Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Photoshop Actions
Design

Ang 20 Pinakamakukulay na Sparkle  & Lighting Photo Effects para sa Photoshop

by
Length:MediumLanguages:
This post is part of a series called Photoshop Portraits.
20 Vintage Photo Effect Photoshop Actions & Old Retro Styles
Photoshop in 60 Seconds: How to Create a Cinematic Photo Effect With Actions

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Maglagay ng magagandang lighting effects sa iyong mga larawan. Ngayon, ihahatid namin sa iyo ang isang kahangang-hangang koleksyon ng makukulay at makikinang na photo effects mula sa Envato Market at Envato Elements. 

Lumikha ng mahiwagang lighting effects sa pamamagitan ng simpleng Photoshop actions. Tingnan ang listahang ito na may kalidad na resources sa ibaba.

Makulay & Makinang! Pinakamagagandang Photo Lighting Effects para sa Photoshop

Ang kalikasan ang lumilikha ng pinakamagagandang lighting effects na makikita natin. Alam mo ba kung ano pa ang iba na gumagawa nito? Ang Photoshop actions. Ang mga simpleng kagamitan na ito ay lumilikha ng makukulay na lighting effects sa mabilis at madaling pamamaraan.

Ngayon ang mga baguhang litratista, mga mahilig sa selfie, at lahat sa pagitan nito ay maaari ng gumamit  ng mga makikinang na photo light effects upang magamit sa kanilang mga albums. Ang kailangan mo lamang ay isang larawan na may mataas na resolusyon at isang simpleng Photo action upang makapagsimula.

Pagkatapos, maglagay ng kaunting liwanag sa nagningning na dapit-hapon. O subukan ang nakakatuwa at makikinang na estilo para maglibang. Tingnan itong mga kahanga-hanga at mataas na kalidad na photo effects mula sa Envato Elements at Envato Market.

Gusto mo ba makita ang mga effects nito? Sinubukan namin ang ilan sa mga ito! Tingnan ang mga halimbawa namin sa ibaba.

Gumawa ng Magagandang mga Titulo nang Mabilis: Tingnan ang aming mga Halimbawa!

Para bigyan ka ng ideya kung gaano kadali gamitin ang mga resources na ito, heto ang dalawang nakakatuwang halimbawa na aming sinubukan!

Ang Dreamy Photo Effect

Gumawa ng kahanga-hangang koleksyon ng dreamy photos. Binibigyan ka ng pahintulot ng madaling Photoshop action na ito na mamili ng lugar kung saan mo nais ilagay ang bokeh, bago magamit ang mabilis na effect. Ang buong pakete ay may kasamang anim na pagpipilian upang sumaklaw sa mga landscape at portrait na mga larawan. Subukan natin!

Dreamy Photo Effect

Dito ginamit ko ang action sa kahanga-hangang Family Stock mula sa Pixabay. Tandaan na ang bokeh effect ay maaaring gamitin sa mga lugar na hindi mo lalagyan ng kulay. Tingnan ang resulta sa ibaba.

Sparkle Example 1

Lucent Photoshop Action

Lagyan ng kaunting neon light ang kahit na anong larawan para sa madaliang anyo noong 80s! Itinatampok ng nakakatuwang Lucent action na ito ang organisadong mga layer na madaling i-customize.  Sundin lamang ang simpleng gabay ng mga instruksyon upang makapagsimula ng nakakatuwang larawan na hango sa neon. Nababagay sa mga pabalat, prints at mga karatula!

Lucent Photoshop Action

Dito ginamit ko ang action sa kahanga-hangang Chameleon Stock mula sa Pixabay. Pagkatapos kulayan ang mga lugar na nais mong lagyan ng effect, maghintay lamang ng ilang sandali upang makita ang paglabas nito. Tingnan ang aking resulta sa ibaba.

Sparkle example 2

Gusto mo bang makita ang iba pang mga opsyon? Tingnan ang iba pa sa mga kahanga-kahangang resources sa ibaba.

Soft Light Photoshop Action

Lumilikha ang mga kamerang propesyonal ng mga banayad na bokeh effects na talaga namang napakaganda. Ngayon, maaari ka ng maglagay ng parehong pro na anyo na nababagay sa kahanga-hanga at maliwanag na Photoshop action. Mainam ito sa mga users na may malawak na kaalaman sa Photoshop, madaling i-install at nakahanda na ang action na ito. Subukan mo!

