Malikhaing Photo Collage Template

Ang isang photo collage ay koleksyon ng mga imahe na ikaw ang nagsama-sama. Ang mga komposisyon na ito ay maaaring gawan ng mga simpleng konpigurasyon o mas komplikadong mga pagsasaayos para maging mas malikhain.

Ngayon ay nagsama-sama ng mga 25 na malikhaing photo collage template na nilikha gamit ng Adobe Photoshop. Baguhin nang madali ang mga file na ito gamit ang mga placehholder na perpekto para sa kahit anong antas ng karunungan.

Gamit ang mga abstrak na geometric template at mga modernong disenyo, ang mga template na ito ay tutulungan kang magdagdag ng kakaibang dekorasyon sa iyong tahanan o mga profile sa social media. Gamitin ang seleksyon na ito na eksklusibong kinuha mula sa Envato Market at Envato Elements.

Kailangan pa ng tulong? Humingi ng gabay sa aming mga taga-disenyo! Makaaasa sa magandang pagtugon at disenyo mula sa mga mahuhusay na nagtatrabaho sa Envato Studio.

4 na Absrak na Geometric Photo Template

Mamamangha ang iyong mga taga-sunod sa mga magagandang geometric na imahe na binigyang-inspirasyon ng mga nausogn estilo sa pagdisenyo. Ang photo collage pack na ito ay mayroong apat na abstrak na disenyo na may mga nakatutuwang layout. Tignan ang mga halimbawa upang makita kung paano gumagana at i-download ang suite na ito para makakuha ng mga disenyong mataas ang kalidad.

4 Abstract Geometric Photo Templates

20 na Gravity Photo Frame Mockup

Ipagbunyi ang iyong mga litrato bilang mga likhang-sining gamit ang seleksyong ito ng mga photo frame mockup. Isang Photoshop file na maaaring ayusin at madaling gamitin, ang package na ito ay mayroong 20 na layout ng mga realistikong kapaligiran. Gamitin ang magandang anti-gravity na epekto sa koleksyon na ito!

20 Gravity Photo Frame Mockups

Facebook Cover Photography Collage

Ang iyong social media ay dapat kasing tingkad ng iyong potograpiya. Lumikha ng magandang collage gamit ang mga template sa ibaba. Ang Facebook cover ay maaaring gamitin sa parehong personal at pangnegosyong mga profile. Bigyang-diin ang iyong pinakamagagandang mga trabaho gamit ang bago at modernong setup na ito.

Facebook Cover Photography Collage

Dark Photo Collage Template

May disenyong puno ng estilo, iyong gugustuhin ang dark photo collage template na ito. Madaling baguhin ang orihinal na background color gamit ang Adobe Photoshop para sa walang-katapusang pagpipiliang mga kulay. Kasama sa download na ito ay dalawang mataas ang resolusyong mga file para sa iyong mga larawan.

Dark Photo Collage Template

Abstract Photo Collage Pro v.3

Gumamit ng magagandang mga komposisyon na nakabibighani ang dating. Ang photo collage package na ito ay mayroong dalawang Photoshop file na may nakamamanghang layout. Palitan lamang ang mga stock image ng mga sariling larawan upang masubukan ang template na ito! Mayroon ding kasamang gabay!

Abstract Photo Collage Pro v3

Photo Collage Template

Pagandahin ang iyong potograpiya gamit ang mga collage mula sa Photoshop template na ito. Mayroong apat na file na maayos ang pagka-grupo at pag-organisa, ang template na ito ay hinahayaan kang paglaruan ang mga layer upang bumuo ng bagong mga itsura. Gumamit ng mga bagong disenyo para sa nakatutuwang anyo.

Photo Collage Template

Diamond Photo Collage V.01

Panghabambuhay ang mga diyamante. At ang magandang template na ito ay mayroong limang layout para sa kahanga-hangang mga photo collage. Palitan ang maaaring i-edit na mga smart object gamit ang landscape photography o iyong mga paboritong larawan. Madaling gamitin ang template na ito dahil maayos ang pagka-grupo at pag-organisa!

