Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Branding
Design

25 na Mataas na Kalidad na Basal na mga Disenyo ng Logo

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Ang mga logo ay palaging mananatiling isa sa mga pinakamahalagang aspekto ng alin mang pagkakakilanlan ng isang korporasyon.  At ikaw ay makakaiwas sa lahat ng sakit ng ulo at gulo sa pamamagitan ng pag-download ng propesyonal na mga logo para umangkop sa pangangailangan ng iyong negosyo. Tingnan ang koleksiyon ito ng mga kahanga-hangang mga basal na logo sa ibaba!

25 Magandang Abstract na Mga Logo

Paano mo gustong ipakilala ang iyong negosyo? Na may isang magandang paraan o sa isang takaw-tingin na simbolo? o marahil sa isang pinagandang sikat na simbolo?

Maging anuman ang iyong kagustuhan, ang mga basal na mga logo ay kahanga-hanga para sa pagtayo ng iyong panibagong tatak. At sa loob ng koleksiyong ito na mga kahanga-hangang mga mahahalagang mga logo, aming tinatampok ang 25 na mga kahanga-hangang mga basal na logo pinagpilian mula sa mga seksyon ng mga disenyo ng GraphicRiver at Envato Elements.

Simulan ang iyong negosyo gamit ang isa sa mga natatanging disenyo na ito, o kumuha ng tulong sa mga mababait na mga tao mula sa Envato Studio para sa mga pasadyang mga tatak ng pagkakakilanlan. 

Ang Crest Logo

Ang iyong logo ay dapat maging marangya bilang iyong tatak. Gamit ang krest na logo, ikaw ay masisiyahan sa isang kahanga-hanga, makabagong disenyo na nagtatampok ng isang magandang hiyometrikong disenyo. I-download ang file na ito para makakuha ng pahintulot sa anim na pagbabago ng mga kulay at 100% na mababago ang laki ng mga elemento. 

Crest Logo

A Logo

Lumikha ng isang tatak na babagay sa iyong kahanga-hanga na pamumuhay. Ang mataas na kalidad ng disenyo sa logo na ito ay tamang-tama para sa alin man na mga negosyong korporasyon, mga tatak ng mga kasuotan, at marami pang iba. Ito ay nagtatampok ng isang magarang letrang "A" na disenyo na may karagdagang mga pagbabago sa kulay.

A Logo

Panghari na Logo

Maging maharlika gamit ang marangyang basal na logo na ito. Ang logo na ito ay nagtatampok ng isa magandang korona na disenyo, na may payak na mga dahon at mga pihit na siguradong iyong mamahalin. Iangat ang iyong pangalan sa alin mang industriya gamit ang perpektong logo sa pamamagitan ng pagdownload ng pagkakakilanlan na ito ngayong araw!

Royals Logo

Ang template ng Connecto na Logo

Simulan ang iyong produksyon na kumpanya gamit ang pinagandang Connecto na logo. Ang logo na ito ay nagtatampok ng isang magandang letrang "C" na disenyo, na may pabago-bagong mga kurba at isang napakagandang kumbinasyon ng mga kulay. Masiyahan sa isang buong nababagong logo na may mga ilang kulay na iba-iba na pagpipilian.

Connecto Logo Template

Ang template ng Vivacity na logo 

May maraming mga logo na mga disenyo, ngunit ang isang ito ay totoong natatangi. Ang huwaran ng Vivacity na logo ay nagtatampok ng isang kahanga-hanga, makulay na disenyo na may pagpatak ng tubig na tema. Dalhin ang iyong organisasyon sa mas mataas na antas gamit ang napakagandang disenyo ng logo na ito.

Vivacity Logo Template

Box Office Logo

Ang mga basal na mga logo ay maaaring gamitin sa halos lahat na mga negosyo. At ito ay tiyak sa kaso ng makapangyarihang takilya na disenyo na ito. Ang disenyo na ito ay nagtatampok ng isang payak, parisukat na hitsura na may lahat ng mga bektor na mga elemento na maaaring baguhin para umangkop isa iyong personal na pangangailangan.

BoxOffice Logo

Ang Arrow Rocket na Logo

Ang mga hiyometrikong mga disenyo ay isang napakalaking pangunahing-kailangan ng industriya sa ngayon, at ang logo na ito ay hindi iba. Ito ay nagtatampok ng isang magandang payak na disenyo, na inspirado mula sa parehong palaso at raket. Gawing mas madaling makilala ang iyong tatak gamit ang astig at natatanging pagkakakilanlan na ito.

