Unlimited PS Actions, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Design & Illustration
  2. Graphic Design
Design

10 Kamangha-manghang mga Background na Dapat Malaman ng Bawat Taga-disenyo ng Graphic

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang mga background ang walang kibong mga bayani ng graphic design – pagdagdag  ng texture, interes at detalye sa layout, ang mga ito ang pinakamasipag na mga imahe sa iyong koleksyon.

Nakahanap kami ng sampung mahahalagang mga background na bawat  taga-disenyo dapat ay mayroon , mula sa simpleng marumi na istilo hanggang sa magulong may mga bituing nebulas.

Naghahanap ka ba ng maraming pamimilian ng mga istilo ng background ? Mag-browse sa isang malaking hanay ng mga cool na texture images mula dito Envato Market.

Ipagpatuloy ninyo ang pagbabasa para matuklasan ang mga background textures na dapat ay may gampanan na pang-araw-araw na bahagi sa iyong proseso ng pagdidisenyo…

1. Ang Concrete Background

Tumitingin ka ba sa iyong mga disenyo sa isang biglaan at cool na anggulo? Ang mga Concrete textures ay maaaring magmukhang madumi, distressed o maliit at taga-lungsod – pumili ka ng iyong gusto mula sa seleksyon ng concrete backgrounds upang makahanap ka ng perpektong kapareha ng iyong disenyo.

concrete texture
Ang Concrete Background

Ang Concrete ay isang nauusong materyal sa mga pamimilian sa ngayon – sa disenyong pang – interior, pamprodukto, maging sa graphics – kaya ito ay nagbibigay ng malaking karagdagan sa mga disenyo na kailangang magmukhang pang-kontemporaryo at may hangarin.

concrete texture
Ang Concrete Background

Nagdi-disenyo ka ba ng isang website para sa isang bagong retail na tatak? Nagsasama-sama ka ba ng mga promo flyer para sa isang okasyon ng pagdidisenyo? Isipin mong isama ang concrete texture* sa iyong gawang sining, at gawin mong ang iyong media ay mukhang on-trend kaagad.

* Pangunahing Tip: Ang Concrete maaaring mukhang malamig sa maling konteksto – painitin mo ang iyong disenyo sa pamamagitan ng pagpapareha ng texture at ng mas mainit na metallic tone, tulad ng copper.

2. Ang Space Background

Lahat tayo ay gustong maging astronaut minsan sa ating kabataan (o kahit katandaan), pero pwede mong dalhan ng haplos ng celestial wonder ang iyong disenyo ng hindi umaalis sa mundo.

Ang madulang space backgrounds ay baka  hindi ang pinak simple sa mga background, subalit sila’y kagulat-gulat na maraming nagagawa. Napakaganda nila na layered sa likod ng artwork na poster, at nakatutulong na lumikha ng isang kumpletong nakaka-engganyong karanasan sa online kapag inilagay na background skin ng isang homepage.

space nebula
Ang Space Nebula Background

Ang mga space background ay mayroong kakaibang epektong pangkaisipan sa tumitingin nito – pwede silang magbigay inspirasyon sa mga damdamin ng pakikipagsapalaran, pagpasok sa panganib at intelektuwalismo (perpekto para sa science media o mga dokumento ng pagpapakilala ng negosyo), subalit sila ay kamangha-manghang nakakakalma. Para mag-boot, sila rin ay kapansin-pansin din sa kagandahan, at nangangailangan lamang ng simpleng topograpiya sa harapan para maging maningning.

Tingnan mo ang seksyon na ito ng space nebula backgrounds, na may malaking hanay ng iba’t ibang color tones para bumagay sa kahit anong proyekto.

space nebula
Ang Space Nebula Background

3. Ang mga Grunge backrground

Ang mga Grunge backrground kailanman ay hindi mawawala sa uso — lagi silang nagbibigay ng cool, impormal na dulo sa mga disenyo. Maghanap ng mga texture na binalatang pintura, kumukupas na mga dulo, malalim, malamlam na mga color schemes.

Ang mga Grunge backgrounds ay magaganda dahil nagtataglay sila ng maraming mga texture at interes na pang-biswal.  Marami rin silang kayang gawin — subukan mong i-layer sila sa ilalim ng mga imahe at i-set ang opacity sa Multiply upang ilabas ang ilan sa mga interesanteng texture at bigyan ang iyong mga image ng matanda, vintage-style na epekto.

grunge
Mga Grunge Texture na Background

Subukan mong magdagdag ng isang grunge background sa isang festival na flyer, isang gig na poster o isang cover ng magazine upang madagdagan ng lalim at interes. Ang mga kakaibang grunge background ay magmumukha ring pambihira kapag inilagay sa mga laro at apps, nagdadala ng mas immersive na kalidad sa mga digital na disenyo.

grunge
Mga Grunge Texture na Background

4. Ang mga Polygon Background

Ang Polygons marahil ay hindi ang pinaka exciting na building block para sa isang background, subalit ang pang pinakahuling epekto ay kamangha-mangha dahil maraming nagagawa ito at mukhang propesyonal.