Diamond Photo Collage V01

Photo Collage Flyer Template

Kailangan mo ba ng maganda photo collage para sa sunod na kaganapan? Subukan ang magandang disenyo na ito! Mayroong naka-organisa na mga layer na maaaring baguhin sa loob lamang ng ilang segundo, ang flyer na ito ay kailangan lamang ng iyong paboritong mga larawan upang maumpisahan. Tapusin gamit ang mga detalye ng kaganapan at ilimbag na ngayon!

Photo Collage Flyer Template

Wedding Photo Album Facebook Cover

Ipagdiriwang ang iyong espesyal na araw gamit ang magandang Facebook cover. Ang katangi-tanging template na ito ay tinutulungan ang mga malikhaing magkasintahan na ipakita ang pagmamahalan nila sa buong mundo! Gamitin ang dalawang eleganteng mga cover design upang maipakita ang inyong engagement o mga espesyal na sandali mula sa kasal. Tiyak na magugustuhan niyo ang template na ito!

Wedding Photo Album Facebook Cover

Ang Office Photo Collage Mockup

Ang mga photo mockup ay magandang alternatibo para sa mga collage na pinakinis na. Ang mockup template na ito ay mayroong makabagong office environment na marami ang magagandang setup. Gamitin ang mockup na may modernong dating at madaling ayusing mga imahe. I-download ang set na ito ngayon!

The Office Photo Collage Mockup

Glossy Long Shadow Photo Collage

Para sa pampatanggal-umay sa iyong collage, magdagdag ng long shadow effect gamit ang photo template na ito. Mayroong lens flare highlight at elegante’t madilim na disenyo, ang template na ito ay maayos ang pag-organisa at handa nang gamitin. Subukan ito ngayon para sa nakamamanghang makintab na resulta!

Glossy Long Shadow Photo Collage

Photography Collage Trifold Brochure

Paghusayin ang iyong negosyo sa potograpiya gamit ng magandang photo collage brochure. Ang suite na ito ay mayroong magandang trifold na disenyo na mahirap hindi pansinin! Mayroon itong disenyo na handa nang ilimbag at may mga elemento at libreng mga font para makatipid!

Photography Collage Trifold Brochure

Abstract Photo Collage Pro v.5

Ang mga abstrak na collage ay ang perpektong paraan para bigyang buhay ang disenyo! Kaya bumuo ng kakaibang dating gamit ang set na ito ng mga abstrak na pagkakaayos. Ito ay mayroong 10 na layer composition at 21 na layout, upang marami kang pagpipiliing mga baryasyon mula sa espesyal na resulta. Mayroon ding magagandang mga bonus gaya ng dagdag na mga lens flare and mga color effect.

Abstract Photo Collage Pro v5

Fashion Sale Photo Collage Flyer

Para sa iyong sunod na sale, gumawa ng photo collage ng iyong pinaka mabebentang mga kasangkapan! Ang flyer template na ito ay mayroong naiibang mga elemento at mga libreng font. Perpekto para sa kahit anong kaganapan o ad na may kinalaman sa fashion, ang template na ito ay tutulungan kang maabot ang magandang resulta para sa iyong negosyo!

Fashion Sale Photo Collage Flyer

Abstract Photo Collage Pro V.2

Hindi ba kaaya-aya ang iyong mga litrato? Buhayin ang iyong gawa gamit ng modernong photo collage. Ang simpleng template na ito ay mayroong dalawang magandang layout at bonus na mga color effect. Idagdag lamang ang iyong paboritong mga litrato upang magamit agad ang template na ito!

Abstract Photo Collage Pro v2

Photo Collage Business Card

Gamitin ang kilalang photo collage technique na ito para sa mga business card! Bagay sa kahit sinong potograpo o propesyonal na manlilikha, ang business card na ito ay handa para sa paglimbag at may disensyo sa parehong panig. Madali itong baguhin gamit ng Adobe Photoshop, palitan lamang ang mga larawan ng iyong pinaka magagandang seleksyon!

Photo Collage Business Card

Creative Collage Photoshop Templates

Ang mga collage template ay hindi na dadali pa rito! Mayroong 15 na template na nakahanay nang pakwadrado, ang mga collage na ito ay perpekto para sa Instagram at iba pa. Isang gabay ang kasama upang matulungan ka at idaan sa proseso nang hakbang-hakbang.