Arrow Rocket Logo

Ang Huwaran ng Mabulaklak ng mga Tao na Logo

Kailangan mo ba ng isang magandang logo para sa iyong non-profit? Kung gayon pagpiyestahan ng iyong mga mata ang napakagandang disenyo na ito.  Ang huwaran ng logo ng ito ay nagtatampok ng isang matalinong disenyo na lumilikha ng isang makulay na bulaklak mula sa mga payak na mga tao. Ipakita kung gaano mo kamahal ang komunidad sa pamamagitan ng mataas na epekto na disenyo ng logo na ito.

Floral Peoples Logo Template

SeoMac na Basal na Bektor na 3D na Logo

Lumikha ng isang diwa ng pagkamahiwaga gamit ang basal na bektor na logo na ito. Ang disenyo ng logo na ito ay nagtatampok ng isang tila bahaghari na paleta ng kulay na may apat na mga bahagi. Pahangain ang mga tao gamit ang isang propesyonal na disenyo na makikita sa apat na iba-ibang kulay.

SeoMac Abstract Vector 3D Logo

Ang Huwaran ng Power Connect na Logo

Paandarin ang iyong bagong negosyo gamit ang mataas na epekto na disenyo ng logo na ito. Ang logo na ito ay nagtatampok ng isang napakagandang asul na kulay na kumbinasyon na may isang literal na koneksiyon na disenyo na madaling maunawaan.  Hayaan ang iyong mga mamimili na malaman ang eksaktong industriya na iyong kinakatawan gamit ang makapangyarihang pagkakakilanlan na ito.

Power Connect Logo Template

Set ng Real Estate na Logo

Ang Flat na disenyo ay ang pinakauso sa industriya ng pagdidisenyo ngayon. Samantalahin ang sikat na uso na ito gamit ang mga set ng mga real estate na mga logo Ang mga logo na ito ay nagtatampol ng kumpleto na mga bektor na mga elemento na maaari mong pagpalit-palitin para sa isang natatangi, pasadya na disenyo. 

Real Estate Logo Set

Affilitizer Logo

Ipagmalaki ang iyong pagmamahal sa arkitektura at hiyemtrikong mga disenyo sa pamamagitan ng kahanga-hangang Affilitizer na logo. Ang huwaran na ito ay nagtatampok ng isang malinis, pinapayak na disenyo, na may mga linya na mga elemento na lumilikha ng letrang "A". Ito ay tamang-tama para sa aling mang negosyo sa konstruksiyon, at maaari mong mapahanga ang iyong mga kliyente sa pamamagitan ng kahanga-hangang propesyonal na logo na ito.

Affilitizer Logo

Pixel na Media Logo Template

Ilunsad na ang iyong bagong negosyo sa pamamagitan ng isang makulay na logo! Ang logo na ito ay nagtatampok ng isang 100% na nabektor na disenyo ng logo na maaaring mabago ng madali. Maganda ito sa alin mang tatak na gustong maging isang kumpanya na kilala sa buong mundo, ang logo na ito ay nagtatampok ng iba't ibang mga kulay na kumbinasyon para sa iyong kaginhawaan.

Pixel Media Logo Template

Master Yoga na Logo

Maging dalubhasa sa iyong loob na zen sa pamamagitan ng kahali-halinang logo na ito. Ang logo na ito ay nagtatampok ng isang kapansin-pansin na inspirado ng yoga na tema na may magandang linya na mga elemento. 100% na nababago at nababago ang sukat, ang logo na ito ay tamang-tama para sa sinumang nagsisimulang mag-yoga na naghahanap ng isang bagong studiyo. 

Master Yoga Logo

Audio na Musika Logo

Maging susunod na sikat sa industriya ng musika sa pamamagitan ng napakagandang disenyo ng logo na ito. Ang disenyo na ito ay nagtatampok ng isang malinis, pinapayak na disenyo na inspirado ng mga tunog. Ang file na ito ay mayroon ding madali-na-gamitin na huwaran ng bektor para sa simpleng pagpapasadya. 

Audio Music Logo

Color Stroke na Logo

Ikatawan ang iyong bagong kumpanya sa pamamagitan ng isang mahusay na logo. Inspirado mula sa isang simpleng sulat ng pangguhit, ang makulay na disenyo na ito ay may maraming iba't ibang kulay at mukhang maganda sa itim at puti.  Gamitin ito bilang isang pahalang o patayo na pagpapakita para sa perpekto na logo para sa iyong negosyo.

Color Stroke Logo

AirCheck ng Logo

Hayaang lumipad pataas ang iyong negosyo sa pamamagitan ng kahanga-hanga na logo na ito. Tinatampok nito ang isang origami na inspirado na disenyo na may apat na iba't ibang kulay na kumbinasyon. I-upgrade ang iyong tatak na may isang makinis at sopistikadong disenyo at i-download ang logo na ito ngayon!