Ang mga Polygon na textures ay mayroong tech-forward na istilo na babagay sa mga disenyong pang corporate tulad ng mga report, website na pang-negosyo o mga display na pang-expo. May mga magagaling na paraan upang mabilisang idagdag ang polished na texture , makakatipid nang husto ng oras para sa pag-aalok ng negosyo. Mayroon din sila ng napaka-moderno, kahit futuristic na kalidad na tumutulong sa mga negosyo na paghandaan ang  hinaharap at mag-isip nang ‘ayon sa napapanahon’ .

polygon
Polygon Backgrounds

Kung ikaw ay nagbabalak na magdagdag ng texture sa mga app, ang mga polygon na disenyo ay bagay na bagay para sa trabahong ito — sila ay ma-istilo nang hindi nanghihimasok, at binabalanse nila ang patag at 3D na mga disenyo para panatilihin ang iyong mga disenyo na ayon sa nauuso.

polygon
Polygon Backgrounds

Madali mong ding magagamit ang mga polygon texture sa iba’t ibang mga color scheme – tingnan mo ang magandang seleksyon ng mga kulay dito sa package na ito ng mga polygon background.

polygon
Polygon Backgrounds

5. Ang mga blackboard background

blackboard
Ang mga Blackboard Background

Ang mga blackboard background ay magiging masipag na tagagawa para sa iyong mga proyekto sa pagdi-disenyo. Iwaglit ang typography, magagaling sila sa pagdidiin ng mga punto para sa pag-aalok ng mga ibebenta, sa mga materyales na pang edukasyon o sa mga posters o flyers na nagbibigay ng lakas ng loob.

Isama po ang blackboard texture sa isang sulat kamay o, mas mabuti ang chalkboard typeface para sa tunay na  back-to-school tambalan. Ang ganito ay magiging mahusay din para sa mga slides para sa pang-kolehiyo na lecture gayon din para sa advertising sa maagang sale sa Fall na may temang back-to-school.

Ang mga Blackboard background ay hindi kailangang itim. Buhayin ang tradisyonal na blackboard na texture gamit ang ma-chalk, tahimik na mga shade, tulad ng mga nandito sa koleksyo ng blackboard na imahe.   

blackboard
Ang mga Blackboard Background

6. Ang mga Watercolor Background

Gusto mo bang magdagdag ng ma-pintura at masining na itsura sa iyong disenyo? Ang mga Watercolor na background ay perpekto sa pagbibigay ng organiko, gawa ng kamay na istilo sa iyong gawa, na hindi na nangangailangan na kumuha ng paintbrush.

watercolor
Watercolor Splash na Background

Ang mga Watercolor na texture ay hindi lamang bagay sa advertising art sales- dahil kumakatawan sila sa bagay na gawa ng kamay, sila ay bagay na bagay sa pagbibigay tatak at pagbabalot para sa organikong mga produkto o mga independenteng mga negosyo. Subukan mong ihalo sila sa mga kosmetiko o  mga disenyo ng kahon ng alahas para magdagdag ng isang gawang-bahay, magandang itsura.

Ang mga Watercolor na texture ay maaaring magbigay ng labis na kakaibang karakter sa iyong mga layout kapag inilagay sa ibang paraan ng pagkukulay. Sa koleksyon na ito ng watercolour na texture, isang maliwanag turquoise blue ay may pakiramdam ng summer holiday (magaling para sa mga flyers ng mga hotel at website); ang isang matingkad na pula ay may pakiramdam ng matapang na graffiti, at ang isang berdeng oliba , navy blue at blend ng itim (nilitratuhan) ay mayroong natural na istilo, na maaari ring gumawi papunta sa malalam na itsura kapag pinadilim.

watercolor
Watercolor Splash na Background

7. Ang mga Bokeh na background

Ang mga Bokeh na background ay gawa sa pixels ng abstract na ilaw upang lumikha ng epektong mala-camera. Pwede silang magdagdag ng parang kalangitan, panaginip na kalidad sa iyong mga disenyo.

bokeh
Abstract Light Bokeh na Background

Angkop sa lahat ng uri ng media, ang mga bokeh na texture ay napakagaling sa pagpapalambot ng mga layout, tumutulong na makadagdag ng isang maganda, nakatutok sa kalambutan na istilo para sa mga website, magazine, balat ng libro – kahit ano. Ang Bokeh na mga background ay may natural na istilong pang-kababaihan na gumagawa sa kanilang perpekto para sa mga katalogo para sa fashion, stationary ng mga kasal, o para sa simpleng pagpapakita ng magagandang imahe o palalimbagan.