Creative Collage Photoshop Templates

Picture Art Mockup

Ipakita ang iyong mga litrato sa eleganteng masining na eksena gamit ang mga mockup template na ito. Prinepresenta sa malinis na 3D, ang download na ito ay may maraming eksena na nakapagbibigay ng inspirasyon gamit ng makatotohanang kidlat at mga anino. Kasama rin ang isang madaling sundan na gabay.

Picture Art Mockup

Picture Art Collage Template

Ibenta ang iyong kakaiba na kakayahan gamit ang isang propesyonal na collage ng iyong pinaka magagandang gawa. Ang batis na ito ay mayroong art mockup na naka-base sa collage na madaling gawing sarili. Subukin ito sa kahit anong proyekto o industriya at gamitin ang magandang resulta!

Picture Art Collage Template

Twitter Photo Collage Header

Maraming sinasabi tungkol sa iyo ang iyong Twitter header. Kaya bumuo ng magandang impresyon sa pamamagitan ng pakikimahagi ng iyong mga paboritong larawan. Maganda para sa mga propesyonal na potograpo ang mga manlilikha, ang template na ito ay may apat na iba’t ibang layout na may kasamang tatlong color effect

Twitter Photo Collage Header

Travel Songs Flyer Collage

Ang isang photo collage ay magandang paraan upang maatat ang mga dumadalo sa mga ganap na may kinalaman sa musika. Akitin sila gamit ang flyer na ito na mayroong seleksyon ng kahanga-hangang imahe kasama ang mga detalye ng pangyayari. Kasama na ang magandang railraod background, kaya baguhin na lang gamit ng iyong pinaka gustong mga larawang binigyang-inspirasyon ng musika.

Travel Songs Flyer Collage

Valentine Photo Collage

Ang pag-ibig ay nasa paligid. At anong mas gaganda pang paraan ng pagpakita ng iyong pagmamahal kundi sa pamamagitan ng collage na ito. May kasamang dalawang madaling gamitin na mga Photoshop file, ang template na ito ay maaaring gamitin para idagdag ang iyong litrato sa mga hugis-puso na mga smart object para sa mas madaling pag-update. Subukan mo na!

 Valentine Photo Collage

Photo Collage Christmas Photo Card

Padalhan ang iyong lola ng magandang Christmad card na may photo collage ng mga bata! Ang template na ito ay mayroong A5 na laki na mga Christmas card na may dalawang baryason ng kulay. Mamili mula sa masayahing pula at kahel na mga disenyo na mayroon nang mga bleed line at iba pa.

Photo Collage Christmas Photo Card

Black White Photo Collage

Isaisip na ang iyong mga larawan ay nasa modernong interyor na layout gamit ang magandang pack na ito ng mga photo mockup. Subukan ang iyong mga disenyo gamit ang ilang mga environment na mataas ang kalidad at mayroong makatotohanan komposisyon ng tahanan at negosyo. Gamitin ang itim at puti na color scheme na mayroong makabago at modernong dating!

Black White Photo Collage

Photo Collages Template

Ang iyong mga anak at pamilya ay gaganda pa lalo gamit ang photo collage templete na ito. Isang template na maaring gawing sarili, ang download na ito ay mayroong dalawang handa nang gamiting Photoshop file. Gamitin ang mataas na resolusyon na resulta at mapagpipiliang apat na background color.

Photo Collages

Ipakita ang Iyong mga Photo Collage!

Magpaskil ng resulta aat ipakita sa amin ang iyong mga paboritong photo collage!

Para sa mas marami pang mga photo collage template, tignan ang daan0daang magagandang disenyo na maaaring idagdag sa iyong koleksyon. Kung kailangan ng mas direktang lapit, ikonsiderang humingi ng tulong sa mga sa propesyonal na taga-disenyo mula sa Envato Studio.

Ang listahan ay puno ng magagandang mga batis para sa masugid na taga-disenyo na pamilyar sa Adobe Photoshop. Siguraduhing sipatin ang Envato Market and Envato Elements para sa iba pang mga  batis at mag-iwan ng komento kung ano ang iyong mga paborito!

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.