Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Adobe Photoshop
Design

10 Pinakamagagandang mga Photoshop Template na Dapat Mayroon ang Bawat Taga-disenyo

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang mga Photoshop template ay isang mainam na paraan para madaliang ibahin ang anyo ng iyong mga larawan sa isang bagay na propesyonal tingnan at kapansin-pansin. Ikaw ba ay gagawa ng isang vintage-style na collage? Ang paggamit ng isang vintage PS template ay magbibigay sa iyong mga larawan ng tunay na sinaunang anyo. Naghahanap ng paraan para mapaganda ang iyong mga larawan sa kasal? Ang paggamit ng soft focus template ay makakatulong upang mapaganda ang mga ito kahit sa litrato lang!

Gusto mo bang alamin ang iba pang mga instant-fix photo template? Maaari kayong makakita ng malaking pagpipilian ng mga image effects sa Envato Market.

Dito, kami ay nagbabahagi ng 10 mahahalagang Photoshop template na dapat mayroon ang bawat taga-disenyo. Patuloy magbasa upang malaman kung paano lagyan ang iyong mga larawan ng instant x-factor...

1. Ang Vintage Template

Ang vintage template ay isang kapaki-pakinabang na instrumento. Maaari mong makamtan ang tunay na sinaunang anyo nang mabilis, sa pamamagitan ng paglalagay ng retro na karakter sa mga modernong digital na larawan.

Vintage template
Ang Old Faded Photo Template
vintage faded template
Ang Old Faded Photo Template

Gamit itong faded photo template, maaari mong lagyan ng tunay na kulubot at patandain ang larawan, pati na rin ang pagkontrol ng color tone upang makalikha ng mga larawang sepya na babagay sa pamilihan o museo.

vintage faded template
Ang Old Faded Photo Template

Ang vintage image effect ay napakaganda para sa lahat ng uri ng proyekto na nangangailangan ng retro-inspired na istilo-mga pantakip ng libro, social media, magasin, anuman ang sabihin mo — at ito din ay tamang gamitin sa paglalagay ng ninanais na texture sa mga larawan para magmukhang nasa uso at sunod sa panahon. Kung ikaw man ay naghahanap ng tunay na sinaunang istilo o ninanais tularan ang Instagram, ang template na ito ang iyong maaasahan.

vintage faded template
Ang Old Faded Photo Template

2. Ang Watercolor Template

Ang mga artistic template ay tamang gamitin para maiayos ang masasakit sa matang mga larawan-pagbabawas ng tingkad ng mga kulay at pagbibigay sa larawan ng mala-paraisong anyo. Kung ikaw ay gumagawa ng mga larawan para sa disenyo ng isang laro, ito ay talagang magandang tingnan, ang mga karakter at tanawin ay nagmumukhang parang panaginip at bahagyang abstrak.

watercolor template
Watercolor Photoshop Template

Itong watercolor Photoshop template ay isa sa aking mga paborito- ang epekto nito ay ipinapakita sa pamamagitan ng modernong paraan, na lumilikha ng animoy melt-away effect sa gilid ng larawan na nangangahulugan na hindi ito limitado sa kuwadro.

watercolor template
Watercolor Photoshop Template

Subukang maglagay ng watercolor template sa mga larawan ng may buong kulay sa pamamagitan ng malakas na sentral pokus upang panatilihing malakas at matibay ang larawan.

watercolor template
Watercolor Photoshop Template

3. Ang Framing Template

Ang magandang framing template, na isa sa pinakamahalagang template na magkakaroon ka,  ay makakagawa ng mga replikang larawan nang mabilisan. Ang mga template na ito ay inilalagay ang iyong napiling larawan o mga larawan sa isang domestic, office o gallery setting.

framing template
Ang Modern Frame Template
framing template
Ang Modern Frame Template

Kung ikaw ay isang ilustrador, tagapinta o litratista,  ang framing template ay makakatulong sa iyo kung nais mong ibenta ang iyong gawa online sa pamamagitan ng mga tindahang tulad ng Etsy o Envato Market. Ang replikang larawan ng iyong artwork sa isang pisikal na lugar ay makakatulong upang mailarawan sa iyong mga potensyal na kustomer kung gaano kalaki ang iyong artwork at kung ano ang magiging anyo nito sa tunay na setting- ito ay tumpak na instrumento upang palakasin ang iyong personal na kita.

framing template
Ang Modern Frame Template

Ang styling framing template ay nagtatakda ng iyong gawa sa mga simpleng itim na kuwadro na nasa kontemporaryo at minimal na mga lugar. Ito ay isang mainam na paraan para ang iyong mga larawan ay mas maging kanais-nais at marangya.

framing template
Ang Modern Frame Template

4. Ang Double Exposure Template

Nais mo bang ang iyong mga larawan ay magmukhang parang bagay na mula sa isang video ng musika o pagtatanghal ng sining? Ang double exposure template ay kumukuha ng inspirasyon mula sa pamamaraan ng potograpiya kung saan ang dalawang larawan ay nakalantad sa iisang kuwadro ng film. Ang resulta nito ay pambihira at kaakit-akit.