Soft Light Photoshop Action

Sparkle Photoshop Action

Surpresahin ang iyong mga kaibigan at mahal sa buhay sa pamamagitan ng mga kyut, at makikinang na mga larawan! Nakakatuwa at madaling gamitin ang kahanga-hangang Photoshop action na ito. Ito ay nasubukan at dumaan na sa maraming pagsubok sa mga bersyon ng Photoshop CS3 at mas mataas pa, kaya tiyakin na gamitin ito sa pinakabagong software. Magkakaroon ng inspirasyon sa pamamagitan ng makinang na Photoshop action na ito!

Sparkle Photoshop Action

Tesla CS3+ Photoshop Action

Gumawa ng kamangha-manghang mga larawan sa pamamagitan ng nakakalokang Photoshop action na hango sa Tesla. Nilikha upang gayahin ang anyo ng kilalang mga eksperimento sa lighting ni Nikola Tesla, ang action na ito ay may limang kagila-gilalas na color filters at marami pang iba. Subukan ito sa mga larawan ng isports o anumang kuha na may aksyon!

Tesla CS3 Photoshop Action

Ang Gif Animated Solar Effect Photoshop Action

Gamitin ang enerhiya ng araw! Ilagay ang epikong Photoshop action na ito sa iyong mga larawan sa ilang madadaling paraan. Buksan lamang ang iyong larawan at gumawa ng bagong layer upang takpan ang mga lugar kung saan mo nais lagyan ng effect. Pagkatapos, gawin ang action upang makita ang nakakatuwang resulta. Subukan mo!

Gif Animated Solar Effect Photoshop Action

Fury Photoshop Action

Nais mo ba ng nakakatuwang larawan para sa iyong profile o ad? Kung ganon, tingnan mo ang pambihirang Fury Photoshop action na ito. Nilikha upang dalhin ang iyong proyekto sa mas mataas na antas, babaguhin ng Photoshop action na ito ang iyong mga larawan ng apoy at may dating na mga background. Ilagay ito sa anumang larawan ng tao o hayop para sa mas magandang effect!

Fury Photoshop Action

Ang Light Wall Photoshop Action

Gumawa ng mga larawan ng isang rockstar sa pamamagitan ng nakakatuwang Photoshop action na ito. Palitan nang mabilis ang background para sa mas maliwanag na wall ng mga ilaw. Kalimutan ang paghihirap sa paggawa ng trabaho nang mag-isa at sundan ang simpleng set ng mga instruksyon upang makagawa ng nakakatuwang effects. Mainam din sa mga karatula at backgrounds!

Light Wall Photoshop Action

Ang Grid Photoshop Action

I-punch out ang anumang mga larawan sa pamamagitan ng nakakatuwa at Photoshop action na hango sa pixel na ito. Gumamit ng larawan ng kahit na anong paksa, bagay, o hayop upang makagawa ng kapana-panabik na light effects na hango sa Sci-Fi. Mag-disenyo ng mga futuristic layout at iba pa nang mas mabilis sa pamamagitan ng isang simpleng action. Subukan mo!

Grid Photoshop Action

Impulse CS4+ Photoshop Action

Mag-disenyo ng mga kahanga-hangang Sci-Fi at mga pantasiyang larawan sa pamamagitan ng Impulse Photoshop action. Nilikha para sa mga bersyon ng Photoshop CS4 at mas mataas, ang epikong action na ito ay lumilikha ng agresibong lighting effects na hindi mo kayang balewalain. Lagyan ng makapagyarihang lightning strikes sa kahit na anong tao, bagay o cyborg sa pamamagitan ng download na ito.

Impulse CS4 Photoshop Action

Ang Teleport Photoshop Action

Mag-teleport sa ibang dimensyon! Pinapalitan ng wicked Photoshop action ang iyong mga paboritong larawan sa isang kagila-gilalas na digital art. Sa ilang mabilis na paraan, makapaglalagay ng kapirasong light effect na may maraming opsyon ng kulay. Piliiin ang iyong paboritong kumbinasyon ng kulay para i-update ang iyong mga larawan!

Teleport Photoshop Action

Ang Draw Stars Photoshop Action

Maglagay ng makulay na landas ng mga makikinang na bituin sa kahit na anong larawan sa pamamagitan ng malikhaing Photoshop action na ito. Gamitin ito para sa iba’t-ibang layunin tulad ng pagpapalit ng mga profile pictures o pag-eedit ng iyong timeline. Gumawa ng kamangha-manghang larawan na lagi mong maaalala! Nababagay para sa mga bersyon ng Photoshop CS5 at mas mataas.