AirCheck Logo

Lapis na Malikhain ng Logo Template

Ipagmalaki ang iyong masining na bahagi sa pamamagitan ng malikhaing lapis na disenyo ng logo. Ang natatanging paglalarawan sa isang tradisyonal na lapis na disenyo ay nagtatampok ng isang astig na hiyometriko na pag-upgrade na siguradong magpapakilala sa iyong negosyo. Isang makulay na logo na maganda ring tingnan kung sa itim at puti, ang kahali-halinana disenyong ito ay isa sa mga siguradong magugustuhan mo. 

Pencil Creative Logo Template

Utak ng Tech ng Logo

Ipakita sa iyong mga mamimili na ikaw ang utak ng negosyo sa pamamagitan ng kahanga-hangang tech na pagkakakilanlan na ito. Ang logo na ito ay nagtatampok ng isang astig na utak na disenyo na gawa mula sa malikhaing mga bahagi ng motherboard. At may walang hanggan na kumbinasyon ng mga kulay na posible, maaari mong ipasok ang mga kulay na pinakanagugustuhan mo!

Brain Tech Logo

Pixel Box Logo Template

Simulan ang iyong bagong buhay bilang isang negosyante sa pamamagitan ng isang astig na disenyo. Ang pixel na kahon na logo ay may isang nakakatuwang hiyometrikong pampaganda na handa ng iimprenta ng kabuuan. Buong napapasadya, ang logo na ito ay tamang-tama para sa mga ahensiya ng mediya, mga kumpanya ng tech, at maraming marami pang iba!

Pixel Box Logo Template

Korporasyon na Negosyo Logo

Kung kinakailangan mo ng isang solusyon para sa pagkakakilanlan ng iyong korporasyon kung nagkagayon ay pagpiyestahan ng iyong mga mata ang kahanga-hangang logo na ito. Inspirado mula sa isang malikhaing ribon na disenyo, ang logo na ito ay nagtatampok ng  buong nababago na mga sulat at maramihan na mga format ng file, na may parehong pahalang at patayo na mga pagpipiliang napaloob. 

Corporate Business Logo

Apoy na Larawan Logo Template

Kailangan mo ba ng isang malaapoy na disenyo ng logo? Ang maganda, payak na logo na ito ay nagtatampok ng isang diretso sa punto na mabilog disenyo na may isang matulis na tuktok para ikatawan ang apoy. Pagpalitin ang kulay sa pamamagitan ng anim na iba pang mga kumbinasyon para maperpekto ang disenyong ito para sa iyong kumpanya.

Fire Photo Logo Template

Sasline Logo Template

Ang pangalan ba ng iyong tatak ay nagsisimula sa letrang "S"? Gawing sikat ang iyong logo sa pamamagitan ng matalinong Sasline na logo. Ang logo na ito ay nagtatampok ng isang natatangi at makulay na disenyo na handa ng iimprenta na may 300 dpi na resolusyon. Ito ay makikita sa parehong AI at EPS na mga format, kaya magsimula ng gamitin ang magandang logo na ito ngayon!

Sasline Logo Template

Ang Recitalia Logo Template

Ang makinis at sopistikadong disenyong ito ay gumagawa sa perpektong logo! Ang Recitalia na logo ay nagtatampok ng isang magandang hiyometrikong disenyo na may payak na paleta ng kulay at mga banayad na detalye. Ipasadya ang huwaran na ito ng madali lang sa Adobe Illustrator.

Recitalia Logo Template

Ang Yastractus Logo Template

Hindi mo ba gusto na ang mga iyong mga tarhetang pangnegosyo ay magmukhang maganda tulad ng disenyong ito? Ang logo na ito ay nagtatampok ng isang maluwalhating gintong pampaganda, ngunit maaari mong palitan ang kulay kung gustuhin mo. I-download ang file na ito para makakuha ng pahintulot sa isang buong nababago ang sukat na bektor na disenyo. 

Yastractus Logo Template

Konklusyon

Ang listahan na ito ay punong-puno ng mga kapanapanabik na mga pinagkukunan para sa mga masugid na mga tagadisenyo na pamilyar sa OpenType at iba pa. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong sa paglikha ng mga grapiti na inspiradong sining kalye, magpatulong sa kasanayan ng isang talentadong propesyonal sa pamamagitan ng pagpili ng isa sa mga kahanga-hangang mga tagadisenyo mula sa Envato Studio.

At sa libo-libong mga basal na mga logo na pagpipilian, may pagkakataon na aming nakaligtaan ang ilan  para idagdag sa iyong personal na koleksyon. Siguraduhing i-browse ang Envato Market at Envato Elements para sa mas marami pang mga pagkukunan, at ipaalam sa amin ang iyong mga paborito sa mga komento sa ibaba!

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.