double exposure template
Ang Double Exposure Template

Kung ang double exposure ay mas madaling gawin digitally, lalo pa itong pinadali sa pamamagitan ng paggamit ng template. Bukod sa popular na gamit nito sa mga video ng musika at sinematograpia, ang double exposure effects ay mas nababagay sa mas malikhaing biswal na print media, tulad ng mga advertising billboard at mga layout ng magasin.

double exposure template
Ang Double Exposure Template

Ang double exposure Photoshop template ay makakatulong sa iyo upang makamtan ang ninanais na image-inside-image effect nang agaran, at hahayaan ka nitong gumamit ng anim na iba’t-ibang kulay sa iyong mga larawan para makalikha ng iba’t-ibang effects.

double exposure template
Ang Double Exposure Template

Kung gusto mo pang malaman ng mas detalyado kung paano makamtan ang double exposure effects, panoorin ang Kirk Nelson’s Taylor Swift na inspired tutorial:

5. Ang Comic Book Template

Ang sining ng Comic book ay tinatamasa ang pagkabuhay nitong muli sa lahat ng design board, ito ay dahil sa paglawak ng popularidad ng mga Marvel na pelikula. Ang comic book Photoshop template ay babaguhin ang iyong makakatotohanang mga larawan sa gawang-kamay na mga comic strips.

comic book template
Ang Comic Book Creation Kit

Ang mga bubbles, banners at pop-out typography na nasa Clementine ay magdaragdag ng pangkalahatang effect. Kung ikaw man ay gumagawa ng isang graphic na nobela at naghahanap ng paraan para makalikha ng mga ilustrasyon nang mabilisan, o ikaw ay naghahanap ng effect na maglalagay ng kaunting drama at interes sa iyong mga conventional na mga larawan, ang comic book template na tulad nito ang iyong kailangan.

6. Ang Crystal Glitch Template

Naisip mo ba kung may mali sa Matrix? Kung naisip mo man o hindi, hindi masamang ideya ang magkaroon ng crystal glitch Photoshop template.

crystal glitch template
Ang Crystal Glitch Photoshop Template

Ang digital-inspired na effect na ito ay nagbibigay ng anyo ng sirang videotape o sirang kompyuter-pinaghihiwalay nito ang mga larawan at naglalagay ng tunay na anyo ng fluoro color spots upang ang larawan ay magmukhang nasa tabing na hindi maayos. Ito ay tamang gamitin para magdagdag ng istilo sa nauuso at mga tech-pokus na disenyo, tulad ng mga app, mga magasin o mga pahina ng web, ito ay talagang nakakatuwang paraan para mapaganda ang mga larawan.

crystal glitch template
Ang Crystal Glitch Photoshop Template

Ang mga may kalidad na larawan o ang mga game-inspired na ilustrasyon ay tunay na babagay sa crystal glitch look. Ang gusto ko ay ito crystal glitch template na naghihiwalay ng mga larawan at naglalagay ng screen-wash na kulay para lalong maging mas makatotohanan.

crystal glitch template
Ang Crystal Glitch Photoshop Template

7. Ang Artistic Template

Minsan gusto mong lagyan ng karagdagang “wow” factor ang iyong mga larawan- na talagang malikhain, espesyal at natatangi. Ang iyong mga larawan ay nagiging isang likha ng sining dahil sa mga artistic paint-splash template, na nagbibigay ng karagdagang ganda sa mga disenyo ng poster o flyer, na kawili-wili pa din tingnan kahit mag-isa.

artistic template
Ang Artistic Photoshop Template

Itong artistic Photoshop template ay maaaring ilagay sa kahit na anong istilo ng larawan, ngunit ito ay mas epektibo sa mga simple at kapansin-pansin na mga larawan.

artistic template
Ang Artistic Photoshop Template

Ang template ay nagdaragdag ng maaaring i-edit na batik ng kulay, at pinapalitan ang iyong mga larawan sa isang monochrome na format para sa karagdagang effect. Ang Slight 3D at ang textured canvas ay nagdaragdag ng mas makatotohanang effect. Ang Slight 3D at ang textured canvas ay nagdaragdag ng mas makatotohanang effect.

artistic template
Ang Artistic Photoshop Template

Ang effect na ito ay napakagandang tingnan sa mga disenyo ng mga karakter-bakit di subukang gumamit ng Sin City na istilo ng mga ilustrasyon o larawan na may batik ng kulay pula?