Draw Stars Photoshop Action

Ang Sparkler Photoshop Action

Sumulat ng mga nakakatuwa at maliwanag na teksto sa pamamagitan ng kahanga-hangang action. Pintahan lamang ang mga lugar na nais mong lagyan ng effect, at pindutin ang play. Agad kang magkakaroon ng nakakabaliw na lighting effect na maaari mong gamitin sa mga karatula, mga larawan o mga banner. Tiyak na matutuwa ka sa magandang effect na ito.

Sparkler Photoshop Action

Ang Aurora Light Photoshop Actions

Naglalakbay ang mga tao sa buong mundo upang makita ang kahanga-kahangang Aurora lights. Ngayon, maaari ka ng maglagay ng kamangha-manghang mga light shows sa anumang landscape photography sa pamamagitan ng premium Photoshop action. Mamili mula sa 16 na kabuuang Photoshop actions sa pamamagitan ng napakagandang light leaks para sa walang pinsalang effect.

Aurora Light Photoshop Actions

Mga Animated Light Photoshop Action

Ipagdiwang ang mga holiday sa pamamagitan ng nakakatuwang animated action na ito. Madaling malalagyan ng liwanag ang anumang bagay, tao, o karatula sa pamamagitan  ng string ng mga ilaw na gumagamit ng iba’t-ibang mga kulay. Gamitin ang yellow set para sa mas modernong anyo, o piliin ang makulay na ruta para sa isang magandang holiday. Panoorin lamang ang animasyon! 

Animated Lights Photoshop Action

Lightum - Mga Light Effect Photoshop Action

Ang paggamit ng mga light effects ay maaaring magbigay ng karagdagang enerhiya sa iyong mga larawan. Ang Lightum Photoshop action na ito ay tumpak para sa paglikha ng pagdating ng bokeh at makulay na liwanag. Ang download na ito ay may kasamang 10 pangunahing color presets na madali mong pagsamahin at pagtugmain. Subukan ito sa mga sasakyan, mga bagay, o kahit sa mga logo!

Lightum - Light Effects Photoshop Action

Ang Neo Glitter PS Action

Isa sa mga nauuso sa social media ay ang neon paint. Ginagamit ito ng mga litralista upang makagawa ng mga kapansin-pansin na color effects para sa kanilang mga propesyonal na larawan.  Ngayon makakagawa ka na ng agresibong anyo sa pamamagitan ng nakakatuwang Photoshop action na ito. I-upload lamang ang iyong paboritong larawan upang makapagsimula. Para sa karagdagang tulong, ito ay may kasamang mabilis na video tutorial.

Neo Glitter Ps Action

Ang Prism Photoshop Action

Mag-disenyo ng puno ng alab na prisma sa pamamagitan ng Photoshop action na ito. Binibigyan ka ng kalayaan ng malikhaing asset na ito na lagyan ang anumang uri ng hugis sa iyong mga larawan para sa mas kagila-gilalas na light effect. Gamitin ito bilang isang base para sa masayang karatula ng parti o bigyang kulay ang anumang lumang logo. Subukan ito!

Prism Photoshop Action

Ang Soft Focus Photoshop Action

Hindi mo kailangan maging isang propesyonal na litratista upang makagamit ng mga de-kalidad na effects. Gumagawa ng kamangha-manghang larawan ang Photoshop action na ito sa pamamagitan ng bokeh at ng softly focused lighting. Madaling i-customize ito batay sa iyong nais sa pamamagitan ng paglagay ng mas maraming bokeh o mas kaunting light sa iyong proyekto. Subukan mo!

Soft Focus Photoshop Action

Ang Fearless 2 Photoshop Action

Gawin ang anumang larawan na parang isang kuha mula sa isang aksyon na puno ng drama sa pamamagitan ng kamangha-manghang download na ito. Sa loob, magkakaroon ka ng access sa mga Photoshop action na may kalidad, na nababagay sa isports, musika, o anumang larawan na may temang aksyon. Kasama din dito ay isang mabilis na video tutorial upang tulungan ka sa bawat baitang. Subukan mo na!

Fearless 2 Photoshop Action

Ipakita sa Amin ang Iyong mga Makikinang na Disenyo!

Sinubukan mo ba ang alin man sa mga assets na ito? Ipaalam sa amin! Sabihin mo sa amin ang pinakapaborito, makulay at makinang na lighting effects sa mga komento.

Gusto mo bang gumawa ng sariling photo effects? Sundan ang magagandang aral na ito mula sa mga eksperto.

Ito ang isang koleksyon ng mga may kalidad na resources na nababagay sa isang taga-disenyo. Para sa iba pang Photoshop sparkly photo effects, tingnan ang Envato Market at Envato Elements, o humingi ng tulong mula sa ating mga talentadong propesyonal at Envato Studio. Maligayang pagdidisenyo!

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.