Magtabi ng koleksyon ng Bokeh na Background upang maibigay kapag ang isang kliyente ay gustong pababain ang disenyo o gusto itong magmukhang malambot at nakakakalma.

bokeh
Abstract Light Bokeh na Background

8. Ang papel na background

Ako ay personal na gumagamit ng paper background sa karamihan ng aking mga proyektong pang-disenyo, at halos binubuo ko ang koleksyon bilang resulta nito. Ang mga papel na imahe ay nagdadagdag ng banayad na texture sa mga poster, flyer, stationary at mga web pages.

paper
Worn Paper na mga Background

Para sa mga makalumang-inspirado at patag na istilo na mga disenyo, ang papel na background ay hindi pwedeng mawala – tingnan mo ang iyong mga disenyo na mahiwagang nagbabago mula sa malutong at kontemporaryo patungo sa tamang-tamang may kalumaan kaagad.

Kahit na ikaw ay naglalayon na limbagin ang iyong mga bagay sa isang papel o card, ang pagdadagdag ng isang ‘pekeng‘ papel na background ay magdadagdag lamang sa pandamdam na pakiramdam ng natapos mong gawain. Isang magaling ding pandaraya sa paggawa ng  nakalimbag na bagay na magparamdam ng may kaluhuhan kung ang iyong budget ay hindi na mababanat para sa paglilimbag ng mamahalin, textured na papel.

paper
Worn Paper na mga Background

Kabilang sa koleksyon ng mga papel na background na ito ang hanay ng mga kupas na kulay , mula sa mas cool na grey tones sa pamamagitan ng mas mainit na mga pastel.

paper
Worn Paper na mga Background

9. Ang mga brick background

Ang mga brick ay magagaling na texture na magkaroon, tamang-tama para sa pagpapakita ng imaheng may kuwadro, laban o nakaupo sa likod ng istilong graffiti na palalimbagan.

brick
Pakete ng mga Brick na Background

Ang Brick na mga backgrounds ay nagbibigay ng sapat na interes upang maging ang pangunahing visual na tampok ng isang layout, habang nananatiling pare-pareho upang mapalutang ang teksto. Sila ay pwedeng mayroong kupas , malamlam na itsura o isang malinis, red-brick na istilo, ginagawa silang bagay sa hanay ng mga proyekto at istilo.

brick
Pakete ng mga Brick na Background

Ang malawak na hanay ng brick na mga texture ay may mga istilo na bagay sa bawat panuri, mula sa malinis na burnt terracotta hanggang sa makalumang itsurang maroon.

brick
Pakete ng mga Brick na Background

10. Ang Puting Background

Walang duda ang pinaka maraming nagagawa sa lahat ng mga background sa iyong koleksyon, isang pangunahing hanay ng puting mga texture ay magiging matibay na paborito sa paggamit sa iyong mga proyektong pang-disenyo.

Kahit na ang mga puting background ay kulang sa kulay at isang out-there na disenyo, sila ay madaling ibagay at nagbibigay ng agarang solusyon sa pagdadagdag ng mga labis na hinahanap na propesyonal na itsura. Isantabi ang grapika, palalimbagan at kahit anong texture sa mga poster, stationary, websites, cards at takip, sila ay nagbibigay ng agarang ‘texture-boost’.

white
Bigkis ng mga Puting Background

Ang koleksyon ng mga puting texture ay naglalaman ng 46 na mataas na resolusyong mga background, may accent ng tela, papel, kahoy at brick. Subukan mo at panoorin ng madalian itong maging ang pinaka-gamiting background sa iyong koleksyon.

white
Bigkis ng mga Puting Background

Ang Iyong Pangunahing Koleksyon ng Background

Ang mga background ay ang gulugod ng kahit anong magaling na disenyo ng layout, nagdadagdag ng banayad na texture, interes at kulay habang hinahayaang magningning ang mas malalakas na elemento. Ang koleksyon ng 10 mahahalagang mga background ay tutulungan ka sa kahit anong proyektong pang-disenyo, kahit anong tema at kahit sino ang kliyente…

  1. Ang Concrete Background
  2. Ang Space Background
  3. Ang Grunge Background
  4. Ang mga Polygon Background
  5. Ang mga blackboard background
  6. Ang mga Watercolor background
  7. Ang mga Bokeh na background
  8. Ang papel na background
  9. Ang mga brick na Background
  10. At huwag kalimutan…ang puting background

Sa pamamagitan ng mahirap na taluning grupo ng mga texture na nasa kamay, umaasa ako na makikita mo ang iyong mga proyektong pang-disenyo sa hinaharap na magmukhang mas mukhang propesyonal at kapansin-pansin nang bahagya.

Kung ikaw ay naghahanap pa rin ng mailap na background, siguraduhin mong umindayog sa Envato Market at tingnan ang hanay ng mahahalagang mga texture doon.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.