8. Ang Polaroid Template

Ang polaroid template ay nagbibigay ng agarang retro na anyo sa kahit na anong larawan, at ito ay mainam na istilo sa pagdagdag ng interes sa mga larawan ng iyong pamilya. Bakit hindi ayusin ang mga larawan bilang mga polaroid at i-upload ito sa social media para sa makalumang kuha sa pamamagitan ng istilong nababagay sa Instagram.

polaroid template
Ang Polaroid Photoshop Template

Gusto ko itong mas malikhaing kuha sa ang polaroid template. Ang isang larawan ay nakakalat sa mga polaroid upang makapaglikha ng artistiko, at nakakawiling effect. Depende sa kondisyon at antas ng kulay ng larawan, maaari ito maging mukhang masaya at kapana-panabik…

polaroid template
Ang Polaroid Photoshop Template

… o malungkot at may pagka-photojournalistic.

polaroid template
Ang Polaroid Photoshop Template

Sapagkat mayroon kang tatlong surface na pagpipilian—concrete, slatted boards at aged wood—ikaw ay may kalayaang kontrolin ang resulta nito.

9. Ang Soft Focus na Template

Ang soft focus na template ay isa sa mga PS na instrumento na iyong babalik-balikan. Ang paglalagay ng soft focus sa isang larawan ay tunay na kapuri-puri, inaayos nito ang mga hindi magagandang linya at antas ng mga larawan ng may soft glow.

soft focus template
Soft Focus na Template

Kaya naman ito ay isang mainam na instrumento sa pagbabago ng anyo ng iyong mga larawan sa kasal at mga litrato sa iba pang mga kaganapan o ang paglagay ng mala-pangarap o mala-kalangitang kalidad ng mga larawan, tanawin at mga litrato sa iyong bakasyon. Ang soft focus ay isang pamamaraan na ginagamit ng mga advertiser at mga marketer upang gawin ang mga larawan na mas maligaya at kanais-nais, at para din ito ay umangkop sa mga promo material, online at ang mga nasa print.

soft focus template
Soft Focus na Template

Ang soft focus template na ito ay binibigyan ka ng layang isaayos ang color hue ng walang limitasyon, at ang paglalagay ng effect sa landscape at portrait na format ng mga larawan, binibigyan ka ng kalayaan na gawin ang iyong nais.

soft focus template
Soft Focus na Template

10. Ang Color Filter Template

Kung feeling mo na ang buong mundo ay nais ng mga larawan na hindi mukhang naliligaw sa Instagram, ikaw ba umaatras o lumalaban? Kung ikaw ang huli, nanaisin mong maging matalik na kaibigan ang color filter template.

color filter template
Ang Color Filter Template

Ang Color Filters ay banayad na binabago ang mga anyo ng larawan sa mala-sinaunang at maliwanag sa araw na ganda ng hindi isinasaalang-alang ang orihinal na detalye ng larawan. Ang mga color-filtered na larawan ay hindi lang magagamit sa social media kung hindi pati na rin sa potograpiya at graphic design, at makikita mo ang istilo sa lahat ng uri ng pahayagan at media.

Ang resulta, ang pagkakaroon ng magandang color filter template na maaaring magamit ay isang mainam na ideya at ito ay tunay na makakatulong na itaas ang  pamantayan ng mga kalidad na larawan sa mas kanais-nais, at nakatuon sa buhay na anyo (na gustong-gusto ng mga kliyente).

color filter template
Ang Color Filter Template

Ang color filter template na ito ay may malaking saklaw ng mga kulay, na madaling pagsama-samahin gamit ang opacity at blending modes, na tumutulong sa iyo na makamtan ang angkop at hindi limitadong mga resulta. Ang template ay mayroon din na dust filter at vignette effect, na tamang-tama para makamit ang ‘modern vintage’ na anyo.

color filter template
Ang Color Filter Template

Ang Iyong Ultimate Photoshop Template Collection

Ang mga Photoshop template ay nakakatulong upang makatipid ng oras sa paggawa ng mga proyekto na kinakailangan matapos sa lalong madaling panahon at ito din ay maaaring gamitin sa draft stage kung saan ikaw o ang kliyente ay nais subukan ang iba’t-ibang image effects nang mabilisan at madalian.

Ang set ng sampung template na ito ay magandang pundasyon sa pagbuo ng iyong koleksiyon ng mga templates, ang iba ay para kang bumalik ng panahon (e.g. soft focus, color filter, vintage) at ang iba naman, maligaya ka na na mayroon ka nito kung kailangan mo ng mas malikhain at experimental (e.g. crystal glitch, polaroid). Pagsamahin ang epektibo, kapansin-pansin na template na may stylish typography, balanced na layouts at ng complementary color palette. Kumpleto na ang iyong dream team!

  1. Ang vintage template
  2. Ang watercolor template
  3. Ang framing template
  4. Ang double exposure template
  5. Ang comic book template
  6. Ang crystal glitch template
  7. Ang artistic template
  8. Ang polaroid template
  9. Ang soft focus template
  10. Ang color filter template

Gusto mo bang malaman ang iba pang mga nagagandahang Photoshop template? I-browse ang napakalaking pagpipilian ng mga kahanga-hangang image effect sa Envato Market.

double exposure template
Ang Double Exposure Template
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.